Chapter 28
Iris Nevaeh's POV.
Habang nasa Kalesa kami ay kinakabahan ako dahil natatakot sa nangyari kagabi, ewan baka natrauma lang mawawala rin to bakit kaya hindi na sumusulpot si lola? Busy ba siya?
"Ano namang iniisip mo binibini?" tanong bigla ni ginoong leandro kaya naman ay bigla nalamang naalala ang pinag gagawa ko.
"W-wala." sagot ko.
"A-ano pala Ginoong Leandro.. Nais ko sanang sabihin sayo na wag mong hayaan na madamay ka sa Problema ko." sambit ko bigla nagulat siya.
"Pati ikaw ba naman." nakangiwi niyang sabi kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.
"Ginoo, ayaw ko lamang na mapahamak ka dahil saakin. H-hinding hindi ko mapapatawad ang sarili." huminga siya nang malalim at tinitigan ako pero hinawakan niya rin ang kamay ko.
"Eto ang tatandaan mo Binibini, Hindi pa man tayo kasal ngunit nakatakda ka na saakin. Problema mo, problema ko na rin malinaw ba?" natahimik ako.
"H-hindi kita kayang iligtas tulad nang ginagawa mo Ginoo." sambit ko sakanya.
"Hindi na mahalaga."
Napalunok ako at napatitig sakanya tapos hindi nalang sumagot, Nang makarating sa bahay ay agad akong niyakap ni Ina at sumunod naman si ama at lola Tipid ko silang nginitian.
"Maayos ka lang ba ha? Hindi ka pa ba niya—"
"Ina huwag ka na hong mag alala saakin, Higit na nabugbog siya ni Ginoong leandro. Magiging ayos ako kung hindi ko na ho maalala ang pangyayari kagabi." nakangiting sabi ko tumango tango sila.
"Leandro, Maraming salamat." ngumiti si Ginoong leandro nang tignan ko siya kaya naman tipid rin akong napangiti.
"Simula ngayong araw papabantayan na kita." natigilan ako.
"Ama, Ayokong binabantayan." sambit ko sakanya.
"Para sayo rin ito anak, Hindi ko na maatim na mapahamak ka pang muli. Hindi ako maaring magsampa nang kaso dahil pinatay na nila ang kutsero." nagulat ako.
"P-pinatay nila?" gulat na tanong ko at mabitawan ang hawak na baso dahil pinainom nila ako nang tubig.
Lumunok ako tapos mabilis na napailing at Umakyat sa itaas narinig kong tinawag nila ako pero pagkapasok sa Kwarto ay basta basta nalang akong nahiga sa kama tapos pumikit.
Kung hindi ako maaring gumawa nang kahit na anong galaw ngayon sa kinatatayuan ko ay gagawin ko sa unang pangyayari. Kinuha ko ang Tala arawan at binuklat sa mismong araw na yon.
Nang makarating ay dumikit agad ako kay Isabelle para maging ako siya, Kinuha ko ang kutsilyo ramdam ko ang sobrang sama nang loob kung nilapitan ko sana kaagad ang kutsero hindi na nangyari ito.
"I-isabelle h-huwag." pumikit ako nang marinig ang boses ni lola at saka ko itinapat ang kutsilyo sa leeg ko.
"I-Isabelle.." pinilit kong deadmahin ang tinig ni lola, hanggang sa naramdaman ko ang luha na nag uunahang pumatak Gigilitan ko na sana ang sarili nang mabilis na may yumakap saakin dahilan para mabitawan ko ang kutsilyo.
Derederetso akong umiyak sa dibdib nang yumakap saakin at saka ko siya hinampas. "Kung alam ko lang sana na mangyayari to.. Sana inagapan ko.. Kasalanan ko kung bakit namatay yung kutsero namin! Kasalanan ko lahat nang iyon!" kung hindi dahil sa plano ni Robin na makuha ako sana maayos pa siya.
"W-wala kang kasalanan, Tumahan ka na." pumikit ako at saka bahagya yung tinulak tinignan ko sa mata si Leandro.
"Bakit mo pa ako niligtas? G-galit ka rin naman saakin sana hinayaan mo nala—"
"Hindi ito ang nais kong mangyari Binibini! Oo galit ako sayo! Pero hindi sapat na dahilan yon para naisin kong mawala ka!" kinapa ko ang sariling dibdib dahil pakiramdam ko napakasakit non.
"Hindi mo kailangang magpanggap.." sambit ko at saka Pupulitin sana ang kutsilyo ngunit inapakan niya ito.
"Tama na Isabelle."
"Ano pa bang silbe? Sa tingin mo ba masayang kamuhian nang taong mahal mo ha? Ah oo hindi mo ko nauunawaan! Oo wag ka mag alala hinding hindi ka masisisi pag namatay ako." nakita ko kung papaano niya sinipa ang kutsilyo papalayo saakin at lumapit siya nang hawakan niya ako sa balikat dalawang kamay.
Napatitig ako sa mata niya at bigla kong naalala ang mga tingin ni leandro sa labas nang tala arawang ito—
"Anak.." nagmulat ako nang mata atunang bumungad ay si ama, Nagsimula nanamang tumulo ang luha ko.
"Kasalanan ko ama kung bakit nawala yung kutse—"
"Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo anak, Hindi mo ito ginusto." aniya ni ama umiling ako.
"kung ganun gusto kong maparusahan si Robin ama!" sigaw ko habang umiiyak nakita ko namang napayuko si ama.
"Naisin man namin, ngunit walang testigo, walang maniniwala sa sasabihin mo o sa sasabihin ni leandro at nang pamilyang florentino." nakagat ko ang labi.
"Sinadya niyang ipapatay ang kutsero, upang wala tayong magamit." hindi na ako muling magsalita at saka tumayo nalang.
"Maayos na ako ama, ako na ang bahala sa lahat." sambit ko pa at saka ko siya nginitian halata namang nagtaka siya kung hindi siya mapaparusahan nang batas araw araw ko siyang pahihirapan.
Tumungo ako sa Damitan at saka pumasok nang banyo, Ngunit bigla kong naalala si Lola na parang hirap na hirap na nagsasalita anong nangyari sakanya?
"Lola?"
Walang respond mukhang kailangan ko itong gawin alone huminga ako nang malalim matapos nagbihis ay wala na si ama sa kwarto ko kung kaya naman ay kumuha ako nang Pirasong papel galing sa Tala arawan ko.
Kumuha rin ako nag tinta at saka sumulat.
‘Kung sakali mang mawala ako at hindi magtagumpay, nais kong ipaalam sa pamilya ko rito sa makalumang panahon na nagbalik ako upang itama ang nakaraan natin. Ako si Nevaeh galing sa makabagong panahon na hinding hindi niyo minsan man lang natuklasan.. Para kay leandro kung hindi man tayo magtagpo bilang ako si nevaeh ikinagagalak kong nakilala ka..’
Tumigil na ako at saka ko yon isinilid sa Diary ko noon at saka ko itinago at lumabas na nang kwarto. "A-anak ano at ganyan ang itsura mo?" ngumiti ako kay Ama.
"Nais ko lamang maging kakaiba ama, Kakaiba sa lahat nang nandidito." napatingin saakin pati si Leandro kaya tipid akong ngumiti.
"Hindi ako nag papaapi sa kung sino lang ama, Lalaban ako dahil karapatan ko to bikang isabelle at kung sino man ang lumabag sa batas na yon paparusahan ko mismo." nang lapitan ako ni Ina ay nginitian ko siya.
"Nabuhay tayo Ina hindi para apihin, hindi para alipinin, kaya humanda sila. Kung ano man ang mangyari sa susunod na araw gusto kong magtiwala kayong lahat saakin, ama, ina, lola.. At leandro." hindi sila makapaniwala sa sinabi ko kaya naman tumikhim ako.
"Kung ano man ang gagawin mo anak, ipangako mong hindi ka mapapahamak." ngumiti ako.
"Pangako ama." tumango ito at ngumiti.
"Nandito lamang kami." ngumiti ako, At bahagyang yumuko upang magbigay galang kalaunan ay hinarap ko si Leandro.
"Kung may gagawin ka, Gawin mo na. Pagbalik na pagbalik ko ayokong abala ka sa iba." natigilan siya sa sinabi ko at napamaang.
"Papakasalan mo pa ko. Ibalik mo to saakin pag handa ka na." nakangisi kong sabi at ibibigay sakanya ang papel na nakatupi na origami kung tawagin.
"Huwag mo hayaang masira, lalo na kung hindi mo alam buohin." sambit ko pa at bahagyang yumuko sa harap niya nang tanggapin niya yon kaya naman naglakad na ako.
"Mangangabayo ka?" tanong ni Leandro.
"Batid kong natuto na ako ginoo." sambit ko pa at saa dumeretso na sa Kabayo na pag aari ni isabelle kulay Puti ito at tila ba hindi narurumihan.
Nang makasakay ay isinuot ko na ang Cowboy's hat at saka pinatakbo ang kabayo sa dereksyon papunta sa Lugar nila Robin.
Matagal tagal ang tinahak ngunit nang makarating ay agad akong binati nang nga Gwardya. Pinaderetso nila ako sa Loob at nang makarating ay pumasok ako sa pamamahay nila.
"B-binibining Isabelle a-ano at naparito ka?" tanong kaagad nang ina ni Robin ang asawa ni Gobernador santos.
"Nais ko sanang makausap ang Panganay niyong anak, Senyora." sagot ko sa paraan na tila isa akong bagong panganak na isabelle, magalag ngunit makamandag.
"H-hindi siya maayo—"
"Isabelle, nagbago na ba ang isip mo?" napatingin ako sa Bumaba galing sa itaas nginitian ko si senyora at saka ko tinignan mang derekta si Robin saka ako tumayo.
"Saan ba dapat magbago ang isip ko Ginoo? Hindi ko alam kung anong pumasok sa iyong isip para gawin saakin lahat nang ito." inalis ko ang takip sa leeg at pinakita ang kababuyan niya.
"H-hindi niya iyan magagawa.." gulat na sabi nang kanyang ina kaya tinignan ko ang mukha ni Leandro na panay pasa.
"Kung ganun senyora, saan niya nakuha ang mga pasang iyan?" maayos na tanong ko natigilan sila hanggang sa nandito na mismo si Krisseta at ang kanilang ama.
"Saan Ginoo? Batid kong alam mo kung saan.." aniya ko.
Hinayaan kong makalapit saakin si Krisseta hinawakan niya ang Pulsuan ko nang madiin at saka niya ako inilapit sakanya. "Pag nalaman kong kumalat ang nangyaring ito malalagot ka saakin Isabelle! Huwag mo akong subukan!" tinitigan ko si Krisseta at saka ko binawi ang kamay ko.
"Talaga krisetta?" nakangiti kong sabi na halatabg ikinagulo nang isipan nila.
"Ipapapatay mo ba ako? Tulad nang ginawa niyo sa Kutserong nagtatrabaho nang maayos?" sarkastika kong tanong.
"Oo!" sigaw niya kaya ngumisi ako.
Tinapik ko ang bag na suot at tumikhim. "Lumalabag kayo sa batas, Gobernador santos.. Ano kayang sasabihin nang buong bayan kung malalama nila na ginawa ito nang anak niyo, anak niyong kagalang galang." ngumisi ako halatang nagalit sila saakin.
"W-wala kang karapatan bantaan kami! At walang maniniwala sa kung ano mang sasabihin mo! Mayaman lang kayong mga Florentino at Montemayor!" sigaw ni Gobernador santos.
"Kailan pa ba hindi lumabas ang katotohanan Gobernador santos? Ang anak niyo pa man din ay kilalang lider nang isang—"
"TUMAHIMIK KA NA!" tumigil ako.
"Ang kapal nang mukha mong sumugod rito, kaya mo ba ako isabelle?! Tandaan mo pag siniraan mo kami hinding hindi ka na makakalabas pa muli nang kwarto mo!" ngumisi ako.
"Talaga ba?" parang hindi ko pa naniniwalang sabi.
"Bakit mo nga ba ginawa iyon Ginoobg Robin? Dahil rin ba sa kagustuhan nang kapatid mo?" tanong ko.
"Oo, Pinlano ko lahat nang ito kasama si Krisetta. Dahil alam kong marami kaming magagawa dahil mahina ka naman talaga noon palang." lumapit ako sakanya at saka ko Hinawakan ang Kwelyuhan niya at inayos yon.
"Tignan natin Ginoo." sambit ko at saka naglakad na patalikod sakanila at umalis na doon mismo sa bahay nang nga demonyo.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro