Stupidity @ 04
ARCHIE POV
KINABUKASAN ay buong araw akong hindi tinigilan ni Lester para tulungan kuno siya kay Cosette, gusto niyang ilakad ko siya sa dalaga. Paano ko naman iyon gagawain kung hindi ko naman close ang isang iyon.
Nang sumapit ang tanghali ay lalapitan ko na sana si Lester upang ayaing mag lunch pero ang magaling na lalaki ay mabilis na lumapit sa inuupuan ng kaniyang bagong gusto.
Palihim akong napa rolled eyes matapos makita ang kaniyang ikinilos kaya naman ay napag desisyonan ko na lang na umalis ng hindi nag sasabi sa kaniya.
Mukha namang hindi niya mapapansin ang pag alis ko dahil sa babae na iyon, good for him kung mapasagot niya.
Edi, mag sama sila!
“Kulang nalang magyakap ang mga kilay mo sa sobrang kunot,” napa angat ako ng tingin ng makarinig ng nagsalita.
Nawala nga si Lester, ito naman ang pumalit.
“Ano naman ang ginagawa mo rito?“ tanong ko bago binalik ang tingin sa librong aking binabasa.
Kasalukuyan akong nasa library at nag babasa upang marefresh ang mga lesson sa utak ko. Inialis ko ang tingin sa kaniya dahil para iparating na ayoko ng ginugulo ako.
“Wala naman, nakita lang kita. Grabe pala magiging matalino mo 'no? Pa'no mo nagagawang magbasa ng nakabaliktad? Alien ka ba?“ Inilapag ko ang libro saka siya tiningnan.
May pagka mangha ang kaniyang mata, nag mumukha siyang bata na nakatuklas ng bago sa mas nakakatanda sa kaniya.
Napabalik nalang ang tingin ko sa libro kaya mahina akong tumikhim bago sinara ang libro at inilagay sa aking gilid saka kinuha ang isa pang libro na kinuha ko. Binuklat ko ito at sa oras na 'to ay nasa tamang ayos na.
Nakakainis, gano'n naba ko kalutang?
“Something's wrong with you?“ Anito.
Hindi ko siya nilingon o pag tuunan ng pansin. I know him, not personally pero may ugali siya na sobrang ingay at makulit base sa nakikita ko sa kaniya sa loob ng classroom. Mga klase ng ugali na ayoko, makulit rin naman si Lester pero sumobra naman itong si Rio.
Parang namangka pa ang mga tao nang saluhin niya ang pinaulan ng dyos na kakulitan.
“I know you are quite silent lalo na kapag hindi mo ka-close pero hindi ka naman mahirap basahin,” tinutuloy nito ang pag sasalita kahit ayokong marinig.
“You know what, kung hindi ka mananahimik aalis na lang ako, iniistorbo mo ang pag aaral ko,” tumayo ako upang ibalik ang mga librong pinag kukuha ko.
Nararamdaman ko ang pag sunod nito sa akin, para siyang tutang sunod nang sunod sa amo. Nakakapikon na talaga ang kakulitan ng isang to, baka hindi ko to matansya.
“Bakit ang lungkot mo?“ biglang tanong nito na nagpatigil sa akin sa aking ginagawa.
Kunot-noong nilingo ko siya dahil sa waang katuturang sinabi niya, sinong malungkot? At bakit naman?
Sinungaling.
“Ano?“
“I'm asking, why you're upset? Is there any problem? Or you and Vallejo had fight about something?“ Pang uusyoso niya.
Ano bang pinag sasabi ng lalaki na to?
“Pwede ba? Kung wala kang sasabihin matino, umalis ka na,” pantataboy ko sa kaniya ngunit hindi ito natinag kaya ginamit ko na ang paraang alam kong mawawalan siya ng choice, “gusto mo bang bawiin ko ang pagpayag na i-tutor ka sa weekend?“ pananakot ko na ikinalaki ng kaniyang mata.
“Ahhh—haha may nakalimutan pala akong gawin, sige maiwan na muna kita dito Carter, kita nalang tayo sa linggo,” sumaludo pa ito sa'kin bago nag lakad papalabas ng library.
Baliw din talaga ang isang iyon, halos wala siyang pinag kaiba.
Ha? Ako yata ang nababaliw. Bakit ko naman pinag hahambing ang dalawang iyon.
Nang masuguro kong maayos ko ng naibalik ang lahat ng libro ay nag sulat ulit ako sa record book ng library, tanda na nakalabas na ko ng library.
Habang nag lalakad ay nakaramdam ako ng pangangalam ng sikmura kaya napag desisyonan ko nalang na dumiretso saglit ng cafeteria para bumili ng snack. Ayokong kumain ng kanin, wala akong gana.
Matapos makabili ng pagkain ay binuksan ko ang isa sa mga biscuit na binili ko sa cafeteria at kinain ito habang nag lalakad pabalik ng classroom.
“CARTER!!“ para namang napantig ang aking taenga ng maranig ang napaka lakas na boses habang isinigaw ng pangalan ko.
Lumingon ako at hinaharap ang tumatakbong si Lester papunta sa akin. Mabuti nalang at walang ibang nag lalakad sa hallway ngayon kaya hindi kami napag tinginan. Sinubo ko ang huling piraso ng binuksan kong biscuit bago siya makarating sa tapat ko.
Tumatagaktak ang mga pawis nito at parang hinahabol ang kaniyang hininga kaya hindi muna nakapag salita. Nang makabalik ang kaniyang natural na pag hinga ay magkabilang balikat niya akong hinawakan kaya napatingin ako sa kaniya ng tuwid.
“Saan kaba nanggaling? Alam mo bang kanina pa 'ko nag hahanap sa'yo!“ halos sumigaw na siya at medyo nadidiin narin ang kaniyang pag hawak sa balikat ko.
Hinahanap? Bakit? Para nanaman kulitin ako tungkol kay Cosette?
Talagang nga namang patay na patay ang lalaking ito sa bagong kaklase namin. I should be happy, right? He is into someone na ngayon pero may bagay na nananatiling bumabagabag sa akin na hindi ko mawari na kung ano.
“Bakit naman?“ tanging tanong ko.
“Hindi ka nag rereply sa text ko, pati mga calls ko hindi mo sinasagot! Tingin mo hindi ako mag aalala kunganong nangyari sayo?“ nagagalit na anito saka tinanggal ang pagkakahawak sa balikat ko.
“Ah—”
“If you're mad na kinukulit kita about Cosette, sige I'll stop. If you like you can just tell me naman, diba?“ Aniya ngunit mali ang interpretasyon, dahil wala naman gusto kay Cosette.
“What? Y-you like me… Arch?“ parehas kaming napahinto ni Lester nang marinig ang isang pamilyar na boses.
Wf!!!!
Nilingon ko ang likod ko at nasiguro ko—namin na si Cosette nga ang nasa likod ko na nag salita.
“A-archie, is that true?“ tanong nito.
“C-cosette, is—” hindi na naituloy ni Archie ang kaniyang dapat na sasabihin ng sinenyasan siya ni Cosette na huminto.
“I-i know, it's been a long and ngayon nalang ulit tayo nag kita but.. I'm s-sorry if I can't accept you if you're going to confess, I'm sorry talaga!“ tuloy-tuloy nitong sambit pagkatapos ay nag bow sakin at biglang tumakbo papalayo sa amin.
The heck!?
Ilang segundong naging makabasag pinggan ang dumaan sa aming dalawa ni Lester bago siya may kahinaang tumikhim.
Nilingon ko siya at ang mukha niya ay parang natatawa ngunit hindi niya magawa dahil sa pag pilit sa sariling pigilan ito.
“Sige, pigilan mo, mautot ka sana!“ sigaw ko sa kaniya bago siya iniwang mag isa.
Nang makaakyat sa hagdan papunta sa susunod na floor kung nasaan ang classroom namin ay narinig ko pa ang paghalakhak niya.
Bwesit! Kasalanan 'to ni Lester, na misunderstood tuloy na may gusto ako sa kaniya.
Napapailing-iling nalang ako at ipinag patuloy ang pag lalakad hanggang sa makarating sa classroom namin.
Pagkaupo ko palang ay isa pang bwesit ang tumabi sa'kin.
“Oh? Naandito kana pala? Alam mo bang parang pulis si Carter kanina kahahanap sayo? Mabuti nalang at nakasalubong ko,” pagkukwento nito.
“Huwag mong abalahin si Archie, Rio! Baka mauna pang mamuti ang uwak bago ka niyan kausapin, HAHAHA!“ pang aasar ng isa naming kaklase na ikinatawa naman ng lahat.
May point siya do'n, wala talaga akong balak na kausapin ang isang ito.
“Hoy! Huwag ka kayong ganiyan sa bespren ko, hindi naman siya gano'n ka-unapproachable,” pag tatanggol nito sa'kin.
“Wews! Bespren daw, ilusyonado! Hindi ka gagawing bespren niyan, talino mo nga wala pa sa one-fourth ng katalinuhan ni Carter,” muli nitong pang aasar na muling ikinatawa ng ilan.
“Don't worry bespren, dedma tayo sa basher,” pang coconfort nito habang hinahagod ako sa aking likod habang ang tingin ay nasa mga kaklase namin.
Tiningnan ko siya habang naka kunot ang noo, hindi ko alam ang pakulo ng isang ito pero masyado naman yatang feeling close? Wala pa nga kaming matinong usapan.
Inirapan ko nalang siya bago binuksan ang natitirang biscuit na binili ko. Wala akong suot na headset na makakapag alis ng mga boses sa paligid ko kaya rinig na rinig ko ang ingay nilang lahat. Hindi ko kase alam kung saan ko nailagay kagabi.
“Ah! Anyway, nakita kana ba ni Lester? Hinanap ka no'n sa'kin kaya sinabi kong nasa library ka,” anito.
“No, we met in hallway,” tanging sagot ko lang.
“Gano'n? Edi nabaliw pala ulit siya kahahanap sayo, HAHAHA!“ natatawang aniya, mukha ngang enjoy na enjoy kang pag tripan si Lester.
“Shut your mouth or else, you're not going to my house this weekend,” pananakot ko na ikinatayo niya.
“Yes sire,” simaludo ito at umakto na zi-ni-pper ang bibig bago lumayo sa akin.
Sa wakas, katahimikan.
Hanggang sa matapos ang klase namin ngayong araw ay hindi na ako ginulo ni Rio pati na si Lester, hindi ko alam kung bakit. Minsan weirdo talaga ang kaibigan ko na iyon.
Nililigpit ko ang lahat ng aking mga gamit at isinilid ito sa bag nang may isang pamilyar na bulto ang nakatayo sa gilid ko.
“Still mad?“ Halos pabulong na tanong nito.
“I'm not mad.“
“Broken?“
Napangiwi ako bago sumagot nang hindi parin siya nililingon, “why would I be broken?“
“Ahm.. because, Cosette rejected you?“
“Huh? I'm not into Cosette, tho,” ani ko saka ko siya tiningnan.
Nakanguso ito na parang bata habang ang tingin ay nasa mga gamit ko na inaayos. cute
Inangat ko ang aking hintuturo at pina curve ito saka inilapat sa dulo ng kaniyang ilong na sakto lang para mapapikit siya ng saglit.
Ikinangisi ko ang kaniyang nakakatuwang reaksyon, bata talagang bata.
“Stop imagining, tingnan mo na reject ako ng para naman sa wala,” inisukbit kona ang aking backpack at lumakad palabas ng classroom.
“Talaga? Wala kang gusto kay Cosette?“ Sigaw na tanong nito nang makalabas na ko ng classroom, mabuti nalang at wala ng ibang estudyante sa loob maliban sa aming dalawa.
Humabol ito sa akin saka ako inakbayan at sumabay sa aking pag lakad.
“Edi, pwedeng pwede ko pala siyang pormahan kung gano'n,” may tuwa sa boses na aniya
“Edi pormahan mo, goodluck sa'yo,” nanghahamong ani ko.
“Wala ka nanamang bilib sa akin?“ Itinapat pa nito ang isang kamay sa dibdib habang umaarteng nasasaktan, “you really know how to hurt me, 'no?“
Yeah, you too.
tbc~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro