Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31: Faded

Love is like a gun. It's beautiful and fatal all at the same time. It can make or shatter someone into a million little pieces.

Nightmare's POV

Napalingon ako. Pero huli na nang mapansin kong nasa likuran ko na pala si Jasmine. My eyes widened nang makita ko siyang bumagsak sa lupa. It was like watching things in slow motion. Beads of sweat trickled from my face when I saw her eyes closed. Blood oozing out of her head.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

J-Jasmine? Tumakbo papalapit sa amin ang iba ko pang mga kasama. Mars hurriedly grabbed my gun and shot Lee dead bago niya dinaluhan ang ibang nagkukumpulan sa dalaga.

"KAILANGAN NATIN SIYANG DALHIN SA OSPITAL!"

Sa mga katagang iyon, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nanghihina at nanginginig akong nakipagsiksikan para makita si Jasmine.. Si Jasmine.. Hindi. Hindi.. Hindi pwede. Hindi 'to totoo!

Pero parang pinagsakluban ako ng langit at lupa nang makita ko ang pinakamamahal kong babae. Nakahandusay. Her face was angelic. Blood pooling around her.

"J-Jasmine..." I touched her face, afraid she'll break if I do too much movement. "Jaz... A-Anong..? G-Gumising ka nga!" Nadurog ang puso ko nang hindi siya gumalaw.

I lost it. Nagsisigaw ako. I hugged her body tightly in my arms. Hinahalikan ko ang pisngi niya.. Umiiyak na ako. "NO! H-Hindi pwede... D-Dadalhin kita sa ospital.. It'll be a-alright, Jaz.. P-Please..please..please... W-Wag mo'kong iwan."

The next events came like a blur. Namalayan ko na lang na tinatakbo na namin siya sa pinakamalapit na ospital. Humihina ang pulso niya. Natutuliro ako.. Para akong nawalan ng hininga. I can't think straight. Her face kept flashing in my head. Nasisiraan na yata ako ng bait..

A few hours later, matapos kong makipag-away sa mga nurse, napasalampak na lang ako sa sahig. Puno ng mantsa ng dugo ang damit ko pero wala akong pakialam.

All I could think about was Jasmine Cruz.

Bakit? Bakit kailangang siya pa? Why did she do that? Why couldn't she just let me take that bullet?! Putangina.. Ako ang may kasalanan nito.. Damn! I should've just killed Lee! Bakit ba ang hina-hina ko?! Tangina!

"I can't blame you for blaming yourself. Maging ako, sinisisi kita."

Napabaling ang ulo ko sa nagsalita. It was Mars. He looks as tired as I am. Malungkot siyang napangiti sa akin. I frowned at him.

"When Jasmine gets out of here, ilalayo ko na siya sa'yo." Mapangahas niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba kasi nandito pa 'tong tukmol na 'to?!

"Subukan mo lang. Tingnan natin kung saang sementeryo ka mapapadpad, gago." I spat back. Pero makalipas ang ilang minuto, ay natawa si Mars.

We both stared at the wall opposite from us.

Silence.

"Naaalala mo ba dati? Ang daming nagsasabing magkaiba tayong dalawa. Magkaiba ng ugali, pananamit, pati ng pananaw sa buhay.." Biglang sabi ni Mars. I smiled a bit about what he said. Medyo nawalan na ako ng ganang paghinalaan at magalit sa kanya. Lee's dead. It's over.

Nagpatuloy siya, "..pero hindi ko naman aakalain na bukod sa paglalaro ng basketball, nagkaroon pa tayo ng common denominator, Night.. Pareho nating minahal si Jasmine."

Napapaisip ako sa mga sinabi niya. Totoo. Kahit kailan talaga, hindi ko inaakalang magkakapareho kami ng gugustuhing babae. Unang-una sa lahat, magkaiba ang tipo namin. At kung tutuusin, medyo wala si Jasmine sa mga ito. All I wanted was a girl who can think rationally. A girl with a bigger brain than a bigger heart. Pero nakatutuwang isipin na nag-iba ang pananaw ko nang makilala ko noon si Jasmine. My childhood bestfriend. Hindi ko naman aakalain na ganito ko siya mamahalin. I love her more than my life.

"Bakit ka nga uli naging gago?" Tanong ko kay Mars. Matalim ko siyang tinitigan. I guess some wounds are meant to be relived just for the sake of old times. Tinaas niya ng kanyang mga kamay at alanganing napangiti.

"Long story. Are you ready to listen?"

I stared back at the emergency room's door. Napabuntong-hininga ako.

"Do I have a choice?"

--

Nang matapos magkwento ni Mars, nanahimik muna ako. I was pondering the things he said.

"Sana matagal ka nang tumiwalag sa grupo ni Lee."

He shrugged. "Jasmine was my main reason. Malay ko ba."

Napailing na lang ako. Mabuti nang nagkaliwanagan. Pero higit sa lahat, isa lang ang gusto kong malaman mula kay Mars ngayon.

"Do you still love her?"

At dahil dito, nag-iba ang aura niya. Naging seryoso at ngumiti siya ng mapait sa akin.

"I'll always do.. Ikaw?"

Umirap ako. "Hindi pa ba obvious? Tangina naman."

Natawa siya. I'm still not used to having him around. Alam kong mag-iiba ang pakikisama namin sa isa't isa. Hindi na siya yung Mars na itinuturing kong kapatid. Nagkaroon na ng lamat ang relasyon namin bilang magkaibigan, pero kung para kay Jasmine, we'll try.

"Hahaha! Sabagay.. Siya pa lang naman ang naiiyakan mong babae eh."

"Arf! Arf! Arf!"

Napalingon kami nang makita namin si Jojo, ang aso ni Mars, na tumakbo papunta sa akin. Napangiti ako at kinalong ko ang aso na ngayo'y mas malaki na. His white fur didn't change though.

"Nakita ko siya sa labas ng bahay mo. Sumama eh."

Clexion came with a bag of clothes. Ilang sandali pa, ay may lumabas na doktor. He removed his mask and wiped the sweat off his face with a white handkerchief.

Bigla akong kinabahan. Pilit kong kinalma ang sarili ko nang magsalita siya,

"Ligtas na si Ms. Cruz.. Natanggal na namin ang bala sa ulo niya. She'll need time to recover dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya. You're lucky the bullet didn't damaged her brain too much.."

Napatayo kami ni Mars. Siya ang unang nagsalita, "What do you mean?"

Malungkot na napangiti ang doktor.

"There's a high possibility that she can amnesia."

--

Amnesia. Ang akala ko sa mga cliche na pelikula lang nangyayari ang mga ganito. Nakakagago lang pala talaga at nandito na kami sa puntong ito. Nagpapasalamat na lang talaga ako at nakaligtas si Jasmine. It was two days since the operation, and here I am, watching Jasmins sleep soundly while Mars was eating a bag of chips. Sina Sky at Rose, naglalaro ng chess. Nagbabaraha naman sina Clex, Chase at Dream.

I sat on a chair next to her bed. Nakatitig ako sa bracelet niyang nakapatong sa mesa. I remember the day I gave this to her. Hindi ko na gaanong maalala ang mga detalye, pero ang natatandaan ko lang ay kung paano at nagandahan sa kanya. Napangiti ako sa naisip. Kahit noong mga bata pa tayo, may killer charms ka na talaga, Jaz. I was about to touch her hand nang nakita ko itong gumalaw.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Jasmine?"

Agad ring lumapit ang iba. When she opened her eyes, ako ang una niyang nakita. Her chocolate brown eyes.. Oh, how I missed them. Napangiti ako nang malawak at nag-aalalang tinanong ko siya,

"How are you feeling?"

Pero nagulat ako sa sinabi niya,

"Who are you?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Mars came by and handed her a glass of water. Nakatitig pa rin sa akin si Jasmine na wari bang nagtatanong.

Hindi niya ako kilala. Temporary lang naman ito diba? Naaalala ko bigla ang lahat ng pasakit na naranasan niya at a young age. Lahat ng hirap na napagdaanan niya. Give her a break, Nightmare.. Ayan ang sabi ng isang maliit na tinig sa utak ko. Kagigising lang ni Jasmine at ayokong bumalik agad sa kanya ang masasamang alaala. Ayokong problemahin niya agad ang mga ito. If the doctors are right, temporary lang ang amnesia niya. Hindi nga lang nila alam kung hanggang kailan ito magtatagal.

I stared back at her, my mind made up.

"I'm Noctis Mercado, your friend."

Naguluhan ang lahat sa sinabi ko. Jasmine nodded slowly and before she could even ask me more questions, pumasok na ang doktor at sina tita Josephine. I stepped back, and let them aid her.

She needs recovery.

But Jasmine, no matter what.. I'll always love you.

******

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro