
Chapter Five
Chapter Five
KAHIT alam na ni Solana ang sinasabi ni Ellis na physical activities na gagawin, hindi pa rin siya naging handa. Ang totoo, hindi niya basta nahulaan lang na military man si Ellis base sa tikas ng katawan nito. Hindi niya aaminin na tumitingin siya sa katawan nito nang makailang ulit simula nang magkakilala. And he wasn't the first guy who owned a well-toned body. Nasa tamang puwesto lahat ng muscles nito at hindi nakaka-umay pagmasdan.
Again, Solana didn't examined Ellis' body. Simpleng tingin lang. . . gano'n! giit niya sa isip.
Napakapit siya sa magkabila niyang dibdib ng maramdaman ang pananakit noon habang natakbo pasunod sa binata. Gusto niya na magsabi ng time out bilang tumatakbo siya habang nakasuot ng summer dress at tsinelas sa ilalim ng nagbabagang init ng araw.
“Ellis! Sandali nga. . . bakit ba tayo natakbo?” tanong niya habang hawak pa rin ang magkabilang dibdib.
“Because it wouldn't be called physical activities without moving our body, Miss Salvador.”
Sumimangot siya. “Alam ko. . . pero. . . ang init-init kaya!”
Huminto siya sa pagtakbo at inis na inis na inalis ang suot na straw hat saka ginawang pamaypay. Hindi alam ni Solana kung ano trip ni Ellis ngayon pero puwede rin naman nito sabihin na harap niya na umalis na lang siya. Masyadong maraming pahirap na nalalaman gayong may kusa naman siya umalis lalo kapag ayaw sa kanya ng tao. Naiinis pa rin niya kinuha sa bag ang panyo saka pinunasan ang tagaktak na pawis. Ang lagkit-lagkit na ng pakiramdam niya at gusto niya maligo.
“Are you tired?” tanong ni Ellis dahilan para tingnan niya ito. Doon niya napansin na binalikan pala siya nito. At higit niya kinagulat iyong sumunod nitong ginawa. Tumalungkong ito palikod sa kanya saka tinapik ang likuran bilang paghikayat na sumampa siya roon. Gulat na gulat siya sa ginawa nito na hindi niya inasahan talaga lalo na't halata na inis na inis ito sa kanya. “Hop in now before I change my mind, Miss Salvador.”
Pigil na pigil ang pagngiti niya pero sumampa ba siya sa likuran nito dahil baka nga magbago ang isip. “Call me, Sol or Lana or -”
“Loud.”
“Ano?” Hinampas niya ang matikas nitong balikat.
“You're loud and I'm serious.” May halong reklamo na sa tinig nito pero hindi pa rin natinag si Solana. “We're not that close enough for me to call you by your name.”
“Gaano ba ka-close dapat para puwede mo na ako tawagin sa pangalan ko?” Inilapit niya ang mukha niya rito na maling-mali pala dahil lumingon ito. Kaunting lapit na lang magdidikit na ang kanilang mga labi. Nanlaki ang mga mata niya habang ito'y walang naging reaksyon. He didn't wavered nor blink his beautiful eyes. Sa sobrang taranta niya ay nabatukan ito at hinawi ang mukha.
“What's your problem?” tanong nito sa kanya.
“Nanggugulat ka kasi!”
“You did the first move, Miss Salvador.”
“Hindi ka dapat lumingon!” Ellis breathed a long sigh. Imbis na sumagot ay tumayo ito dahilan para tumili siya. Akala niya ay ilalaglag siya nito pero maling akala lang pala ang lahat. Umayos ito ng tayo bago nagsimulang maglakad. Unti-unti niya niluwagan ang kapit ng braso niya sa leeg nito hanggang sa nakakapit na lang siya sa magkabilang balikat niro. “I almost surrendered my first kiss. . .”
“It's an honour, Miss Salvador.”
“Huh?”
“To be your first kiss.”
SUNOD-SUNOD na tahol ng aso ang narinig ni Ellis nang makarating sila sa lugar kung saan puwede pa magtambay. Nasa loob din iyon ng isla niya at pinasadya talagang ilagay dahil minsan gusto lang ni Ellis na maging bata ulit. Marahan niy binaba si Solana pero hindi ito umalis sa likuran niya dahil nilapitan na sila ni Kacey.
“Kacey, she's not your dinner. Come here, baby. . .” aniya sa aso at dinamba siya nito dahilan para matumba sila sa buhanginan. Ellis heard Solana shouted which he think it's because of whay Kacey did to him.
“A-ayos ka lang?” Imbis na siya ang sumagot, si Kacey ang gumawa sa pamamagitan ng dalawang malakas na tahol. “Ang selosa mo naman!” sigaw ni Solana sa kanyang aso.
Nakita ni Ellis na yumuko si Kacey saka humihikbing yumakap sa kanya.
“She's not a jealous type, Miss Salvador,” aniya sa dalaga.
“At bakit naman siya magseselos sa akin aber?”
“Because you almost kissed me.” Nanlaki ang mga mata ni Solana na lihim niya kinatawa. Ellis like how her eyes widened up and lips curved in shock every time he would say things amazed Solana. “You cannot deny it.” Tumayo siya saka hinaplos ang malagong balahibo ni Kacey. “Come on. The thrill is inside, not here.”
“Thrill?”
“Yes,” ngumisi siya saka hinikayat itong pumasok sa loob ng isang man-made rainforest. Alam niyang susunod ito lalo't tinutulak na ni Kacey ito pasunod sa kanya. “Miss Salvador, come here!” sigaw nang nasa loob na.
“Whoah! I cannot believe what I am seeing right now! Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganitong lugar sa Pilipinas?”
“Because this place is exclusive for me, Miss Salvador.”
“Then, why did you bring me here?”
“Exception?”
Pinukol siya nito ng masamang tingin. Higit na naka-agaw sa pansin niya ay iyong pag krus ng kamay nito sa bandang dibdib. Those bossoms, they were actually killing him since they met at the beach. Ellis sensed trouble but he have to control himself. Hindi naman siya nagdesisyon na manatili ng dalawang buwan sa isla para lang pagnasaan ang kanyang kaisa-isang guest.
He had reasons to stay in this place far from civilisation.
“You're my guest, and this is one of your perks while staying here in my territory.”
“So thoughtful of you, Mr. De Luna. Sa wakas natanggap mo rin na bisita mo ako rito sa isla mo,”
“Wala naman akong ibang pagpipiliian.”
“Bakit parang lugi ka pa, ser?”
“Your words, not mine.” Umirap ito ulit sa kanya. “May dala kang damit? There's a lagoon inside and you can swim there.”
“Walang buwaya?”
“Wala.”
“Sea snake?”
“Wala.”
“Anaconda?”
“This is a private island, Miss Salvador, not a zoo, for Pete's sake!”
“Bakit ka galit? Nagtatanong at naniniguro lang naman.”
He groaned and left her alone there with Kacey. That's the worst minutes of his life - talking nonsense to a crazy woman like Maria Solana Blythe Salvador.
Jesus, why me? tanong niya sa isip matapos makalayo rito.
PANAY ang pagtatampisaw ni Solana sa lagoon habang si Ellis ay nakaupo lang sa gilid katabi ng aso nitong si Kacey. Napawi iyong init na nararamdaman niya matapos siya nito patakbuhin kanina sa arawan. At hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin siya makapaniwala na naroon sila sa secret hide out nito. Perks daw ng pananatili niya sa isla iyon pero hindi naniniwala si Solana at na target niya ang sariling goal kanina.
Solana made Ellis talk more than five words earlier!
Pero naka-salamin pa rin at naka-silent mode na uli sa sulok. At hindi naman susuko si Solana basta-basta dahil pinanganak siyang palaban at mausisa.
“Hindi ka ba maliligo?” tanong niya kay Ellis. Hindi ito sumagot. “May kasama pa ba ako? Parang naging multo na yata,”
Nakita niyang tumingin sa kanya si Kacey kaso umirap lang ang aso bandang huli. Manang-mana ito sa amo na ubod ng sungit at tahimik na naman. Parang gusto niya kilabutan ngayon na at para rin hindi na humihinga si Ellis. Sa taranta niya agad siya umalis sa lagoon na pinaliliguan at nilapitan ito upang tingnan.
“Ellis?” Mahina niyang tawag sa pangalan ng binata. Sinipat niya ang kabuuan nito at lalong napagtanto na kahit paganito-ganito itong kasama niya, amoy mayaman pa rin talaga ito. “Are you still alive?”
“What made you think I dead?” tanong pabalik na dahilan kaya lumayo siya agad sa binata. Hindi siya nakasagot agad at basta na lamang hinila iyong damit na suot niya kanina. “Are you done skinny-dipping there? We'll go back if you do,”
“Oo tapos na.”
Hindi na ito kumibo pagkabangon. Nilikom ni Solana ang mga gamit niya saka sinuot ang hinubad na tsinelas. Sobra siya nag-enjoy sa lagoon at kung papipiliin, mas gusto niya manatili roon kaso depende pa rin kay Ellis ang lahat.
“Can you walk?”
Ano tingin mo sa akin, baldado? tanong niya sa isip.
“Oo naman. Kanina lang ako pagod. But I felt recharged already.”
“Dapat lang. Ang bigat mo pa naman,”
“Sobra ka naman! Saka, ikaw kaya nag-alok na pasanin ako kanina. Hindi kita pinilit!” Hindi siya nito pinatulan pa. Tumalikod lang ito at naglakad na palabas sa man-made rainforest. “Bakit pala may ganito rito sa isla mo?” tanong niya nang makasabay na siya sa paglalakad nito.
“There are moments in my life when I want to be a little kid again. So, I had someone make a sanctuary like this for me.”
“Wala ka bang kaibigan?” Wala ka rin naman noon, Solana! Ang lakas mo pa magtanong, kastigo niya sa sarili.
“I have. My brothers.”
“Hindi sila. Iyong ibang tao ba na malapit sa 'yo.”
“I had one.” Seryoso at makahulugang sabi nito sa kanya saka muli siyang inunahan sa paglalakad. “But that person used me for her personal gain. . .”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro