Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27: A Red Rose

"Are you insane?! We can't do that!" The four walls echoed Clex's high-pitched voice. Tiningnan siya ng mataman ni Chase at sinabing, "Why not?"

Hindi agad nakasagot ang binata. Chase sighed. "Salcedo, walang lugar para sa mahina ang loob sa grupong ito. If you're scared of war, then better not volunteer to be a soldier."

At sa sinabi niyang iyon, ay agad niyang inihagis sa baguhan ang mga susi at saka lumabas sa pintuan.  Napatitig na lang si Clexion sa babaeng nasa monitor, remembering what he had told him a while ago...

"No one is gonna get hurt."

It was a lie, of course. Simula't sapul, alam na ni Clexion ang mga maaaring mangyari sa kanya noong sumali siya sa isang gangster group. Maraming tao ang napapataas ng kilay kapag sinasabi niya ito at hindi rin naman niya sila masisisi. Ito ang buhay niya. And he needs to be braver.

What could possibly happen?

--

Meanwhile, after Jasmine finished her bowl of chicken soup, tumayo si Nightmare at nagpaalam na may kukunin sa kanila. Nang maisara ni Night ang pinto, agad siyang binati ng nakangising si Neptune na siyang nag-aabang sa kanya.

"Hindi mo talaga sasabihin sa kanya, 'no?"

Napatitig si Nightmare sa kasamahan. Hindi na niya kailangan pang sabihin para maunawaan niya ang pinagsasasabi nito. He already received the text message from Chase only a few minutes ago. Iniayos niya ang suot na polo shirt at namulsa ng mga kamay.

"Like what I told Chase.. She doesn't need to know. Bantayan mo muna siya habang nasa headquarters ako."

Napailing si Neptune nang lagpasan siya ng binata. "Hindi ka ba natatakot?"

"Natatakot saan? Bakit naman ako makakatakot?"

Neptune gave him a meaningful look. "Bukas.. Walang kasiguraduhan kung makakaligtas tayong lahat ng buhay. Hindi mo ba naiisip ang mararamdaman ni Jasmine kapag nalaman niyang nakikipagpatayan na pala ang boyfriend niya laban sa Black Empire?" Pero tulad ng ginawa ni Nightmare sa mga naunang payo ni Chase, he disregarded it and waved his hand.

"She's safe. That's what matters."

--

Jasmine Cruz laid awake in the night. Hindi niya alam kung bakit, pero may mga bagay talaga na sadyang hindi maalis sa isip niya. She stared at the ceiling and left her mind drift off to somewhere else.

"Masamang magpuyat.. Baka pagalitan pa ako ni Nightmare kapag hindi ka pa nakarecover hanggang bukas."

"Bakit? Masama rin naman ang hindi kumatok bago pumasok sa kwarto ng isang babae diba?" Nakangiting tugon ng dalaga nang makita si Neptune. He sighed and handed her cellphone.

"Gusto ka raw kausapin ng parents mo."

Tinaasan niya ito ng kilay. "What excuse did you guys give them?"

Napasimangot ang lalaki. "Nightmare just told them na nag-outing kayo sa Laguna. Biglaan.. Wala ka ba talagang planong sabihin sa kanila na kasama ka sa isang gang?"

Inirapan niya ito. "I'm not that crazy.." Matapos ang ilang ring, ay narinig na ni Jasmine ang boses ng ina sa kabilang linya.

"Jasmine, anak?"

"Hi mama! Kamusta na po?"

"Nag-aalala.. Hindi ka man lang umuwi sa'tin para ipaalam 'yang lakad niyo. Kung hindi lang ako tinawagan ni Nightmare nung isang gabi.."

"Sorry po."

"Anak, okay ka lang ba?"

Agad na natigilan si Jasmine sa tanong ng ina. She couldn't possibly know that she's depressed, right? Huminga muna siya ng malalim bago sumagot,

"Yeah. Okay lang po.. Don't worry about me."

At sa mga sandaling iyon, habang nakikipag-usap si Jasmine sa mga magulang niya ay tahimik na nakatitig si Neptune.. Should I tell her about the operation? No. Nightmare would kill him. Ayaw nitong ipaalam kay Jasmine ang kahit anong may kinalaman tungkol sa bagay na yun. Pero hindi pa rin naiwawaksi sa isip ni Neptune ang mararamdaman ng dalaga. Screw this.

"Jaz.."

Jasmine looked up as she placed the phone on the nightstand. Neptune averted his eyes away from her and started,

"Dark Roses...s-si Nightmare kasi.."

Mas lalong naguluhan ang dalaga. She furrowed her eyebrows and asked, "What about it?"

Hindi nag-angat ng tingin si Neptune.

"W-Wala. Matulog ka na."

At pagkatapos nun, ay mabilis siyang lumabas ng kwarto. Pagkasara ng pinto, ay napailing na lang si Jasmine. Kahit kailan talaga ang weird ng isang yun. Her mind automatically recalled all the weird things that happened to her. Mula noong nakilala niya sina Nightmare at Mars sa isang human auction hanggang sa pagiging gangster niya. Jasmine has been kidnapped, heartbroken and ..raped. Lahat na yata ng uri ng sakit, naranasan na niya. At ngayon na inaalala niya ang bawat sandali sa buhay niya, she couldn't help but ask herself how she managed to get through all of it.

"My life is an adventure.."

Naibulong na lang niya sa sarili niya. After a few moments of reminiscing things over and over again, hindi agad napansin ni Jasmine ang isang rosas na nakapatong sa may bintana. But when she did, agad siyang napaupo at tinitigang maigi ang rosas. Red rose. Biglang bumalik sa alaala niya ang sinabi noon ni Clex tungkol sa mga oras na natatanggap niya kada gabi noon.

It was all from one man.

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagpikit ni Jasmine. She tried to calm down her nerves.

"I should have known na matagal talaga mamatay ang masamang damong kagaya mo."

"I have my reasons, you know."

Pagmulat ng mga mata ng dalaga, the first thing she saw was the figure of a man leaning on the wall near the open window. He had this boyish smirk playing on his lips as his eyes grazed on her. How he missed seeing her like this.

Naikuyom ni Jasmine ang mga kamay niya.

"So, you faked your death? Congrats. Napaniwala mo sila."

Mars shrugged and walked towards her, rose in hand. Naupo siya sa gilid ng kanyang kama at marahang hinaplos ng pisngi ni Jasmine. "You almost believed my act, too."

For a while, Jasmine saw the boy she loved in his eyes. Before everything. Before he betrayed Dark Roses. But then again,

"Lumayo ka sa'kin kundi gigilitan kita ng leeg.. Bakit ka nandito?"

Mars sighed and stared at her.

"I'm not here to hurt you, Jaz. In fact, nandito ako para itama ang mga mali ko."

"Save the drama for the afterlife, Mars. Isang maling galaw mo lang, kaya kong tawagin ang lahat ng miyembro ng Dark Roses."

Napasimangot ang binata. "Sa pagkakaalam ko, hindi ka na kabilang sa grupong yun."

"P-Paano mo---!?"

"Jasmine, may mga bagay na hindi nila pinapaalam sa'yo. Tulad ng gagawin nilang pagsalakay sa main base ng Black Empire mamayang 4:00 am. Hindi nabanggit sa'yo nila Nightmare, hindi ba?"

Natigilan sa Jasmine sa narinig. Ano? Pagsalakay? Oo, siguro nga tinatanggalan na siya ng boyfriend niya ng karapatan sa grupo. How could she forget about their little argument this morning? Pero hindi naman siguro iyon sapat na dahilan para paglihiman siya nito. She's still Jasmine Cruz, right?

"At bakit naman ako maniniwala sa'yo?"

Tinitigan siyang maigi ni Mars. Their eyes clashing once again.

"Who else do you have to believe in? And by the way, I already killed Tyler for you, love."

He then placed the lone rose on her lap. Jasmine pondered on this for a while. Something tells her that he's telling the truth. At syempre, hindi niya hahayaang mapahamak sila Nightmare. She needs to be by his side. Maybe that was the reason why he was acting so weird earlier..pati si Neptune. Ito ba ang gusto niyang sabihin kay Jasmine?

Jasmine took the rose and glared at Mars. I can't believe I'm saying this.

"Itakas mo'ko dito, Mars."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro