Chapter 23
Iris Nevaeh's POV.
"Hayaan mo anak, Pag tila nang ulan pupunta ka sa bayan upang mamili." napangiti naman ako sa Sinabi ni Ama.
"Salamat Ama." aniya ko pa.
"Tuwang tuwa nanaman ang anak mo." sambit ni Ina kaya ngumiti ako.
"Sige ina, Ama doon muna ako sa Kwarto ko." nakangiting paalam ko tapos naglakad na pero nakita ko naman si Leandro na may hawak hawak na parang tala arawan kaya agad ko siyang nilapitan.
"Sayo yan?" tanong ko.
"Uhm oo, bakit?" ngumiti ako.
"Patingin." agad niya itong iniiwas kaya naman ngumuso ako at Inabot yon pero itinaas niya ang mga kamay.
"Ang damot mo." sambit ko.
"Tala arawan ito binibini, Pinababasa mo ba ang sayo?" umiling ako bilang sagot tapos Inabot ang tala arawan niya na nasa kamay niya pero nakataas kaya naman pinaningkitan ko siya nang mata.
Habang inaabot yon ay napalunok ako. "Yieeeee binibining isabelle napakaganda niyong panoorin." namula ang mukha ko tapos tinignan si Lorita kasama si Lola at ama ina na sobrang ganda nang ngiti.
"Masyado kayong malapit, Ganyan rin kami nang Ina mo noon. Humahawak sa Tyan." nanlaki ang mata ko at agad na napatingin kay Leandro na nakataas pa rin ang kamay tapos napatingin ako sa palad ko Oo nga agad akong lumayo.
"W-wala namang malisya yon, ama dahil mag kaibigan kami noon at—"
"Marason ka anak." namula ang mukha ko tapos Ngumuso at mabilis na umakyat sa Kwarto ko tapos Nilock yon saka ako napasandal sa Pintuan.
"What the hell am i doing." bulong ko sa sarili at kinapa ang dibdib dahil sobrang bilis nang tibok nang puso ko.
Naupo nalang ako sa kama at Kinuha ang diary ko ang katuloy nang naputol kanina pumikit ako pagkabuklat.
Mabilis naman akong nakacope up kung nasaan ako nandito kami ito yung pangyayari na Hinalikan ni Krisseta si Leandro pero nang pangyayaring ito..
"Tignan niyo po ang Anak niyo at si Krisseta, Nagtataksil po sila." naikuyom ko ang mga kamao, kung ganun si Isabelle rin ang dahilan kung bakit mapaparusahan si Leandro.
Napakagulo hindi naman ito ang unang beses kaya pala wala siyang ginawa pero nagmamalinis siya sa diary niya kingina Kingina pala nang ugali ko noon. "Leandro!"
Nagmulat na ako nang mata dahil alam kong naayos ko na ang bagay na yon at nalaman ko na rin tsk hayop na yan. Ipinikit ko ang mga mata.
"Makakatikim ka saakin!" sigaw ni Krisseta kaya naman mabilis akong lumapit kay Isabelle noon tapos naging Isa kami bago pa man lumapat ang palad ni Krisseta ay Nasangga ko na ito.
"Anong ikinagagalit mo? Dahil sinisimulan na ni leandro na iwasan ka?" nakangiting sabi ko.
"Nangako siya sa magulang ko na susubukan niyang alisin ang pagmamahal niya sayo. Pero parang andali dali lang noh?"
"Mahal niya pa rin ako Isabelle! Yun ang hindi mo makukuha sakanya!" sigaw ni Krisseta saakin.
"Hinding hindi mo maagaw!" tumawa ako.
"Hindi ko naman balak agawin, Hinding hindi ko talaga maagaw dahil kusa niya akong mamahalin." aniya ko at tumikhim.
"Wag kayong maghahalikan sa lugar nila, Magtago kayo." sambit ko.
"Mga kawal! Tugisin niyo ang isang to!" bumuntong hininga ako nang Sundin siya nang kawal nang Gobernador santos kaya naman nang akma ako nitong hawakan agad kong Siniko ang Mukha nito.
Tapos agad kong Hinila ang kamay ng Hahawak saakin at itinumba siya. "Isabelle!" agad akong tumigil at nilingon si Leandro.
"S-saan mo natutunan yon? Ano ang nangyayari rito?" tanong ni Leandro, ngumiwi ako.
"Krisseta, Nakalimutan mo na ba unang sinabi ko sayo? Hindi ako ang gagawa nang dahilan." ngumiti ako at saka naglakad na papaalis.
Nagmulat na ako at napangiti.. Maganda nang maayos..
Lumipas ang isang linggo at hindi ko na ulit nakita si Leandro dahil ewan hindi ko rin alam pero ayos lang naman yon, habang naglalakad lakad sa Hardin namin nagtataka ang ibang nakakakita saakin dahil sa kakaibang suot ko, kasama rin si Lorita.
"Lorita, tara maglakad lakad tayo." nakangiting sabi ko tapos Inaya siya lumabas kami nang gate at naglakad lakad palinga linga ako sa paligid.
Nang nasa gitna nang paglalakad ay nakita ko si Leandro at Krisseta, magkaharap sila tingin ko ay nag uusap sila pero napatakip ako nang bibig nang makita kong sampalin ni Krisseta si Leandro.
"mukhang masakit yon binibini." sambit ni Lorita.
Maya maya ay napansin ko ang pag alis ni Krisseta pero yun rin ang pag lapit nang tatlong kalalakihan kay Leandro tapos napansin ko si Robin nagtama ang mga mata namin at nagulat siya.
"Diyan ka lang Lorita." aniya ko tapos mabilis na tumakbo papunta kay robin, nang makalapit ay agad kong hiniklat ang Kwelyuhan niya.
"I-isabelle.." sambit niya kaya naman inilapit ko siya saakin.
"Anong ginawa mo?!" sigaw ko sakanya.
"I-isabelle ano b-ba." pabato ko siyang binitiwan tapos tinignan si Ginoong Leandro.
Dinedepensahan niya ang sarili kaya naman sumugod ako doon tapos Hiniklat ang lalake buti nalang maganda ang PE namin bilang architect. "Yah!" bwelo ko pa tapos Nilingon muli si Robin.
"ITIGIL NA YAN!" nang isigaw niya yon ay umatras na sila ako naman ay magagalit palang sana pero Hinila na ako ni Ginoong Leandro papunta sa Likuran niya.
"Pag sisisihan mo ito, Ginoong Robin." sambit ko at saka masamang tinitigan sila agad namang lumapit si Lorita.
"Saan mo natutunan ang bagay na yon Binibini?" tanong ni Leandro.
"Nasaktan ka ba? Maayos ka lang ba?" tanong ni leandro saakin Bumuntong hininga ako at saka Tumango tango.
"Nasaan ang mga kasama mo? Bakit kayo lang?" tanong niya.
"Nag lakad lakad lamang kami, pero sa di kalayuan ay nakita namin ang nangyari." sagot ko tapos Pinagpag saka ko napansin ang suot ni Leandro nakatupi rin ang shirt niya.
"Sigurado kang hindi ka nila nasaktan?" napatitig ako sakanya, they both have the same reactions after i showed them what i've got.
Parehas pa rin ba sila, yung leandro na binabalikan ko sa ala ala ko Iisa pa rin ba sila? "Isabelle." bigla ay nagising ako at saka Tinignan si Lorita.
"Maayos ako Ginoo." aniya ko at mabilis na Iniiwas ang tingin tapos nagmamadaling maglakad, papaano kung nagpapanggap lang siya? K-kase bakit sila mag kikita ni Krisseta? Para saan?
"Binibining isabelle!" narinig ko ang boses ni Lorita at Leandro kaya naman mas nagmadali sa kakamadali ay natapilok ako dahilan para Bumagsak.
"Lorita, Mauna ka na." sambit ni Leandro kaya naman Pinilit ko tumayo on my own pero ramdam ko ang sakit.
"B-binibini ayos ka lang b—"
"Mauna ka na Lorita." nakangiting sabi ko naramdaman ko naman ang pag tayo saakin ni Leandro kaya tumikhim ako at tahimik na Nagmatigas upang makalakad.
"Maupo ka Binibini." pinagpag pa niya ang malaking bato at Iniupo ako don kaya naman Napalunok ako nang alisin niya ang Suot ko sa Paa.
"A-anong gagawin mo?" gulat na tanong ko.
"Magiging masak—"
"Uy ano ba?.." sita ko. Pero tumingin siya saakin at ngumiti.
"Medisina ho ang kursong kinuha ko binibining isabelle, Magtiwala kayo saakin dahil isang taon nalang propesyonal na mang gagamot na ako." ngumiwi ako at Nagtakip nang mukha hanggang sa.
"Ah!" tapos Iniikot ikot niya na ang Paa ko maayos na Omg! Ngumiti siya at Inalalayan akong tumayo.
"Alam kong iba ang iniisip mo dahil natagpuan mo kami ni binibining krisseta na magkausap. Hindi ko naman inaalis sayo ang magduda." sambit niya.
"Mag usap lang kayo, wala naman akong pakialam kung may kausap kang iba. P-pinagkasundo lang tayo hindi ibig sabihin non Responsibilidad mong ingatan ang nararamdaman ko." sambit ko.
"Hindi mo pwede—"
"Pabayaan niyo ko sa Plano ko, lola. Magtiwala kayo saakin."
"Mauuna na ako Ginoo, Kaya ko na ang sarili ko." umalis na ako at saka bumuntong hininga.
Kinausap ko si lola gamit ang isipan ko, nang makarating sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko kaya naman nang makarating ay kinuha kong muli ang Tala arawan ko noon.
Binuklat ko ito sa Random na Pahina.
Pagmulat na pagmulat ko ay Kita ko ang maraming tao medyo pamilyar saakin ang lugar sa Manila ito tama ba? "Binibining isabelle, Babalik siya kung tunay ka niyang minamahal nauunawaan mo?" pinanood ko naman ang isang babae na hindi ko naman kilala.
"Babalik siya, Binibini. Nangako siya saakin." lumapit ako sakanila kung ganun sino ito?
"hindi lahat nang pangako natutupad, madalas sakanila nasisira." nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Isabelle.
"at alam ko rin ang lihim mong pagtingin sakanya binibini! Tinrato kitang kaibigan! Pero hindi ako makapaniwalang pagtataksilan mo rin ako tulad nang iba." nang marinig yon ay tila nadama ko ang sakit sa sariling dibdib.
"H-hindi ko sinasadya.. Hindi ko sinasadyang mahulog sakanya Isabelle, Kahit putulin mo pa ang Dila ko." sambit nang binibining ito.
"Sanya.."
Sa sobrang inis ay mabilis akong sumanib kay isabelle. "Kung sigurado ka talaga, Halika't puputulin ko ang dila mo." hinila ko siya pero inawat niya ako.
"Isabelle! Wala ka sa lugar niyo para maging Prinsesa na susundin namin rito!" tumawa ako.
"Itinaya mo ang dila mo diba? Bakit di mo mapanindigan ngayon ha! Bakit hinde!" sigaw ko tapos dinuro siya.
"Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung pagtaksilan ako nang kaibigan! Pagtaksilan na ako nang mahal ko pero ang kaibigan! Kahit kailan man walang naging tunay saakin!" hindi ko napigilan ang sarili dahil hanggang sa Iris Nevaeh ganto na.
"Mahal ko.." naramdaman ko ang pag awat nang isang makisig na braso mula saakin kaya naman tinignan ko ito at sa hindi inaasahan yumakap ako sakanya.
"Ako lang naman yung mahal mo diba? Umpisa palang hindi mo naman ako niloko diba?"
"Tama na Isabelle!"
"Bakit hindi lola! Bakit pinipigilan niyo kong alamin—"
"Dahil ayoko nang mabaon ka ulit sa dati! Kaya ka nandito para ayusin ang lahat Nevaeh!"
Kusang humiwalay ang kaluluwa ko sakanya at doon ako nagmulat nang mata..
Nagmulat akong lumuluha, habang mas nalalaman ko ang kwento niya mas nasasaktan ako. Lalo na't pakiramdam ko ngayon kay Leandro ay kakaiba na rin.
Napapikit ako nang sumakit ang Ulo.
"Wag na wag mong hahayaan ang sarili mong mahulog sa iba kahit kay Leandro, saakin lang."
Nagmulat ako at saka napalingon sa paligid, sobrang bilis nang tibok nang puso ko sino ang nilalang na yon? Ano at sinabi niyang wag akong mahulog kay Leandro?
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro