
Chapter Four
Chapter Four
NAKAIN pa si Solana mag-isa nang dumating si Ellis at iyong abogado na nagbigay sa kanya ng libreng bakasyon. Agad siya sinamahan nito at nakisalo sa mga pagkain na niluto niya. Ngayon lang naka-encounter si Solana ng lalaki na malakas kumain gaya ni Atty. Thirdy at bukod sa kanya may dalawa pang lalaki ang dumating na hawig rin nila Ellis. Lalo tuloy nadagdagan iyong mga lalaking nakasuot ng itim at panay bulungan sa gilid nila.
“Uhm, puwede po magtanong? Bakit ang dani niyong bantay ta's para silang mga minion, pare-pareho ang suot nila.”
Malakas na tumawa iyong tatlong lalaki pero si Ellis umiba lang ng tingin. Siya lang ang babae ngayon at nangangamba ng bahagya si Solana kaya tinigilan niya ang paglagok ng alak na dala nila. Mahirap na lalo't kapag may alak, may balak na lagi sinasabi.
“They're our security details. A private service, not a government paid since our father stepped down already.”
Paliwanag noong isang mukhang laking ibang bansa. Lahat naman sila para kay Solana ay mukhang foreigner. Dahil iyon sa matangos nilang ilong, bughaw na mga mata, parang inukit na panga at magagandang labi.
“Your father is a government official?” tanong niya na may halong pagtataka.
“Yes, Miss Salvador. He's the former President of this country, Matthias De Luna II. .”
Napatakip siya sa kanyang bibig nang marinig rebelasyon ni Atty. Thirdy sa kanya. Bigla niya naalala iyong niyayabang ng tindera kanina sa kanya.
Aba'y siyempre naman. Sa akin pa nga namimili ng isda iyong dating Presidente ng Pilipinas.
Doon sa malaking bahay na iyon nakatira ang sinasabi ko at narito rin iyong isang anak nila nakatira ngayon.
Iyong isang anak. . . Si Ellis ba 'yon?
Natuptop niya ang kanyang bibig bigla. Naalala niyang pinagbuhat niya ng maraming pinamili ang binata kanina tapos hindi 'man lang ito nag reklamo sa kanya kanina. Puwede rin na nagtitimpi lang ito sa kanya. Napatunayan ni Solana na hindi ito multo dahil sa mga kasama nila ngayon na mga kapatid niya. Bigla siya nakaramdam ng pagkapahiya dahil sa ginawa kanina at noong dumating siya.
That boat scene when I almost fell but he caught me! Ang dreamy noon ta's hindi pala ordinaryong tao na puwedeng utus-utusan lang si Ellis. . . sambit niya sa kanyang isipan.
“Miss Salvador? Are you okay?” tanong ng isa pang lalaki na nakilala niya sa pangalang Clarence.
He was the one explained her what were the job of the men around them. Tinawag nina Atty. Thirdy at Ellis na kuya si Clarence kaya napagtanto ni Solana na ito ang matanda.
Tapos iyong isa na hindi gaano matured ang mukha ang pangalawa? tanong niya sa isipan muli.
“Miss Maria Solana.” Tawag sa kanya ni Atty. Thirdy.
“Yes! I-I'm fine. Medyo na-windang lang sa mga sinabi niyo at naka-vacation mode ang utak ko.” Natatawa niya tugon sa lahat pero mukhang siya lang ang nakakuha ng biro. “Ang seryoso niyo namang apat. . .” aniya pa sa kanila.
“Was that a joke?” Tumabang lalo ang ekspresyon sa mukha ni Solana dahil sa sinabi ni Clarence.
“Never mind that, sir. It's fine if you don't get my humor.” Hindi naman lahat nakakasakay sa mga biro niya na kung minsan ay waley nga gaya ngayon. “Ilang po kayong magkakapatid?” Pag-iiba niya sa usapan.
“We're five. The youngest flew to London as their university's exchange student,” tugon ng isa na nagpakilala sa kanya sa pangalang Dawson.
Si Dawson ang pinaka-matanda sa kanilang magkakapatid. Sumunod si Clarence, Thirdy at si Ellis iyong bunso sa mga lalaki pero siya ang pinaka-seryoso. Habang kausap ni Solana ang tatlo, marami siya nalaman pero hindi 'man lang nag-share ng info si Ellis kahit konti. Tahimik lang siya na umiinom mag-isa at hindi na pinilit ng mga kapatid niya na mag salita.
Mapagsasalita rin kita soon. . . aniya sa isip.
“AYOS LANG kaya sila?” tanong na narinig ni Ellis mula kay Solana na nagpalingon sa kanya rito.
Silang dalawa na lang naiwan at hatid-tingin nilang dalawa ang mga kapatid niyang inaalalayan ng mga kasamang security details. Naparami ang inom nila kaya gumegewang-gewang na lalo na si Thirdy. Konti lang ang ininom ni Ellis dahil alam niya ang ending ay iyon nga, nalasing ang tatlong kapatid gaya ng tinitingnan ngayon. Maingay ang mga ito at talagang pinahirapan ang mga bantay nila sa pag-alalay. Si Solana rin ay naka-inom ngunit ayos pa ito kaysa sa mga kapatid niya.
“You should be thinking of yourself, Miss Salvador,” tugon niya sa dalaga saka iniwan na ito.
“Ang sungit mo naman! Parang concern lang ako sa mga kapatid mo. Hindi mo kina-gwapo ang pagiging masungit mo oi!”
Hindi na pinatulan pa ni Ellis ang sigaw na iyon ni Solana sa kanya. Dire-diretso siya tumungo sa kwarto at itinulog ang pagkabalisang nararamdaman.
Marami pa siya gagawin sa umaga at dadalaw pa silang magkakapatid sa mga magulang bago umalis ang mga ito. Hindi niya alam saan galing nararamdaman pagkabalisa pero alam niyang may kinalaman kay Solana na nagpapaalala sa kanya kay Vielle.
“Ellis. . .”
Lumingon siya agad nang marinig ang pamilyar na tawag na dahilan nang mariin niyang pagpikit. Alam ni Ellis na dapat niya na kalimutan ang mga alaala na may kinalaman kay Vielle.
Malalim siyang huminga at tinuloy na ang pag-akyat sa kwarto para matulog.
Kinabukasan, medyo nahuli na siya gumising at agad na nag-ayos ng sarili para sa routine niya tuwing umaga. Babalik sana siya sa camp para samahan na mag morning jogging ang mga trainee na hawak niya. Kaso naririnig niya ang mga ito sa labas.
At may isa pang mas maaga gumising sa kanya at nakamansid sa kanila habang may toothbrush pa sa bibig. Lumakad siya at humarang sa view na meron ito pero hinawi lang siya nito. Hindi naman nagpatalo si Ellis kaya matalim siyang tiningnan nito.
“Basag trip ka na naman, ser!” Reklamo nito sa kanya.
“Ang ayos naman ng trip mo, ma'am,” buska niya sa dalaga.
“Ngayon lang ako nakakita ng ganyan at meron pala ibang tao dito bukod sa 'yo,”
“What do you call my guards? Aren't they humans?”
Umiling ang dalaga. “Robot sila na naka-program na sa inyo lang sumunod. I asked them to help me but they just stared at me!” Tumawa nang malakas si Ellis pagkarinig sa sinabi ni Solana. “Ang lakas ng sapak mo sa ulo, ano? Pagkatapos mo ako sungitan, tatawanan mo naman ako?”
“Because you're funny. Thank you for making my morning fun today, Miss Salvador,” aniya saka pinitik ang noo nito at tumakbo na palapit sa mga trainee at sumama sa kanila.
“You seem in good mood today, brother,” bati ni Thirdy sa kanya nang makalapit. Mukhang ang jogging ang pang-alis hangover nito dahil naparami ang inom ng alak kagabi. “Is it because of our guest?”
“No. . .” Mabilis niyang sagot. Maganda lang ang gising niya at walang ibang dahilan sa kabila ng balisang damdamin noong nakaraan gabi.
“Noelle's right about you being weird. Have your eyes checked today. Lagi ka na lang naka-shades at nakababa mha blinds ng rest house mo.”
“Pagbalik ko na sa Manila para isang lakaran na lang.”
“That's tomorrow, right? After you pay our parents a visit?”
“I'll stay here for two months. Hindi mo ako puwedeng paalisin sa isla ko na may naka-check in na stranger.”
Diskumpyadong tumingi sa kanya si Thirdy. Nakita niya iyon kahit natakbo sila pareho. “Ang sabihin mo ayaw mo lang siya iwan kasi tinamaan ka na agad sa kanya. . .”
“No, it's not that,”
Hindi siya pinakinggan ng kapatid at mas mabilis itong tumakbo kaysa sa kanya. Mahirap talaga ito paliwanagan kahit na kailan. . . .
BANDANG TANGHALI nang lumabas si Solana para maglakad-lakad sa sa beach at mamulot ng puwede niya gawing souvenir sa bakasyon. Inugat na kasi siya kakahintay na bumalik si Ellis para matanong kung ano wifi password sa rest house. Ubos na ang data niya kaya ang purpose na lang ng cell phone niya ay camera. Napagtanto rin naman ni Solana na maganda na wala muna siya koneksyon sa online world para mas ma-enjoy niya ang bakasyon. The last picture she uploaded was the view of a sunset from Ellis' front porch.
Inilapag niya sa buhanginan ang transparent bag na naglalaman ng mga gamit saka nilabas roon ang manipis na puting kumot. Sinapin niya iyon sa buhanginan bago naupo at tumanaw sa malayo. Kalmadong-kalmado ang dagat at maganda rin ang panahon ngayon kumpara kahapon noong dumating siya.
“Puwede ba dito na lang ako buong buhay ko?” tanong niya at hindi umaasa na may sasagot ngunit hindi pala dapat niya ginawa iyon.
“Depende sa may-ari ng isla kung papayagan na may maingay siyang kasama rito,”
Agad na nag-angat ng tingin si Solana at nagtama ang tingin nila ni Ellis.
“Kanina pa kita hinihintay!”
“Bakit ka sumisigaw?”
“Para marinig mo lang na hinihintay kita.” Kumunot noo nito at kasunod noon ang pag-iling. “May nakita ako na wifi router sa labas. Puwede ba ako maki-konek, ser?”
“May bayad ang wifi connection dito,”
“Grabe! 'Di ba iyon kasama sa amenities ng rest house? Paano ako makaka-pag-cell phone kung walang wifi?”
“That's the purpose, even if there's a wifi connection at home. I came here to detach myself from the online world and appreciate nature more.” Tinuro nito sa kanya ang magandang tanawin. “Do you want to join our physical activities?”
“What kind of physical activities?”
“You'll know if you agreed to me,”
“Parang ang daya naman noon, ser! 'Di ba dapat sabihin mo muna bago ako pumayag? Baka mamaya pagulungin mo ako sa putikan, pasampahin sa puno at ilambitin sa ere. H'wag na lang!”
“Paano mo nalaman?” Humalukipkip siya sa harap ng binata. “Are you a soothsayer?”
“No. I know every kind of guy’s body, and you're a military man, correct?”
Umawang ang labi ni Ellis pagkarinig sa tanong niya. “You're exceptional indeed. .”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro