Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten

Chapter Ten

MAAGA gumising si Solana kinabukasan pero hindi ang pagsipat sa mga nag-e-ehersisyong mga sundalo ang una niyang inatupag. Tumungo siya sa kusina at binukas ang refrigerator para humanap ng makakain doon. Gutom na gutom siya at natatandaan niya na ang huling kain pa niya ay iyong ginataang alimasag na niluto ni Ellis sa restaurant.

Pagkagaling nila sa main island, galit-galit na sila at si Ellis literal na may topak kaya si Atty. Thirdy lang ang nakasama niya tumambay. Pero umalis na ito kagabi rin dahil may aayusin pa raw sa Maynila na duda naman siya na trabaho talaga. Sigurado si Solana na iyong babaeng dahilan ng pag-iinom noong isang ang aasikasuhin ng binata.

Nevertheless, Solana was rooting for it.

Naniniwala siya na masayang pakiramdam ang pag-ibig na naramdaman niya kahapon nang kabigin siya ni Ellis. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya na kahapon lang nangyari. At mas hindi pa kapani-paniwala na tumibok ang puso niya para sa lalaking 'di ubod ng sungit.

"Magluto kaya ako ng pasta dish?" tanong niya sa sarili saka isa-isa kinuha ang kakailanganin niya. Nang makumpleto, isinara niya ang refrigerator at nilapag sa breakfast counter iyong sangkap. Si Ellis ang nakita niya paglingon na nagpangiti sa kanya agad. "Good morning!"

Malakas iyon pero hindi 'man lang siya nilingon ng binata kaya sinundan niya ito sa labas.

"Ellis, may lakad ka ba ngayon?" tanong niya rsa binata ngunit gaya kanina hindi din ito sumagot. "Ellis! Hello! May sumpong ka pa rin? Magluluto ako, baka gusto mo kumain? Sabay tayo ha?"

Sa pagkakataon na iyon, lumingon ito sa kanya at matalim siyang tiningnan diretso sa kanyang mga mata.

"Kung ano 'man ang plano mo, puwede ba na huwag mo na ako isali. Stop confusing me, Solana. I have no time for you or your practical jokes."

Kumurap-kurap siya pagkarinig sa sinabi nito sa kanya. Hindi niya maiwasang lumabi lalo ng tumalikod ito at tuloy-tuloy na umalis. Napaisip siya kung ano ang nangyari kahapon at bigla na lang ito nagalit noong bandang hapon hanggang ngayon. Iniisip rin ni Solana kung may nasabi ba siya ngunit wala ni-isang eksena ang pumasok sa kanyang isip.

"Ano kaya problema niya?" tanong pa niya ulit sa sarili bago nagdesisyon na balikan iyong balak lutuin.

Tila may bumbilyang umilaw sa gilid ng kanyang ulo nang maalala iyon.

Baka kailangan lang niya matikman ang luto, aniya sa isip.

May ngiti sa labi na bumalik siya loob at nag-umpisa na magluto para sa kanilang dalawa ni Ellis. Sigurado siya na babalik din naman agad ang binata kaya mas binilisan pa niya ang kilos.

Ngayon lang nakaramdam ng gano'ng klase ng excitement si Solana na ipagluto ang ibang tao. Pero hindi na rin naman iba sa kanya si Ellis. Mag-iisang buwan na siya sa isla kaya tingin niya'y malalim ba ang pagkakakilala niya rito.

Ellis maybe cold outside, but as she keep on digging Solana found out that he's soft, kind and sometimes act cute. Crush na nga yata ang binata at hindi niya alam saan siya dadalhin ng nararamdaman.

Bahala na, aniya pang muli sa isip.

MINUTES becames hours until Solana decided to eat and drink alone. Lumubog na ang araw at heto siya sa harap bahay palakad-lakad lang habang nainom ng alak na nakuha niya sa loob ng bahay. Wala siya pakialam kung kanino iyong alak na iniinom. Nawala na ang pakialam niya dahil matinding pang-i-indian ang naranasan niya ngayon.

Puro kasi siya trabaho buong buhay niya kaya heto at walang kaibigang matakbuhan o makausap. Wala rin siya magawa na mag-isa dahil sa takot kaya hindi niya maiwasang malungkot. She hated eating alone but what choice Solana could have when the man she admitted she liked chose to play with her.

"Where did you get that?" tanong na pumukaw sa kanya at iyong may-ari ng boses ang umagaw ng alak sa kanyang kamay.

"A-akin 'yan!" sigaw niya.

"Did you drink this all alone?" Lumingon siya sa paligid saka marahang tumayo. Nabubuwal-buwal pa siya ngunit naalalayan siya agad ng kausap. "You're a wacko. Did you know that this alcohol is ten times intoxicating?"

Sumimangot siya saka hinawi ang mukha ng nagsasalita at sinubukan bawiin ang alak pero 'di siya nanalo.

"N-nahihilo ako. . ." Kumapit rin siya sa tiyan pagkatapos sa ulo. "N-nasusuka ako. . ."

"Good Lord, why did you let this happened?"

"S-stop q-questioning God, you fool!"

Binatukan niya ang nagsalita na agad naman dumaing. Tinulak niya ito saka susuray-suray na lumakad papunta sa dagat. Naiinitan siya at nais niya maligo.

Kaya naman isa-isa niya hinubad ang suot na damit hanggang sa wala na maiwan sa kanyang katawan. Unang naramdaman ni Solana ang lamig na sumigid sa kanyang kalamnan hanggang sa mga buto. Naibsan noon ang hilo niya ngunit saglit lang rin siya nanatili sa dagat dahil may matatag na mga braso ang kumalong sa kanya na parang bata.

"You're testing my patience, Solana," sambit ng tinig na hindi naman niya ininda. Para kasi siyang hinehele kaya tuluyan na nakatulog sa bisig ng kung sino 'man may buhay sa kanya ngayon.

Kinabukasan, nagising si Solana na may nararamdamang kirot sa kanyang sentido. Masakit din ang katawan niya lalo na sa may bandang balikat. Dahan-dahan siya bumangon at sinipat ang kabuuan ng kwartong kinaroroonan.

She's still in her room at Ellis' island. Dinig niya ang malakas na hampas ng alon sa dalampasigan at medyo makulimlim ang kilam sa labas. Matapos kumuha ng buwelo, tumayo siya at doon niya napagtanto na wala siyang saplot sa katawan.

Her eyes widened up upon realizing the fact about her nakedness which she couldn't remeber the reason.

Hindi kaya. . .

Umiling siya at kinikilabutang hinila ang kumot na pinambalot sa kanyang buong katawan. Gamit iyon, nagtatakbo siya papunta sa banyo at doon matamang nag-isip kung ano ba ang nangyari kagabi.

Ellis, sayaw tayo. . .

N-nahihilo ako. . .

"Hala! Ginawa ko iyon?" tanong niya sa sarili. "Paano ako lalabas nito ngayon?" That was a stupid move of hers and she didn't know how to face Ellis.

Wala bang call a friend option? tanong niya sa sarili.

LUMINGA-LINGA muna si Solana bago tuluyang lumabas sa kanyang kwarto. Ang tahimik pa sa paligid kaya nasisiguro niya na wala na si Ellis. Lampas alas otso na rin kay kampante siyang lumabas. She was wearing one of her yellow summer dress and let her hair down for it's still wet. Tinatamad siya mag blower kaya hahayaan na lang niya na matuyo ng hangin iyon.

Tuloy-tuloy siya lumakad hanggang sa makarating sa dining area kung saan may nakita siyang mga pagkain na naka-taklob ng lastay. Umuusok pa iyon kaya napagtanto niya na may kasama siyang iba.

"Baka may dumating na cook?" Hindi niya sigurado pero tinulungan na lamang niya ang sarili. Naghain siya at aktong uupo na para kumain ngunit nahinto ng pumasok si Ellis sa loob ng dining room.

"How's your shoulder? Is it still swelling?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya. Napatingin siya sa kanyang balikat na masakit pa rin pero hindi na gaano namamaga. Nakita ni Solana kaninang pagligo na may malaking pasa doon na iniisip niya saan nakuha.

"O-okay naman na. Medyo masakit pa -"

"Tsk!"

"Ano'ng gagawin mo?" Hindi niya magawang kumilos dahil parang ayaw umayon ng kanyang katawan. Nagitla siya ng lagyan ni Ellis ng cold compress iyong paligid ng pasa niya.

"Ano bang iniisip mo na gagawin ko?" Tila galit na tanong nito sa kanya.

"Galit ka ba?"

Huminga ng malalim si Ellis bago nagsalita. "I want to be mad at you but I can't do it. Hindi ko alam kung bakit. You're confusing, Solana. Do you even know that?"

Umiling siya. Huminga ulit ng malalim si Ellis pero 'di na muli nagsalita. Lalo siyang nalito kung ano ba ang ibig nito sabihin. Bukod doon ay maraming tanong sa isip niya kabilang na kung saan niya nakuha ang pasa na ginagamot ni Ellis ngayon.

"Ellis. . ."

"Hmm?"

"May nangyari ba sa atin?"

"What the fuck?" Bulalas nito na umantala sa pagsubo niya ng pagkain. Kakain lang naman siya pero bakit kailangan nito magmura. And he's hot even when cursing. "Iyon ba ang iniisip mo na dahilan kaya ka may pasa?"

Tumingin siya rito saka marahang tumango. Nagulat siya ng tumawa ito ng malakas na pumuno sa kinaroroonan. Hindi tuloy niya alam kung paano itatago ang mukha. Base sa reaksyon nito mukhang wala naman nangyari sa kanila.

Nakakahiya! sigaw niya sa kanyang isip.

"O-okay na iyan. Ako na bahala pagkatapos ko kumain." Pilit niya inagaw kay Ellis ang cold compress na dahilan kaya nakakaramdam siya ng lamig ngayon pero 'di siya nito hinayaan.

"Let me do this," anito sa kanya. Hinayaan na niya ito at nagpatuloy na lang siya sa pagkain. "What's your thing with my brother?"

"Si Atty? Wala. Pinagti-trip-an lang niya ako minsan. Ay madalas pala kapag narito siya."

"I'd like to ban him here."

"Huy h'wag! Masaya kaya kapag may kasama ka rito. Napipilitan ka magsalita. Tulad ngayon ang haba ng word count mo."

"I prefer not to share you with him or to anyone else." Kinuha ni Ellis ang kamay niya saka nilagay doon ang cold compress na agad niya nabitiwan. "Hindi rin ako nanakit ng babae, Solana. . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro