Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: Territorial

Chapter 9: Territorial

"Just because you were hurt, doesn't mean you shouldn't bleed."

-Writress

***

Inirapan ko siya. Ni hindi ko nga binigyan-pansin ang huli niyang sinabi eh. I breathe in deeply at saka siya tiningnan ng matalim.

"Ok, let's cut the drama. So, ano na nga? If you're not one of them anymore, then why are you here?"

And in a snap, bumalik na siya sa pagiging happy-go-lucky at kinindatan uli ako.

"Wahahaha! Oh sige.. Nandito ako ngayon sa iyong harapan, bilang susi mo. As you know, I am against the Black Empire now kahit na kaibigan ko si Marcelo. Gusto kong maipaghiganti ang pagkamatay ng daddy ko. And to do so... I'm gonna help you guys open closed doors---like a key." Tumango ako sa kanya. Still, I can't trust this freak. He eyed me carefully at saka pinisil ang ilong ko.

I grunted.

He laughed. "HAHAHAHA! I know that look. You don't trust me. Well, even I don't trust myself.. But I promise you, totoo ang mga hangarin ko. Tutulungan ko kayong pabagsakin ang Black Empire! Alam ko ang access sa ilang mga bars nila at kaya kong ituro ang mga hideouts nila sa iba-ibang lungsod!"

Napamasahe ako sa aking sentido. "That's why you followed me here maging sa university ko? Unbelievable. Tsk.. Ano ba talaga ang gusto mo?"

He smirked again at saka naglakad papalapit sa akin with those charming eyes.

"Hmm... ano nga ba ang gusto ko?" He said in a low voice at saka hinawi ang buhok sa mukha ko at hinigit ako sa baywang papalapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko. Damn this boy!

Uupakan ko na sana siya, pero inunahan ako ng isang lumilipad na suntok na tumama sa panga niya!

PAK!

"GAGO!" I heard a familiar voice yelled at Clexion. And as the Salcedo landed butt-first on the grassy ground, naramdaman ko naman ang paghawak ng bagong dating sa kamay ko at hinila ako papalayo---well, just a few meters away. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Are you jealous, Noctis?"

Hindi niya ako sinagot. Ni wala nga akong makitang emosyon sa mukha niya. Poker face na kung poker face. His dark orbs bore into mine. Parang hinihigop ang kaluluwa ko sa lalim ng titig niya.

"Let's go."

Ayun lang ang sinabi niya before pulling me again by the hand. Napangisi na lang ako at ibinulsa ko na ang aking pocket knife. But as me and Nightmare walked further, nakarinig kami ng boses. The voice came from Clexion.

"WAIT! JASMINE! Uy, sabay ako sa inyo pabalik!!"

And the moment na narinig iyon ni Night, mas hinigpitan niya ang hawak sa akin at binilisan pa lalo ang paglakad. I even heard him muttering some curses! Ano ba kasi ang problema ng lalaking ito?! Dinaig pa ang na-menopause kong tiyahin!

~*~

"Okay class, the principal just called for an emergency meeting. Kopyahin niyo na lang muna yang writings para sa notes niyo. I'll be right back."

Nagmamadaling paalam ng professor namin before he dashed out of the lecture hall. And the moment na nawala na ang professor namin, nagsitayuan na ang mga kaklase naming babae at lumapit kay Clexion na noo'y nasa likod ko lang.

Ang malas ko 'no?

"Clexion, san ka nga uli nag-aral nung high school? Maygosh!"

"Welcome, Salcedo! Wahahaha why you so pogi ba?"

"Clexiooo-----"

"F*CK THIS!" Napahiyaw na ako sa inis dahil rinding-rindi na ako sa mga boses ng mga malalanding ito. Hindi ba sila aware na nakadaragdag lang sila sa noise pollution ng mundo?! Mga lapastangan.

At dahil na naman sa malakas kong boses, nakuha ko na naman ang atensyon ng klase for the second time this morning. Everyone, including Clexion looked at me. At nang magsalita na ang bagong salta with a devilish smirk, I almost punched him across the room.

"Oh, girls lumayo na nga kayo sa'kin. It seems that my girlfriend is a bit jealous with all the attention you chicks are giving me." At muli, KUMINDAT na naman siya!

Nang-aasar ba talaga ang gagong ito?!

Galit akong tumayo mula sa prente kong pagkakaupo at sinamaan siya ng tingin. "I. Am. Not. Your. Effing. Girlfriend." May diin sa bawat salita kong sabi. But Clex just smiled innocently at hinawi ang mga babae nakapaligid sa kanya before he pinched my nose again.

I grunted in disgust habang siya naman, tumawa.

But just then, bigla na lang lumapit si Nightmare sa amin at mabilis na hinawakan ang pulso ni Clexion at saka nito pinilipit!

"ARAY! F*ck!! ANO BA?!"

Nagkagulo na yung mga kaklase naming nanonood. I looked at Noctis at mapansin kong dumilim ang shade ng kulay ng mata niya. His eyes are darker now than normal. Para niyang tinutunaw ng tingin ang naaasar na si Clexion.

"Didn't you hear what she said? HINDI MO SIYA GIRLFRIEND. 'Wag kang mag-ilusyon diyan. Baka akala mo porke't baguhan ka lang dito, hindi na kita papatulang gago ka? Tsk. Leave her alone if you still value that pathetic life of yours."

Napa-'woah' ang mga kaklase namin sa mga binitiwang salita ni Nightmare. Ang iba pa ngang mga lalaki, nagpupustahan na eh! Yung iba naman, nagreready na ng cellphone cameras. Kaya naman bago pa lumaki ang gulo, inawat ko na si Night. Delikado na kasi eh. I've never seen him this cold.

"Noctis, tama na... wag mo nang pansinin. Look, if you're just jealous----"

Tiningnan niya ako ng seryoso sa mga mata at saka niya dinuro si Clexion.

"JEALOUS? Pftt. Hindi mo talaga ako kilala, Jaz. I am not jealous, kasi kailan man hindi ako magse-self pity at maiinggit sa kung anumang bagay meron ang taong 'yan." Binigyan niya sandali ng matalim na tingin ang lalaki.

Then, he gripped my hand.

"Hindi ako nagseselos, dahil binabakuran ko lang kung ano talaga ang AKIN. Akin ka lang, at tatandaan mo 'yan. I'm territorial, at sa oras na may magtrespass na aso sa bakuran ko.."

He inched closer to me, at saka bumulong sa tainga ko.

"..Sisiguraduhin kong hindi na makikilala ng mga awtoridad ang bangkay niya."

Kalmado lang ang boses niya. Hindi naman niya ito tinaas o kung ano. It was calm, but deadly---the worst kind of tone any gangster can give off.

I rolled my eyes and remained silent.

Kahit na sa loob-loob ko, parang sasabog na ako sa mga pinagsasabi ni Nightmare Mercado.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro