Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26: Decisions

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa kisame. White walls surrounded me, at umaalingasaw ang amoy ng alcohol sa kwarto. I felt better now, but al little disheveled. Bumukas ang pinto at inuluwa nito si Neptune.

"Hey,"

Ngumiti ako nang umupo siya sa kabilang side ng kama ko. Well, a sleeping Nightmare occupied the chair on my right kaya wala na nga naman siyang ibang choice.

"You didn't tell me that you're good with poisons. Akala ko, hanggang reliable information and electric bills lang ang kaya mong ibigay sa grupo." The man grinned, showing off his full set of white teeth. Sa totoo lang, sa iilang pagkakataon lang nagtatagpo ang landas namin ni Neptune. Madalas kasi, sila ni Nightmare ang magkausap kapag magsasagawa ng mga raid.

And now that I have a clear view of his face---dahil na rin sa walang nagmamaktol na Nightmare--I can say he's a catch. Gwapo, mayaman, medyo mabait, mautak at gangster.. Typical ideals for a typical girl. Good thing I'm no typical girl.

Kundi magagalit talaga si Night.

"I'll take that as a compliment, Jaz. Actually, I've been studying poisonous compounds and diseases for two years now.. It started off as just a hobby, and now nailigtas ko ang buhay ng isang magandang dalaga." Kumindat siya sa akin. Natawa naman ako.

"Try mong gawin yan nang gising 'tong isa, baka matanggal ka na sa gang."

He chuckled at what I said at dinapuan ng tingin ang lalaking mahimbing na natutulog.

"I wouldn't dare. Baka ilibing na niya ako ng buhay.. Hahaha! Anyway, how are you feeling?"

I flexed my arms. "Better. That antidote of yours worked."

Pero sa sinabi ko, napailing siya. "What I treated you with wasn't exactly an antidote to Fang's poison.. It's a stimulant used to boost up your body cells. It helped you recover, yes.. Pero kung tutuusin, hindi siya isang counter drug sa ibinigay niya sa'yo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. At alam kong halata sa expression ng mukha ko ang pagkalito. Neptune continued,

"Jaz, you should know this.. While trying to inject the stimulant, we spotted two injection marks. One on your shoulder blade, and the other on your left arm."

Two? Sa pagkakaalala ko, sa shoulder blade lang ako sinaksakan ng syringe ni Fang.. "A-anong ibig sabihin nun?"

Napabuntong-hininga siya. "Obviously one was from what Fang gave you. Poison. The other one, I think it was from the antidote."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Biglang bumalik sa akin ang huling alaala bago ako nawalan ng malay. A pain in my arm..then a man running away.. Biglang sumakit ang ulo ko habang pilit kong binabalikan ang mga nangyari. Can it be..?

No, Jasmine. He's dead.

I was distracted from my thoughts nang humikab si Nightmare. Nag-inat siya ng braso at ngumiti ng malawak nang makita ako. He had this boyish smile on his face and his dark hair was a mess. "Ang ganda naman ng umaga ko."

I rolled my eyes nang makalapit siya sa akin. "At kelan ka pa natutong mambola, ha?"

Sumeryoso bigla ang mukha niya. "Are you feeling better now? Wala nang masakit sa'yo? Naaalala mo pa ba ang pangalan ng boyfriend mo, miss?"

"Wala!"

At ang loko-loko, biglang bumaling kay Neptune. "Pre, may tama pa yata sa utak.. Akala ko ba ginamot mo na?!" At natawa silang dalawa. Agad akong napaupo nang wala sa oras at hinampas ang braso niya. Neptune gave us a teasing look before excusing himself. Pagkasarado ng pinto, niyakap ako ni Nightmare.

"That was close.." Mahina niyang bulong habang nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko. I wrapped my arms around him and breathe in his scent.

"I'm not leaving you too soon, Noctis."

"I know."

He pulled away from the embrace and stared at me. You know a person is in love once you studied their eyes. I can feel sincerity from his gaze and it makes me want to forget I almost died a few hours ago.

"Jaz,"

"Hmm?"

"You should leave Dark Roses."

Biglang nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya. My eye widened. Ano daw? No. Baka mali lang ako ng rinig. Ngumiti ako sa kanya, placing my hands on the sides of his face.

"Not funny, Noctis. Nagugutom ka na ba? Tara, may alam akong malapit na kainan---"

But his gaze told me otherwise. He took in a deep breath, and said, "Jasmine, tinatanggal na kita sa grupo."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya. So he isn't joking? He's kicking me out Dark Roses? Parang may mali yata.. Matagal ko muna siyang pinagmasdan bago ko nahanap ang boses ko, "Bakit? Dahil ba ayaw mong mapahamak ako?"

Noctis nodded, his eyes fixed on mine. Sumimangot ako.

"That won't help! Removing me from the group will only make matters worse!"

"Jasmine, please.. I don't want us to fight again."

"Then stop being so overprotective! Hindi naman ako namatay diba?!"

"Hihintayin ko pa bang mamatay ka bago ako gumawa ng aksyon?! Stop beings such a brat!"

Napakagat ako sa labi ko. I tore my gaze away from him at hindi ko siya inimik. Narinig kong napabuntong-hininga si Night at saka marahang hinalikan ang noo ko. I ignored him when he said, "I'll get you some chicken soup." At hanggang sa makalabas na siya ng pintuan, ay hindi ako nagsalita.

Napadako ang mga mata ko sa kaliwang braso ko. There, I saw the mark that injection left me..the antidote. Hindi maalis sa isip ko ang pagtataka kung sino ang nag-turok ng gamot sa'kin.

*

Chase's POV

Interrogation area 93. Ang pinakapopular na lugar kung saan namin inaalam ang mga bagay-bagay mula sa mga nahuhuli naming miyembro ng Black Empire. At sa mga panahong ito,

"Miss Bella, hanggang kailan mo ba planong manahimik diyan?" Malakas kong tanong mula sa audio room ng gusali. Katabi ko ang isang naiinip na Clexion. Halatang nababagot na dahil kung anu-ano na lang ang kinakalikot dito.

"Matagal pa ba yan, Chase? Nagugutom na ako!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano sa tingin mo, CC? Ikaw na kaya ang kumausap dito.. Tutal, mukhang magkakilala naman kayo." At pagkasabi ko ng mga salitang iyan, nanlaki ang mga mata ni Clexion. Bigla siyang umiwas ng tingin at bumulong ng hindi ko maintindihan.

I knew it.. Napangisi ako sa inaasal niya.

"If you can get some info out of her, I won't tell Jasmine that you and Bella---"

"Alright! Aish.. Hindi mo naman na kailangan pang mang-blackmail." Inis niyang tugon sabay labas ng pintuan. Pagkaalis niya ay napahagalpak ako ng tawa. Young love.. A few minutes more, my eyes darted on the monitor. Clexion reached the room where Black Bella was being held captive. He took a seat across from her.

Ilang sandali lang, ay pinanood ko kung paano magbangayan yung dalawa. I can't understand a thing they were talking about! Kumunot ang noo ko hanggang sa tumunog ang cellphone ko. I answered the call but still kept my eyes on the screen as I leaned back on the chair.

"Yes, Nightmare?"

"Jasmine is awake...and I..."

Napabuntong hininga ako. Sa tono pa lang ng pananalita ng isang 'to, alam ko nang may nagawa na naman siyang katangahan.

"Let me guess, you messed up again?"

"Sinusubukan ko lang naman siyang ilayo sa panganib! But what?! She's still fuckin' hell bent on having her way!"

I watched as Black Bella covered her face with her hands and Clex hugged her. Kung wala lang akong frustrated na Nightmare na kausap sa telepono, malamang ay kanina pa ako kumuha ng popcorn sa dramamg pinapanood ko.

"What did you do?"

Narinig kong napabuntong-hininga na rin si Nightmare. Eversince Jasmine became officially his, naging masyadong paranoid na ang isang 'to. Seriously, hindi bagay sa isang gangster.

"Inalis ko siya sa grupo.."

Nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. Agad na nawala ang atensyon ko sa nag-iiyakang mga nilalang sa malaking screen na katapat ko.

"Dude, tanga!"

"Ayan lang ba ang sasabihin mo sa'kin?"

"Night, look.. Alam kong mahal mo si Jaz at mas gugustuhin mong mamatay kaysa mapahamak siya, pero mali naman yatang alisin mo siya sa grupo.. That girl's worked harder than any of us!"

Ilang sandali ring walang sumasagot mula sa kabilang linya. Hanggang sa magpaalam na rin si Nightmare. I shook my head in disapproval and stared back at the monitor. I wonder what Jasmine feels about all this.

Mayamaya pa'y bumukas ang pinto. Clexion came with a frown on his face.

"O, parang kanina lang may drama kayo ni Black Bella.. Anyare?"

He sighed, then said in a serious tone,

"I got information from her.. S-Si Lee, kikilos na. He's found out where our hideouts are. Alam na niya ang lahat ng tungkol sa Dark Roses sa mga nakakalap niyang impormasyon sa mga tauhan niya.. Kri said...h-he's planning to end his gangster war. He'll be attacking on the 21st!"

Tinitigan kong maigi si Clexion. At times like these, natutunan kong hindi marunong magbiro ang batang ito. It's really ironic how the spy from Black Empire became our greatest ally.

I smirked and began dialling some numbers on my phone..

"That's two days from now, kiddo.. Now, if they want his war to end, we'll do them a favor."

Inayos ko sa pagkakasuot ang black leather jacket kong may tatak ng Dark Roses gangster group sa gilid. Kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

"Aatake tayo..bukas."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro