Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Iris Nevaeh's POV.

Habang nakaupo ako sa kama ko lumapit naman saakin ang pusa kong si Boogie, bata palang siya nang mapulot ko sa totoo lang naging nanay ako nang dahil sakanya.

May sarili siyang bote, At nag-gagatas siya kada umaga o kung kailan man siya magutom umakyat ito sa kama ko at saka pumatong sa lap ko hinaplos ko naman siya at saka itinabi saakin.

"Inaantok ka na ba Boogie?" tanong ko sa Pusa ko umingaw naman ito sobrang cute niya kaya napangiti ako Nahiga na ako at itinabi ko siya mahilig siyang sumiksik sa Kumot o kaya saakin. Si Boogie lang ata ang kaibigan ko bukod kay dane.

>>KINAUMAGAHAN<<

Bago ako pumunta sa Room inuna ko muna sa may Accounting dahil nandito ang Plates. "Good Morning ma'am, Bibili po ako nang Plates at TMA na rin." nginitian ako nang nasa Loob tapos may kinuha siya sa Ilalim.

"Ilan?"

"Isang Pack na po." sagot ko.

Inabot ko naman ang Card ko pagkatapos inabot ko na ang pinamili maya maya ay binalik na rin saakin ang card kaya Umalis na ako buhat buhat ang dalawa kong Binili inilagay ko na yon sa Lalagyanan ko.

"Bibigyan ko nalang rin si Dane." bulong ko sa sarili.

Pero papasok na muna ako bago pa ako malate 9 kasi ang start nang klase ko. At syempre excited nanaman akong pumasok dahil baka kausapin ulit ako ni Cloud.

"Good Morning Goddess." bati nang ibang kaklase ko nginitian ko nalang sila.

"Tulungan na kita Iris." insist nang isang lalake kong kaklase kaya naman nagpasalamat ako.

"Iinvite na rin sana kita." nakangiti kong tinignan ang tumulong saakin.

"Saan?" tanong ko.

"Birthday ko kasi bukas, Sa may bahay namin may party na magaganap Invited ang lahat nang nandito." napatango ako.

"Sige, Pupunta ako." aniya ko sakanya at saka naupo na.

"Thanks." Sambit niya.

"Cloud, Iimbitahan na rin kita. Sa Birthday ko buka—"

"Sure, just send me the address." wow ang daling kausap ah Naupo siya sa tabi ko pero tahimik siyang nakatutok sa Cellphone niya.

"Hi Nevaeh." napatingin ako agad kay Cloud nang batiin niya ako.

"Hello Kuya." pang-aasar ko sakanya.

"Sucks, Wag niyo ako tawaging kuya." napangiti ako at bahagyang namula.

"Cloud nalang." sambit niya.

"Okay C-cloud." ngumiti siya at saka tumutok na ulit sa Cellphone niya kinuha ko naman ang lalagyanan nang plates ko at Kumuha nang ilan katulad din nang biniga niya kahapon ay Ibinalik ko yon.

"Thank you ulit kahapon." sambit ko.

"Ibinalik mo pa talaga dapat hindi na, Marami pa naman yung saakin." natawa ako.

"Mahirap nang thank you thank you lang noh." sagot ko pa sakanya.

"Ilang taon ka na ba? At nagawa mo akong tawaging kuya?" tanong ni Cloud.

"Sikretong malupit." sagot ko, Sige maintriga ka lang para maging interisado ka na saakin.

"Everyone, Ilang taon na si Nevaeh?" napapikit ako nang itanong niya sa lahat tinignan ko sila at binantaan.

"Hehehe hindi po namin alam eh, Hindi po niya sinasabi." aniya nang isa.

"What's wrong with your age?" tanong ni Cloud.

"Wala, I just want it to be Secret." sambit ko at nag-iwas tingin pag nalaman niya baka hindi niya na ako kausapin? Kasi mas bata ako sakanya? 3 years ata ang gap namin.

"Ganyan ah." natawa ako.

"Cloud ah, Bakit mo ba gusto malaman?"

"It's not what you were thinking." sagot niya agad, natawa ako masyado namang defensive itong bata na to charot mas matanda nga pala siya saakin.

"EVERYONE!" napatingin kami sa Professor na kapapasok lang nagsasalita na kaagad.

"Magsitayo na kayo, Kumuha nang Ballpen at Notebook YON lang ang dadalhin niyo at sumunod saakin." sambit nito tapos tinignan ang relos niya tinignan kung ilang minuto siyang late.

Tumayo na ako pero nasagi ko agad yung Siko ni Cloud at dahil left handed siya nahulog yung hawak niya doon kaya naman Pupulutin ko na sana.

"Sorry, Ang likot kasi nang siko ko." sambit ko.

"Ako na Pupulot." sambit niya tapos Pinauna niya akong maglakad kaya naman nauna ako sakanya naiilang ako pero natutuwa ako at the same time pero hindi naman ibig sabihin nito may pag-asa na ako sakanya.

Bakit kaya ngayong year lang? Last year bakit hindi? Dahil ba sa napulot ko notebook niya kaya niya ako kinakausap? Oh baka ewan ko na.

Napamaang ako nang pumunta kami sa lumang school sa Likod kung saan walang estudyante walang gumagamit sa Building na ito eh. "Sir bakit dito? Ang baho baho." reklamo nang isang babaeng kaklase ni Cloud.

"Yuck ang daming rats!" napalunok ako.

Hindi naman ako takot sa daga, lalong hindi ako takot sa Gagamba wag lang sa Ipis ah. "The Dean of our school decided to Renovate this for Charity, Free lang." aniya ni Sir tapos Tumikhim.

"Ilalagay ko kayo sa bawat floors para kayo ang gumawa nang Blue print non pero gusto kong isulat niyo muna ang bawat sukat nang Building. Hanggang 4th floor to mas mabuti siguro kung hahatiin ko kayo marami naman kayo kada kwarto 5 estudyante." itinuro ako ni sir.

"Kasama mo na yung dalawang babae tapos yang si Mr.Ribbero at ang isa pa." tumango ako.

"Saan kami sir?" tanong ko.

"4th floor." nanlaki mata ko.

"Sige po, Tara na." aya ko sakanila tapos nagpaunang umakyat.

"Ang galing mong magleader, Goddess kaya parati kang leader eh. At pag leader ka namin alam mo bang lahat may ginagawa kaya naman hindi Unfair sa iba." nginitian ko nalang siya.

"May pangalan naman ako, Kaya bakit goddess? Wala naman akong kapangyarihan." sambit ko.

"Meron kaya, Mmm siguro ikaw si sino nayon yung goddess nang kagandahan at pag-ibig." natawa ako sa sinabi niya.

"Si Aphrodite." sambit ni Cloud.

"Oo yon nga." sagot nila nang makarating kami ay Pinili na namin ang unang malaking kwarto.

"Kailan ba ito last na nagamit?" tanong nang isa sa mga kasama ko.

"3-4 years na ata." sagot ko.

"Dito ka ba nag-aral nang high school Goddess?" napaisip naman ako at saka Tumango.

"Eh elem?" tanong pa niyang pahabol.

"Sabihin na nating dito na ako lumaki sa School na ito." sagot ko.

"Woah nice, ang yaman yaman niyo naman kasi eh."

"Hindi naman, Alam mo namang walang silbe ang kayamanan sa kaalaman." sambit ko at saka Isinulat na ang bawat sukat nang Kwarto.

"Magaling." napatingin ako kay Cloud at saka ko ipinagpatuloy ang ginagawa.

"68 square meter." sambit ko.

"Oh? Akala 65 lang." sambit nang isang lalake naming kasama.

"65 lang siya." tinignan ko naman ang isang kasamang babae.

"Miss hanggang dito lang ang 65." turo ko pa sa Mismong linya na kung saan 65 ang sukat saka ako Umatras.

"68 dito." turo ko pa.

"tapos 34 lang yung nandoon." turo ko pa.

"Hindi pantay ang pagkakasukat nila." aniya ko.

"Uy cloud may problema ka?" tanong nang isa naming kasama dahil mukha siyang aburido na nakatutok ang atensyon sa Cellphone.

"Yung pinsan ko kasi may napulot daw na pusa eh Ibinibigay saakin, bata pa naman daw." aniya ni Cloud nangunot noo ko.

"Anong kulay?" tanong ko agad, Kinabahan ako eh.

"Kulay White Orange." nanlaki mata ko.

"Ilang months?!" tanong ko sakanya.

"3 months na daw.".

"Tingin ko pusa ko yan." sambit ko.

"Eh?"

"Oo nga, baka tinapon nang pinsan kong aish! Nakakainis nasaan siya? Pupuntahan ko?" tanong ko tapos Inabot ang Notebook ko sa isa kong kaklase.

"Samahan na kita." aniya niya pa.

"Basta tara na." baka tinapon nang pinsan kong babae na galing america.

"Sir Emergency lang po." paalam ko tapos nagmamadaling maglakad.

"Sinabi ko na baka pusa mo yon kaya hawakan niya muna." sambit ni Cloud hindi na ako tumugon.

"Sa sasakyan ko na." aniya pa niya kaya sumunod ako sakanya, Ilang minuto ay narating namin ang sasakyan niya Inunahan ko na siyang buksan ang Pinto at saka naupo ako sa Harap.

Ngayon lang ako nakasakay sa sasakyan niya, pero hindi ko na muna iisipin yon si Boogie na muna. Maya maya ay Huminto kami sa may isang sasakyan Bumaba naman ako agad.

"Saan?" tanong ko kinatok niya naman ang Sasakyan bumukas yon agad akong sumilip.

"Boogie?" nang sambitin ko yon ay may Umingaw agad, agad na lumapit ang pusa ko sabi na eh si Boogie to agad kong binuhat at niyakap.

"Papaano naka-abot pusa mo rito?" tanong niya.

"Mabuti naman nakita mo siya, Yung pinsan ko kasi na galing america baka Niligaw siya. Thank you talaga ha, anong gusto mo? Treat kita sa labas? Ngayon na." sambit ko sa lalakeng pinsan ni Cloud.

"Sige ba. Maganda ka naman eh." natatawang sabi nito namula ako at saka tinignan si Cloud.

"Baka naman isama niyo ako? Hindi mo naman malalama kung hindi dahil saakin." nag-iwas tingin pa si Cloud at tinignan ang mga Kalahi niyang ulap sa itaas.

"Oo na." sambit ko.

"Tara, Kita kita nalang sa Mall." aniya nitong pinsan niya.

"Raiver nga pala." inilahad niya ang kamay niya kaya naman inabot ko yon.

"Iris." sambit ko sakanya at saka nakipagshake hands sumakay naman na ako sa sasakyan ni Cloud at saka dumeretso kami sa Kung saan.

"Second day palang natin na magkaklase, magkakaroon na ata ako nang kaibigan." sambit pa ni Cloud.

"Akala ko nga snob ka." napatingin siya saakin.

"Kilala mo na ba ako dati palang? Mm." namula ang mukha ko.

"Hindi ah." sambit ko.

"Weh? You sound like you know me for long."  tumikhim ako.

"Kilala lang rin naman kita as a Top natcher at isa pa Role Model rin kita as an Architect."  pagdadahilan ko nalang.

"Ay okay." sagot niya nang makarating sa Mall ay bumaba na kami buhat ko pa rin si Boogie na sanay naman siya sa ganto.

"Baka gutom na yang alaga mo. Tubig palang napapainom ko sakanya." aniya ni raiver.

"Ah oo pakakainin ko nalang din siya doon." sambit ko.

"Mabuti pa nga." sambit niya tapos naglakad na kung pagtatabiin silang dalawa may pagkakaparehas sila mas lamang nga lang si Cloud para saakin.

May pagitan sa bawat kinatatayuan namin nang makapili nang resto ay Napairap ako nang makita ang kinaiinisan na Tao bakit ba kasi saamin pa to titira. "Oh? Ikaw nanamang pusa ka." inis na sambit niya.

"Diba binantaan na kita?." galit na sambit ko.

"Wag mong gagalawin ang akin, kung ayaw mong ikaw ang iligaw ko at patirahin sa Kalye. Pag may nangyaring masama sa Pusa ko, Asahan mong may mangyayaring masama rin sayo." inis na sambit ko.

"Cloud Ribbero at isang Raiver Ribbero, Threesome?" namula ako at akmang sasampalin ko na siya nang Pigilan ko ang sarili.

"Never." sambit ko tapos tinignan siya mula sa paa hanggang ulo at saka ako Umirap.

Pumasok na ako sa Loob at saka Nagpahanda nang table for 3 nang matapos ay naupo na kami andito kami sa VIP deck dahil nga may pusa ako ayoko namang maging Inconsiderate sakanila.

"Umorder na kayo Ganun nalang rin saakin." sambit ko pa.

"Bilisan nalang natin, may Class pa kasi kami." aniya ni Cloud tapos tinignan nanaman ang Cellphone niya Pinatong ko naman sa Lap ko si Boogie at saka ako naghanap nang pwedeng pagbilihan nang gatas sa labas nang salamin.

"Umorder na kayo, May bibilhin lang ako sa labas."

"Samahan na kita." insist ni raiver pero Umiling ako.

"May kasama na ako, Kaya sige ha." paalam ko iniwan ko na rin doon ang Cellphone ko at dinala si Boogie.

Pinuntahan ko ang isang Pet accessories. "Good Morning po ma'am. Ano pong kailangan niyo?" tanong saakin nang sales lady dito.

"Milk bottle para sakanya." tukoy ko at bahagyang itinaas si Boogie.

"Dito po ma'am, pati po ba Milk?" tumango ako bilang sagot.

Pumili ako nang Bote na kulay Green at saka isang Orange, Hinanap ko naman ang brand nang gatas ni boogie saka ko yun kinuha at saka pumunta na ako sa Cashier.

"Magkano lahat?" tanong ko.

"460 po ma'am." Binayaran ko na yon at saka ko Pinaplastic pero bago yun Inilipat ko na ang laman nang Milk para sa Pusa Liquid ko na siyang Binili pinahugasan ko sakanila ang Bote at saka ko nilagyan nang gatas.

Magsimula nang mag-ingay ang pusa ko kaya naman habang naglalakad pabalik sa Restaurant ay Pinagatas ko na ito gamit ang Bote niya tapos nang makarating ay halos mamula ako nang marinig ko ang Mahinang tawa nang dalawa kong kasama...


√√√

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro