Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

Chapter Two

KULANG ang salitang maganda kung ilalarawan ang kinaroroonang lugar ngayon ni Solana. The whole place was serene for Solana and a perfect where she could rest her mind fully. May malawak na ngiting gumuhit sa labi ni Solana habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid. Hindi pa rin makapaniwala si Solan na narito na siya sa lugar na kanyang pinili puntahan matapos ang lahat ng mga nangyari.

“Sulit na sulit ang bakasyon ko rito,” aniya sa sarili habang iginagala ang tingin.

Malakas na umihip ang hangin dahilan para isayaw noon ang kanyang buhok na nakalimutan niya iipit. Kahit mainit ang panahon, malamig pa rin ang hangin na dumapi sa balat ni Solana na nagmumula sa dagat. Masasabi niyang opisyal na talaga nagsisimula ang kanyang bakasyon.

Ang buong akala niya talaga ay hindi na siya matutuloy ang pagpunta niya sa rito sa De Luna Empire. Paano ba naman kasi hindi? Kung kailan nakapag-desisyon na siya na magre-resign saka lang na-appreciate ng lahat ang halaga niya sa kumpanya. May mga pagkakataon talaga na gaya sa naranasan ni Solana ngunit wala pa rin siya pagsisi sa ginawa. If she didn't do it, Solana wouldn't be in this place called heaven for her.

Muli niya ginala ang tingin sa paligid at nang dumapo iyon sa rest house malapit, agad niya binuhat ang bag saka lumakad patungo roon. Hindi naman kabigatan ang dala niya kaya nakarating siya agad sa nasabing rest house. Mas lalo siya namangha nang makapasok na sa loob ng naturang bahay dahil kung maganda na sa labas, mas maganda rin sa loob.

Kaso, bakit ang dilim? tanong niya ng mapansin na madilim sa paligid.

Ibinaba niya ang bag sa sahig saka tinungo ang kurtina na may haba na mula sa kisame hanggang sa sahig. Pang hotel lang ang ganitong ayos kaya lalong kinilig si Solana. Akto niyang hahawiin iyon ngunit nagulantang ng may baritong tinig siya na narinig.

“Who are you?” tanong ng baritonong tinig. “Don't you dare to open that curtains. . .” Dagdag pa nitong sambit sa kanya ngunit may matigas na awtoridad.

How dare this guy to command her like that?

Dahan-dahan niya binitiwan ang kurtina saka inaninag ang lalaki. Madilim kasi talaga sa paligid. Kulang iyong liwanag na nagmumula sa siwang ng pinto na pinasukan niya.

“Ikaw ang sino ka?” sarkastiko niyang tanonh sa binata.

“I owned this house and this island, miss. . .”

Tumiklop siya agad pagkarinig sa sinabi nito. Hindi naman niya sukat akalain na makikita niya ng personal ang may ari nitong island at rest house. Umayos siya ng tayo at pinostura ang sarili na nakita niyang dahilan ng pag-arko ng kilay ng binata.

Ang taray naman niya. . . aniya sa isipan.

“Ako iyong nanalo sa online contest nitong De Luna Empire at dalawang buwang bakasyon ang dito sa lugar na ito ang premyo ko.”

“O-online. . . what?”

“Contest.”

Marahas na huminga ang lalaki na ngayon lang niya napansin na wala pa lang suot na pang itaas na damit. He has a beautiful body and his muscles were perfectly placed and curved. Parang nakatingin ngayon si Solana sa isang sculpture ng sikat na sculptor. The guy's was like one of those Solona had seen in the museum. Ang perfect nito kahit saang anggulo niya tingnan.

“That's ridiculous. I never hosted an online contest.”

Eh?

NAKUYOM ni Ellis ang isang kamao matapos pinakinggan ang paliwanag ng kapatid niyang si Thirdy. Agad niya tinawagan ito para hingan ng paliwanag tungkol sa unwanted guest na kasama niya ngayon sa rest house na kinaroroonan. After wearing his special eye glass, Ellis lit up all the lights around the whole house. Iniwan niya ang nasabing guest sa living room para tawagan ang kapatid niya na may pakana ng lahat.

“I told you to find me a house cleaner, not an annoying tourist, Thirdy. Do our brothers know about this?”

“They're perpetrators of the online contest, which is Noelle's idea. I'm just the messenger of the good news to our winner. That's Miss Maria Solana Blythe Salvador. Like you, she needs a breather too. The island of yours is the answer to her problems and maybe to yours, bro. She's a beau. . . and a little witty.”

Iyon ang mahabang sinabi ni Thirdy sa kanya na hindi alam ni Ellis paano tatanggapin. Paano siya mamumuhay sa loob ng dalawang na may kasamang estranghera?

Maingay na estranghera pa, sa isip-isip niya.

“How can you be sure she isn't a serial killer that you let enter my island?”

“I did run some background check on Miss Salvador and these are the information I got, bro. I'll send you these after this call. But here's a gist. . .” Huminga nang malalim si Ellis saka pinakinggan ang sinabi ni Thirdy sa kanya.

Maria Solana Blythe Salvador was an average wage earner, working hard on a job that's not realated to her college course, a bread winner and a single. Nalaman ni Ellis mula sa kapatid na puro trabaho lang ang alam ng dalaga gaya niya kaya pinilit siya na umuwi sa kanyang isla.

Bawat De Luna ay may kanya-kanyang isla sa malaking lupain na pag-aari ng kanilang pamilya. Ang buong lugar ay nahahati sa sampung mga maliliit na isla na pag-aari nilang mga taga-pagmana. Kay Ellis napunta iyong pinaka-dulo at kailangan pa gumamit ng bangka mula sa main island kung nasaan ang dalawang rest house pa. Iyon ay pag-aari ng mga magulang niya at tiyuhin na si Javier De Luna.

“You give me a problem, not a breather, Thirdy,” aniya sa kapatid.

“Chill, bro. Harapin mo na ang kauna-unahan mong guest at bawal ka mag-sungit para may good reviews siya na ibigay sa atin.”

“Siraulo!”

Doon sa main island lang allowed ang mga turista dahil naroon ang mga amenities gaya ng hotel, mall at restaurants. Napunta siya roon kapag naisipan niya lumabas at hindi iyon ngayon. Kaso ngayon na may unwanted guest siya sa kanyang rest house, mukhang mapipilitan siya na magpakitang tao alang-alang sa magandang imahe ng kanyang apelyido.

Kailangan ba talaga?

Umiling si Ellis at tinapos na ang tawag nila ni Thirdy. Kasunod ng pagtapos sa tawag ay dumating na ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol kay Solana na agad niya namang binasa. Patungo na siya kung saan iniwan ang dalaga pansamantala na alam niyang bored na bored na dahil sa tagal ng pakikipag-usap niya. Hindi naman matagal ang usapan nilang magkapatid, sadyang mahirap lang i-contact si Thirdy siyang nagpatagal.

“Finally! Puwede na po ba ako mag-check in?” tanong at bulalas nito sa kanya.

“You can take the room adjacent to mine, and I have few house rules here since I am the owner,”

“Okay. . .”

“First, my eyes are direct light sensitive. I must wear my special eyeglass before you can open all the lights here. Second, I won't serve you, so help yourself here. Third and last, you're not allowed to enter other rooms besides yours.”

Mahaba niyang salita at tuloy-tuloy pa kaya hindi niya sigurado kung naintindihan ba iyon ni Solana.

“Libre ba ang pagkain na puwede ko lutuin? Since you won't serve me, maybe you can provide me with a guide where I can buy fresh foods here.”

Huminga nang malalim si Ellis.

Sinabi ni Thirdy sa kanya sa libre ang flight ng dalaga papunta at pabalik pati na ang airport transport nito sa Manila. Masyadong spoiled na spoiled ng mga kapatid niya ang babaeng ito. Tingin ni Ellis may iba pang balak ang mga ito sa set up na ginawa ngayon.

“I'm going to the main island. You can join me there to buy what you need.”

“Talaga?” Hindi niya ito kinibo bagkus ay tinalikuran na lang. “Salamat sa mainit mong pagtanggap sa akin, Mr. Sungit!”

Umiling lang si Ellis at tuloy-tuloy na pumasok sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit.

SOLANA was in awe upon seeing the guy who welcomed her unpleasantly a while ago again. Hindi na ito topless at may disente na ang suot pati itsura na malayong-malayo sa kanina na mukhang hermitanyo. Napagtanto ni Solana na gwapo pala ang kausap niya na nagtatago sa likod ng malagong buhok sa mukha. Iyong mga mata na nangungusap at iyong labi nito tila kay sarap halikan ang lubos na naka-akit sa kanya.

What am I doing? she asked.

Natampal niya ang sarili dahil sa kung ano-ano na sumagi sa kanyang isipan.

“Are you okay?” Oh, God, pati boses niya'y iba rin ang dating sa akin, aniya pang muli sa isipan. “Miss Salvador. . .”

“Y-yes! I'm fine. Ano. . . meron lang lamok na umaaligid sa akin.” He breathed a heavy sigh and turned his back off her again. “Teka, hindi ko ba puwede malaman ang pangalan mo? Kasama rin ba iyon sa rules mo? Parang hindi mo naman nabanggit kanina -”

“It's Ellis. Ellis De Luna.”

Oh? Bagay naman sa kanya ang pangalan niya, sambit ni Solana sa likod ng kanyang isipan.

“I am Solana. You can call me Sol or Lana para sosyal pakinggan saka masyadong mahaba ang pangalan ko.” Naalala niya kung paano siya tinawag noong lalaki na una niyang nakausap. “That guy. . . Iyong nagbigay sa akin ng plane ticket at nagpasundo sa akin, kaano-ano mo siya?”

“He's my brother.”

“Kaya pala pareho ang mga mata niyo. Ang lakas din talaga maka-gwapo ng blue eyes, ano?” Ano ba ang sinasabi niya ngayon? “Never mind that. Ganito talaga ako kapag kinakabahan. . .” palusot niya pero hindi naman epektibo sa kausap.

“Let's go. The boat will leave us soon,”

“O-okay!”

Mabilis siya sumunod sa binata palabas ng rest house. Magkasunod silang lumakad sa buhanginan patungo sa dalampasigan kung saan naroon ang bangka na maghahatid sa kanila sa main island. Maganda talaga sa lugar na kinaroroonan niya at ilang oras pa lang siya ay palis na ang mga dalahing kaisipan. Although, the way Ellis welcomed her a while ago stressed her a bit but it's all right for Solana. Hindi naman siya nito pinaalis kaya tuluyan na nabura sa isipan niya na na-scam siya sa online contest na sinalihan.

“Ser, may kasama ka pala bumalik dito?” Bungad na salita ng bangkero na tumulong sa kanila makasakay.

“Bisita siya rito,” matipid na sinagot ni Ellis.

“Hi, Manong! Ako po si Solana pero Sol na lang para cute,”

“Maligayang pananatili po rito, Miss Sol,” nakangiting sambit ng bangkero sa kanya. Inalalayan siya nito ngunit hindi sapat para ma-out of balance siya. Mabuti at maagap si Ellis at nasalo siya. “Ingat po, Miss Sol.” Paalala sa kanya ng bangkero pero hindi rito nakatuon ang kanyang atensyon.

It was focused on Ellis who's scent currently abusing her nose. Sobrang lapit din ng mukha pati na ng katawan nila sa isa't-isa. May kakaiba siyang init na naramdaman na hindi naman niya alam kung saan galing. Kumabog din nang mabilis ang kanyang puso.

“Uhm, p-puwede mo na ako bitawan, Ellis,” aniya sa binata.

That woke up the guy, and he gently released her from his arms. “I'm sorry. . .”

“No harm done. . .”

Wala naman talaga. Walang-wala talaga. . . ani Solana sa kanyang isipan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro