Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: REBORN

Chapter 1: REBORN

"Change is a good thing. Especially when it kills the bad."

-Writress

***

[Third Person's POV]

Huff..huff..

Hingal na hingal.

Iyan ang nararamdaman niya ngayon.

Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang tumakbo. But the better realization is, hindi na niya alam kung saan magtatago..

"FUCK! DON'T LET HIM GET AWAY!"

Rinig niyang sigaw ng boses ng taong tinatakasan niya sa kasamahan nito. Agad na nakaramdam ng matinding kaba ang lalaki at walang pag-aalinlangang lumiko sa isang kanto. Halos hindi na niya makita ang paligid. Bukod kasi sa padilim na, ay wala ka talagang makikitang streetlights sa paligid.

That's how selfish our goverment is.

Natatarantang mas binilisan nito ang pagtakbo nang makarinig ng mga putok ng baril sa 'di kalayuan. Shit! Malamang napatay na rin nila yung mga gunggong kong mga kasama! Isip-isip niya.

Pero hindi pa man siya nakakabuo ng plano sa kanyang pagtakas, bumungad na agad sa kanya ang isang mataas na alambreng bakot.

Dead end.

Lakas-loob naman nitong sinimulan ang pag-akyat sa bakod pero hindi pa man siya nakakalahati, ay may mahinang pagtawa na siyang narinig sa kanyang likuran.

Tangina! Naabutan niya ako..

The person stepped closer and said, "Wrong turn, Mr. Dela Vega.. tatakas ka pa ba?"

Nanigas sa kanyang pwesto si Jasper Dela Vega. Alam niyang wala na talaga siyang takas dito, pero he swears, he wouldn't die without a fight.

Ang estranghero naman ay humikab. Halatang bagot na bagot na dahil kanina pa sila naghahabulan.

"Bababa ka ba, o gusto mong mamatay ng nakasalambitin diyan sa bakod na yan? Mamili ka. Madali lang naman akong kausap eh."

Pero hindi pa man nakakasagot ang lalaki, ay isang putok ng baril ang umalingasaw sa paligid.

"ARGH!" Pinatamaan ng estranghero ang balikat nung si Dela Vega na naging sanhi para bumagsak ito sa lupa.

Lalapitan pa sana ito ng salarin, pero nahawakan ni Nightmare ang kanyang braso. Nightmare looked at her with a concerned expression.

"You sure you wanna do this?"

Umirap siya. Why does he keep on asking her anyway? 

At marahas niyang hinigit ang braso nito sa pagkakahawak ni Nightmare Mercado. "Noctis, I'm fine. I can handle myself."

Ngumiti ng mapait si Night. "I know you can, sweetie."

And without any hesitation, itinutok niya ang kanyang baril sa ulo ni Dela Vega. Her eyes full of authority and anger. Hindi mo na makikilala ang dating siya. Ang dating mahina at walang kalaban-laban na babae.

"Where is the Black Empire's hideout?" Tanong nito.

But the man just spitted blood on her black boots.

Napangiwi ang dalaga at galit na galit na binalingan muli ang kaawa-awang lalaking hawak ang kanyang kanang balikat.

"Again, NASAAN ANG HIDEOUT NG MGA BOSS NIYO?!"

Seconds passed..

Wala.

Wala siyang nakuhang sagot mula rito, kaya in just a blink of an eye,

BANG!

Tumalsik ang dugo sa paligid. Pinasabugan ba naman ang ulo ng lalaki e.

She stepped back at umiling-iling. "Walang kwenta. Bakit ba ayaw nilang magsalita?!"

She heard Nightmare laughed at saka siya nito muling nilapitan at inabutan ng isang malinis na puting panyo. "Maybe because their loyalty is still at their side. Hayaan mo na. Here, punasan mo 'yang binti mo.."

Bumuntong-hininga ang huli at umiling muli. "Cut it out, Night. It's just blood! It's not like this is the first time I killed someone." She smiled at pinagmasdan ang kabuuan ng napatay niya.

Another life wasted, because of stupidity.

"But, Jasmine... hindi bagay sa'yo."

At bago pa man makapagsalita si Jasmine, ay agad na lumuhod si Nightmare sa kanyang harapan at marahang pinunasan ang dugong nagmantsa sa makinis nitong balat sa may binti. He doesn't like seeing her in blood.

Jasmine just stared at him for a while.

"Nightmare.."

Nang matapos sa pagpunas, ay itinapon ni Night ang panyo sa kung saan at tumayo sa harapan ng kanyang nililigawan. He smirked. Naaalala na naman niya ang success sa kanilang training. Tuluyan na nga talagang nagbago ang babae.

"May nakapagsabi na ba sa'yong maganda ka?"

Nightmare tried. Pero ang totoo niyan ay kahit siya'y nakokornihan sa sarili.

A ghostly smile crossed Jasmine's innocent face. Hindi mo talaga aakalaing nakapatay na siyang nga higit sa dalawampung tao ngayong linggo.

"Oo, ikaw.." at si 'ano' noon... "ilang beses na rin. Hey, bakit ka ba bumabanat? Di bagay sa'yo." Napatawa siya't ibinulsa na rin ang kanyang baril sa kanyang jacket.

At dahil doon, ay natawa na rin si Nightmare at nagsimula na nga silang maglakad papalapit kina Skyler na kasalukuyang nag-aasaran.

"HOY! Saan kayo galing? Ang tagal niyo ah! Anong ginawa niyo ha??" Pabirong wika ni Dream sabay kindat sa dalawa.

"Yuck! Ew... malisyoso ka, Panaginip! You're so kadiri~~" maarteng sabi naman ni Chase at saka humagalpak ng tawa.

Si Skyler naman ay napailing ay lumayo na sa grupo nang magring ang kanyang cellphone.

"Pustahan tayo, yung syota niya na naman yun!" -Dream

"HAHAHA! Hayaan mo na. Binata na eh. Wala na tayong magagawa.." -Chase

"Ang daldal niyo...ano? May nakausap ba naman kayong matino?" Si Nightmare naman ang sumabat kaya't medyo naging seryoso ang atmosphere.

"Negative. Takte pre, lahat sila tikom ang bibig! Ni ayaw magbigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa Black Empire." -Chase

"He's right. Their lips are sealed. Magpapahanap na lang ako ng ibang mga members ng grupo nila. Baka sakaling may bumigay." Dagdag pa ni Dream habang nagsisindi ng sigarilyo.

Pero nagulat na lang ito nang agawin ni Jasmine ang hawak niyang yosi at itapon ito sa lupa--sunod ay inapakpakan niya pa ito!

"HEY! What the fck are you doing?! Bayaran mo yan! That was my last stick for pete's sake!" Galit nitong baling sabay tanggap ng shades niya na nakapagpa-expose sa kakaiba nitong kulay ng mga mata.

But, as expected, walang epekto kay Jasmine ang mga mahiwaga niyang mata.

"Cut it out, Dream. Alam mo namang immune ako sa charms mo. Ngayon, I want you to call your men at alamin kung saan pa natin matutunton ang iba pang miyembro ng gang nila Lee!"

Nakipagmatigasan pa ito noong una, but sighed in the end. "Okay, Jaz.."

And just like that, he fetched out his phone and started dialing.

Si Jasmine naman, ay naglakad papalayo.

"Where are you going?" Tanong ni Nightmare sa kanya.

Jasmine Cruz just smirked and answered, "Maghahanap ng papatayin." Mentally, she praised herself. Well, why not? Iba na siya.

Hindi na siya katulad ng dati. She's not weak anymore--well, that's what she think she is. Basta isa lang ang alam niya..

She wants revenge.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro