Chapter 6
Iris Nevaeh's POV.
Isang linggo akong naghintay kung papansinin ako ni Cloud pero walang nangyari kaya naman panandalian akong nalungkot pero bumalik din dahil sinabihan ko ang sariling wag sumuko.
Limitado ang oras ko sa Mundong ito? Edi susulitin ko na gagawin ko na ang makakapagpasaya saakin kahit sa Huli ay masasaktan ako. "Nevaeh may naghahanap sayo." tinignan ko naman ang isang kaklase kaya tumayo ako at lumabas nang room para tignan.
"Raiver." sambit ko.
"Hi." nakangiting bati niya napalunok ako at saka Tinignan ang dala dala niyang flowers at Chocolate.
"May problema ba?" tanong ko sakanya at saka napatingin sa Paligid.
"I just want to give you this, at aayain ka rin sanang lumabas mamaya?." nagitla ako at naramdaman ko ang hindi pag sangayon nang sarili ko sa nais niyang mangyari.
"Uhm Birthday party nang classmate ni Cloud na kaibigan ko na rin eh, if you want sumama ka nalang saamin." napangiti siya at inabot ang flowers and Chocolate tapos Tinanggap ko naman yon.
"Thank you, pero what are this for?" tanong ko nang may pilit na ngiti sa labi.
"I just want to take you out, that's all. Pero dahil hindi ka pwede sasama nalang ako." sambit niya.
"Hehehe sige ha, May klase na rin kasi. Thank you ulit dito, I'll just see you later sumama ka nalang kay Cloud para hindi ka mawala." aniya ko pa sakanya Ngumiti ito at tumango he look decent pero hindi siya ang gusto kong gumawa nito.
"Goodluck."
"Take Care Raiver." paalam ko tapos Isinenyas ang loob kaya naman nang makapasok ay Inilapag ko ang Flowers and Chocolate sa Gilid ko.
'Ano naman kayang gagawin ko sayo?'
"Naks manliligaw mo yon?" tanong nang katabi ko Umiling naman ako bilang sagot.
"Gusto mo?" tanong ko sakanya.
"Sure hahaha." inabot ko sakanya ang flowers and chocolate tapos napabusangot. Namimiss ko na si Cloud, ang ulap ko sa buong buhay De joke lang ang Korni masyado.
"Thank you ah." ngumiti nalang ako.
Lumipas at natapos ang klase lumabas na ako at saka ako mabilis na Tumambay sa Hallway bago ang hagdan pababa. Baka dito dumaan si Cloud eh sabi ko nga hindi ako susuko hangga't hindi niya ako pinapansin.
Tumunog ang cellphone ko at saka ko yon chineck. Nangunot ang noo ko nang makita ang text message sa hindi ko naman kilala na Number.
From 09*********
Inaantay mo ba ako? Ang lalim nang iniisip mo ah.
12:05 P.M
Napatingin ako sa Paligid pero wala akong gaano nakita kaya naman ngumiwi ako at saka naglakad nalang paibaba nakakainip rin mag-antay pero baka nag-aantay ako sa wala eh sa tapat kasi nang room may ibang kwarto pa pero bago yan sa gitna ay hindi daan kundi parang pakahon siya na makikita mo ang nasa ibaba.
Nnag makarating sa Cafeteria ay nalungkot ako dahil hindi rin naman pumasok si Dane dahil inaalagaan ang may sakit niyang tyahin. Solo ko lang ngayon ganun.
Umorder na ako agad para makakain na nang matapos ay dala dala ko ang tray na naghanap nang mauupuan ngunit may Kumaway saakin at sinenyasan akong lumapit kaya no choice ako kundi lapitan si Raiver.
"Hi, Mag-isa mo lang ba?" tanong ko naman.
"Nope, Papunta na rito ang Pinsan kong Ulap. Kaya naka-order na ako." sambit ni Raiver napatango naman ako.
"Maupo ka, share a table with us." sambit niya kaya naupo ako at ngumiti.
"Kamusta ang kuting mo?" tanong niya.
"Well he's okay naman, Mas naging maharot." sagot ko.
"Mabuti naman, Will you give this to him?" napatingin ako agad sa Inilahad niya kaya naman napatingin ako don.
"Wow, Ang cute naman." sambit ko.
"Laruan na may pangalan niya, Ayos ah thank you." sambit ko pa.
"Naman, Para kay Boogie." sambit niya kaya napangiti ako at tinitigan yon ang ganda naman nang Laruang ito.
Maya maya ay may dumating, Tinignan lang ako nito at naupo na sa Tapat ko kaya naman napatingin ako sa Baso na May lamang Juice.
"Oh okay lang kayong dalawa?" tanong ni Raiver.
"Ofcourse, wala naman tayong alitan diba Nevaeh?" napalunok ako nang sambitin niya ang pangalan ko.
"Yes, Gutom na ako tara Kain." aya ko sakanila tapos sinimulan na ang pagkain ko.
"Bro okay ka lang?" napatingin ako kay Raiver at kay Cloud.
"Masakit lang ang ulo ko pero okay lang ako, mawawala rin ito." sambit ni Cloud mukha nga siyang wala sa Mood at matamlay mukhang hindi ito ang oras upang magpapansin sakanya.
"Uminom ka lang nang maraming tubig." sambit ko habang hindi siya tinitignan tapos ay Kumain na. Masarap pa man din ang Inorder ko.
Habang kumakain ay naging tahimik kami kaya naman nang matapos ako ay Bumuntong hininga ako at bahagyang sumandal sa kinauupuan.
Pasimple kong pinagmamasdan si Cloud na hindi tumitingin saakin mukhang wala talaga siya sa Mood dahil sa masama ang pakiramdam niya. "Bro may toy ako para kay Hiro." sambit ni Raiver.
"Bigay mo nalang mamaya, Tutuloy ka rin naman sa bahay diba?" sambit ni Cloud.
"Yup, nasa mansion ba si Hiro?" tanong ni Raiver.
"Yes, Dahil doon rin ako dederetso Nauna na si hiro doon." sagot ni Cloud ngunit mukhang napatagal ata ang tingin ko sakanya para tignan niya din ako.
"Malapit na ata Birthday mo." sambit ni Raiver.
"Next year pa." sambit ko.
"Ilang taon ka na ba pag nagbirthday ka next year?" tanong ni Raiver.
"Hindi niya sinasabi kaya wag mo nang tanungin." sambit ni cloud.
"Ilang taon na rin ba kayo?" tanong ko.
"23." sambit ni Raiver.
"I'm about." sagot ni Cloud.
"Wow kailan?" tanong ko.
"Secret." sinamaan ko siya nang tingin nang tignan niya ako at Ngumiti nalang siya at umiling.
"See you later nalang, May pupuntahan pa ako." sambit ko.
"Sige, Ingat." paalam nilang dalawa.
"Pupunta ka ba mamaya?" tanong ni Cloud.
"Yes ofcourse."
"Isinama niya ako." sambit ni Raiver.
"Sunduin nalang kita mamaya, alam ko kung saan ka nakatira." aniya ni raiver kaya tumango ako.
At nagpaalam na syempre kumaway ako at saka Lumabas nang Canteen. "Nevaeh pupunta ka ba sa Party mamaya?" tanong nang nakakasalubong ko.
"Yes." sagot ko.
"Kami rin eh see you later!." ngumiti nalang ako at naglakad na, inaantok ako kaya naman matutulog nalang ako sa Library.
Nang makarating ay agad akong naupo sa Pinakadulo at saka agarang Yumuko, sobrang lamig rin naman kasi dito sa pwesto ko kaya hindi mahirap at vacant hanggang 2 P.M
Nagising ako at napatingin agad sa Orasan ko. "You sleep long." napatingin ako kung sinong nasa harapan ko at saka ako Namula.
"B-bat ka nandyan?" tanong ko.
"Well I read books." sambit niya.
"C-cloud wala ka bang klase?" tanong ko sakanya.
"Vacant ko hanggang 2 P.M" sagot niya habang nakatingin sa Book na binabasa niya.
"Kaya pala nandito ka sa harap ko?" sambit ko.
"Tsk natutulog ka sa Library nang mag-isa at sa Pinakadulo pa, eh muntikan ka na ngang pagtripan nang mga Freshmens nang school na ito." nagulat ako.
"Seryoso?" tanong ko.
"Yes, Nevaeh." sagot niya yon at tinignan ako tapos Ibinaba ang Libro sa harapan niya.
"Kung hindi ako dumating baka panigurado napano ka na, Next time Becareful." napalunok ako concern siya saakin? Concern siya saakin diba?.
"Concern ka?" umiling siya at saka nagbasa nalang.
"May 30 minutes ka pa, sulitin mo nang Umidlip." sambit niya at hindi na ako Pinansin ang sungit naman niya na.
Lumipas ang 30 minutes nang tahimik nakaharap man ako sa Libro pero nakikiramdam lang ako pero sadyang siya sa Cloud at ganyan talaga siya kung ayaw niyang pansinin magagawa niya.
"Dapat hindi cloud ang pangalan mo, dapat Nebula nalang." sambit ko tapos tumayo.
"Una na ako ha." paalam ko tapos nagmamadaling umalis pero agad niya akong hinawakan sa Pulsuan.
"What did you say?" sambit niya kaya kinabahan ako.
"I said I'll go first." sambit ko.
"No the first one." napalunok na ako non.
"Nebula dapat pangalan mo sabi ko." aniya ko pa.
"Nebula is a Latin word which means Cloud, Well it doesn't suit me." mabagal niya iyong sinabi at binitawan ako.
"Take Care." nangisi ako tapos naglakad nalang, Pasimple pa Chansing lang naman sa makinis kong pala Pulsuan.
"Hindi kita chinachansingan, Conservative akong lalake." sambit niya pa kaya napamaang ako.
"Wow ah! Nakakahiya naman saaking babae." reklamo ko pa.
"Di ka naman Babae." napairap ako.
"Edi Wow." sambit ko at Iniwan na siya doon, Conservative? So sinasabi ba niyang masyado akong madikit? Mahawak? Eh nahihiya nga akong kausapin siya tas ganon pa? Siya nga Humawak saakin as I can see siya pa Bumuhat saakin nang Inasthma ako.
•• KINAGABIHAN ••
Ready na ako at inaantay ko nalang si Raiver na sunduin ako, Nakasimpleng Dress lang ako na kulay Royal blue. "Wala pa ba ang Sundo mo anak?" tinignan ko si Mommy na Lumabas rin.
"Wala pa Mommy eh, Pero i'm sure pupunta siya." sambit ko.
"Oh mukhang andyan na siya." nangunot ang noo ko nang mapansin na Iba ang sasakyan at pamilyar saakin ang sasakyan na tumigil sa Harap nang Gate.
"Mukhang siya na nga, Tara na." sinamahan ako ni Mommy papunta doon at nang makalapit au Tama nga ako si Nebula ang nandito at hindi si Raiver at natutuwa ako don.
"Si raiver?" tanong ko.
"He Can't make it, Kaya sinabi niya na ako daw ang maghatid at magsundo sayo at hindi lang yon pinagpromise pa ako." sambit niya.
"Good Evening Ma'am." sambit ni Nebula or Cloud na magalang at bahagyang Yumuko nang nasa bandang tyan ang kamay at saka Muling Tumingin.
"Ikaw ba'y nanliligaw sa anak ko hijo? Napakagwapong lalake mo naman." Ngumiti si Cloud.
"Isa ho akong mabuting kaibigan nang anak niyo, Ma'am." sambit ni Cloud, Mabuting kaibigan daw letche.
"Napaka Maginoo mo naman Hijo, Tita na lamang ang itawag mo saakin. Osya sige na kayo ay humayo na at nang hindi kayo mahuli." sambit ni mama at Nginitian ako.
"Sige Mommy, Aalis na kami." paalam ko at humalik sa pisngi.
"Ikinalulugod ko hong makilala kayo. Cloud po ang aking ngalan." ngumiti si mommy at napamaang ako nang ilahad ni Cloud ang Kamay niya at Inabot naman yon ni mommy Napamaang ako nang Halikan ni cloud ang Likod nang palad ni Mommy.
"Hep hep, tama na nga yan tch." reklamo ko at Hinila na si Cloud sa Damit papalayo sa Mommy ko tapos pumasok na ako sa Loob nang sasakyan niya.
"Dapat ay Hindi mo na ako Sinundo at sinabi nalang na hindi siya tutuloy. Nakakahiya naman sayo Mr.Conservative." pang-aasar ko, Tumawa ito.
"Bakit naman hindi? Hahayaan ko ba naman ang isang Binibining tulad mo na walang kasama lalo na't gabi pa." napaiwas tingin ako dahil namula ako.
'enebe.. Keshe nemen eh.'
"Are you smiling?" agad akong Umiling.
Nang asa kalagitnaan ay Binilisan niya ang pagpapatakbo kaya naman napalunok ako. Tapos maya maya ay tumigil na kami sa isang malaking bahay inalalayan niya naman akong bumaba.
"Let's Go." sambit niya tapos nang makapasok ay Binati ko kaagad ang may Birthday at inabot sakanya ang regalo ko.
"Thank you Goddess, I didn't expect you to come this Pretty." napangiti ako.
"Bolero, Osya sige ha enjoy your day." nakangiting sabi ko pa tapos tinapik siya, Ganun rin siya kay Cloud.
Naghanap kami nang mauupuan at di kalaunan may nagserve nang food saamin. "Thank you." sambit ni cloud.
"By the way, Bakit hindi nakapunta si Raiver?" tanong ko bigla hindi siya nagsalita dahil ngumunguya siya pero nakatingin na siya saakin.
"May Emergency sa bahay nila, Inatake ata nang anxiety ang kapatid niya." sagot ni Cloud.
"Ganun, Sayang naman." pagpaparinig ko kunyare, alam ko namang hindi siya magseselos pakke ba niya saakin diba.
"If you want to be him, edi sana mas pinili mong nakipagdate instead of attending here." sambit niya kaya napangiwi ako.
"Ofcourse, He's a Friend of mind kaya aattend ako."
"Then don't act like you regret coming into this birthday party, With me." napamaang ako.
"Sorry po Mr.Conservative ha." tinitigan niya ako.
"Conservative pero nawawala pagdating sayo." nakangiwi niyang sabi.
"Hoy! Grabe ka ha bat naman!" reklamo ko.
"Because you are Unresistable." nanlaki ang mata ko at saka napalunom.
"Just kidding." natatawang sabi niya.
"Kinilig ka naman, isumbong kita kay raiver eh." napamaang ako.
"Hoy excuse me! Wala namang namamagitan saamin ni raiver so I don't limit my actions." nakangiwi kong sabi.
"Medyo Mahinhin ka nang una pero ang ingay mo." sinamaan ko siya nang tingin.
"How Could you." masamang sabi ko.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro