
Chapter One
Chapter One
"'MA, paano po kung mag-resign ako sa trabaho ko?" Tanong na agad nagpakunot sa noo ng nanay ni Solana.
Tumingin siya sa kanyang paligid at gaya ng nakitang reaksyon sa nanay ay gano'n din ang nabanaag sa mukha ng dalawa niyang kapatid. Sina Chrysler and Jade.
"Ano naman gagawin mo kapag umalis ka sa trabaho, Maria Solana?"
Sinasabi na nga ba niya't hindi nararapat na pag-usapan ang resignation sa hapag kainan. Masarap pa naman ang ulam na niluto ng nanay niya. Kung hindi siya nagtanong, hindi sana matatawag ng buo ang kanyang pangalan na ayaw naman niya. Hindi sa ayaw niya sa pangalan. Sadyang nakakabingi lang iyon para kay Solana.
She preferred to be called Sol or Lana. Ang sosyal pakinggan at parang ang yaman-yaman na niya. Maganda rin ang ibig sabihin ng Solana na tingin niya'y pinag-isipang maigi ng kanyang nanay.
"Magbabakasyon po ako mag-isa. May ipon naman po -"
"Tigilan mo nga ang kahibangan mo na iyan, Sol. Maganda ang trabaho mo kaya bakit ka mag-re-resign?"
Nag-isip si Solana ng isasagot na mas maiintindihan ng nanay niya. Ngunit mas nanaig iyong totoong nararamdaman niya at siyang dahilan kaya naisip ang pag-alis sa trabaho.
"Hindi na po ako masaya sa trabaho ko. 95% na po ng katawan ko ang nababalot ng stress. Napapagod na ako kaka-biyahe ng tatlo hanggang limang oras papasok at pauwi. . ."
Pagsisi. Iyon ang napagtanto ni Solana matapos masabi ang dahilan niya. Dapat talaga hindi na lang niya sinabi ang saloobin o kahit ang plano. No one in her family would understand that she's struggling mentally due to stress, above the forehead workload and conceited workmates.
"Itulog mo lang iyan, Maria Solana." Iyon ang mga salitang nagpatunay na kahit nanay niya'y hindi siya naiintindihan. "Hindi porket 'di ka na masaya ay aalis ka na sa trabaho. Mahirap ang buhay ngayon at baka lang nakalimutan mo na may pinapa-aral ka pa na kapatid."
Mahirap nga ang buhay ngayon ngunit para kay Solana, mas mahirap mabuhay na hindi nagagawa ang gusto. Her mother was a hopeless case. Sarado ang isip nito at hindi 'man nakikita na nahihirapan na siya. Minsan naisip na lang ni Solana na bumukod. Para matuto ang mga ito na pahalagahan ang pinaghihirapan niya araw-araw.
Paano ba niya gagawin iyon kung dito pa lang ayaw tablado na siya?
Wala na talaga pag-asa kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain. Nang matapos ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto. With a heavy heart, she closed the door. Marahan siya tumungo sa kama at doon naupo. Inisip niya mabuti ang plano ngunit tila sirang plaka naman umuulit sa kanyang tainga ang sinabi ng kanyang ina.
Mahirap ang buhay.
Wala sa sarili na tumingin si Solana sa monoblack chair sa gilid ng pintuan at sunod sa kisame pagkakita sa lubid.
Ano ba ang iniisip niya ngayon? Hindi na ba siya naawa sa silyang tutunggan? Isa pa baka hindi siya kayanin ng lubid kung sakaling ituloy ang plano.
Solana heaved a deep sigh and stood up.
Humarap siya sa half body mirror at sinipat ang sarili. Napagtanto niya na sayang ang ganda kung papatiwakal lang siya. She unconsciously held her neck. Pangit din ang may marka sa leeg kapag nasa kabaong na kaya erase na iyong suicide talaga.
All I need ay bakasyon, aniya sa isipan at muling pinlano ang bakasyon na nais. By hook or by crook, I'll get that dream vacation of mine!
Nasira ang pag-mo-monologue ni Solana nang may kumatok sa pinto. Tinungo niya iyon at binuksan. Hindi niya inasahan na mabubuksan ang bunsong kapatid na pinaka-close sa kanya.
Si Jade.
"Ayos ka lang, Ate?" tanong na muntik na magpa-iyak sa kanya.
Ito lang sa pamilya niya ang nagtatanong kung ayos lang ba siya. Kahit nanay niya ay hindi 'man lang siya kinu-kumusta at pulos pare ang laging problema. Sa tagal na panahon na nagta-trabaho si Solana, marami na siya naipundar. Nagawa niya bilhin ang bahay na ito na kanilang tinitirhan ngayon. May savings siya sa kabila ng maraming gastusin pagpapa-aral sa dalawa niyang kapatid.
Pero sa dalawa si Jade lang ang matinong nag-aaral talaga. Si Chrysler, ayun may bago na namang girlfriend. Hindi na magtataka si Solana na baka bukas o sa makalawa ay malalaman niyang buntis na.
"Ayos pa naman ako," tugon niya sa kapatid.
"Itutuloy mo pa rin ang plano mo, Ate?" Tumango siya bilang tugon. "Naipon ko iyong bigay mo buwan buwan, gusto mo ba ibalik ko sa 'yo?"
Mabilis siyang umiling. "Sa iyo 'yan. Gamitin mo kapag kailangan mo. Hindi biro ang pagne-nurse ha. Maraming kailangang bilhin."
"Nabili ko naman na, Ate. Saka po sobra-sobra itong naipon ko kaya puwede ko ibalik na. May freelance job din po ako."
Ngumiti si Solana. "Hindi araw-araw maganda ang kita sa freelance, Jade. Itago mo iyan at kapag kailangan mo, may mahuhugot ka. May savings ako kaya maitutuloy ko ang plano ko na bakasyon. Malay mo manalo ako ng libreng bakasyon sa isang isla sa Mindanao o Visayas."
Si Jade naman ang ngumiti. "Paano ka po mananalo kung hindi ka naman nasali sa mga contest?"
"Hoy, may sinalihan ako!"
"Saan?"
Kinuha niya ang cell phone at hinanap iyong post ng isang island sa Visayas na ngayon lang niya ulit nabistahan. Ilang linggo na rin mula nang mag comment siya sa nasabing post kung saan naibuhos niya ang damdamin. Nakita niya na umani ng maraming likes ang naturang comment na iniwan niya. May ilang komento rin sa ilalim na pawang pakikisimpatya sa kanyang pinagdadaanan.
"Jade. . ." tawag niya sa kapatid saka pinakita ang cell phone.
Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito gaya ng mga mata niya kanina. Tama nga ang nabasa niya! Nanalo siya ng dalawang buwang bakasyon sa De Luna Empire. Nanalo siya. Nanalo siya!
Pero saan iyong De Luna Empire? Ngayon lang niya narinig ang naturang pangalan ng lugar. De Luna ang apelyido ng nakaraang Presidente ng Pilipinas. Konektado kaya ang dalawa?
Imposible. . . aniya sa isipan. Ilang bang tao sa mundo ang may apelyido na gaya sa kanila? Dagdag pa niya pero hindi naalis ng mga katanungan ang tuwa niya dahil nanalo siya sa sinalihan na noong una ay akala niya kalokohan lamang.
This it pancit! sigaw niya sa likod ng kanyang isipan.
DE LUNA EMPIRE, a private island owned by the powerful clan in the country. May membership bago makapasok na naturang isla na nala-locate sa pinakadulong bahagi ng Pilipinas. Merong resort and spa ngunit 'di hamak na mas malaki ang nasabing lugar kung saan siya nanalo ng dalawang buwang bakasyon.
Napagtanto ni Solana na magiging maganda ang summer niya kapag nagkataon kaya heto at patungo na siya sa HR office ng kumpanyang pinagta-trabaho-an. Kipkip niya sa notebook resignation letter dahil wala namang bakasyon na aabot ng dalawang buwan. Kailangan niya talaga gawin ang sa tingin niya'y makakatulong sa kanya. Isa pa, matagal na rin niya inaasam ang bakasyon na kailangan ng katawang lupa niya bukod sa jowa.
Baka doon na niya mahanap ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso.
Lalong yumabong pagkasabik sa sistema ni Solana na dahilan ng pagkadiririt niya habang naglalakad.
"Come in," anang tinig mula sa loob na hudyat ni Solana para pumasok sa loob. "Miss Salvador ikaw pala 'yan. Ano'ng atin?"
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Solana at nilapag ang resignation letter sa harap ni Miss Selma.
"Matagal ko na po iniisip iyan at ngayon lang naglakas ng loob na gawin ang aking nais." Malalim muna siya huminga nang malalim bago uli nagsalita. "Sa loob ng maraming taong lumipas, marami ako natutunan sa Grweb International bilang isang accounts associate. Tingin ko po ay magagamit ko lahat sa pagsisimula muli sa ibang karera na aking haharapin."
"May sakit ka ba, Miss Salvador?" Napatanga siya sa tanong na narinig mula sa kausap. Ang haba ng sinabi niya tapos iyon lang ang makukuha niyang tanong. Tila ba ay nahihiwagaan ito sa kanyang inaasta na normal lang naman para kay Solana.
"Wala ho, Miss Selma." Pinili pa rin niya sumagot kahit na hindi sigurado kung may kinalaman ba ang tanong sa mga sinabi niya.
"Ano naman gagawin mo kapag nag resign ka na? Saka hindi ka ba nanghihinayang na iiwan mo ang magandang trabaho mo rito."
That again, bulong niya sa kanyang isipan.
Muling naisip ni Solana mas nakakahinayang na hindi niya magawa ang nais at lumipas na ang panahon. Libre ang offer sa kanya sa De Luna Empire na bakasyon dahil sa mapagbagbagdamdamin niyang sagot sa tanong ng island. Sinubukan lang naman niya natiyempuhan pa na nanalo siya na lingid pa sa kaalaman ng nanay at ni Chrysler.
"Magbabakasyon po kasi ako at wala naman po na two months vacation leave rito." Pilit siyang ngumiti.
Oo nga't maganda ang trabaho niya ngunit aanhin naman niya ang ganda kung hindi na siya masaya. Kumikita nga siya ng malaki na pantustos sa pamilya, kapalit naman ay stress sa kanyang buong pagkatao.
"Bakasyon? Saan naman iyan?" Sabi na nga ba niya't tatanungin din iyon dahil tsismosa rin itong si Miss Selma talaga.
"Nanalo po ako ng dalawang buwang bakasyon sa De Luna Empire at libre po ang lahat ng kailangan ko para mag punta doon."
"De Luna Empire? Hindi ba iyan scam?"
Hindi naisip ni Solana na baka nga scam iyong sinalihan niya at ngayon lang napagtanto. Ngunit sa email siya nito kinausap upang kuhain ang kanyang numero. Nang sumagot siya, nag reply ang naturang humahawak sa business email ng isla na makakatanggap siya ng tawag ngayon.
Pero kalahating araw na't wala pa rin tawag siyang natatanggap. Hindi kaya na-scam siya?
Pero wala naman hiningi sa kanya na pera o kahit anong impormasyon maliban sa kanyang contact number.
"Miss Salvador, narito ka pala. Kanina pa may naghihintay sa 'yo sa lobby na lalaki."
"Eh?" Napatingin siya kay Miss Selma agad.
"Sige na at harapin mo na kung sino iyon tapos bumalik ka rito. Hindi pa tayo tapos mag-usap,"
She stood up.
Mabilis siya lumabas at tumungo sa lobby at doon nakita ang isang matipunong lalaki na hindi hamak na mas matangkad kaysa sa kanya.
"Are you Miss Maria Solana Blythe Salavador?" Kingina! Buong buo naman ang pangalan ko, nagngingitngit niyang salita sa isipan. "Ikaw iyong nanalo sa online contest ng De Luna Empire." Napatango siya. "I am Atty. Matthias De Luna III. I'm the legal adviser of the De Luna and I'm here to personally gave you your island pass,"
Paano niya ako nahanap? Ang galing naman ng intel nila. . .
"Hindi po kayo scam?"
"The De Luna has records in public service and are law enforcers. We're far from the one you think, Miss Salvador. I can attest to that since I am one of them."
Ang confident naman niya. . . tanging salita na nabitawan sa isip.
"Sigurado ka po ba diyan?"
The tall guy chuckled.
"Here is my calling card. Call me when you're packed so I can summon someone to drive you to the airport. Also, I need your information to book your two-way plane ticket."
Hindi ba talaga scam itong papasukin ko? Hindi nga ba talaga?
"Puwede po pag isipan ko muna maigi kung ibibigay ko impormasyon ko sa iyo?"
"You have your time. Just give me a call when you're ready, Miss Salvador. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro