CHAPTER 3: What About Today?
CHAPTER 3: What About Today?
"The happiest feeling in life? Is when you know you're contented."
-Writress
A/N: Hahaha! Oo na, level up na daw kunwari tayo xD May titles na ang bawat chapters + ramdom quotations para masaya.
Enjoy reading!
***
I wish we had another time
I wish we had another place
But everything we have is stuck in the moment
And theres nothing my heart can do
Natigilan ako sa pag-aayos ko nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Putting my hairbrush down, mabilis kong inabot ang phone kong nakapatong sa kama. I read the screen.
Noctis.
I smiled unconsciously. Bakit ba parang iba talaga ang epekto ng pangalan niya sakin?
To fight with time and space
Cause I'm still stuck in the moment with you----
"Hello, panget?"
["Tsk. Don't get on my nerves, Jasmine. Ang aga-aga."]
I frowned. I guess he woke up on the other side of the bed again. Masungit na naman eh. Huminga ako nang malalim at saka sinilip ang kabuuan ko sa salamin. Nakasuot na ako ng school uniform. Nothing special.
"Sungit mo. On your period?"
["Shut up. Nakaayos ka na ba? Susunduin kita."]
Natawa ako ng konti. Wala talagang tanong-tanong? Hayy.. susunduin kita. It wasn't a question. It's a statement. Si Nightmare talaga kahit kailan. Hindi na nagbago sa pagiging bossy.
"Opo, opo. Hihintayin na lang kita sa baba."
["Sure. Pero baka matagalan ako. Traffic eh."]
I frowned. Anong oras na kaya! Wag niyang sabihin sa'king di rin siya nakatulog kagabi kaya tinanghali rin siya ng gising? Wow. First time, if ever.
"Male-late na tayo eh! Bilisan mo kaya." Bakas na ang pagkairita sa tono ko. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. Problema nito?
["Sige na, sige na... bye---"]
"NOCTIS!"
["O, ano na naman?"]
I gulped. Well, tama lang siguro itong tatanungin ko 'no! He has the right to be reminded.
"Ahh well.. you know what day is it?" Panimula ko habang pasimpleng nagsusuot ng medyas. Multi-tasking kumbaga.
["Um.. monday?"]
Ugh! Bwiset. "I mean, the date today?"
["Wala ba kayong kalendaryo diyan para tanungin mo pa ako? Tsk. Sige na. Nagmamaneho ako e. Bye."]
"Wait-----"
Toot.toot.toot.
I sighed. Binabaan ba naman ako ng telepono! Minsan talaga ibang klase rin itong manliligaw ko. Akala mo boyfriend na kung umasta. Masyado.
"Ugh! You're impossible, Noctis!"
Napasabunot na naman tuloy ako a buhok ko sa sobrang frustrated. I can't believe he forgot what day it is! Di ba dapat siya pa nga ang unang makakaalala? Bakit ganun?
"Jaz! Anak, bumaba ka na rito. Lalamig na yung pagkain!"
Rinig kong sigaw ni mama mula sa baba. It's really a mystery kung bakit naabot hanggang dito ang boses niya. And so, wala na nga akong ibang nagawa kundi damputin na lang ang nakakalat kong bag sa sahig at nagmadaling bumaba. Hindi ko na hihintayin ang kumag na yun. Bahala siya diyan.
Bumaba na ako ng hagdan.
Pumasok na s iguro si papa. Ganyan naman siya kada monday eh. Maagang pumapasok sa opisina.
"Ma, ano bang niluto mo at---"
Natigil ako sa sasabihin ko.
Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang di inaasahang lalaking nakaupo sa may dining area.
Still holding his phone in one hand, he smirked. Ang sexy lang ng dating.
"N-Night.. bakit ka.. I mean, akala ko papunta ka pa lang dito? Sabi mo traffic!" Nauutal-utal ko pang tanong. Nightmare shook his head at saka tumayo para lapitan ako.
Nang ilang feet na lang ang layo namin sa isa't isa, may kinuha ito sa kanyang likod.
A pink rose.
Sabay sabi nang may ngiti sa kanyang mga labi, "Happy birthday, Jasmine Cruz."
Lumundag ang puso ko lalo na noong aksidente kong nadaplisan ng hawak ang kamay niya the moment he gce me the rose. I'm speechless. So hindi niya nakalimutan. Para akong maluluha! Ang saya ko.
"A-Akala ko nakalimutan mo na..."
Niyakap niya ako and bumulong sa tainga ko, "Stupid. How can I forget my girl's 19th birthday? Hindi naman ako ulyanin 'no. Tsk." At sa narinig kong iyon, I hugged him back.
"Thanks, Nightmare.."
"Ehem. Ehem."
From the corner of my eyes, nakita ko sina mama at papa both having a smile on their face. Nahiya naman ako bigla kaya kumalas na ako sa yakap ni Noctis at nilapitan sila.
"Happy birthday, anak! Dalagang dalaga ka na.." ani mama sabay lapag ng hawak nitong chocolate cake. I laughed. Akala ko rin talaga nagagalit ito sa'kin dahil baka lumamig ang almusal namin.
I smiled brightly. "Thanks ma!"
Si papa naman, iniabot sa'kin ang isang card. My eyes widened.
"Pa.."
"Relax, Jaz.. haha! I already cancelled all my meetings this morning. Mamaya after your classes, punta kayong mall. Kumuha ka na lang ng pera diyan sa bank account ko at magshopping kayo ni Nightmare. Don't worry about the expenses. Happy birthday, baby girl."
Kinuha ko yun mula sa kanya at niyakap si daddy. He knows I can be spoiled sometimes.
I looked at them.
Today is the 28th of January. Nineteen years old na ako, but still. My love ones give me a reason to live longer.
~*~
"Saan mo ba kasi ako planong dalhin?"
Lunch time na at heto ako, kinakaladkad ng pinaka-masungit na lalaki sa balat ng lupa. Shouldn't he be all lovey-dovey for once? "Basta." I sighed at wala na akong nagawa kundi magpahila na lang sa kanya.
I looked at Nightmare's back.
Ever since we entered college, puro dark-colored V-neck shirts na ang trip niyang suotin. Dahilan upang mas lalong mabakat ang magandang hubog ng pangangatawan niya. His biceps are more exposed now at mas lalong nakadagdag sa appeal niya ang maliit niyang tatoo sa batok. Hindi ko na nga maalala kung kailan siya nagpatatoo eh!
Hindi na rin niya gaanong sinusuot ang black leather jacket niya kapag nasa campus. Ewan ko ba, ayan ang trip niya eh.
Nagpalinga-linga ako sa paligid.
Wala na talaga kami sa campus!
"NIGHTMARE!! Saan ba kasi talaga tayo pupunta?! Usong magsabi!"
Pero imbes na sagutin ako ng matino, ay huminto ito sa paglalakad na naging dahilan para mabunggo ko siya ng kaunti.
"Aray! You jerk."
"We're here."
Umirap ako't tiningnan ang paligid. And then, realization hit me. Kaya pala parang pamilyar yung surroundings eh! I knew it. I've been here before many times in the past.
Napangiti ako.
This place is really memorable to me.
Naramdaman kong hinawakan ni Nightmare ang kamay ko.
"Tara?"
I nodded at naglakad na nga kami papasok ng kainan.
~*~
"JASMEN HIJAAA!"
Natawa ako sa binungad agad sa akin ng matanda. Kahit kailan talaga, hindi na niya mai-pronounce ang name ko ng maayos kapag naeexcite siya. It reminds me of the old days.
"Aling Delay!"
Natawa si manang. "Naaalala mo pa ako! Harujusko, namiss kita anak!"
I laughed too at nakita kong napangiti na rin si Nightmare.
This place. Namiss ko ang lugar na ito! Ito ang famous lugawan ni Aling Delay na madalas kong kainan nang nasa high school pa lang ako. Katapat lang kasi ito ng school namin noon.
Nang matapos ang kamustahan, nag-order na kami ni Night ng lugaw at naupo sa may bakanteng mesa.
Habang naghihintay, kinulit-kulit ko ang lalaki.
"Ikaw ha... ang sweet mo pala! Haha! Akala ko puro angas at pagsusungit na lang talaga ang ibibigay mo sa'kin ngayon birthday ko."
Tinaasan niya ako ng kilay. Hay, minsan talaga mas mataray pa sa'kin ang lalaking ito!
"Ang daldal mo pa rin. Ilang taon ka ng pala ulit? You act like a twelve-year-old Miss Cruz.."
I frowned. Pero nang ituloy niya ang kanyang sentence, namula ako ng bongga!
"...you're childish and immature sometimes. And that's what I like about you."
Nightmare's POV
I saw her blushed at what I said. Kahit kailan, ang dali niyang mamula. Nang maging gangster siya, halos wala ngang nagbago bukod sa nakakapatay na siya ng tao at nawalan ng awa sa mga kriminal. Because deep inside, she's still that little girl.
I looked at her wrist.
Yung bracelet...
I inwardly smiled.
"N-Noctis..." tumayo ako. I think this is the right time to give it to her. Naglakad ako papunta sa kanyang likuran at inilabas ang kwintas mula sa bulsa ko.
I wore it on her at pinagmasdan ang naging reaksyon niya.
Nang maikabit ko na, ay hinawi ko ang kanyang buhok at dinampian ng halik ang kanyang batok. After that, I slightly hugged her from behind.
"Take care of that, kiddo. Mahal ang bili ko diyan."
I heard her giggled at hinaplos ang mga braso ko. "Oo na.. thank you, again.. pero bakit ba padlock ang design ng pendant nito?" Pagtataka niya.
Mas lalo akong nagalak.
"Well, that only means one thing, Ms. Cruz..
.
..you're mine."
And they can't do anything about that.
Tsk. Kahit na hindi pa niya ako sinasagot.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro