Stupidity @ 02
ARCHIE POV
HINDI ko alam kung bakit ako pinatawag ng Dean pero hula ko ay dahil iyon kay Lester. Hindi pa ko sigurado ngunit para na kong inaatake sa sobrang kaba, ramdam ko ang kaba kahit pababa palang ng building ng senior high.
Dapat talaga hindi ko na iniwan ang loko-loko na iyon kanina, pero kung nanatili ako ro'n ay baka ako ang makabbugbog sa siraulo na iyon kapag nag kataon.
Ang bobo kase bakit nagpahuli, sa dinami-rami ng mga kalokohan na ginawa ngayon pa talaga siya nagpahuli sa Dean.
Itatakwil na talaga kitang kaibigan! Joke.
Syempre, hindi ko magagawa 'yon sa lalaki na iyon kahit nuknukan ng pagiging siraulo.
Nang malapit na kaming makarating sa opisina ng Dean ay nakasabay namin ang dalawa pang estudyante na nag uusap, mukhang sa Dean's Office din ang tungo.
"Seryoso kaba na si Kuya Jeff iyon?" rinig kong bulong nito ng makalapit sa amin ng tuluyan.
"Ley, bilisan na natin baka mapagalitan tayo ng tuluyan ni Miss," sabi ng estudyanteng tumawag sa akin mula sa classroom.
Mukha namang nautusan lamang sila ng Dean ng school.
Muli akong lumingon sa kasama noong tumawag sa akin na estudyante. Mukha itong nahihiya pero kapansin-pansin na nababahiran din ito ng inis, para itong hindi mapakali sa kaniyang kinakatayuan ng huminto kami sa harap ng dean's office. Mukhang grade 11 palang ito base sa kaniyang ID lace na suot.
Medyo natataranta na rin ito na parang balisa, gusto sana siyang kunsultahin ng bigla itong mapatingin sa akin. Nahihiya siyang tumango saka mabilis na nag iwas ng tingin. Napa iling-iling na lamang ako at hindi siya muling pinag tuunan ng pansin at sumandal na lamang sa pader sa aking likuran.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang secretary ng Dean na si Miss Gemma. Kinausap nito ang dalawang estudyante tungkol sa ginawa ng Dean na dahilan ng kanilang tuluyang pag liban sa unang klase ngayong umaga. Bakas naman ang tuwa't galak ng dalawa ng malamang naexcuse silang dalawa at hindi mapapagalitan ng kanilang guro. Nagpaalam ang mga ito kay Miss Gemma pati narin sa amin bago tuluyang umalis.
Nang makaalis ang dalawa saka kami sinenyasan ni Miss Gemma na pumaosk sa loob ng opisina at dahil close to perfect akong tao (eme) ay tama ang hinala kong naandito nga ang magaling kong kaibigan.
Sumenyas ang Dean sa amin ng isang babaeng kasama kong naiwan kanina sa labas. Pumuwesto ako sa likod ng aking magaling na best friend habang siya ay sa gilid ng lalaking dinaig pa si Heneral Luna sa tapang ng mukha nito.
"Mr. Carter, and Ms. Hilario, have you know why your here?" Tanong nito na agad ko namang hinindian habang napayuko lamang ang babae.
Ano nga ba naman kase ang ginagawa ko rito?
"We are all here to settle this problem, between Mr. Hilario and Mr. Vallejo," anito.
"But why do I need here? I'm not his guardian?" tanong ko. May idea ako kung bakit naandito si Lester pero ang tawagin ako sa kalagitnaan ng klase ang wala.
"About that, I want to confirm something kaya kita pinapunta dito. Ang pahayag kase ni Mr. Hilario ay nabuntis daw nitong si Mr. Vallejo ang kaniyang kapatid at ngayon ay ayaw panagutan ang bata, may nalalaman kaba tungkol dito?" tanong sa akin mg Dean.
Dahil sa sinabi ng Dean ay agad akong napahawak sa balikat ni Lester at tiningnan siya mula sa gilid niya. "Nakabuntis ka?"
"What? Pati ba naman ikaw? Of course hindi!" depensa nito.
Mula ng makapasok ako ng opisina ng dean ay kakaiba na ang katahimikan nitong kaibigan ko kaya nababatid kong may hindi magandang nangyari mula ng makapasok siya ng Dean's Office.
"Dean, do you have any proof to stare your accusation?" Tanong ko rito.
"Of course, of course, that's why pinatawag ko rin ang kapatid nitong si Mr. Hilario na si Ms Serina Hilario upang ipakonpirma ang alegasyon niya," tinuro ng Dean ang babae sa tabi ng tinawag niyang Mr. Hilario.
"Hija, totoo ba ang sinabi ng kuya mo na si Mr. Vallejo ang gumawa sa iyo niyan? Kase kung ganoon nga ay ipapatawag ko ang both parents ninyo para sila ay makapag usap tungkol sa kaso ninyong dalawa ni Mr. Vallejo," paliwanag sa babae ng dean.
Kung ganoon kaya siya nababalisa mula pa sa labas ng opisina ng dean dahil mukhang may ideya na siya kung bakit siya pinatawag mula sa kanilang classroom.
Serina Hilario? Naalala ko na, pamilyar ang pangalan ng babae na 'to. Minsan ko ng nakita ang pangalan niya sa ilang mga nag iiwan ng mga matatamis na pagkain ni Lester sa classroom namin na may number pa niya. Kung gano'n hindi ko matitiyak kung nag sasabi nga ba ng totoo ang babae na ito? Dahil kung may gusto siya kay Lester ay tiyak na iga-grab na niya ang once in a blue moon na ganitong opportunity bilang tagahanga ni Lester.
Fucking shit! Hindi pwede! Hindi maaari! Hindi ako makapapayag! Pero ano nga bang laban ko kapag nagkataon? Syempre wala! Engot ka talaga, Archie!
"D-dean, y-you don't have to w-worry about it po, k-kase hindi naman po si L-Lester ang d-daddy ng baby k-ko," garalgal nitong sagot sa dean, may namumuo narin na hula sa kaniyang mga mata na pilit niyang pinipigilan.
"Anong hindi!? Huwag mo ngang pagtakpan ang lalaki na iyan!" galit na sigaw naman ng lalaking sa kapatid.
"Kuya, Ano ba! Hindi naman kase talaga siya," naiinis na sigaw nito sa kaniyang kapatid.
"Anong hindi? Halos araw-araw gumagawa ka ng sulat tapos minsan may mga kung ano-anong matatamis para ibigay sa loko-loko na iyan! Tapos ngayon sasabihin mo na hindi siya ang ama niyan!?" I can feel his care to his sister, ginawa niya ang ganitong bagay para makaganti sa kung sino man ang lumapastangan sa kaniyang kapatid.
"Oo, aaminin ko, gumagawa ako ng letters and I also bought him some sweets pero hindi ibig sabihin no'n we're in a relationship! I'm just doing that because of my adoration for him," nangingid ang mga luhang sigaw nito sa kaniyang kapatid, "Ano ba kuya, kung ipapahiya mo ang sarili mo, pwede bang 'wag mo na kong idamay!" nanggagalaiti sa galit na sigaw nito saka biglang tumakbo papalabas ng opisina ng dean. Wala ring sabi-sabi na sinundan siya ng kaniyang kuya papalaba.
Tanging ako, si Lester, si Miss Gemma at ang Dean na lamang ang naiwan sa loob ng kaniyang sariling opisina. Wala ni isa sa amin ang nakapag salita at pare-parehas na tikom ang mga bibig ng ilang sigundo bago tumikhim ang Dean.
Ngingiti-ngiti naman ako bago umupo kung saan umupo ang lalaki kanina. "Pa'no ba 'yan Dean, case dismissed na 'to, 'di po ba?"
"Hmm.. mukha ngang misunderstanding lamang iyon," magandang balita sa pandinig niyang ani, "ngunit kahit ganoon ay hindi parin mabubira ang record ninyong dalawa dito sa office ni Mr. Hilario dahil sa pag susuntukan ninyo sa harap ng gate," paalala niya kay Lester.
Umismid lang ito at hindi sumagot kaya of course bilang isang butihing kaibigan, ako na ang mag a-adjust.
Bumalik ako sa pinuwestuhan ko kanina, sa likod ng aking kaibigan. "Don't worry Dean, I assure you that this kind of commotion will never be happen again," nakangiting sabi ko kay Dean habang bahagya kong idini-diin ang kamay ko na nakapatong sa balikat ng aking kaibigan.
Batid kong pinipigilan lamang nito na sumigaw dahil nasa harap namin ang Dean at posible nitong dagdagan ang record ni Lester.
"Ipapaubaya ko na sa iyo ang bagay na iyan, Mr. Carter," anito. "You both can leave now."
Parehas kaming nag paalam ni Lester sa Dean at kay Miss Gemma bago lumabas ng office, pagkasara ko ng pintuan ay nilingon ko ang kaibigan kong naka kunot-noo habang ang tingin ay nasa sahig.
I grinned right after seeing this kind of adorable sight.
"H'wag, ka nang mag maktol diyan," inakbayan ko siya at may kalakasang tinapik ang kaniyang dibdib, "halika sa clinic ibalik natin sa dating ayos 'yang mukha mo." Ani ko saka kami nag umpisang mag lakad papuntang clinic.
"GRABE ang bangas ko, bawas points 'to sa mga girls ko," anito habang naka tingin sa salamin at pinag mamasdan ang mga bangas sa kaniyang mukha.
I clinched my fist while looking for band aid I'll use after hearing his words. Nang makita ko ang isang box ng ban aid ay saka lamang ako lumapit sa kaniya.
Nag hatak ako ng isang upuan papunta sa kaniyang inuupuan na clinical bed.
"Tigilan mo na 'yan, dala lang 'yan ng sapak sayo," pang aasar ko na ikinanguso ito. "Ang pangit mo na nga, pinapangit kapa lalo."
"Hah! Sa'n banda naman sa mukha ko ang sinasabi mo?" matapang na tanong nito bahang nakatingi sa'kin.
Ang tingin na 'yan! Bwesit ka talaga, Lester!
"Oo na, oo na, ikaw na ang pinaka gwapo sa buong mundo," sarkastiko kong sabi bilang pag suko, "hindi ka sana kidlatan dyan."
"HOY! HUWAG KA NGANG GANYAN!"
"YUCK! Isa kang malaking 'yuck'," singhal ko sa kaniya bago inilapat sa gilid ng kaniyang labi ang bulak na may alcohol.
Nang makadampi ang piraso ng bulak sa gilid ng kaniyang labi ay inilayo din niya agad ang kaniyang mukha, sakto lang para magkaron ng pagitan sa kanila ng bulak.
"Ginagawa mo? Gusto mong ibuhos ko sa sugat mo lahat ng alcohol?" pagbabanta ko.
"Eh, ayoko niyan masakit," matalim na tingin ang kaniyang ibinigay sa piraso ng bulak na hawak ko. "May betadine naman kase, bakit iyan pa?"
"Tanga! Hindi naman kalakihan ang sugat mo, lilinisan ko lang dahil matagal na nahayaan iyan sa office ni Dean kanina!" napatayo ako saka siya dinuro-duro.
"Mahapdi kase!"
"Tiisin mo tanga! Mga chat ko sayo no'ng linggo natiis mong hindi pansinin tas itong alcohol lang, inaartehan mo pa!" Galit na pangaral ko bago muling lumapit upang ipag patuloy ang pag lilinis ng kaniyang sugat.
Pilit pa nitong inihaharang ang kaniyang kamay akin para pigilan ako ngunit hindi ko siya hahayaang manalo sa'kin.
Never.
"Ano ba, ang ing-" parehas kaming napahinto ni Lester ng makarinig ng tunog nahulog na bagay kaya naman parehas naming sinundan ng tingin ang pinanggalingan nito.
Si Nurse Shane.
Nakatulala lamang ito na parang gulat-gulat na akala mo ay nakakita ng multo. Muli kong ibinalik ang tingin kay Lester at ganoon din siya hindi namin namalayan ng mag tama ang tingin namin ay doon ko lamang napansin ang pwesto naming dalawa.
Shiit!
tbc~
________________
Archie be like:
HAHAHHAHAHAHAHAHHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro