Stupidity @ 01
ARCHIE POV
ICURRENTLY looking for some of my stuffs that I need for today's class when I hear a knock through my door.
"It's unlocked!" I shout.
Hindi na ko nag laan ng oras para magbukas ng pintuan dahil sakalukuyang nasa ilalim ng aking higaan ang kalahati ng katawan ko para kuhin ang isang case ko na hindi ko alam kung pa'no napunta sa ilalim.
"What are you doin'?" narinig ko ang bawat yapak ng kaniyang paa papalapit sa higaan ko at isang bagay ang ginawa niya na kinagulat ko kaya dali-dali akong umalis sa ilalim ng kama pagka abot ng pencil case.
"I lost this," pinakita ko sa kaniya ang case na kinuha ko sa ilalim ng higaan.
Hindi siya sumagot at dirediretso lamang na umupo sa aking kama. Prente itong nakaupo na akala moay nasa sarili niyang kwarto.
Namalayan ko nalang na napatitig na pala ako sa kaniya ng igalaw nito ang ulo papunta sakin kaya dali-dali akong tumayo at pinag pagan ang sariling damit.
"Hindi ka pa naliligo?" Nakangiwing aniya na parang ako na ang pinaka madungis na tao sa buong mundo.
"Niligpit ko pa 'yong mga gamit ko, naka tulugan ko yata kagabi," humihikab pa ko bago isinilid sa bag ang case at mga naiwang mga gamit.
Nanatili lamang ang ekspesyon nito kaya naipatong ko ang isang kamay sa bewang. "O.A mo."
"Tch, kalalaki mong tao, ang bagal-bagal mong kumilos. Bilis! Bilis! Natakbo ang oras," pang tataboy nito.
"Ang dami mong ebas, lumabas ka nga ng kwarto ko! Do'n ka sa salas mag antay!" Pantataboy ko din sa kaniya. Hinila ko siya palabas ng kwarto ko at hindi naman na ito nakipag talo pa, pinapabigat lang ang sarili para mahirapan akong itulak siya palabas.
Nang tuluyan ko nang maisara ang pinto ay saka lang ako nakahinga ng maliwag.
Bwesit na lalaking iyon!
Nang masigurong naipasok ko na lahat ng school supplies kong naka-kalat ay hinanda ko na rin ang panligo saka pumasok ng banyo. Matapos maligo ay agad na kong nagbihis ay lumabas ng kwarto.
Natagpuan ko sa salas ang kaibigan ko habang nakikipag kwentuhan kay Mommy.
"Ito na pala ang señorito," napakamot nalang ako sa kilay dahil kasarkastikuhan ng nanay ko. "Kahit kailan talaga, parang pagong kumilos. Hala, sige! Kumain na kayong dalawa at ako'y aalis na," aniya bago lumalik sa pinge ko bago lumabas ng bahay.
Hindi pa ko nakasubo ng bumalik ito. "Huwag kalimutan ilock ang bahay ha!"
Narinig ko naman ang bungisngis ng kaibigan kong si Lester.
"Si tita lang yata ang kilala kong hanggang ngayon hindi parin nagbabago," aniya.
"Tita pala ha? Sumbong kita!" Kunyaring pananakot ko.
"Bago mo ko masumbong mawawalan ka muna ng labi kaya umayos ko!" Pananakot naman nito.
Oh, scary.
Lester's mom died years ago kaya silang dalawa nalang ni tito ang magkasama. Sa kasamaang palad pa ay sobrang busy rin nito sa trabaho kaya nawawalan na sila ng oras para mag bonding na mag ama. Tingin ko naman ay ginagawa lamang iyon ni tito upang may mapag balingan ng atensyon para kahit papaano ay mabawasan ang lungot mula sa pagkasawi ng asawa.
Natawa nalang ako bago ko siya sinabihang bilisan sa pagkain dahil baka mamaya ay malate pa kaming dalawa.
Ginamit namin ang sarili niyang kotse papuntang school. Syempre, siya ang driver ko. Binuksan ko lang ang radyo nito saka tahimik na nakatingin sa labas ng sasakyan. Hindi na ko inabala ni Lester at patuloy lang siya sa pag da-drive.
Ayoko munang mag isip. Sa ganitong panahon nakukuha ko ang peace of mind na gusto ko kahit ilang minuto lang.
"Hey! Gising na!" Dahan dahan kong ibinukas ang talukap ng aking mga mata.
Dahil siguro sa katahimikan ay hindi na namalayang nakatulog na pala ako. Napahikab muna ako bago siya nilingon.
"Are you really that tired?" Pag aalalang tanong nito.
"Maybe? Ang dami ko rin kaseng tinapos kagabi, hindi narin alam kung anong oras ako natapos kaya baka gano'n nga," ani ko.
"Tara na," anyaya ko bago binuksan ang pintuan ng kotse.
Kapag ganitong oras maririnig na ang ingay ng mga estudyanteng papasok. Hindi naman kase kami maaga kung pumasok.
"Bilisan mo nga! Kabagalan mo talaga!" sigaw ko kay Lester na kabababa lamang galing sa kotse niya. Ipinark niya muna kase ito bago lumabas.
"Talagang galing pa sayo ha!" Ngisi lamang ang iginanti ko sa kaniya kaya ang ending ay binatukan ako ng loko.
Sabay kaming nag lakad papasok ngunit pagkapasok namin ay bigla nalang halos lumipad si Lester dahil sa pagkasuntok sa kaniya.
"Hoy! Gago ka ha!" Sigaw ko sa taong nanapak sa kaniya at ako na mismo ang gumanti. Matapos no'n ay agad kong nilapitan si Lester para tulungan siyang tumayo.
Pumutok ang labi nito kaya may kakaunting dugo sa gilid ng kaniyang labi. "You alright?" Pabulong kong tanong at siya naman ay tumango-tango lamang bilang sagot.
"D-don't worry, malayo to sa bituka," bulong nito at nakuha pang mag biro kaya ako na ang lumampas sa kaniyang tyan na ikina ingit naman niya.
"Magkaibigan nga talaga kayong dalawa, parehas gago!"
Ow, I forgot about him..
"Anong problema mo at bigla-bigla kang nananapak? Ikaw yata ang gago dito, Mr. Whoever you are." sigaw ko sa kaniya at binalak ko pang sugurin siya ngunit agad akong pinigilan ni Lester.
"Ang angas mo rin 'no!? Gusto mo idamay kita d'yan sa kaibigan mong manloloko!?" pag babanta nito.
What-? Owh...
Hinarap ko si Lester at timingin sa mga mata niya. "Ang ganyang problema ay labas ako kaya... Good luck!" ani ko bago naglakad papalayo sa kanilang dalawa.
Hindi porket kaibigan ko ang loko-loko na iyon ay sasabayan ko siya sa lahat ng trip at kalokohan niya. Minsan kailangan niya ring maging independent, lalo na kung tungkol sa kabulastugan niya ang usapan.
Hindi ko naman siya tino-tolerate pero minsan kailangan niya ring matututo sa mga pagkakamali ginagawa niya.
Nang makarating ako sa aming klase ay wala pa ang aming guro kaya naman ay tinungo ko na lang ang aking upuan.
Ilang minuto pa ang dumating ay dumating na ang aming guro para sa unang klase. Nag tuloy-tuloy ang pag le-lesson ng aming guro ngunit hindi pa rin nabalik ang loko-loko kong kaibigan na unti-unti kong kinabahala.
"Nasaan na ba ang loko na iyon?" mahinang na tanong ko sa aking sarili.
"MA'AM! Excuse po kay Mr. Carter?"
Huh?
LESTER POV
HINDI makapaniwalang tinitigan ko ang papalayong si Archie matapos niya akong bigyan ng isang goodluck na halata namang hindi makakatulong sa sitwasyon ko ngayon.
Binalik ko tingin sa lalaking nasa harap ko na hindi ko naman kilala kung sino. Tumatawa ito na parang siraulo.
Teka.. hindi pa 'ko nakaganti sa pag sapak sa'kin ng isang to
Habang patawa-tawa pa siya mabilis akong lumapit upan gantihan siya sa suntok na binungad niya sakin ngayong umaga.
"Pucha!" Galit nitong turan bago ako muling sinugod upang gantihang muli ngunit hindi ito natuloy ng marinig ang pito mula sa likuran ko, ang gate.
Hinawakan nito ang braso ng lalaking sumugod sa akin dahil mukhang gusto pang dumali sa huling pagkakataon. "HOY! MGA BATA KAYO, BAKIT KAYO NG SUSUNTUKAN DIYAN? HALA, SIGE, LAKAD PAPUNTA SA OPISINA NG DEAN," maharan ang pag tulak nito samin, sapat lamang para makahakbang.
Kasama ang guard ng school ay tinahak namin ang daan papunta sa opisina ng dean. Pagkarating namin ay ilang beses kumatok ang guard bago pumasok.
"Dean, magandang umaga po. Ipapadala ko ho rito itong dalawang ito n nag susuntukan doon malapit sa guard house," anito.
Shit! Oo nga pala!
"Wha-Ehem! Sige na, bumalik kana sa pwesto mo, ako ng bahala sa dalawang bisita ko na 'to sa kaaga-agahan ng araw," pag papaalis nito sa guard na agad narin namang sinunod ng guard.
Pagkaalis ng guard ay inilahad ng dean ang kaniyang kamay sa dalawang upuan sa harap ng kaniyang table.
"Now, let's talk about the trouble you did inside the campus," seryosong aniya. Nababakas sa kaniya ang pagiging ma-autoridad na kinanakatakutan ng dating mga senior. Bagamat mabait ang pagkakakilala ng lahat sa kaniya ay hindi maiiwasang karamihan ng estudyante ay kinakabahan sa dean pagkatapos nilang manggaling sa kaniyng opisina.
"Alam ba ninyo kung anong oras palang? Siguro nga ay hindi pa nag uumpisa ang klase ninyo tapos mag aaway kayo?"
"It's not my fault, bigla niya kong sinapak pagka pasok namin ng gate," aniko at tinuro ang lalaking nasa harapan ko.
"And what is that?" Binalingan niya ang lalaking nasa harap ko na nananatili paring masama ang tingin sakin.
"Ang gagong- "watch your words young man," pag putol ng Dean sa dapat na kaniyang sasabihin.
"Sorry po," pag hingi nito ng paumanhin.
"Go, continue."
"Ang lalaking iyan kase, walang balak panagutan ang kapatid ko matapos mabuntis!" galit na anito habang dinuduro-duro pa ako.
"What? Mr. Vallejo?" Binaling ng Dean ang kaniyang kunot-noong noo sa akin.
"Dean, hindi 'yan totoo," depensa ko sa aking sarili pagka tapos ay binalingan ng tingin ang lalaking umaakusa sa akin, "What the heck you freak talking about!? I never bed someone in my life! How could I make your sister pregnant!?"
"I'm not lying Dean, this is not accusation what I tell you is fact! Itanong pa natin sa kaibigan ng lalaking 'yan! Tingin ko naman ay alam no'n ang mga kalokohan ng kaibigan niya!" Suwest'yon nito na ikinabigla ko.
"No! You can't!" pag tanggi ko sa sinabi niya.
"Why it can't, Mr. Vallejo? Are you hiding something?" agad naman akong tumalima dahil sa tanong nito.
"Dean, I'm aware about my own actions and his accusation is too far! Hindi ko magagawa ang gano'ng bagay," pag tatanggol ko sa aking sarili.
"Let's see, Mr. Vallejo." Anito bago tumayo at binuksan ang pintuan ng kaniyang opisina, sakto naman ay ang pag daan ang dalawang estudyante.
This is shit! Full of shit!
"Students, come here!" agad naman na lumapit ang estudyante. "Can you call Mr. Carter from 12 ABM - Archimedes and Miss- what is you sister's name and section?" tanong niya matapos maalalang hindi niya alam kung sino ang kapatid ng umakusa sa akin.
"Serina Hilario po from 11 STEM- Sophia, Dean." Lakas loob nitong sagot.
"Mr. Carter from 12 ABM - Archimedes and Ms. Hilario from 11 STEM - Sophia, got it?" pumayag naman ang estudyante bago nagpaalam saka umalis para tawagin ang magaling kong kaibigan.
tbc~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro