Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prolongue


Napatakip ako ng mukha nang magbalik sa aking ala-ala ang mga nangyari. Hindi iyon tama. Alam ko. Ngunit...

Nakarinig ako ng katok sa pintuan ngunit may pag dadalawang isip akong tumayo. Hindi ko alam kung sino iyon at sana naman sa lahat ng pwedeng kumatok ay hindi siya.

Halos mag iisang linggo ko na siyang iniiwasan dahil sa takot. Sa takot na malamanag galit niya, kung gaano niya ko kinasusuklaman.

Alam kong dapat na hinaharap ang problema, lagi kong hinaharap lahat ng problema ngunit sa panahon ng ganitong sitwasyon, mas gugustuhin ko nalang na tumakbo malayo sa kaniya o kaya ay magpakain sa lupa.

Crazy right? I know it. I'm thinking something stupid right now because of him. He's driving me crazy. Nakakainis!

Bakit ko pa kase nararamdaman itong bagay na to?

"Arch! Why can't you open the door?" Napabalikwas ako ng pag upo ng marinig ang kaniyang boses. Punong-puno ng kadiliman ang kaniyang mukha at awra. Like anytime soon, pwede niya kong mapatay.

Hinawakan nito ang aking magkabilang balikat, hindi ko maalis ang aking tingin sa nag aapoy niyang mga mata, makailang beses din akong napapalunok dahil sa kabang nararamdaman sa mga oras na ito.

"You'll pay for what you did!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro