Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28: Dark Roses VS Black Empire [Part 1/2]

Mars stared at her for a moment. Tinitigan niyang maigi ang determinasyon sa mga mata ng dalaga. Naalala niya ang lahat. Naalala ni Mars noong mga bata pa sila't tinitingnan niya si Jasmine mula sa malayo. Naaalala niya yung panahon kung kailan naging sila nang dahil sa isang auction at kung paano nagbago ang buhay niya mula noon. He betrayed her, yes. But Marcelo Franco loves her still.

"You must really love him." Mahinang sambit ni Mars. Jasmine heard what he said and slowly got out of bed. Nahulog sa lapag yung rosas.

"We have to go.. Saan ba?"

Napabuntong-hininga na lang si Mars. May magagawa pa ba siya?

--

Time check: 2:00 am

"Marcelo! Saan ba tayo pupunta?! Kung papatayin mo 'ko, wag naman sa ganitong paraan!"

Napahigpit ang kapit ni Jasmine sa bewang ni Mars. Lagot talaga sa'kin 'tong traydor na 'to!

Natawa si Mars. "Hahahaha! Excuse me, wala na kaya akong dahilan para patayin ka kaya 'wag kang OA diyan."

Habang umaandar ang motor, hindi maiwasan ni Jasmine ang tanungin ang mga bagay na nasa isip niya. Curiosity could really be a nasty bit of annoyance.

"Marcelo.. Bakit?"

Mars knew what she was talking about. Bakit nga ba? Bakit.. Bakit siya nagsinungaling? Bakit siya nagpanggap? Bakit niya pinaasa si Jasmine? Ang daming bakit.. At alam nilang dalawa na kulang pa ang iilang oras para masagot ng binata ang mga tanong niya. Time isn't enough. Not anymore.

Mars' POV

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa mga paliwanag ko. Alam kong kahit anong mga salita ang sabihin ko, hindi nito mababago ang mga nangyari.

Pero gusto kong subukan.

"Jasmine.. I loved you even when we were kids. Naaalala mo ba noon sa orphanage? Alam kong hindi mo'ko kilala noon, pero nakatanaw ako sa'yo mula sa malayo. Nightmare got in the way, though.."

Hindi siya umimik. Napahinga ako nang malalim saka nagpatuloy.

"..Black Empire gave me a job nang nagkaroon kami ng problema sa financial means. A year after, nahanap uli kita. Believe me, I tried to leave Black Empire.. Pero imbes na makalaya nang matiwasay, they ordered me to kill you."

"Bakit nila ako gustong patayin?" Mahina at walang emosyong sabi ni Jasmine. I shook my head and kept my eyes on the road.

"Hindi ko alam. But something tells me it's about Lee's obsession with revenge on Nightmare, again."

Namayani ulit ang katahimikan. Napatingin ako sandali sa langit at nakita kong natatakpan ng mga ulap ang buwan. "Jasmine, I-I faked my death just to get away from Lee. Ginawa ko yun para sa'yo.. I m-mean, para sa ating dalawa. I killed Tyler for you.."

Silence again, and then..

"Malapit na ba tayo?"

Napasimangot ako sa tanong niya. Matapos kong sabihin ang lahat ng yun, ayan lang ang isasagot niya? Pero kung akala niya susuko na ko, she's wrong. Now that Lee doesn't have that chain on my neck, nobody can dictate how my life should take a turn. At handa akong patunayan kay Jasmine na mahal ko siya. Nightmare can go screw himself up. Jasmine's mine first. Ako ang nauna sa kanya.

"Medyo malayo pa dito yung headquarters. Underground yun at nakatago papasok sa isang subdivision.." Pagpapaliwanag ko.

Makalipas ang ilang minuto, biglang kumulog nang malakas. Pagkatapos nito, bumuhos ang malakas na ulan. Mayamaya pa, napansin kong paubos na ang gasolina ng motor.

"Shit."

Napahinto kami sa gilid ng kalsada at tumakbo sa isang punongkahoy para sumilong. Jasmine was freezing. Agad kong inalis ang jacket ko at akmang ipapatong na sa balikat niya nang tinitigan niya ako nang masama.

"Giniginaw ka,"

"Kaya na ba nating lakarin mula rito?"

"Jasmine----"

"Marcelo, tinatanong ko kung kaya na bang lakarin mula rito ang headquarters ng Black Empire?"

I rolled my eyes at her. Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo ng isang 'to!

"Kung dadaan siguro dito sa may shortcut, baka abutin tayo ng isang oras o---"

"Tara na!" At walang sabi-sabi, tumakbo na si Jasmine papasok sa masukal na gubat. Nanlalaki ang mga mata kong sinundan siya ng tingin bago humabol.

"Oy, 'wag ka ngang atat!"

Bakit ba kasi dito sa probinsya pa ang headquarters ng Black Empire?!

--

Time check: 3:40 am

Higit isang oras na kaming naglalakad nang narating na namin ang sinasabi kong subdivision. Napabaling ako ng atensyon kay Jasmine dahil kanina pa siya nilalamig. My eyes searched for hers, but she immediately looked away. Hindi niya lang alam na masakit sa loob kong iniiwasan niya ako. Something between us changed, and I know this just isn't the right time to discuss about that matter.

"Pagkapasok natin, may makikita tayong dilaw na bahay di kalayuan mula sa entrance. Sa may basement ng bahay na 'yun, nandoon ang secret passageway ng underground headquarters."

Nakita ko siyang tumango at tahimik na akong sinundan papasok sa subdivision. Mabilis naming iniwasan ang guard post kung saan natutulog ang gwardiya at yumuko para hindi makita ng mga nagkalat na CCTV.

Di kalaunan, nakarinig kami ng mga tahol ng aso. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may mga nakakawalang bulldog. At hinahabol nila kami!

"Jaz, bilisan mo!"

Hinawakan kong maigi ang braso ni Jasmine at binilisan ang pagtakbo.

Arf! Arf! Arf!

Badtrip! Nilingon ko ang mga aso at nasulyapan ang mga dogtags nila. May hugis bungo at baril na nakaukit sa mga ito. Black Empire.

"Ayun yung bahay!"

Tinalon namin yung bakod at mabilis na binuksan ang pinto. Nang maisara na namin, hinihingal akong sinamaan ng tingin ni Jasmine.

"Black Empire ang mga bulldog na yun, diba?"

I frowned at her. "Hindi ito isang patibong, kung yan ang inaakala mo. Come on," at nauna na akong naglakad papunta sa basement ng bahay. Nang mapadaan kami sa living room, ay hindi ko maiwasang mapansin ang pagkakagulo ng mga kagamitan. The sofa was turned upside down, yung TV basag, at may mga bubog sa di kalayuan. Anong nangyari dito?

Nang marating na namin ang basement, nakita kong nakabukas na ang trap door. Nanggaling na dito ang Dark Roses. Dinapuan ko ng tingin si Jasmine.

"They're a bit early. Ang alam ko talaga, 4am pa nila papasukin ang lugar na 'to."

"Kaya nga't kailangan na nating bilisan!"

Wala na akong nagawa nang nauna nang pumasok sa loob si Jasmine. I sighed and jump down. When my feet met the ground, nakita kong parang tuod na nakatayo si Jasmine. Hindi gumagalaw.

"Anong problema, Jas---"

Natigilan ako nang makarinig ako ng isang pagtawa. I can hear footsteps from the tiled flooring at nang makalapit ako kay Jaz, ay nakita ko na rin ang dahilan ng pagtigil niya.

He smirked. Nakatayo siya sa harapan namin at nakablack-hood na may simbolo ng Black Empire sa kanang balikat. He had a katana in one hand samantalang may maliit na dagger sa kanyang kaliwa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah, akala ko talaga namatay ka na, Mars.. Hindi pa rin pala."

"Get out of our way, Slayer." Pagbabanta ko, pero I should've known na hindi siya patitinag. Kabilang nga naman kasi siya sa Deadly Circles ni Lee.

"How rude of you, boy! Hahaha! Hindi mo ba ako ipapakilala sa magandang binibining kasama mo?"

Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya nang matitigan niyang maigi si Jasmine. Akmang hihilahin ko na papuntang likuran si Jaz nang bigla niyang kabigin ang kamay ko.

"I can handle him."

Ano daw?!

"Are you fuckin' crazy! Isa siya sa---"

"Alam ko kung sino siya, Marcelo!" Matalim akong tiningnan ni Jasmine. She then reached for her pocket knife and faced the tall man in front of us. Napamaang na lang ako at saka ko lang naalalang nagtraining nga pala si Jasmine noong mga panahon na wala ako sa tabi niya. Nightmare better trained her well. Lumawak ang nakakalokong ngiti ni Slayer at may sinabi sa communicator niya bago humakbang paabante.

"You'll regret messing with the Deadly Circle, girly."

To Be Continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro