Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Iris Nevaeh's POV.


"You really love them like your own." napangiti ako sa sinabi ni Raiver.

"Oo naman, Wala silang parent. Napulot ko siya nang 1 Month old palang siya." sambit ko pa at saka Hinaplos ang pusa kong ngayon ay Himbing na sa pagkakatulog dahil busog na.

"To be Honest, Nakakaturn on yang pagiging Pet Lover mo. Marami namang nagkagusto saakin na Pet lover rin but you amaze me." sambit ni Raiver, Kung si Cloud magsasabi niyan papakainin ko pa lahat nang tao sa Buong school.

"Diba bro? Nakakaturn on kaya."

"Di naman, Edi sana naturn on ka na rin sakin?" napangiwi si Raiver sa sinagot nang pinsan niya sabi na eh hindi nakakaturn on sakanya yon lalo na kung mas bata sakanya.

"Ayan oh si Cloud, may alaga yan." sambit ni raiver.

"talaga?"

"Di naman big deal yon." sambit ni cloud parang bumabalik siya sa Unang araw na nagtagpo ang landas naming dalawa, sobrang seryoso nang mukha.

Nang dumating ang order ay alam kong Beef Steak na agad ito, aroma palang kasi niya at may Asparagus siya yung kulay berde na para bang punong patubo pero maliit.

"Thank you, By the way same school kayo? Classmates?" tanong ni Raiver.

"Architect Student ako, 3rd year. Nagkasama kami dahil panandalian na magkaklase kami at same topic." sagot ko sakanya.

"Architect, Parang pamilyar ka saakin." aniya pa ni Raiver kaya natawa ako, Goddess nanaman. Walking Angel jusko kung anghel ako ano yon Nilaglag ako.

"Goddess." sambit ni Cloud kaya kinunutan ko siya nang noo.

"Siya yon?" tanong ni Raiver.

"Yeah." sambit ni Cloud.

"Ah so ikaw yung Top 1 nang architect? Yung complete package na maganda na matalino pa mabait pa?" napalunok ako.

"Hindi naman, grabe naman yung pamuri na yan." natawa siya sa sinabi ko.

"You know what you really amaze me, Saang lugar ka ba dati bat di kita nakilala agad." aniya ni Raiver.

"Diyan lang sa tabi tabi."

"Ahahahaha really, Kumain ka na nga." natatawang sabi nito kaya natawa nalang ako sinulyapan ko naman si Cloud na tutok lang sa Pagkain niya.

Nang matapos ay Isinenyas ko ang Bill sa Waiter, Inilabas ko naman ang Wallet ko. "Thank you." nginitian ko si Cloud nang iabot ay Inilagay ko ang Card ko doon saka nila ako Nginitian It's a Black Card.

"Thank you Iris." nginitian ko rin si Raiver tapos tinignan si Boogie malayo ang bahay namin mula sa School kaya magiging trabaho para saakin ang Bumyahe dadalhin ko siya sa School?

"May Problema ba?" tanong ni Cloud kaya napatingin ako agad sakanya.

"Iniisip ko lang kung saan ko ilalagay si Boogie nang panandalian." aniya ko pa.

"Edi isama mo na sa Class." dagdag niya.

"Maingay tong pusa na to noh." sambit ko.

"Mm edi sa Condo ko muna." suggest ni Cloud.

"Pepwede ba?" tanong ko.

"Why not, Tara na." sambit ni Cloud.

"Una na kami." tumango naman si Raiver.

"Thanks again, I owe you his life." sambit ko kay raiver at inilahad ang kamay Kinamayan niya naman ako ulit.

"It's my Pleasure to meet the Walking Angel in our University." sambit niya kaya natawa ako at muli nang nag-paalam.

Tumayo ang pusa ko at Umakyat sa Balikat ko, Pasaway talaga na Pusa ito. "Now i Can't understand your kitten, Is he a parrot?" natawa ako sa sinabi ni Cloud.

"Ikaw nga hindi ka naman Ulap pero Ulap naging pangalan mo." Asar ko sakanya.

"Ikaw nga Nevaeh Nevaeh, Navayuh naman pala." napamaang ako.

"Sige na tara na. Na va ehh nga basa mo eh." tinignan niya lang ako at saka naglakad na kahit kaipan talaga Moody pasalamat ka patay na patay ako sayo dahil kung hinde inungasan na kita.

Nang makarating ay Hindi na ako sumama Ipinahatid ko nalang si Boogie pero nang maalala na may iba siyang pet ay agad akong humabol sakanya. "Wait! Wait!" tawag ko.

"Bakit ba tumatakbo ka nanaman?." inis na asik niya.

"Okay lang ako, Diba may ibang pet ka? Baka mapano yung pusa ko." reklamo ko sakanya.

"I told you to come with me." sambit niya.

"Eh ito na nga eh." aniya ko pa.

Nang makaakyat ay naramdaman ko kaagad ang panlalamig nang kamay sa kaba, nang buksan niya ang Condominium niya ay napalunok ako dahil ang lamig sa Loob hindi ba siya nagpapatay nang aircon?

"Come in." napamaang ako nang makita kung gaano kalinis ang Sala niya na una mong makikita pagkapasok mo. "Hiro.." hindi ko maiwasang mangiti nang tawagin niya ang pangalang yon nang may paglalambing.

Bakit hindi ko alam na may pet siya? Gosh. Walang kwentang Secret Admirer ako ah Ay kapal hahahaha halos manlaki ang mata ko nang lumabas ang isang batang pusa rin i think 5 months na siya Ibinaba ni Cloud si Boogie at napangiti ako nang agad na mag-amuyan ang dalawa at naglaro agad.

"Told you, She's not bad." Napangiti ako sa sinabi ni Cloud tapos naupo ako sa sahig niya sa may carpet naman at Hinaplos ko ang Hiro niya.

"Bakit pang lalake ang pangalan niya?." tanong ko.

"Well Yung pusa ko kasi ang tatay niya pero dahil sa katandaan nang pusa ko wala Nawala rin siya." sagot niya.

"Hiro pangalan nang pusa mo before? At ipinangalan mo rin sakanya?" tumango si Cloud.

"Tara na kung ganun." aya ko pa tapos tumayo.

"Wait, Palitan ko lang tubig nila." umalis siya at nagkaroon ako nang paraan para tignan nag kabuuan nang condo niya maganda at naiinggit ako.

Pangarap ko ring magkaroon nang condo sa ganto kagandang Building. Sobrang ganda kasi nila at gusto ko ako ang magdedesign. "Let's go? Wala ka na bang iiwan kay Boogie?" tanong ni Cloud.

"Ah wala, Hindi naman niya kaya uminom nang gatas. Natataranta kasi siya basta gatas." natawa si Cloud at inaya na ako nauna akong lumabas tapos naglakad na.

"I have a Question for you, Kung nasusunog ang building na ito at naiwan si Hiro sa loob susugod ka ba para iligtas siya?." natigilan siya sa paglalakad at saka tinignan ako.

"Ofcourse, She's my Baby." napangiti ako at saka Tumingin sa ibang bagay.

"Alam mo mas maganda sa lalake yung ganyang ugali kesa babae ang Binebaby." tinignan lang ako ni cloud kaya namula ako at hindi na muna siya tinignan.

Nang sa may sasakyan na ay sobrang Tahimik. "Yung seatbelt mo." tukoy niya hinila ko naman yon pero hindi ko mahila naipit ko ata narinig ko naman ang singhal at halos mahigit ko amg Hininga ko nang Lumapit siya at siya ang Humila don tapos Nahila niya.

Namula ako sa Ginawa niya ang lapit non ah. Habang nagmamaneho siya pabalik sa School ay mabilis rin kaming nakarating para sa susunod na Subject pumasok na kami bago pa Makarating ang Teacher namin.

"How's the Emergency Ms.Gandia and Mr.Ribbero?" tanong nang Professor namin.

"The cat is okay, Wala namang nangyaring masama sakanya sir. That's all." sagot ni Cloud.

"Pusa lang naman pala, Makaemergency." sinamaan ko nang tingin ang isa kong kaklase.

"The hell you care? Iniingatan mo mga bag mo na walang buhay tas pusa Ilalang mo lang?." sumbat ko sakanya.

"Class Stop." awat nang teacher namin, inirapan ko ang babae na yon at saka Inilabas ang Notebook ko.

"Stupid." bulong ko pa sa pagkainis ayoko sa lahat yung minamaliit nila yung nararamdaman o yung isang bagay na Importante sa tao. We have a different kind of perspective.

"Class, Just summary how Carpentry works." napangiwi ako at saka Kinuha ang Libro ko sa Carpentry at saka Kinuha ang Ballpen ko at saka nagsimulang magsulat.

"Is Wood Work part of the Carpentry?" tanong nang katabi ko.

"Yes, Pag naging carpenter ka kailangan mo yung tamang gagamitin na Kahoy at yung ano na nga bang tawag sa mga yon basta yung kinda of Wood working." sagot ko.

"Thank you." aniya niya kaya naman nagsulat na ako ulit, even handic crafts are part of the carpentry marami kasing ways and kinds.

"Begin with the materials and plannings." rinig kong sabi nang katabi ko. Hanggang kailan kaya tayo ganito? Siguro habang classmates tayo magiging ganto tayo kaclose pero hindi ko naman hinangad dati na lalampas tayo dito? Tingin nga lang ang Hinihiling ko.

Sana naman hindi tumaas expectations ko, hirap pigilan eh. "Sir." tawag ko sa Professor ko at saka Ibinigay sakanya ang Notebook ko para macheck niya na Nauna akong natapos ewan ko ba nabadtrip ako bigla e.

"Glad you wrote this, Makakaupo ka na." tapos inabot niya saakin ang Notebook pagkabalik ko sa upuan ay Yumuko muna ako panandalian nawala kasi ako sa Mood sa pumasok sa Isip ko.

Pinakiramdaman ko ang sariling puso, Mukhang first time akong mabobroken heart dahil sa taas nang expectations ko saamin. Iiwas ba ako? Sige ibabalance ko nalang.

"Sir, May i go out?" paalam ko.

"Sure, Ms.Gandia." ngumiti ako at tumayo na tapos naglakad papalabas nang walang kahit anong dala naglakad ako papunta sa Ibaba sa First Floor para lang tumambay sa Garden at nang makapag-isip.

"Ate Nevaeh." nilingon ko naman ang tumawag saakin at nginitian siya.

"Ikaw pala Dane." sambit ko.

"May problema ka ba ate?" tanong niya.

"Wala naman, Ikaw ba? Bakit ka napadpad dito?" tanong ko sakanya not until napansin ko ang pasa niya sa Bandang kamay.

"Anong nangyari diyan?" naitago niya naman yon at umiling kaya tumango ako.

"Nagpapahangin lang ate." sagot niya.

"Alam mo bang ang awkward para saakin na tinatawag akong ate nang iba? Hindi naman kasi ako nagpapaka ate." sambit ko.

"Wala naman yon sa kung anong katungkulan mo ate, Kung mas matanda ka bakit hindi ka tatawagin na ate? Karesperespeto ka naman." natawa nalang ako.

"Sa tingin mo bakit nila ako nirerespeto at ang iba ay nagagawa nilang Bastusin?" tanong ko sakanya.

"Dahil choice nila yon, Ate irerespeto ka nang tao kung nakikita nilang karesperespeto ka isa na yon sa mga bagay kung bakit at kung bakit hindi ka nirerespeto kahit na mabuti ka Hindi mo na kasalanan yon." sambit niya.

"Hindi nga ako nagtataka kaya makasalanan ang tao, Mapanghusga sila." ngumiti ako.

"Mapanghusga rin naman ako Dane."

"Pero yung panghuhusga na meron ka ay hindi mo isinisiwalat, Sarili mo lang. Kahit pa nga mapatunayan mo itinatago mo lang sa sarili mo." sagot niya.

"Matalino ka talagang bata."

"Hindi rin ate, Kung pagdating sa Libro syempre may mababasa ako." umiling ako.

"Malawak ang pang-unawa mo sa bagay bagay, Sige Una na ako." paalam ko sakanya at tinapik siya sa Balikat.

"Ingat."

"Goodluck dane." paalam ko at bumalik na sa Room namin naglakad muna ako papunta doon sa ganda nang school na ito Elevator ang wala.

Nangunot ang noo ko nang makarinig nang ingay galing sa Room kaya naman Nagmadali ako, Tsk may away nga ngunit nag-alala ako nang wala si Cloud sa kinauupuan niya agad ko siyang Hinanap.

"Wala akong pakialam sa Girlfriend mo, Kaya ingatan mo. Nakikita mo ba akong nilalapitan siya?" nangunot ang noo ko.

"Itatanggi mo pa! Nakita ko hinayaan mo siyang hawakan ka!" sigaw nitong lalake nakinig ako.

"Kusang humawak yang Girlfriend mo at Dumistansya ako, Kaya wag ako ang sisihin mo bakit hindi yang Girlfriend mo? una sa lahat hindi ako Interisado sakanya." hindi niya galit yon na sinabi pero seryoso siya.

"Bakit hindi ka nalang kay Goddess?! Eh may gusto naman siya sayo!" napamaang ako nang tignan nila akong lahat Namula ang mukha ko.

"Bat ako?" nakakunot ang noong sabi ko sakanila.

"Totoo naman diba! May gusto ka sa Cloud na yan matagal na!" napalunok ako.

"Kung may away kayo, Huwag niyo akong idamay pwede? At isa pa bakit ka pa nagtataka sa Girlfriend mo?." sumbat ko.

"Tahimik ako rito, Kaya huwag mo akong idadamay at kung ano ano pa yang sinasabi mo." sambit ko.

"Bakit hindi mo maitanggi?!" sigaw nang lalake kaya naman tumigil ako sa ginagawa at tinignan siya.

"Wala ka na bang mai-isyu? Marami akong alam na Issue nang girlfriend mo Bigyan kita?" umatras ako nang lumapit ang Girlfriend niya saakin para sugurin sana ako.

"Pigilan mo yang Boyfriend mo, Nagtitimpi lang ako." mahinang sabi ko sa Babae na Girlfriend niya.

"Kailan lang nakita kita sa CR nang isang VIP restaurant diba? May kasabay ka pa nang lumabas." mahinang sabi ko yung kami lang nakakarinig tapos Nginisian ko siya.

"Gosh! Ayoko na I'm breaking up with you!" sigaw nang babaeng ito at lumabas nang room.

"I'm out of here." sambit ko at saka ko Kinuha ang Wallet ko pati na ang bag tapos lumabas na, hindi naman ako umaasang iisipin nila ang nararamdaman ko.

Nakakahiya yon, Narinig niya na gusto ko siya pero hindi naman galing saakin eh wag sana siyang maniwala nakakahiya nang sobrang sobra. Nakakainis naman kasi na lalake yon eh hindi ko nga siya kilala yung babae lang naman kilala ko nalimutan ko pa name niya.

Naglakad ako at nang asa harap na nang Bulletin board ay ang daming tao anong Tsismis nila. "Grabe noh, Kay cloud lang siya babagsak? Sabagay full package." nangunot noo ko.

Sumingit ako don at halos Mag-init ang ulo ko sa nakita, ang Bilis ha. Tinignan ako nang lahat at nakita ko yung Pic dalawa kami ni Cloud sa labas nang Condominium syempre fake rumors.

"This is not True." sambit ko.

"Grabe ka naman Goddess tagal kong nagkagusto sayo bakit ka Bumigay kay Cloud, Mga babae talaga oh." sumama ang Loob ko sa narinig.

"Easy to get naman pala siya." napalunok ako.

"Ate Nevaeh." tinignan ko si Dane at doon parang nanlambot ako sa Kahihiyan.





√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro