Chapter 14
Iris Nevaeh's POV.
"Anak, Ayos naman ba ang iyong pakiramdam? May gusto ka bang kainin?" tanong saakin ni Ina kaya Umiling ako dahil ramdam ko talaga ang Panghihina.
"Anak, Ayos ka lang ba? Namumutla ka." bigla naman ay Lumapit si Ama bakit ganito? Kung ganun dahil sa ginawa ko talaga nang Umpisa kaya nagkamali ako? Mali ang naging daan? Na dapat ay ganto?
"Ina, Ama ayos lamang ako." sagot ko.
"Inaantay pa si Leandro sakanyang Pagbibihis." napanguso ako at saka yumuko sa Mesa.
"Kumuha ka nga doon nang tubig mahal." rinig kong utos ni ina kay ama.
"Ano pong nangyari sakanya?" tanong ni Lorita alam kong siya yon dahil sa Boses niya.
Huling pagkakataon para maayos ko at mailigtas ko rin si Lola sa bagong mundo. "Senyorita Cristiana, Don Luciano.." nang marinig ang tinig na yon ay mas yumuko ako baka magkamali nanaman ako.
"Ginoong Leandro, Ikaw pala." sambit ni ina base sa Narinig ko.
"Maligayang kaarawan saiyo." bati ni ama at narinig ko ang pagbaba nang baso sa Mesa.
"Salamat ho Don Luciano, Ikinagagalak ko ho kayong makita muli." napaka makata naman nang taong ito.
"Ako rin, Ang laki na nang ipinagbago mo Leandro." bati ni ama sakanya kung kaya't umayos na ako nang upo at kinuha ang isang baso mang tubig nang hindi tinitignan si Leandro.
"Magpapahangin ho muna siguro ako Ama, Ina." sambit ko at tumayo at saka naglakad na, Why do i have this feeling na pag nagkamali ako Para akong mamamatay tao sa pagiging reckless ko.
Nang makatungo sa hindi ganun kaliwanag na parte nag mansyon nang mga Florentino ay Naupo ako sa isang sementong Upuan o Bench kung tawagin sa bagong panahon ramdam ko ang Lungkot at kawalan nang kalayaan.
"Binibining Isabelle." nang marinig ko ang boses niya ay mariin akong napapikit at saka Bumuntong hininga.
"Maari ba kitang tabihan?" tumugon ako gamit ang pagtango, sobrang gwapo niya matangos ang Ilong at may kaputian siya.
"Binibining Isabelle, Huwag mo sanang masamain ang pagpunta o pagsunod ko sayo rito. Nagbabakasakali lamang ako na makausap ka." napangiwi ako.
"Sa anong dahilan?" tanong ko pa.
"Nasabi saakin nang iyong ina na masama pa rin ang loob mo saakin dahil sa pag-alis nang aming pamilya papuntang Espanya." napatingin ako sakanya dahilan para magulat siya.
"Mas mabuti na rin siguro yon, Hindi yung umaasa ako sayo upang ipagtanggol mo nang mga bata pa tayo. Isa kang mabuting kaibigan at pagkakamali ko na naging isip bata ako." sambit ko sakanya.
"H-hindi ganun."
"Hindi yon ang nais kong sabihin alam ko na kahit wala ako kaya mo Binibini. Ngunit iba na kasi ang panahon ngayon ang tagal na rin nang lumipas Binibini." ngumiwi ako.
"Anong nais mong iparating?" tanong ko.
"Na sana maging kaibigan tayo muli." kaibigan lang? Sabagay si Krisetta naman pala talaga ang gusto mo.
"Mag kaibigan pa rin naman tayo." sagot ko.
"Isabelle at Leandro, pinapatawag kayo nang inyong mga magulang." huminga muna ako nang malalim at tumayo na.
"Bakit ho kayo pa ang Inutusan lola?" tanong ko.
"Aba'y ginusto ko rin naman ito apo, kaya tayo na may ibabalita ang inyong mga magulang." kaya naman sumunod kami kay Lola.
Nang makarating sa Mahabang mesa na Rectangle type ay magkaharap kami ni Leandro kung kaya't napapansin ko ang tingin niya.
"Dahil nandito na kayong dalawa, Sasabihin lang sana namin na Ipinagkasundo namin kayong dalawa upang ikasal sa susunod na taon." napamaang ako.
"Ngunit ama alam niyo naman pong nasa tamang edad na ako ngunit wala pa ho ako sa tamang pag-iisip pagdating sa asawa asawa." sambit ko pa.
"Anak, hindi pa naman ngayon eh dahil tinarapos pa naman ni Leandro ang kanyang pag-aaral sa kursong medisina." ngumiwi ako.
"Pag-iisipan ko ho ama."
"Ngunit wala ka nang magagawa anak, Mabuti naman si Leandro wala pa siyang kahit anong Reklamong natatanggap." napanguso ako gusto ko naman eh kaya lang kasi natatakot ako na baka magkamali kaya magpapakipot muna ako konti.
"Kung ayaw mo sakanya kay rocco nalang—"
"Hindi na pala ama." sagot ko at namula ang mukha dahil nakita ko ang pagngiti ni leandro na para bang nang-aasar.
"Mabuti kung ganun anak." sambit ni Ina na para bang natatawa sa mabilisang pagtanggi ko kay rocco.
"Nga pala Binibining isabelle, May munting regalo ang mga Florentino para sayo maibigan mo sana." naiwang nakaawang ang Bibig ko nag may dumating na dalawang lalake na may Buhat na kahon.
"Para saakin lang po ito?" tanong ko.
"Oo binibini, halos lahat diyan ay si Leandro ang namili." bigla ay magliwanag ang mukha ko at naramdaman ang saya sa Dibdib Sa buong buhay ko Si Mommy palang ang nagregalo saakin.
Pero ito? Kahit di ko birthday niregaluhan ako Woah. "Tignan mo na Binibini." sambit nang ina ni Leandro.
"Salamat ho." sambit ko.
Binuksan ko ang kahon at halos mamangha ako sa sobrang ganda nito ngunit bakit nang unang nangyari to ay wala silang inabot? Hindi kaya dahil nakalimutan nila?
"Sigurado po ba kayong akin lang ito?" tanong ko.
"Oo, nakakatuwang nagustuhan mo." sagot ni Leandro.
Ibinaba ko ang kahon at saka tumikhim. "Salamat ho ulit Ginoong Leandro, Sainyo rin po Senyorita Teressa at Don felipe." nginitian nila akong lahat.
Nang matapos kaming kumain ay naisipan muna nila Ina at ama na makipag-usap sa pamilyang florentino anong oras na rin at madilim dilim na sa labas kung kaya't naramdaman ko nanaman ang Lungkot dahil namimiss ko na si Mommy.
Papaano kaya siya? Nag-aalala kaya siya dahil hindi pa rin ako nakakabalik? Panigurado nag-aalala na siya nang lubusan pero gusto kong ibigay kay mommy ang lahat nang makakaya ko kasi para saamin to eh.
"Napakalalim nanaman nang iniisip mo binibini, Sana ay ayos ka lang." nahihiya ko namang tinignan si leandro dahil sa inasta ko kanina sa harapan niya ramdam ko kasi ang pressure at kaba na baka magkamali ako.
"Ginoong Leandro, Huwag niyo sanang masamain ang pagiging mailap ko. Matagal rin tayong nagkalayo kaya naman hindi ako Kumportable ulit." ngumiti si Leandro at tumikhim.
"Nauunawaan ko Binibining Isabelle, pero gagawin ko ang lahat upang maibalik ang pagkakaibigan natin upang mapabuti ang pagsasama natin." namula ako, oo nga pala nakatakda kaming ikasal GOD!
"Ah hehehehehe." lumiwanag ang aura niya nang makitang okay na ako kaya naman gumaan ang Pakiramdam ko.
"Binibining isabelleeeee." napatingin ako kay Lorita na palinga linga.
"Over here!" sambit ko agad ay napatingin sila saakin.
"Nag-iingles ka." sambit ni Leandro.
"Bakit naman hindi? Napakaraming libro sa silid ko nais mo bang tignan?" sambit ko.
"Sa susunod nalang binibini, mabuti yung nagbabasa ka nang libro upang matuto. Malapit na ang pasukan sa Maynila." nag-aaral pa pala si Isabelle? Sa anong kurso naman?
"M-matagal pa." kung November 13 ngayon edi matagal pa next year pa.
"Pero mabilis ang panahon, kaya magiging mabilis yon." sambit ni Leandro saakin ngumiti nalang ako sa totoo lang? Hindi ko talaga alam.
"Makikisingit sana ako sa usapan niyong dalawa Binibini at Ginoo, nakalimutan niyo po kasi ata na nandito ako." parehas kaming natawa sa Singit ni Lorita.
"Bakit ka nga ba naparito?" tanong ko.
"Kailangan na ho kasi nating Umuwi dahil mukhang Uulan na po sabi ni Senyorita." kaya naman tumango ako at ngumiti.
"Susunod ako don." sambit ko bahagya itong yumuko at nang umalis siya ay tinignan ko si Leandro.
"Pano ba yan, Mauuna na kami." paalam ko.
"Ingat kayo binibini, tara at ihahatid na kita sa kalesa." ngumiti ako napakamaginoo naman ano ba yan Nevaeh ah ikaw si Nevaeh di si isabelle kaya wag kang malaglag jusko.
Habang naglalakad ay nakarating kami sa Kalesa. "Paalam binibini, hanggang sa susunod na pagkikita natin." Bahagya pa siyang yumuko at itinapat ang kamay sa Dibdib.
"Salamat rin Ginoong Leandro." ngumiti ako.
"Salamat rin sa pagtanggap saakin binibining Isabelle." ngumiti ako bago sumakay sa kalesa kung nasaan si Ina at ama naupo ako sa Gitna nila habang kaharap namin si Lorita katabi ang isang Bag na para saamin at ang kahon na rin.
Kinawayan ko sila nang umalis na ang kalesa at ganun rin sila kaya naman napangiti ako sa sariling Imahinasyon ewan ko ba natutuwa ako kay Leandro ramdam kong nang panahon na si isabelle ako ay talagang dikit sila.
"Mukhang nahuhulog ka na lalo kay ginoong Leandro anak." namula ako.
"Nako ama, magkaibigan—"
"Baka magka-Ibigan anak." asar ni ina kaya namula ako.
"Osya wag na nating asarin, baka ipatigil ang kasal." natatawang sabi ni ama, sana ganito nalang si daddy mukhang minalas talaga ako sa makabagong panahon dahil sa kagagawan ko noon.
"Ikaw Lorita kailan ka bibisita sa pamilya mo?" sambit ni Ina kay Lorita.
"Hindi ko pa po alam, Mas kailangan po ako ni Binibining isabelle kesa sa pamilya ko." sambit ni Lorita napakabuti naman niya.
"Kamusta naman ang relasyon mo sa ate mo Lorita?" bigla ay nalungkot si Lorita.
"Mas itinuring pa nga po akong kapatid ni Binibining Isabelle kesa sa ate ko po. Kaya naman po masaya ako kahit papaano." Ngumiti si Ina.
"Mabuti naman Lorita, ayaw mo bang bumalik sa pag-aaral mo?."
"Wala naman po kaming pera nila ina." sagot niya.
"Kami na ang bahala sayo para may kasama na si Isabelle sa Maynila." nanlaki ang mata ni Lorita.
"talaga po ba? Nako pangarap ko hong makapagtapos." Ngumiti naman ngayon si ama.
"Kung ganun ipapaasikaso ko na ang Papeles mo para papasok ka nalang sa susunod na taon." aniya ni Ama.
"Maraming salamat ho Don Luciano." sambit ni Lorita.
"Kailan po ba ang pasukan?" tanong ko.
"Sa February na ang balik niyo sa Maynila anak." aniya ni Ama.
"sige po." samantalang sa makabagong panahon e June ang start minsan august pa.
Nang makarating ay sa kwarto agad ako dumeretso para makapagpahinga kapagod kaya noh sa mundo nang tao maingay dito naman sobrang tahimik mga manok lang ang maririnig na alarm clock tch.
Nagpahinga na rin ako agad bukas ko na aayusin ang kahon na niregalo nila saakin.
***
Habang nasa Garden ay nagdidilig ako nang halaman habang Kumakanta nang Sana ni Belong to the zoo hehe nakakamiss wala na akong naririnig na music na ganyan dito.
"Sadyang napakaganda talaga nang tinig mo Binibining Isabelle." agad ay naitutok ko sa nagsalita ang hose dahilan para manlaki ang mata naming dalawa at ayon na nga parehas kaming nabasa.
"Hala Sorry!"
"Este Paumanhin Ginoong Leandro, hindi ko sinasadya ginulat mo ako." aniya ko ngunit ngumiti siya at Kinuha ang Hose tapos halos manlaki ang mata ko mang basain niya ako kaya naman natawa nalang ako at Binasa rin siya gamit pa ang isang Hose tumakbo ako at Ganun rin siya.
"WALA YON HAHAHAHA." umikot kami sa Buong garden at nagbasaan.
"NAKO kayong mga bata talaga kayo! Ang lalaki niyo na panay pa rin kayo laro!" sita ni Lola kaya Kinawayan namin siya.
"Ganyan ba kayo magbatian ha nagbabasaan." Ngumiti si Leandro kay Lola.
"Hindi naman po Lola, sadyang aksidente ngunit parang sinadya na rin." sabay tingin niya saakin kaya Binelatan ko siya at saka Itututok sana sakanya ang hose nang patayin na ni Lola.
"Osya pumasok kayo sa Loob at magbihis." aniya ni Lola ngunit natigilan ako.
"Ginoong leandro papaano na yan wala kang damit." sambit ko sakanya.
"Huwag kang mag-alala, parati naman akong may dalang pampalit." sambit niya.
"Kahit sa Pang ibaba?" tanong ko Ngunit bigla akong nahiya nang Ngumisi siya at sinita ako ni Lola.
"Lola yung Pantalon lang po ang sinasabi ko." sagot ko.
"Aba'y paniguradong nakakahiya pa rin." Napanguso ako.
"Meron ngunit maikle." napalunok ako.
"Tara na." aya ko sakanila sbaay kaming pumasok sa Loob.
"Oh Leandro? Bakit basang basa ka?" sambit ng ama ni Leandro.
"Aksidente lamang ama."
"Bakit ka naman maaksidente? Eh ang laki laki mo na baka kung ano nanmaan—"
"Don felipe kasalanan ko po, Bigla ho kasi ay Nagulat ako sa kanyang pagbati kung kaya't nangyari yan. Huwag niyo na po siyang pagalitan, ako nalang po." sambit ko.
"Ganun ba Binibining Isabelle, ayos lang hindi mo naman sadya ngunit bakit apti ikaw ay basa?" tanong niya.
"Ganyan talaga pag nagdidilig ang batnag iyan sinasabayan niya ang mga Halaman na mabasa ngunit mabuti na rin yon." sambit ni Ama pagtulong saakin upang di na mapagalitan.
"Ganun ba, Sige magbihis na kayo." sambit nila kaya naman ako ay Umakyat na kasama si Lorita habang si Leandro ay dumeretso sa Banyo.
Nang matapos ay Bumaba rin ako kasama si Lorita pero pababa palang ay tumigil na ako at tinignan si lorita alam ko ang hilig siya sa pag-aayos at ang ning ning nang mga mata niya sa Make up.
"Lorita kung gusto mo doon ka muna sa Kwarto Mag-ayos ka." sambit ko.
"Po?"
"Mag-ayos ka gamit ang mga Koloretes sa kwarto ko." aniya ko.
"Talaga po?." masayang sambit niya.
"Oo naman sige na nang mag-enjoy ka naman." ngumiti siya at bahagyang yumuko.
"Salamat po Binibini." bumalik na siya at ako naman ay Bumaba na. Ngunit natigilan ako nang makita si Leandro na nakaupo sa Sofa gamit ang towel ay Pinupunasan ang Buhok niyang basa ay nakasimpleng T-shirt lang siya at Short kaya naman nanibago ako kasi mas gwapo siyang tignan sa ayos niya.
"Mukhang nabihag mo nanaman ang damdaminin ni binibining isabelle." natigilan ako at namula nang nakatingin para saakin sila Ama, ina at lola kasama na ang magulang ni Leandro at ngayon si Leandro na rin.
Ngumiti siya Alam kong nang-aasar yon noh duh demonyo rin pala to kahit mukhang anghel. "Ah may ipis lang po." turo ko pa agad namang hinanap ni leandro at saka Tumikhim nang walang makita.
"Eh baka nasa Mukha mo ang Ipis Leandro? Sa mukha mo nakatitig si Bibibining Isabelle eh." mas namula ako mang sambitin yon nang kanyang ina kaya naman lumapit ako kay ama at Nagtago dahilan para mas matawa sila.
"Ama, Inaasar po nila ako." bulong ko.
"Nako ikaw talagang bata ka hindi mo palang aminin." nginusuan ko si ama.
Kasi naman minsan talaga natutulala ako sa ibang bagay lalo na pag may iniisp noh that doesn't mean crush ko siya.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro