Chapter 26
Iris Nevaeh's POV.
"Walang silbe ang pagtakbo mo binibini! Tulog na ang mga tao kahit na ang mga Guwardya!" napalunok ako tapos mabilis na tumakbo pero tumigil ako tapos pagkaharap niya saakin ay Mabilis akong Sumipa dahilan para tumama yon sa mukha niya dahil High kick.
"Tulong!" mabilis na sigaw ko.
Tapos tumakbo na ulit habang tumatakbo ay mabilis pa rin siyang nakasunod nang makarating sa tapat nang malaking Gate nang nga florentino ay sumigaw ako.
"TULOOONG!"
"Leaaandroooo!" sigaw ko sobrang lakas tapos mabilis na Kumapit sa malaking gate nila nang malapit na si Robin.
"Ginoong robin, nakikiusap ako, huwag.." sambit ko at Umiiling iling.
"Sa tingin mo ba maririnig ka pa nila?" tanong ni Robin kaya nakagat ko ang labi.
"Bakit mo ko tinatakbuhan Isabelle?! Pag aari naman kita diba?!" sigaw ni Robin, Tumangis ako at saka napalunok.
"Robin nakikiusap ako.. Wag mong gawin to." aniya ko.
"Bakit hindi? Gagamitin ka lang rin naman ni Leandro bakit hindi nalang kita galawin!" sobrang bilis nang tibok nang puso ko.
"LEAAAANDROOOO!" halos mapaluhod ako nang sampalin niya sobrang bigat nang palad niya, please please help me..
Tulungan mo lang ako pinapangako ko sayo leandro hahayaan kitang halikan ako! Huhu wag lang sa lalakeng ito makasalanan!
Nagwala ako nang Hawakan niya ang dalawang kamay ko. "Sumama ka na saakin." aniya ni Robin.
"Ayoko! Ayoko sabi!" sinong nagpauso na maging ganito kalayo ang Mansion mula sa Gate punyeta!
"Ayoko robin!" sigaw ko at Nagpupumiglas.
Halos mapaiwas at mapapikit ako nang mariin nang subukin ako nitong halikan sa labi pero ginawa niya yon sa leeg ko. "TAMA NA!" nakikiusap kong sabi at Pumapalag sa sobrang kaba ay parang nanghihina na ako.
"HOY!" agad kong napansin ang tinig na iyon at agad akong nagpasalamat sa isip ko.
"Ang surot sa buhay." rinig kong galit na sabi ni Robin maya maya ay Bumukas ang Gate, at doon ay mabilis akong nagpumiglas pero hindi na kailangan dahil nakita kong Sinapak si robin.
Natulala ako sakanila, Nakita ko kung gaano galit na galit si Ginoong Leandro habang pinagsasapak si Robin. "Anak! Tama na baka mapatay mo siya!" awat nang Ina ni Leandro halos manginig ang mga Kamay ko nang hawakan ako nang Ama ni Leandro.
"Wag niyo po akong hawa—"
"Maayos na ang lahat hija, Kumalma ka." umiiyak akong pinanood ang nangyayari sa harapan ko, nakita ko kung gaano hirap na hirap ang limang kawal para awatin si Leandro sobrang lakas niya.
"Wag niyo kong pigilan! Dahil mas pipiliin niyang mamatay kesa pahirapan ko habang buhay!" sigaw ni Leandro.
"Tama na yan anak! Unahin mo na muna si Binibining isabelle!" doon lang Tumigil si Leandro.
"Hindi pa tayo tapos Robin, huwag na huwag kang magpapakita saakin nang walang handang umawat tandaan mo yan!" Banta niya sa Binatang lasing at nang makita ko siya sa Harapan ko ay narinig ko ang malulutong niyang mura.
Hanggang sa Yumuko siya at naramdaman ko nalang na Lumulutang na ako sa Ere habang hawak hawak niya. "Ama, siguraduhin niyong ipapaalam niyo to sa Magulang niya. Pakisabi rin na bukas ko na ihahatid sakanila si Binibining isabelle." pumikit ako at itinago ang mukha.
"Sa kwarto ko na muna siya Ina, nangangalaiti ako at sinisisi ang sarili." nang marinig yon ay sobra sobra akong nakonsensya sa nangyari.
"Kumalma ka anak, Dalhin mo na ang mapapangasawa mo sa Silid mo. Tatawagin ko si Molina upang papalitan siya at ikaw nang bahala sakanya." narinig kong sabi ni Ina.
"Sige Ho." nang makapasok sa Isang silid ay Sa kama ako idineretso.
"Tumahan ka na.." nang marinig yon ay mas lalo akong naiyak.
Maya maya ay naramdaman ko ang mga Bisig niya na yumakap saakin a doon ay Umiyak ako naramdaman ko ang Haplos niya sa braso ko. "Shhh.." nasa kama niya kami.
"Nasaan na ang bibihisan." siguro yon ang Molina tumayo naman si Leandro tapos lumabas nang Kwarto.
Sampong minuto ay nakabihis na ako napunasan na rin, Nang lumabas siya ay yun ring pagpasok ni Ginoong Leandro agaran siyang lumapit saakin at doon nagtama ang mga mata namin.
Kita ko ang Galit at pag aalala sa mga mata niya nang maupo siya sa Harap ko ay napapitlag ako nang bigla ay haplusin niya ang leeg ko. "Napakasama niyang lalake." sambit ni Leandro.
"Hindi ko nga ginawa ang bagay na to, siya naman ang gumawa." napapikit ako nang haplusin niya ang Pisngi ko.
"Patawarin mo ko, binibining isabelle. Hindi ako karapatdapat dahil pinabayaan kita." Umiling ako, nang umiling.
"Wala kang kasalanan, ang kutsero nang kalesang sinasakyan ko nasaan na?" bumuntong hininga si Leandro.
"Ano ang ginawa niya sayo?" seryoso ang tanong niya nang tignan ang kamay niya ay agad ko iyong hinawakan may sugat ang kamao niya at namumula.
"Huwag mo na akong alalahanin." aniya niya, Binitiwan ko yon.
"Nasa kalagitnaan kami nang byahe, nang biglang tumigil ang sinasakyan ko tapos bihlang bumukas ang Pinto, tapos sinabi niyang huwag na raw kitang pakasalan at bumalik na ako sakanya." napalunok ako.
"Pagkatapos daw nang gagawin niya siya na ang papakasalan ko." huminga nang malalim si Leandro halatang nagpipigil nang galit.
"Magpahinga ka na." sambit niya at tatayo na sana pero mabilis kong Hinawakan ang kamay niya kahit na nanginginig ang mga kamay ko.
Buong lakas kong hinila siya upang mapaupo sa kama tinitigan niya naman ako kaya namam bahagya akong Bumangon at saka dahan dahan na Inilapit sa mukha niya ang mukha ko, Ipinikit ko ang mga mata at pinagdikit ang labi namin.
Sinubukan ko siyang halikan dahil hindi ako ganun kagaling pero hindi na ako nahirapan dahil siya na ang gumalaw para saakin, dinamdam ko ang mainit niyang labi sa labi ko.
Na marahang Gumagalaw nang may pagrespeto, naramdaman ko ang bahagyang pag angat niya at yun ring paghiga ko bahagya akong nagmulat ay nagtama ang mga mata namin habang nakahiga ako ay nakaupo siya ngunit nakayuko.
Muli ay hinayaan ko siyang angkinin ang labi ko, naramdaman ko ang mga palad niya sa Balikat ko ngunit bigla siyang tumigil kung kaya't nagmulat ako. "H-hindi ko dapat ito ginagawa binibini, paumanhin." nang sabihin niya yon ay Mabilis siyang tumayo at Bahagyang yumuko tapos ay umalis na.
Nang lumabas siya ay Inabot ko ang unan niya at niyakap iyon tapos Palihim akong napangiti habang ang tibok nang puso ko ay hindi kumakalma.
"L-lola.." sambit ko umaasang malalaman niya ang naganap saakin ngunit walang tugon, kamusta na kaya ang pamilya ko bigla ay ninais kong malaman.
Pumikit ako at sinubukan na kausapin siya sa Isip. "Lola, ganito ba talaga ang mangyayari? Bakit hindi mo ko pinaghanda?"
Ngunit nanatiling tahimik sa isipan ko, Kung kaya't naupo ako at Pumikit. Tala arawan.. Nang magmulat ay nasa palad ko na ito binuklat ko ito at hinanap ang araw ngayon upang bumalik sa pinakaorihinal na pangyayari.
Nang makapikit ay bigla akong bumalik sa Una.
Nasa bahay ako, ngunit wala sa hardin kundi nasa balkonahe nakatingin sa labasan sa mga makikinang na tala napatingin ako hinanap ang sarili hanggang sa nakita ko ito.
"Kung saktan ko kaya ang sarili? Gagamutin niya kaya ako pag tinawagan siya nila Ina?" aba'y siraulo to ah.
Simula ngayon hahayaan kong gawin niya ang lahat upang tumungo rito si Ginoong Leandro nais kong malaman kung talaga bang netong gabi ay magagahasa ako.
Pinanood ko siyang gawin ang plano sinugatan niya ang Pulsuan at biglang sumigaw nanood lamang ako nang nanood nakita ko ang pagtulo nang luha at dugo sakanya.
"Tawagan niyo si Leandro ngayon na!" napangiti ako, naupo ako sa Duyan nang balkonahe at pinanood sila sampung minuto ay dumating si Ginoong Leandro na may dala dalang Bag.
Tinitigan ko siya, kita sa mukha niya ang pag aalala kasabay nang pagkadismaya nang nasa Kwarto na ay Mabilis na Ginamot ni leandro si Isabelle ang aking sarili.
Nang maiwan silang dalawa ay tumigil si Leandro. "Idinikit mo lang ang patalim, sa ibabaw lang kaya dumugo. Maayos ka pa rin." aniya ni Leandro.
"Wag mo sanang saktan ang sarili mo dahil saakin Binibining Isabelle, Hindi kakayanin nang konsensya kong mawalan nang kaibigan." tumikhim ako nang maluha si Isabelle agad naman iyong pinunasan ni Leandro.
"Pano ko gagawin ang mga bagay para mahalin mo ko kung nandiyan si krisseta?" ngumiti si Leandro.
"Kung tama ka sa Hinala mo darating ang oras para doon Isabelle.. Sige na uuwi na ako." tinitigan ko si Leandro.
"Ihahatid na kita, maayos naman ako diba?" walang nagawa si Leandro at tumango nalang sabay sikang naglakad palabas nang kwarto kung ganun habang hindi ako ang nasa katawan nang isabelle na yan mahihirapan siya.
"Maayos naman ako ina, nais ko lang talagang makita si Leandro." habang pinakikita niyang patay na patay siya kay Leandro walang silbe ang lahat.
"Ihahatid ko na ho siya." tumikhim ito at sabay silang naglakad sa labas nang makasakay sa Karwahe o kalesa ay tahimik sila tumabi naman ako kay leandro pero dahil gusto ko makira reaksyon niya lumipat ako.
"Hindi mo man lang ba ako titignan?" natawa ako dahil baliktad ang nangyari sa reyalidad.
"Wala namang rason para tignan ka Binibini." maayos na sagot ni Leandro binasa ko ang labi tapos nag isip.
"Nais sana kitang makita bukas, sa harap nang bahay namin." napahilot akonsa Sintido mangmang aish mukha siyang patay na patay.
"Hindi ko nais dahil may lakad ako." sagot ni Leandro.
"Kay binibining Krisseta nanaman ba?" aish.
"Mm." tanging sagot ni Leandro kaya naman ngumiti nalang ako, Tignan mo nga naman kung gaano kadali para saakin na wala man lang ginagawa.
Nang makarating na ay dito ako nag abang, lalo na nang makalayo at oo nga nakita ko na biglang pumasok si Robin sa Karwahe matapos niyang patulugin ang Kutsero.
"Tutulungan kitang kalimutan mo siya Mahal ko.." at oo lasing rin si Robin rito iisa rin ang suot niya.
"Ano bang ginagawa mo ginoobg robin, lasing ka Umuwi ka na." napanguso ako at saka nanood lang.
"Pagkatapos nang gagawin ko sayo ako na ang mapapangsawa mo binibini, Bumalik ka na saakin mahal ko." pumasok si ginoobg robin sa Loob at Basta basta nalang hinalikan si Isabelle pinanood ko ito.
"Ano ba! Tulong manong!"
"Walang tutulong sayo rito! Kaya bumigay ka nalang magiging mabilis to!" naikuyom ko ang mga kamao dahil nakita ko kung anong ginawa ni robin saka ko naalala ang nangyari kanina saakin.
Mabilis akong Sumanib kay Isabelle dahil alam kong wala siyang alam para ipagtanggol ang sarili niya nang sipain si Robin ay galit na galit ko siyang sinuntok at saka mabilis na tumakbo papalabas.
Ang lugar papunta kila Leandro ay tinahak ko habang nakasunod saakin si Robin mabilis akong tumakbo walang hinto walang lingunan nang makarating ay nagsisisigaw ako.
"LEAAAAANDROOO! TULOOOONG!" sigaw ko paulit ulit hanggang sa makalapit na siya ay mabilis ko siyang sinipa ulit at saka ako huminga nang malalim n-ngunit magkaiba ang nangyari noon sa kanina?
"Ipaubaya mo na siya sa kapatid ko, hindi siya lalabas para tulungan ka! dahil gugustihin niya to!" sa sinigaw ni robin ay natigilan ako.
Gugustuhin niya to? Hindi ba talaga siya lalabas? Kung ganun magagahasa ako sa araw na ito? Nang lumapit saakin si Robin ay pumikit nalang ako habang umiiyak hindi ko matanggap na kahit ito ang unang nangyari bakit niya gugustuhin!
Naramdaman ko ang pagsipsip niya sa Leeg ko at doon ay itinulak ko siya sa galit.. "A-ang mga tulad niyo.. Walang patutunguhan kundi sa ibaba!" sigaw ko sakanya sa sobrang sama nang loob pero wala akong nagawa dahil mukhang wala siyang pakialam dahil lasing siya.
Pero iba ang inasahan ko bumagsak ako sa lupa..
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro