Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Someone I Kiss This Valentine's


LIFE is full of unending surprises.

Diyan ako nakakasiguro dahil kahit ako din naman ay nabibigla sa nararanasan, nalalaman at nagagawa 'ko hanggang ngayon. Kaya masarap ding mabuhay, eh, kasi may palagi kang ilo-look forward na thrill sa buhay mo. Lalo na this coming valentine's day. Maglo-look forward ka talaga kung sino ang mag-aaya sa'yo sa dance ng kompanya.

Muntikan na 'kong mapatalon sa gulat nang may humawak sa balikat ko. Mabilis akong lumingon para tingnan ang pangahas na iyon. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ito.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"Nakakalunod naman ang mga tingin mo, Ave. Muntikan na 'kong hindi maka-ahon," mapagbirong ani Renzo.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko. I'm still in shocked dahil sa kanya. Nagbalik lang yata ako sa reyalidad ng pumitik na ang lalaki sa harapan ko. Mabilis kong inayos ang sarili.

"A-ano ulit 'yon?" medyo nahihiyang tanong ko.

Yumuko ako sa pagpakapahiya. Kung bakit naman kasing kaylangan ko pang ma-bato dito. Mukha tuloy akong ewan ngayon. Baka isipin pa niyang patay na patay ako sa kanya. Hindi ba?

"Ang sabi ko ang lalim naman ng iniisip mo. Care to share?" aniya saka ako tinabihan sa upuan.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago humithit sa vape na gamit ko. Tumingin ako sa City Lights. Andito kami ngayon sa rooftop ng building kung saan ako nagtra-trabaho as a Call Center Agent. Free kasing manigarilyo dito dahil puno rin ng mga halaman ang lugar. Hindi makakadagdag sa polusyon ang ibinubuga kong hangin.

"Family problem lang pero kaya naman," ani ko bago tumingin sa lalaki. "Ikaw, bakit ka nandito?"

Nagkibit balikat ang lalaki. "Ewan ko. Dapat nga ay kakain kami nina Jeshua pero bigla ko na lang silang pina-una at dumeretso dito." Huminto sa pagsasalita ang lalaki at nilingon ako.

Nahigit ko ang aking hininga nang magtama ang mga mata namin.

"Alam mo, I'm happy kasi napunta ako dito. Nakita kita."

Hindi ko alam kung matatawa ba ko o kikiligin dahil sa banat niyang mamais. Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa. Humithit ulit ako ng vape para makalimutan ang sinabi niya. Umiiling ako sa isip ko. Talaga bang nagka-crush ako sa lalaking 'to?

Muli akong napa-iling bago tinapos ang pagve-vape. Tumayo ako at saka tiningnan ang lalaki.

"Thanks sa company. I need to go." Akmang lalagpasan ko siya ng hawakan niya ako sa braso. Napalingon ako. "Bakit—"

"I know this may sounds weird but...can I ask you out later? Let's eat. May alam akong bagong resto na malapit. I think magugustuhan mo ang lugar," aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay, pati isang side ng lips ko ay tumaas. "Why do you think na sasama ako sa'yo, Renzo? You are nothing but my co-worker. Hindi nga tayo nagkaka-usap," ani ko.

"Alam ko pero kasi matagal na kitang nakikita. Matagal na din kitang gustong yayain pero hindi ako magkalakas loob. But, when I learned na may manliligaw sa'yo na taga ibang department kaya I make my move. Besides, we can be friends at first, right?"

Mukhang hindi pa yata sigurado ang loko sa mangyayari sa'min mamaya kung sakaling sumama ako sa kanya para kumain sa labas. Hindi ko alam kung dapat ba kong mag-worry or not dahil sa sinabi nitong kikilos lang siya dahil may nalaman siyang manliligaw sa'kin. Paano 'yon? Kung hindi pala manliligaw kung sino mang 'yon hindi siya kikilos?

Bitch, ano pang iniisip mo?! This is your chance! Renzo Semeros! The guy you like to date someday. Yung crush mo pagkapasok na pagkapasok mo pa lang sa office na 'to! Don't hesitate, bitch! Go for it!

Huminga ako ng malalim.

"Let me think about it muna," ani ko. Binawi ko ang braso kong hawak niya at saka maliit na ngumiti. "I will email you na lang kapag ka nakapag-decide na ako." Tinalikuran ko na ang lalaki at naglakad palapit ng elevator. Habang nasa loob ng lift ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Now nagsi-sink in sa'kin ang nangyari.

"Renzo is asking me for a date," mahinang sabi ko sa sarili ko. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Damn. I'm such a lucky girl.

I agree na kumain kami sa labas. And now, nandito kami sa isang Resto-Bar sa Makati. Bagong bukas lang tulad ng sabi niya. I like the interior. Its feels cozy dahil sa kulay nito and para pa kong nagpapahinga lang. Hindi mo talaga maiisip na Bar din 'to dahil sa ganda niya ngayon. Naglibot ako ng tingin sa paligid. Andaming nakasabi na mga plaka, tapos sa isang gilid may music player pa.

"Do you like the place?" I heard Renzo asked.

I nodded. "Yeah. I like it." tiningnan ko ang lalaki at nginitian siya. "Thanks for bringing me here," ani ko pa.

Matamis niya lang akong nginitian. "I'm happy na nagustuhan mo. Sana pati pagkain magustuhan mo," natatawang aniya.

"Tingnan natin." Bumaba ang tingin ko sa pinto ng kusina nila. "Paano mo nga pala nalaman ang lugar na 'to?"

"Dito kasi rumaraket yung Ate ko no'ng isang beses kaya naman nalaman ko 'to. Natikman ko na din ang pagkain nila. Masarap para sa'kin. Sana magustuhan mo din."

"Sana."

Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Baka mamaya magmukha akong patay-gutom sa harap niya sa pagkain namin o kaya naman makagawa ako ng mali. Susko. Nag-o-overthink na 'ko. Natigil ako sa pag-inom ng makita kung sinong papasok sa loob ng Resto.

"Uy! Tangina! Dumu-duty si gago!" pang-aasar ng isa sa kaybigan ni Renzo na sa pagkaka-alam ko ay Charlie ang pangalan. Bumaling sa'kin ang lalaki. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay naglahad ng kamay, "hello, Miss Beautiful! I'm Charlie Santos, at your service!" may pagka-flirty na sabi nito.

Para hindi maging bastos, inabot ko ang kamay niya.

"I'm Ave Maria."

"Yes, we know!" anito.

I frowned. "How?"

Nagkatingnan ang dalawa bago awkward na tumawa si Charlie. "Syempre magkatrabaho tayo talagang makikilala kita. Paano ba 'yan, aalis na 'ko. Baka kasi maka-istorbo na ko sa inyong dalawa. Enjoy kayo," anito saka kami iniwan.

"Haha...pagpasensyahan mo na lang 'yon, Ave Maria. Loko-loko lang talaga kung minsan si Charlie," aniya. Tumango ako.

Nginitian ko siya saka tinanguan na lang. Magsasalita pa sana ang lalaki pero dumating na ang order namin. Kumain kami. And what he said is true.

Talagang masarap ang pagkain sa lugar na 'to. Habang nagbru-brunch ay madami na kaming napag-usapan ni Renzo. Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siya na galing Japan. I feel like na medyo nakilala ko na siya dahil sa naging usapan namin kanina. Magaan din siyang kasama kasi palabiro. Hindi ako naburo sa mga jokes niyang mais pero I find it funny...and cute.

Gentleman...

Tanging naisip ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Lumabas ako ng kotse. Matamis niya akong nginitian.

"Sana nag-enjoy ka sa lunch natin," aniya nang maihatid niya ko sa pinto ng apartment ko.

Matamis ko siyang nginitian. "Super enjoy ako sa lunch natin. Thank you sa pag-invite sa'kin."

"No, ako nga dapat ang mag-thank you dahil pinaunlakan mo ang invitation ko. So, Ave Maria, thank you. Sana masundan pa," pabirong totoo nito.

Maliit akong nangiti pero lahat ng lamang-loob ko ay parang kinikiliti. God, hindi alam ng lalaking 'to ang epekto niya sa'kin. At ang mas nakakatawa, hindi ko rin alam na ganito pala ang magiging epekto niya sa'kin. Bahagyan akong lumapit sa kanya at magaang idinampi ang labi ko sa pisnge nito.

Natigilan siya.

"I would love to go out with you again, Renzo. Thank you," malambing kong ani. Binuksan ko na ang pinto ng apartment ko, tapos ay nilingon ko siya. "Good mornight, Renzo. See you later. Ingat ka pag-drive. Message me when you got home." After I said that ay pumasok na ko sa loob.

Pagkasaradong-pagkasarado ko ng pinto ay napasandal ako do'n. Ramdam na ramdam ko ang pagka-jelly ng mga binti ko. Pumikit ako. Hinawakan ko ang labi ko. Talaga bang hinalikan ko si Renzo? Napangiting kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Damn, girl. Ave Maria "tumatapang" Dela Cruz!

Tulad nang inaasahan ay nagtuloy-tuloy ang paglabas-labas namin ni Renzo. Ang minsanang paglabas-labas namin ay nauwi sa pagiging madalas. Ang mga puso naming naliligaw at naghahanap ng tahanan ay nahanap din ang kanilang patutunguhan...dito, sa bisig ng isa't isa. Pursigidong nanligaw sa'kin ang lalaki. Never niyang ipinaramdam na kulang ako at hindi ako sapat. He never pressure me.

Kung green flag lang din naman ang labanan. Ilalaban ko na si Renzo. Ilalaban ko ang mahal ko.

Araw ng mga puso nang patigilin ko siya ng panliligaw. Pareho pa kaming nagkagulatan dahil pati pala siya ay may gimik. May pa-candlelight dinner siya sa roof top kung saan kami unang nagkaroon ng interaction. Simula noon ay naging love nest na namin iyon kahit hindi naman sa kanila. Madalas kaming tumambay sa lugar dahil na rin sa ganda ng view.

Hindi ko inaasahan ang pangyayaring 'to sa buhay ko. Never kong inisip na magiging akin ang lalaking minsan ko lang pinangarap. I know it sounds so cheesy but what can I do? This heart of mine is full of love because of him.

"MAHAL, may duty ka ba mamaya?" rinig kong tanong ni Renzo sa labas ng banyo. Napatigil ako sa paghihilamos.

"Wala, mahal. Day off ko. Bakit?" curious kong tanong, ipagpatuloy ko ang paghihilamos ng mukha.

"Nothing, mahal. Aalis muna ako sandali. Babalik din ako," paalam nito.

Hindi na ko sumagot dahil busy ako sa pag-aalis ng bula sa mukha ko. Narinig ko na lang na nagbukas-sara ang front door namin. Nang matapos ako sa paghihilamos ay inabot ko ang towel sa towel rack. Pinunasan ko ang mukha ko bago lumabas ng CR. Nagtuloy ako sa harap ng vanity mirror ko.

Inayos ko muna ang skin care ko bago humarap sa salamin ng tuluyan. I feel so extra today. And nothing is wrong with that kasi today is our first anniversary. Malaki akong ngumiti. Naka-isang taon na pala kami. I feel so proud.

Ilang buwan na din kaming nagli-lived in. At first nakakapanibago kasi sanay akong mag-isa lang sa bahay pero ngayon okay naman na. Sa tingin ko naman ay pareho na kaming nakapag-adjust sa buhay may 'asawa'.

Nag-ayos ako ng mabuti para lang sa boyfriend ko. I want to be pretty dahil may pakiramdam akong aayain niya akong lumabas ngayon.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I know I'm pretty without make up but I want this day to be special. I put a seductive make up on, at tinernuhan ko pa 'yon ng bodycon string satin red dress na iniregalo niya sa'kin noong third monthsary namin na hindi ko nagamit dahil parehong busy sa work pero ngayon siya magagamit.

Tiningnan ko ang kabuuan ko.

Ano pang hahanapin niya sa iba. Maipagmamalaki mo naman ako sa kahit sino dahil maganda ako. My body is not perfect pero nasa pwesto lahat ng laman at taba. Malaki ang hinarap at pang-upo ko. While my face? Maganda din. I have a thick pouty lips. My eyebrows are thin. My face shaped heart. Madalas sinasabi sa'kin ng mga tao na kahawig ko daw si Angelina Jolie.

Umikot ako sa harap ng salamin para tingnan ang suot kong damit. Nasa gitna ako ng pagsuri sa sarili ko ng bumukas ang pinto.

Mula sa salamin ay kitang-kita ko ang paghinto ni Renzo. I smile seductively at him. Tumuwid ako ng tayo.

"Do you like what you're seeing?" maharot kong tanong.

He nodded.

I shake my head. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ko.

"Saan ka nanggaling?"

"Sa-sa labas...."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka naman nasa labas, aber?"

"Wag ka ng maghinala, misis ko. May binili lang ako." Lumakad siya palapit sa'kin. Mula sa salamin ay kitang-kita ko ang nag-aapoy na pagnanasa sa kaniyang mga mata. Niyakap niya sa bewang ko ang mga braso niya. "Napaka-ganda mo, mahal ko," bulong nito.

Humawak ako sa braso nito. "Mahal kita," ganting bulong ko.

Nagkatitigan kami mula sa salamin. Hindi ko inaasahan ang sunod na mga nangyari. Malayan ko na lang na nakaharap na ko sa boyfriend ko at mapang-angkin niyang hinahalikan ang mga labi ko.

Habol ang hininga naming dalawa ng maghiwalay ang aming mga labi. Pinagdikit niya ang mga noo namin.

"Happy first anniversary, love," bulong nito.

Umawang ang mga labi ko kasabay ng pag-iinit ng gilid ng mga mata ko.

"Y-you remember," naiiyak kong sabi.

Tinawanan ako ng loko. "Of course, love. Ano bang akala mo? Nakalimutan ko?" tumango ako kaya mas lalo niya akong tinawanan. Sinimangutan ko siya.

Hinawakan ng lalaki ang baba ko at itinaas ang mukha ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon para tingnang ng mabuti ang mukha niya.

Chinito si Renzo. Medyo matangos din ang ilong nito tapos makapal ang kilay. Yung labi naman niya manipis. Half Korean-Half Pilipino kasi ang lalaki kaya ang kulay nito ay Moreno na bagay naman sa kaniya.

Kusang naglakbay ang mga kamay ko sa pisnge niya.

"Mahal na mahal kita," anito. Ngumiti ako. "Kaya hindi ko pwedeng makalimutan ang araw kung kaylan tayo naging legal, mahal ko. I love you," puno ng sincerity niyang ani.

Pumikit ako at pinagdikit ang mga labi namin.

"SECRET!"

Napa-irap ako. Kanina ko pa kasi tinatanong sa kanya kung saan kami magpupunta pero hindi naman niya ako sinasagot ng matino. Puro 'secret', 'mamaya', 'malapit na' ang sinasabi niya. Nag-uumpisa na kong mainis dahil dito.

"Bakit secret pa? Manong sabihing mo na," pagpupumilit ko pa rin dito pero walang effect. Tinatawanan niya lang ako ng malakas.

Humalukipkip ako sa tabi at tumingin sa labas ng bintana.

Puro puno, dahon, at damo lang naman ang nakikita ko sa dinadaanan namin. Kanina ko pa napapansing palabas na kami ng City. Hindi ko naman alam yung daang dinadaanan namin kaya tanong ako nang tanong kay Renzo pero binubwisit lang ako ng lalaki sa mga sagot niya. Imbis na mabuwisit ng tuluyan at masira pa ang araw na 'to. Pinili ko na lang sumandal sa upuan. Unti-unti. Nilamon din ako ng antok.

"Mahal..."

Nagising ako dahil sa marahang pag-hampas ng alon...napangiti ako sa akalang nananaginip lang ako. Pero hindi...parang totoong-totoo pati na din ang huni ng mga ibon. Napadilat ako. At first blurred pa ang paningin ko pero nang makapag-adjust 'to sa liwanag ay luminaw na din. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar.

I'm not familiar with this room. Dinamba ng takot ang dibdib ko.

Mabilis ang pagbangon ko sa kama at lumabas ng pinto. Ngunit natigil ako sa paglalakad ng makitang nasa harapan kami ng dagat. Beach? Muli kong sinuri ang lugar. Nasa isa ba kong villa? Tiningnan ko ang suot kong damit. Gano'n pa din naman. Medyo kumalma ako.

Naglakad ako paalis ng lugar na 'yon. Naghahanap ako ng ibang taong makikita. Nasaan na kaya si Renzo? Ang huli kong naalala ay nasa byahe pa—

"Kanina ka pa gising?!"

Napalingon ako.

"Jeshua?!" gulat kong tawag sa kanya.

Ngumisi ang lalaki at tumango. Lumapit siya sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?! Nasaan si Renzo? Bakit ako nandito?!" sunod-sunod kong tanong.

Tinawanan niya ko at hinawalan sa balikat. Pagkatapos no'n ay hinila ko palabalik sa may Villa. Nilingon kong muli ang paligid at umaasang may ma-spot-an pang ibang tao o kaya naman turista pero bigo ako. Wala akong nakita kahit isa. Nagpatianod na lamang ako dito.

"First, andito ka kasi dito kayo magce-celebrate ng anniversary ni Renz kina-usap niya kami ni Charlie na tulungan siyang mag-ayos ng lugar. Ang problema, napa-aga kayo kaya hindi pa tapos 'tong kwarto. Second, nasa tabi-tabi lamang ang mahal mong Renzo at yung panghuli alam ko nasagot ko na." tumaas ang hawak ng lalaki sa balikat ko dahil marahan niya kong itinulak paupo.

Napahinga ako ng malaliim. Hinawakan ko ang noo ko.

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pagpapaliwanag nito. Pero galit pa din ako kay Renzo sa pag-iwan niya sa'kin ng walang kasama. Paano na lang kapag may nangyari sa'kin, anong gagawin niya? Tsk.

"Okay ka na ba?" rinig kong tanong ni Jeshua.

Tumango ako, "yes. Salamat. Pwede mo na kong iwan dito," ani ko pa.

"Right. Nasa kitchen lang ako. Call me if you need something. Pabalik na din mamaya sina Renz. Feel at home and relax, Ave Maria. Kaming bahala sa'yo."

Kinilabutan ako dahil sa huling katagang binitawan nito. Nag-angat ako ng tingin. Pinanood ko siyang lumabas ng kwarto ko. Ewan ko ba. Kahit kaylan talaga ay hindi ko nagustuhan ang dalawang kaybigan ni Renzo na kasama niya o namin. Mayroon silang vibes na hindi ko maipaliwanag. Para pa nila kong hinuhubadan sa paraan nila ng pagtingin, pati 'yung pahawak-hawak na 'yan ay hindi ako kaylaman naging komportable.

Huminga ako ng malalim.

Baka naman nago-overthink lang ako katulad ng sinasabi ni Renzo. Tama. Baka nga. Bumalik ako sa pagkakahiga ko sa kama. Nakatitig lang ako sa putting kisame ng silid ko. Pinag-iisipan ko lahat ng nangyari ngayong araw. Ang sweet naman ng boyfriend ko. Naisipan niyang mag-celebrate kami sa isang beach house. Ang dami tuloy ideas na pumapasok sa isip ko kung paano makakabawi sa kanya.

*****

HALO-HALONG ingay ang nagkalat sa buong lugar. May sirena ng pulis, mayroong sirena ng bumbero. Mga ingay ng taong nagkakagulo dahil sa malaking sunog na nangyari sa beach house. Nginig na nginig ang katawan ko dahil sa takot, gutom, shock at sakit. Hindi mapawi ang pagluha ko habang inaapula nila ang malaking apoy.

Napatakip ako sa bibig ko.

"RENZO!!!" I was shouting my boyfriend's name as if nasa malapit lang siya at madadulan ako. Pero hindi...

"MISS! MISS!"

"MAY NAHIMATAY!!"

Nagsisigawang boses ang huli kong nadinig bago ako bumagsak sa lupa, at bago ako lamunin ng dilim. Nakita kong tumatakbo ang isang lalaki palapit sa'kin. I smiled. Renzo...

"MISS, we need to know what's really happened last night."

"I know, officer," walang buhay kong sagot dito. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "H-hindi po...ba kanina ko pa sinasabi sa i-inyo ang alam ko." Tumulo ang mga luha sa mata ako. "I-I was telling the truth! B-but no one wants to listen!" puno ng hinanakit kong sigaw dito.

Napatakip ako sa mukha. Humagulgul ako.

"Haysss. Miss, wag ka nang umiyak. Questioning lang 'to!" ani ng isang Police na kasama namin sa loob.

"I also know it! kanina niyo pa sinasabi sa'kin 'yan! I already told you, officer! I told you already! W-wala akong alam! Nagswi-swimming ako sa labas! Narinig ko na lang na parang may nag-aaway sa bahay kaya bumalik ako...p-pero biglang sumabog 'yung lugar bago pa man ako makalapit do'n. S-sumabog...h-hindi ko sila nailigtas..."

Ang sakit-sakit!

"Saan ka nagdaan, Miss? Huwag mong sabihing hindi mo sila nakita sa sala."

Tumango ako. "I didn't! Kasi may balcony sa kwarto namin ng b-boyfriend ko...do'n ako nagdaan para makapunta sa beach pati na ng bumalik ako sa kwarto. You can check the cctv—"

"CCTV footages are wreck. Walang ibang lead kundi ikaw. You are one of the suspect pero kung gusto mong malinis ang pangalan mo dapat kang maki-cooperate. Anong ginagawa niyo sa lugar na 'yon ng boyfriend mo?"

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Pinunasan ko ang pisnge ko bago nagsalita.

"It's our f-first an-anniversary...dapat ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko and yet, nauwi siya sa...tra...hedya." Hindi ko na naman napigil ang pag-iyak. Kanina lamang ay masaya kami ni Renzo. Sinabi niyang sabay kaming lalangoy sa dagat pero nauwi ang lahat sa bangungut.

Namatay ang boyfriend ko sa sunog kasama nina Charlie at Jeshua. Walang nabuhay kundi ako.

Gusto kong sisishin ang sarili ko. Sana'y hindi na lamang ako nag-swimming baka napigilan ko pa ang mga nangyari. Sana hindi na lang ako umalis. Sana hindi na lang. Sana hindi na lang kami nagpunta dito...

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto ng bumukas iyon. Pumasok ang isang pulis at lumapit sa officer na kanina pa kumaka-usap sa'kin. May ibinulong ito dito.

"Sir, lason po 'yung ikinamatay. Sa kotse ng kasamahan nilang si Charlie Santos nakita ang mga bote, sir."

Nanlaki ang mga mata ko.

"What do you mean na kay Charlie niyo nakuha?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Napatingin sa'kin ang dalawa, tapos ay sinenyasan ng isang lumabas yung isa. Huminga ng malalim ang office na nagi-interview sa'kin. Umupo ito sa upuan na nasa harapan ng sa'kin.

"Miss, papakawalan ka na pero it doesn't mean na pwede kang lumabas ng bansa. Hindi. Dito ka lang muna hanggang sa matapos ang kaso," anito.

Umiiyak akong umiling. "P-please...I heard what he said! Sa-sabihin mo sa'kin...yung nangyari! Anong lason?!" pasigaw kong tanong.

Kita ko ang mariing pagpikit nito bago nagsalita. "Nasuri na kasi ang katawan ng mga namatay. Yung dalawa, halatang nagbugbugan at nagpatayan talaga pero yung isa walang kahit anong sugat bukod sa mga natamo nito sa pag-awat. Sa tingin namin ay plinano ni Charlie lahat kaya lang hindi umubra ang plano niya dahil namatay din siya."

"W-why...He is a good man—"

"Nagkaka-iringan yata. May malaking utang kasi yung dalawang magkaybigan kay Charlie. Ayaw magbayad kaya ayan. Pinatay."

"Utang..."

Nasuri na kasi ang katawan ng mga namatay. Yung dalawa, halatang nagbugbugan at nagpatayan talaga pero yung isa walang kahit anong sugat bukod sa mga natamo nito sa pag-awat. Sa tingin namin ay plinano ni Charlie lahat kaya lang hindi umubra ang plano niya dahil namatay din siya.

Nasuri na kasi ang katawan ng mga namatay. Yung dalawa, halatang nagbugbugan at nagpatayan talaga pero yung isa walang kahit anong sugat bukod sa mga natamo nito sa pag-awat. Sa tingin namin ay plinano ni Charlie lahat kaya lang hindi umubra ang plano niya dahil namatay din siya.

Parang sirang plaka na naguulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi ng Officer kanina. Hindi ako makapaniwalang magagawa iyon ni Charlie.

"Miss Dela Cruz, tayo na," aya ni Attorney Chavez.

Sabay kaming lumabas sa presinto. Ipinagbukas niya ako ng pinto. Pumasok ako sa passenger seat. Tulala pa din ako. Umalog ang sasakyan, tandang nasa loob na din ito. Umandar kami.

Nakayakap ako sa aking sarili. What dod I do to deserve this?

Suddenly, the memories poured in my head and started a flashback.

PAGDATING na pagdating ni Renzo ay niyakap ko agad siya ng mahigpit. Tumatawang gumanti siya sa mga yakap ko. Ramdamn ko pa ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. Nag-angat ako ng tingin. Tumutulo ang tubig sa buhok nito. Medyo basa pa nga din ang shorts niya.

"Saan ka galing?! Hindi mo man lang ako hinintay na magising bago ka umalis," pagrereklamo ko.

"Mahal, kumuha ako nito." Inilabas nito ang isang pearl galing sa bulsa niya. Umawang ang labi ko.

"Is that a real pearl?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Inabot ko ang kamay niya at mas inilapit sa'kin ang pearl.

Tinanguan niya ako.

"Wher—how—"

I couldn't utter another word dahil sa amusement na binigay sa'kin ni Renzo. Tumaas ang tingin ko sa kanya.

"That is the reason kaya kita nagawang iwan sa kama kanina. Gusto kitang bigyan ng isang bagay na alam kong ako pa lang ang nakakapagbigay sa'yo. And of course, para lalong maging special ang araw na 'to sa'yo, Love," mahabang aniya.

Hindi matanggal ang ngiti ko sa labi. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit.

"THANK YOU SO MUCH, LOVE!! THANK YOU!!! I LOVE YOU!!!"

GALING kami sa pagswi-swimming sa labas nang tawagin kami ni Charlie sa kusina para kumain. Magkahawak kamay kaming umupo sa hapag. Naka-suot lang ako ng see through dress at itim na two piece, samantalang ang boyfriend ko naman ay naka-khaki shorts. Ngumiti ako sa mga kaybigan ni Renzo.

"Thank you sa paghahanda ng dinner natin," pasasalamat ko.

Gumanti ng ngiti si Charlie, "walang anuman. Sana magustuhan mo ang luto namin, haha."

"Nga naman. Baka mamaya hindi ka sanay sa lutong kanto-kanto lang," dagdag pa ni Jeshua.

"Pang-kanto pa ba 'tong luto na 'to?" natatawang tanong ko. Paano ba naman kasi ay puro seafoods ang nakahain sa mesa. Pa-boodle fight ang theme namin ngayong gabi. May mga manok at baboy ding inihaw.

"Bilib na bilib ka naman! Baka mamaya mas gustuhin mo pa kong maging boyfriend kesa kay Renz ha," biglang singit ni Jeshua na nagpatigil sa'min. Tuwang-tuwa pa ito sa sinabi niya.

Awkward athmospehere raised in the air.

Nagkatingnan kami ni Renzo na ngayon ay madilim ang mukha. Hinawakan ko ang kamay nito na nasa ilalim ng lamesa.

Binigyan ko ng assuring smile si Jeshua. Dinala ko ang magkasaklop naming kamay ni Renzo sa ibabaw ng lamesa. Ipinapakitang matatag at magkasama kaming dalawa.

"Masarap din magluto ang boyfriend ko. Nga lang, madalas kaming kumakain sa restaurant kasi we can afford it." may diin sa sinabi kong 'afford'. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman naming may malaking utang na si Jeshua kay Charlie.

Nalululong kasi sa masamang bisyo ang lalaki. Kaya nga ayaw kong nagsasasama minsan si Renzo dito kasi kung ano-ano ang tinuturong hindi naman maganda.

Tinaasana niya ako ng kilay na para bang hindi nagustuha ang sinabi ko. Nginitian ko lang siya ng matamis.

"Mahal na mahal ko 'tong boyfriend ko kaya hindi ko rin siya ipagpapalit sa 'magaling lang magluto'." Totoo 'yon.

Mahabang katahimikan ang namayani sa'min apat.

"Oh, tama na 'yan! Nagkaka-initan na kayo! Kumain na lang tayo ng makapag-skinny dipping na! Sa kabilang side ng Isla may bar. Punta tayo do'n mamaya!" masiglang ani Charlie habang nagtatalop ng hipon.

Napatingin ako sa katabi ko ng pisilin niya ang kamay ko. Nginitian niya ko bago hinalikan sa noo. Nagbitiw kaming dalawa at kumain na din. Panay pagbibiro ni Charlie habang kumakain. Sumasakay naman kami ng boyfriend ko. Ang tanging tahimik lang ay si Jeshua na nag-umpisa ng uminom ng alak.

Lihim akong nagdiwang...

After naming kumain ng dinner ay nag-aya ng inuman ang mga lalaki. Pumayag naman ako dahil wine lang daw ang iinumin namin. Ngayon, nasa sala kaming apat at umiinom

"Naalala niyo pa ba nung unang pasok natin sa XYZ? Tanginang 'yan! Halos walang pahinga!" sabi ni Charlie.

"Oo, gago! Pati yung mga pagpuslit-puslit natin ng mga pagkain para makakain sa loob!" dagdag ni Jeshua.

"Puro katarantaduhan, eh, mga naalala niyo!" ani Renzo.

"Nako! Gago!"

"Wag ka ngang pa-angel diyan! Ikaw pasimuno ng kagaguhan!"

"Nga naman!"

Maliit akong nangiti dahil sa kakulitan nila. Ibinaba ko na ang hawak na wine glass.

"Ayaw mo na?" bulong ni Mahal sa tenga ko.

Sumandal ako sa dibdib niya. Medyo nakapikit na 'ko. "I think so..." Alam kong hindi naman ako pro sa pag-inom pero alam ko ding hindi ako mabilis tamaan ng alak sa katawan pero iba yata ngayon dahil bigla na lang akong nahilo at p-parang mainit ang lugar.

Namumungay ang matang tiningnan ko si Renzo.

"Mahal, tulog na tayo," aya ko pero inilingan niya ako.

"Mahal may gagawin—"

Natigil sa pagsasalita ang lalaki at napahawak sa lalamunan niya. Gulantang siyang nakatingin sa'kin na para bang naghihingi ng tulong. Lumayo ako sa kanya. Tiningnan ko pa ang dalawang lalaki. Napangiti ako. Si Jeshua din kasi ay nakahawak na sa lalamunan niya at hirap na huminga.

Tumayo ito at lumayo sa mesa. Pabalik-balik ang tingin niya sa'min ni Renzo.

"My Queen..."

Lumingon ako sa nagsalita. Si Charlie na may inabot na panyo sa'kin. Kinuha ko at pinunasan ang labi ko.

"W-what did you do?!" hirap na hirap niyang tanong.

Matamis ko silang nginitian at saka tumayo. Lumapit ako sa may gilid at inabot ang baseball bat na initago ko kaninang pagdating namin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. This will be fun!

Nilingon ko silang dalawa.

"M-Mahal...h-help—"

"Owww... now you want my help, love?" I asked him innocently before walking towards him. Hinawakan ko siya sa panga. "Sorry but you don't deserve it!" madiin kong sabi ko itinaas ang baseball bat. Hinampas ko sa mukha ang lalaki na ikinadaing ito. Sinunod kong binalingan si Jeshua.

"Kumusta ang tira ko, Jeshua?! Ganito ba?!" kasabay ng malakas kong sigaw ang paghampas ko ulit kay Renzo. Ilang beses kong inulit iyon hanggang sa magsawa ako. Tumawa ako ng malakas.

"Why...are you doing...this?" hirap na hirap na tanong nito.

Dahan-dahan akong naglakad sa kanya palapit sa kanya. Nag-squat ako para magpantay ang mukha namin.

"Of course! I'm giving back the same energy! Hindi ba't balak niyo kong gawan ng masama?" tanong ko. Nanlaki ang mata niya. Tumango ako.

"Yes! Alam ko. Alam ko lahat! Alam ko na planodo niyo ang pagkikita namin. Alam ko na nakasunod kayo sa bawat date namin. Alam ko lahat ng kagaguhan niyong magkakaybigan," bulong ko.

Ibinaba ko sa tabi nito ang baseball bat na hawak ko. Kinuha ko ang gunting na nasa ilalim ng mesa. I hide this well para lang maging maayos ang gagawin kong ito.

"I also know what you did to his last girlfriend," puno ng galit kong bulong.

His eyes are now wet from the tears. I look directly in his eyes. Nginitian ko siya. Bumaba ang kamay ko sa inaangatan niya. Inilingan niya ako pero puno ng poot ang puso ko. Mercy is not included in my vocabulary. Hindi kaylanman dapat binibigyan ng mga awa ang mga demonyong katulad niya!

In a swiff move. Napuno ng sigaw nito ang buong lugar. Satisfied akong ngumiti tapos ipinakita ang hawak kong ari niya.

"Do you remember what she said, asshole? Mercy! Maawa kayo sa'kin! She's shouting from all of that!!" galit kong sigaw. Natawa ako.

Hinagis ko sa lapag ang ari niya bago natatawang pinulot ang baseball bat. Tumayo ako at tiningnan siya.

Ow... how I love to see this everyday. Him. Crying in pain and agony. Bathing in his own blood.

Pinaglaruan ko ang bat sa kamay ko bago tumingin dito. Gamit ang isang kamay. I wave my hand as a goodbye pagkatapos ay pinaghahampas ko siya sa mukha. Wala akong pake kung puno na ng dugo ang mukha ko. I enjoy the moment! Hindi ako huminto sa paghampas sa mukha niya hanggang sa mabasag ang mukha niya.

Kinagat ko ang hintuturo ko.

"What should I do next?" tanong ko sa sarili ko. Nilingon ko siya na prenteng naka-upo sa pang-isahang sofa. "What do you think?" masaya kong tanong.

He smirked then point someone. Sinundan ko 'yon ng tingin. Buhay pa pala ang gagong 'to. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya ng upo. Gumagalaw ang mata nito na parang naghahanap ng kakampi. Its sad dahil wala siyang makukuhang kakampi dito. Hinaplos ko ang pisnge niya.

"Love, does it hurt?" tanong ko.

Hindi siya magalaw pero umuungol ito.

Inabot ko ang gunting na ginamit kong pamutol sa pagkalalaki ni Jeshua, tapos no'n ay kinuha ko ang left hand ni Renzo. Nginitian ko siya.

"I know what this hand do, love," pag-uumpisa ko.

Inilingan niya ako pero nagpatuloy ako. Nag-start ako sa middle at pointing finger nito.

"I remember it all..." bulong ko sa kanya nang putulin ko ang daliri nito. His body moved from the pain but I didn't let go of his hands. I cut next his thumb, then little finger and lastly his ring finger where he put his rings.

He cried in pain.

I laughed in joy!

I'm enjoying this one!

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya pagkatapos ay bumulong. Nakita ko ang pagdaan ng gulat at takot sa mga mata nito nang ilayo ko ang mukha ko sa kanya.

Hindi ba siya makapaniwalang ako 'to?

"Good bye, my dearest..."

I stab his heart multiple time before I proceed on cutting his neck. Para lang akong nagkakatay ng karne sa ginagawa ko. Panghuli kong ginawa ay sinaksak ko ang gunting sa dibdib nito at hinila pababa iyon. Nagbukas ang tiyan nito. Ngumiti ako. I like it.

Nang masiguro kong patay ang dalawang lalaki ay tumayo na ko. Gamit ang panyong itim ay pinunasan ko ang ginamit kong gunting para maalis ang finger prints ko tapos ay ipinahawak ko 'yon sa malamig na bangkay ni Jeshua. Sinunod kong pinunasan ang baseball bat, ipinahawak ko naman kay Renzo iyon.

Lahat ng maaring nahawakan ko na pwedeng magturo sa'kin ay inalis ko dahil syempre. Sinong tanga ang mag-iiwan ng clue.

Pagkatapos ko ay naramdaman ko ang pagyapos ng braso niya sa'king bewang. Sumandal ako.

"Tapos, Alien ko. Malaya na tayo," bulong sa'kin ni Charlie.

Napatawa ako. "Yes. Tapos na." Hinarap ko siya. Ipina-ikot ko ang braso ko sa batok ni Charlie. Maamo ko siyang nginitian bago pinaglapit ang mga labi namin. Naging maalab ang pagtatagpo ng aming mga labi. Humiwalay lang siya sa'kin nang kapusin kami sa hininga.

Nagtatingnan kami.

"Anong balak mo pagkatapos nito?" malambing niyang tanong.

"Balak kong mag-out of town pagkatapos ng funenal niyo," pagsasabi ko ng totoo.

Gulat siyang napatingin sa'kin. Bumaha ang pagtataka sa kaniyang mukha. Bago pa man siya makapagsalita ay nakaturok na sa leeg niya ang dala-dala kong scapel na minsan niya ding ginamit sa'kin.

Napahawak sa dumudugong leeg si Charlie.

Ngumiti ako at itinaas ang kamay ko. Ipinapakita ang hawak ko.

"You are not excempted to this punishment, Charlie. I still remember what you did to me. I will never forgive all of you for breaking my life! For hurting my love ones! I will never-ever forgive you!!" galit kong sabi bago pinunasan ang scapel. Ipinahawak ko sa kanya ito at muling isinaksak sa leeg niya sa pangalawang pagkakataon.

Ngumiti ako ng walang buhay siyang bumagsak sa sahig. Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko ang mga bangkay sa paligid ko.

Satisfaction.

'Yan ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kinalabasan nila. After so many years...naipaghiganti ko din si Kristine. After so long I just give the justice she deverse.

Napa-iyak ako sa tuwa habang nakatingin sa walang buhay nilang mga katawan. Napatawa ako ng malakas. I'm so happy!

Kristine... if you are looking at me right now. I hope you are happy. Sana matahimik ka na.

Bago ko lisanin ang lugar na 'yon ay binuksan ko muna ang kalan at mga gas, pagkatapos gamit ang lighter ni Charlie. Binuhay ko ang isang malaking apoy. Habang nakatingin sa nasusunog na bahay ay nakangiti ako. Deserve niyong masunog sa impiyerno mga walanghiya kayo.

"ANO, masaya ka na ba, Kristine?"

Nagbalik ako sa reyalidad dahil sa nagsalita. Niliongon ko si Ate Leila. Tumango ako. Sumandal ako sa upuan at pinunasan ang luha ko. Tsk! Hindi ko akalaing kaylangan ko pang pekein ang luha ko do'n. Nasayang pa tuloy dahil sa mga taong hindi naman deserving.

"Hindi kayang i-contain lang sa salitang masaya ang nararamdaman ko ngayon, Ate. Kung pwede lang akong magpa-fiesta ay ginawa ko na sana," totoong sagot ko.

Inirapan niya ko bago inabot ang tissue.

"Bakit ba naman kasi ngayong valentine's day ka pa nagbalak gawin 'yan? May date kami ng boyfriend ko. Hindi tuloy natuloy," may halong inis na sabi nito.

Tinawanan ko siya ng mapakla. "Dahil February fourteen din nila pinatay si Kristine, Ate. Sa araw ng mga puso nila siya dinurog kaya marapat lang na sa araw din iyon sila mamatay. And you can already stop calling me Kristine, because she is dead now. I'm Ave Maria Dela Cruz. Kristine Alvarado is long gone..."

Bumuntong hininga ang babae at saka tumango. Hinatid niya muna ako sa bahay ko bago dumeretso sa bahay ng boyfriend nito.

Nalulungkot ako habang nakatingin sa picture ni Kristine. She looks very happy, carefree and ambitious. Nasira ang lahat ng 'yon ng makilala niya si Charlie. The guy who took everything from her. Her money, her land, lahat ng ipinamanang pera ng Lola niya ay kinuha nito. Si Jeshua? She thought na tutulong ito para maibalik sa kaniya ang lahat but he took advantage of her. He...abused her. And finally, Renzo, at first he was a knight in shining armor. The greenest of all green flag but she was wrong. Because he is a monster too. He abused her. Physically and mentally hanggang sa hindi na niya nakayanan at nagpakamatay na siya.

Pero sadyang mahal na mahal yata siya ng kalangitan dahil hindi siya nito hinayaang mamatay. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya nakita siya ni Atty. Leila Chavez. Tinulungan siya nitong magbagong buhay. Pinalitan nila ang mukha niya para sa new start na gagawin niya at hindi naman sila nabigo kasi nakapaghiganti siya.

Naiganti niya si Kristine sa lahat ng nang-abuso sa kanya. She's happy and finally contented with that.

Umupo ako sa couch at sumimsim ng wine. I should have a vacation. Yes, aftrer all. I deserve a rest.

I look at my clock. Ten o'clock in the evening. The night is still young, and valentine's is not yet over. I must find another date.

END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro