
Chapter 12: Here We Go!
Chapter 12: Here We Go!
"Death, sometimes is the best option there is."
-Writress
***
Third Person's POV
January 30, 2016. Wednesday
( wag niyo nang tingnan sa calendar. Imbento ko lang yung petsa at araw. Kunwari wednesday yang Jan 30 ;)
---
(7:00 AM. Punturin, Valenzuela City)
Ryder Lee walked through the crowded hallway. Mababakasan ng respeto ang mga taong nakakasalubong niya. Some would even bow their heads at the cruel Black Empire leader. Ang iba naman, lumalayo. Dumidistansya sa takot.
Ganyan naman talaga gusto niya eh.
For him, this is power. Their fear is respect. Alam nilang hindi nila dapat ginagalit ang chinitong ito, dahil kung hindi, hell would break loose at malaki ang posibilidad na gawing miserable ni Lee ang mga buhay nila. He was Ryder Lee.
Enough said.
"Good morning Mr. Lee----"
"Nandyan na ba sila sa loob?"
Pagputol niya sa receptionist nang makita niya ito. Wala siyang kaemo-emosyon nang tanungin niya yun, at seryoso ang tonong ginamit niya---as always. The lady was still in shock, kaya tinaasan na niya ito ng kilay. His way of saying 'Answer me you, idiot'. And it was then nang nakabawi ang dalaga at tumango-tango.
"Yes, sir."
"Sige."
Lumakad na si Lee papuntang pinto, pero bago niya ito binuksan, he looked at the receptionist again at pinasadahan pa ang suot nito.
"Hey.."
"B-Bakit, s-sir?"
"Tsk. Don't be fucking conservative. Pang-manang 'yang palda mo at ang panget mo lang talaga. Oh, and one more thig,"
"P-Po----?"
"You're fired."
He smirked nang makitang muli ang gulat sa mukha ng receptionist at tuluyan na nga siyang pumasok sa silid.
~*~
Nang makapasok siya sa loob ng silid, napansin agad ni Lee na nakatodo ang aircon. He smirked at binalingan ng tingin ang binatang nakaupo sa isang sulok at nagbabasa ng playboy magazine.
"Ang aga mo yata, Tyler."
Tyler yawned at bored na inihagis ang hawak niyang babasahin across the room. He then stood up at naglakad papalapit kay Lee, with his hands in his pockets. He wore a smug look nang magsalita ito,
"Bakit mo ba kasi kami pinapunta pa dito? Eh, di ba mamaya na rin naman ang meeting natin with the big bosses sa bar? Damn, nagsayang pa yata akong gasolina----"
"Ang dami mong satsat. Para kang babae. Nasan si Mars?"
Itinikom ni Tyler ang bibig niya at itinuro ang direksyon ng office table sa kanan nila. And as if on cue, nagrotate ang swivel chair na nakapwesto roon, only revealing a grinning Marcelo Franco. Lee rolled his eyes at pinuna ang unang bagay na napansin niya sa binata,
"Nagpa-blonde ka ng buhok."
Mars stood up and stretched his arms like a cat. "Yup. Isn't it amazing?"
Lee nodded, "It suits you. Got the drug?"
Tyler remained silent habang may dinukot si Mars mula sa kanyang bulsa. Kadalasan talaga, sina Mars at Lee lang ang nakakaalam sa mga transaction at hidden agenda ng kanilang grupo. At first, it made him feel out of place--but eventually, masasanay ka rin. Though aaminin naman ni Tyler that he envies his blonde friend.
"Tyler, kuhanan mo nga kami ng kape ni Mars."
Napasimangot siya. Lee and his favoritism. May magagawa pa ba siya? "Sure." At lumakad siya papuntang pinto. But before he can even exit, nagtama ang mga mata nila ni Mars. Marcelo flashed him an arrogant smirk at nagdagdag pa, "Bilisan mo."
Kahit na iritado na si Tyler, he just put on his infamous poker face and nodded.
Nang makalabas na siya ng pinto, he looked around at walang nakitang receptionist. Good. Sumandal siya sa door frame at inilapit ang tainga sa pintuan. He's not stupid, alam niyang may ayaw lang silang ipaalam sa kanya---again.
And then, he heard them talking.
"10:00 am," It was Lee's voice. "ang oras ng meeting sa bar. Mr. Tan will be there---"
"Alam ko. Pati si Mr. Fukushima."
"Buti naman. I'll make a distraction, at habang nag-uusap kami, ipuslit mo ang droga sa inumin nila."
"Yes, sir.. alam na ba ng mga tauhan nating nakabantay doon ang gagawin?" Asked Mars
"Oo. Sinabihan ko na ang iba nating kamiyembro. Leave the rest to them. Pero dapat hindi makahalata ang dalawang big bosses sa tunay nating intensyon."
Tyler smirked widely.
~*~
Mars' POV
( La Rival Bar, Brgy. Punturin, Val. City: 9:55 AM )
The eerie silence surrounded us--well, except for the faint rock music playing in the background. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid as we walked towards the VIP room. Isa itong La Rival sa mga properties ng Black Empire. Sa pagkakaalam ko, Lee bought this place a couple of years back.
Yet still, this is my first time here.
"Behave, little ones. 'Wag sana kayong makakasira."
I rolled my eyes at Lee's reminder nang naupo na kami ng tuluyan sa leather sofa. Tyler Buenaventura sat across of me, habang katabi ko naman ang pinuno namin. Really now, he doesn't have to warn us that shit. Halata mo naman kasi sa mga mamahaling paintings at fancy interior design ng place na hindi basta-bastang bar lang ito.
This is one of Lee's favorite place.
It was a classic bar. Tsk... Out of this world kasi ang trip ni Lee.
Kaya nga dito niya inarrange ang meeting with the big bosses eh.
Although naging tambayan na rin ito ng iba pang miyembro ng Black Empire.
"Ang tagal nila." Hindi ko na napigilan ang sarili kong magreklamo. Tumawa si Lee at tinapik ako sa balikat, "Patience, Mars.."
Hindi na lang uli ako kumibo pagkatapos nun. Walang nagsalita sa amin hanggang sa maya-maya'y dumating na ang mga Big Boss ng Black market trade dito sa Manila. Naka-business attire pa ang dalawang nakatatanda. I think they were in their mid-thirties or something. Older than Lee.
Our leader stood up, at kinamayan ang mga bagong dating.
"Ah, good to see you again Mr. Tan... Mr. Fukushima.."
The fat man with glasses smiled. "It's good to see the leader of Black Empire still breathing.. haha!"
Nakita kong medyo nairita si Lee sa sinabi nung matanda, but he still managed to display a fake smile at him nang makaupo na sila. "HAHA! Indeed, Mr. Fukushima..after all the death threats given by your nephew, nakasurvive pa ako.. by the way, these are my boys,"
Nephew? Well, I was aware na marami talagang death threats na natatanggap si Ryder Lee, pero ni minsan hindi ko inuusisa kung kanino galing ang mga iyon.
Bumaling naman ng tingin sa amin ni Tyler si Lee. "Tyler Buenaventura, and Marcelo Franco."
Tumango na lang ako in greeting. Pakialam ko ba sa kanila?
Moments later, the skinny man---yung mukhang masungit and all--snapped his fingers na naging dahilan para dumistansya ng konti yung mga body guards nila.
"Enough with the chats. Negotiations ang pinunta namin dito at hindi ang pakikipagkwentuhan."
Ryder Lee smirked. "Then let's start the discussion.."
At pagkasabi nun ni Lee, tila automatic na hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinagsasasabi niya. Ano pa't makikinig pa ako sa acting ng hayop na ito? Hindi naman kasi totoong gusto namin ng matinong negotiation para makahati o makabenefit sa kita nila sa Black Market.
Lee's plan is to kidnap these bigtimes.
Purpose?
I don't know and I don't care.
At habang lumilipas ang bawat minuto, lumilipad ang isip ko sa mga nangyari.
It has been one year. Isang taon magmula nang makita ko ng personal si Jasmine Cruz---ang target ko. Naaalala ko pa noon, second year high school ako (at kakabreak-up lang namin ni Lane) nang lapitan ako ni Lee at ialok ang pagiging isang gang member ng Black Empire.
Hindi sana ako sasali, ang kaso may pangangailangan din kami sa pera, so that left me with no choice.
I became his favorite assasin.
I killed dozens of people before at walang kaalam-alam si Nightmare tungkol doon. And it was in those years, did I saw a familiar girl to me. Si Jasmine. She looked really familiar, kaya I did some investigation at napag-alaman kong siya pala yung batang babaeng kinaaadikan ko noon sa LAH (Little Angels' Home) yung orphanage kung saan kami nanggaling nila Night.
Naaalala ko pa noon, yung mga panahong wala pa halos akong kaibigan. Lagi ko silang natatanaw ni Noctis na naglalaro o nagku-kwentuhan sa may burol. I had my attention on her all the time. Inggit na inggit ako nun.. Hindi ko nga lang siya malapitan back then kasi laging umaaligid si Nightmare. Crush na crush ko si Jasmine to the point na kahit na inampon na ako, bumibisita pa rin ako sa bahay-ampunan para lang picturan ang babae.
She's my obsession.
I want her.
At tsaka lang muling nag-'spark' ang emotion kong iyon para sa kanya noong nakita ko siyang muli in third year high. But of course, I didn't tell Nightmare that I already found his princess. Bakit? Kasi ako ang prinsipe niya. It's weird na napamahal ako kay Jasmine kahit na tinatanaw ko lang siya noon sa malayo. I fell in love with her smiles.. with her jolly laughter.. with her pretty and innocent face. Everything.
I love her so much that I became selfish.
And I wanted to become a better man for her.
So the same time na binuo namin nila Night, Chase, Skyler at Dream ang Dark Roses, nilapitan ko si Ryder Lee at sinabi kong ayoko na. Ayoko na sa Black Empire. I hate being their pet. But he just smirked and said,
"Sige... hahayaan kitang kumalas sa grupo, once you killed your last target." S o imagine my shock nang malaman ko isang araw na si Jasmine Cruz ang huling target ko bago ako tuluyang makakalas sa mga kadena sa akin ni Lee. Ang babaeng dahilan kung bakit ako aalis ng Black Empire, ang siya ring taong kailangan kong patayin para makaalis.
And to add to the pressure, papatayin daw ni Lee ang mga magulang ko kapag hindi ko napatay si Jasmine.
Fuck.
And so..
Sinabi ko kay Nightmare ang nararamdaman ko sa dati niyang kababata and he just shrugged it off. Okay lang sa kanya, pero still hindi niya alam ang tunay kong intensyon. He helped me out with her and the rest was history.
There was a reason why I was too persistent on 'buying' Jasmine at the human auction.
Everything happened for a reason.
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matimbang kung ano ang mas lalamang--ang pag-ibig ko sa babaeng kaisa-isang kinabaliwan at minahal ko ng sobra-sobra (higit kay Lane) o ang kaligtasan ng mga kinilala kong magulang at kalayaan ko sa malupit na Black Empire.
I sighed.
Nangyari na ang dapat nangyari.
I have no choice.
I looked at Lee and the Big bosses again. Parang nakukumbinsi na niya ang mga ito. Tsk. Nakita kong sumulyap si Ryder sa'kin and raised an eyebrow. Giving me the signal.
"Excuse me.. I need to go to the restroom. Baka sumabog na eh."
Pagpapaalam ko sa kanila at saka ako naglakad palayo. Then pumunta ako sa may mga CR at dinouble-check ang sleeping drug plastik nito. I smirked at lumabas na ng restrooms pero pagkalabas ko pa lang, may nakabunggo na akong tao. Dahilan para mabitiwan ko yung hawak ko.
"Sorry, man."
I looked up and glared at the guy.
"Wala ka bang mata, o sinadya mo lang akong bungguin para magpapansin sa'kin, ha Tyler?"
He smirked at saka pinulot ang mga pakete ng droga sa sahig bago niya ito iniabot sa'kin.
"Chill, blondie. Gawin mo na lang ang pinapagawa ni Lee sa'yo. Sige, una na ako."
At pagkatapos nun, he walked passed me at dumiretso sa may exit para siguro manigarilyo. Napailing na lang ako. Kahit kailan ayoko nung ugali ni Tyler. At aminin ko man sa hindi, kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya dahil sa ginawa niya sa target ko.
Isang ala-alang ayoko nang balikan..
Mars, wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano at gawin mo na ang trabaho mo.
Pinagpag ko ang suot kong black leather jacket na may simbolo ng Black Empire (gun) at dumiretso na ako sa bartender. Inuto ko muna ng konti at saka ko pasimpleng nilagay yung droga sa inumin nila Mr. Fukushima at Mr. Tan.
"Sige pre, hatid ko na 'to."
Pagpapaalam ko bago ako bumalik sa silid na kinaroroonan nila Lee.
To Be Continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro