Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5 (WOTP) Janus and Zoe

Chael's POV

"Chael? Luke?" sabi nila lahat na nanlalaki ang mata. Hindi kami gumalaw at nakatingin lang sa kanila.

"Let's go inside guys," sabi ni Will. Tahimik kaming pumasok sa loob ng HQ. Tapos umupo kaming lahat sa couch sa sala. Magkatabi kami parehas ni Luke at sila sa harapan namin. Nakatingin lang sila sa amin ng matagal. Hindi namin mabasa kung ano ang iniisip nila. Kami naman ni Luke ay tahimik lang din na tinitignan sila.

"Wahhhh namiss ko kayooooo!" sabi agad ni Jason saka yumakap sa aming dalawa ni Luke. Nagulat kaming dalawa ni Luke dahil sa ginawa niya. Hindi ganito ang inaasahan namin na matatanggap sa kanila pag nagkita ulit kaming lahat. Kumalas na sa yakap si Jason at tumingin sa amin ng matagal.

"Pumayat kayong dalawa ah. Pati mas pumuti kayo--aray naman!" sabi ulit ni Jason nang batukan siya ni Will. Napangiti kami ni Luke sandali dahil kay Jason. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking to. Bumalik na si Jason sa upuan niya.

"Chael at Luke," tawag sa amin ni Will. Tumingin kaming dalawa sa kanya. Sa 2 years na wala kami, Si Will ang nagdedesisyon sa lahat dahil siya ang may pinaka-matino ang utak. Knowing Leo and Jason, siguradong madalas kalokohan ang gagawin nila.

"If you're thinking that we're still mad about the thing you did 2 years ago, we're not.....well actually we were for a short time. But we also know na may malaking rason kung bakit niyo ginawa yon," sabi ni Will sa amin.

"Napipe na ba kayong dalawa? Bakit ayaw niyong magsalita?" tanong ni Dianna.

"Hindi," sabi lang namin ni Luke parehas.

Lumapit sa amin si Leo at Khione saka sinuntok sa tiyan. Hinayaan lang namin sila.

"Para yan sa pagsabi niyo na asshole, tanga at uto-uto kaming kaibigan niyo!" sigaw ni Khione sa amin. Yeah, we deserved that. But that wasn't enough for everything we had done for the past 2 years.

Lumapit naman sa amin si Jason at Dianna saka kami sinampal.

"Para yan sa pagsisinungaling niyo kina Annie at Thalia!" sigaw ni Dianna sa amin. We do really deserved that slap. Sumunod namang lumapit sa amin si Will at Iris saka kami sinuntok sa mukha.

"And that was for everything. For hurting and dumping us! Para sa pagpapaputok niyo ng baril sa harap ng babaeng mahal niyo! Para sa pananakit niyo sa aming lahat, Chael and Luke!" malakas na sigaw ni Iris sa amin.

Parehas na pumutok ang labi namin ni Luke at pinunasan lang namin to. Bumalik na kami sa pwesto naming lahat. Malakas ang pagsampal at pagsuntok nilang lahat sa amin ni Luke. Pero alam kong kulang pa lahat ng iyon.

"Chael and Luke, nandoon kami mismong lahat sa Sunset and Lovers nang gawin niyo yon. Kitang kita ng dalawang mata naming lahat ang nangyari. We all knew that that was not true. Everything of it was not true. But still, we hated that you hurt them physically," sabi ni Khione sa amin. Tahimik lang kami ni Luke. Nakikinig lang kami sa sasabihin nilang lahat.

"Sinundan din namin kayo nung umalis kayo doon. Nakita namin kayong umiyak matapos niyo silang iwan. At dahil doon, talagang nalaman namin na hindi totoo ang lahat ng sinabi niyo sa kanila. Pero hindi namin masabi kina Annie at Thalia dahil naisip namin na mas mabuti kung sa inyong dalawa mismo manggagaling ang lahat," sabi naman ni Leo sa amin at nanatili pa din kaming tahimik.

"Alam naming may plano kayo kaya hinayaan na lang namin kayo. Aware din kami na may camera dito sa HQ at hindi na lang namin pinansin. Alam namin na binabantayan niyo kaming lahat especially Annie and Thalia. I'm sure naman na aware na rin kayo sa mga nangyari sa kanila, right?" sabi at tanong naman ni Dianna sa amin at tumango lang kami.

"Pero ang pinagtataka lang talaga namin, bakit niyo hinamon ng laban ang dalawa?" tanong ni Jason sa amin.

"We just want to say something to them," sagot ko.

"Alam naming hindi lang iyan ang rason," sabi naman ni Will.

"We missed them so much. We couldn't control our feelings," sabi naman ni Luke.

"As expected," bulong ni Will.

Walang nagsalita sa'min. Nagkaron ng sandaling katahimikan nang magsalita si Jason.

"Bati na ba natin sila?" pa-inosenteng tanong ni Jason sa barkada.

"Bati ka dyan. Bata ka?" sagot ni Leo sa kanya.

"Oo bata ako! Bakit may problema ka?" sagot ni Jason sa kanya.

"Tumahimik nga kayong dalawang fetus dyan," saway sa kanila ni Khione.

"Okay, back to business tayo. Chael at Luke---" sabi ulit ni Khione.

"Business ka dyan? Hindi naman natin bebentahan sila Chael at Luke---" singit ni Dianna.

"Kaya nga! Dami dami na ng pera ng dalawang 'yan---" singit ni Jason kay Dianna.

"My god kayong dalawa! Shut---" sabi ni Iris naman pero pinutol siya ni Dianna.

"Eh bakit kasi business sinabi ni Khione? Totoo lang naman sinabi---"

Pinutol ni Leo ang sinabi ni Dianna.

"Wag niyo awayin ung bebe ko! Ano? Sapakan na lang!"

At nagsabay sabay na silang nag-hiyawan.

Napangiti kami ni Luke sa kanila. Oo, mabilis ako mainis dati pag ganto silang maingay. But now, I can't deny that I indeed missed this. Napansin ko na bumuntong hininga na lang si Will at naupo na ulit. Tumingin siya sa'ming dalawa ni Luke at ngumiti. We smiled back at him.

"Jusko! Tapusin na nga natin 'to!" sigaw ni Dianna.

"Oy Chael at Luke. Bati na nga tayong lahat. Nakukunsumisyon lang kami!" sigaw ni Jason sa'min. Humarap sila lahat sa'min.

"Kaya nga! Kailangan na namin ulit ung masungit na nagpapatahimik kapag maingay ung dalawa," sabi ni Khione.

"Hoy sinong dalawa yan ah?" sagot ni Dianna kay Khione.

"Luh sino pa ba? Di pa ba obvious?" sagot naman ni Leo kay Dianna.

"Hoy hindi lang naman kami ang maingay ah! Kayo din---"

Para matigil na 'to, sumigaw na'ko. "Can you all just shut up?! You're being too loud!"

They all looked at me looking surprised. Akala ko sisigawan nila kami tungkol sa ginawa namin non, nagkakamali ako. Tumakbo si Jason at Leo sa'min ni Luke at niyakap kami.

"Waaaa, Chael! Na-miss namin yang kasungitan mo!" ngawa ni Jason na naka-akap sa'kin.

"Haaaay. Thank god natapos din," buntong hininga ni Iris at umupo sila ulit sa sofa.

"Para naman kasing tanga 'tong mga kaibigan niyo, Chael at Luke," sabi naman ni Iris.

"Sinong tanga?! Hoy---"

"That's enough guys. Tama na, okay?" pagputol naman ni Luke this time kay Jason. Tumahimik naman sila at nagsamaan na lang ng tingin.

"Yeah, this is definitely something I missed about you guys," sabi ni Will sa'min.

Natawa naman kami ni Luke sa sinabi nito. Sobrang stress siguro inabot nito ni Will sa barkada lalo na pag gantong maiingay. Usually kasi, kami ni Luke ang nagpapatigil o tahimik sa kanila.

"Sorry nga pala sa kanina. You guys deserved it naman," sabi ni Khione sa'min.

"You guys don't need to say sorry. Kulang pa nga 'yon---"

Binatukan kami bigla ni Jason at Dianna.

"Oh ano? Kulang pa?" tanong nila parehas sa'min.

Tumawa na lang kaming lahat. Kahit bading man pakinggan, talagang namiss namin ang isa't isa.

Charles' POV

"Really? That's good to know. Sige kami na mismo ang susundo sa inyo sa airport bukas. What time ba ang dating niyo dito?" tanong ko sa kanila.

Talagang matagal na naming hinintay na umuwi si Janus at Zoe. Nakaka-usap kasi sila ni Annie at Thalia ng maayos. Madalas na nakikinig ang princessses sa dalawang iyon.

"8:35am po, Tito," sagot nito.

"Okay then. We'll see you tomorrow. Mag-iingat kayo. Bye!"

Tumingin sa akin ang tatlo at ngumiti ako sa kanila.

"Janus and Zoe. They will be here tomorrow at 8:35am," masayang sabi ko sa kanila. Napangiti naman sila ng malaki sa sinabi ko.

"Thank god!" masayang sabi ng asawa ko.

"Alright, let's go back to work," sabi ko sa kanila at bumalik na kami sa ginagawa namin.

"Nasend-an mo na sila ng message sa PC nila, Daniel?" tanong ko sa kanya habang nakatutok sa PC niya.

"I'm just about to," sagot naman niya.

"Okay. Thanks! Just tell us if they already responded," sabi ko sa kanya at nag-okay sign ito.

KINABUKASAN. TIME: 8:30am.

Nandito na kami sa airport at hinihintay namin si Janus at Zoe. 6:30am kami umalis sa bahay at natraffic pa kami. Buti na lang ay hindi kami nalate ng dating sa airport. Sandali lamang ay nakita na namin sila. Kumaway naman kami sa kanila para makita namin sila. Ngumiti naman sila ng makita kaming apat at saka tumakbo palapit sa amin. Niyakap kami ni Zoe at kinamayan naman kami ni Janus.

"We've been waiting for the both of you," sabi ko sa kanila at ngumiti sila.

"Masyado niyo naman po kaming namiss agad?" pagbibiro ni Zoe. Etong batang talagang to oh. Napalapit na din sa amin ang dalawang 'to.

"Syempre naman, Zoe. Osiya, tara na at nagpahanda kami sa bahay. Doon na lang kayo magstay para magkakasama na lang tayo," sabi ni Krissa. Umakbay naman si Zoe kina Krissa at Kath at nagsimulang maglakad. Sumabay naman si Janus sa paglalakad namin ni Daniel.

Nang makarating na kami sa bahay ay sinalubong kami ng Fighting Maids. Nagulat pa sila ng makita nila si Janus. Dahil siya nga diba ang nagpakilala sa amin sa mga fighting maids.

"Good Morning, Kings, Queens, Sir and Ma'am!" masiglang bati nila sa amin. Binati din namin sila.

"How's it going, Fighting Maids?" tanong ni Janus sa kanila.

"We're fine, Sir Janus," sagot ni Maid #12.

"Good to know," sabi na lang ni Janus at dumiretso na kami sa dining room kung saan nakahanda na ang maraming pagkain sa lamesa.

"Wahhh. Nagugutom na ako. Mukhang mabubusog ako dito ah," sabi ni Zoe nang makita niya ang mga pagkain na nakahain.

"Uhm, Tito, Tita? Where's Annie and Thalia? Hindi po ba nila alam na nandito kami?" tanong ni Janus.

"Actually, hindi pa namin nasasabi sa kanila. Pati gusto namin na isurprise niyo ung dalawa," sagot ko sa kanila.

"Aahh. Nasaan po ba sila?" tanong naman ni Zoe.

"Wait. Fighting Maids, nasaan ang mga Princesses?" tanong ko sa kanila.

"Umalis po kaninang umaga nung umalis din po kayo, Our King," sagot ni Maid #8.

"Saan daw sila pumunta?" tanong naman ni Daniel.

"Hindi po nila sinabi. Pero ung suot po nila eh makinis na itim na jacket, black pants and boots po." sagot naman ni Maid #5.

"Ano bang suot nila?" tanong ni Kath sa kanila.

"Black jacket, pants and high boots po, our queen."

Alam na namin kung saan sila pumunta. Sa ARW (Amazing Racing World). Kapag naka-itim sila, usually sa ARW sila. Kapag naka-puti naman sila, Sa LOG or may laban sila. Yes, may color coding silang dalawa na sinusunod.

Nagulat kami nang biglang bumukas ang main door ng bahay. Narinig namin ang malakas na pagkalampag ng heels ng boots ng dalawa.

"They're here," sabi ni Daniel. Ngumiti si Janus at Zoe at lumabas ng dining room. Sumunod naman kami sa kanila.

Nakita namin na paakyat na ng hagdan ang Princesses. Tinitignan lang ni Janus at Zoe ang dalawa habang paakyat. Bago mawala ng tuluyan angdalawa, mabilis na hinugot ni Janus at Zoe ang isang maliit na dagger sa likod nila at agad na binato sa taas. Pagkatingin sa mga anak namin, hawak nila sa isang kamay ang dagger na binato ng dalawa.

Nag-cross arms si Janus at Zoe at ngumiti ng malaki.

"Hindi niyo ba kami i-wewelcome? Princesses of the Gangsters?" nakangiting sabi ni Janus. Nakita naming ngumisi ang Princesses at agad-agad ay binato nila pabalik ang dagger kina Janus at Zoe na walang hirap na nasalo ito.

"Napaka-heartwarming niyo naman magwelcome, Princesses. Tsk tsk. Sayang naman, may mga pasalubong pa naman kami sa inyo. Ano nga ba yon, Janus? Yung mga weapons na matagal na nilang gustong makuha diba?" napangiti kaming apat sa pagpaparinig ni Zoe sa kanila. Nakuha ng atensyon ng Princesses ang sinabi ni Zoe.

"Oo nga. Hayyy. Sayang naman kasi ayoko ng ibigay sa dalawa dyan. Ang ganda ng pagwewelcome nila sa atin eh noh? Tito, Tita, sa inyo na lang po---" naputol ang sasabihin ni Janus.

"Welcome back, Janus at Zoe! Isn't that enough? Give us the weapons!" mabilis na sigaw ni Thalia.

"Hay nako, Janus. Sinigawan nila tayo. Tito, Tita, sa inyo ko na lang po ibibigay---" naputol ulit ang sasabihin ni Zoe.

"Wait, Zoe!" sigaw ni Annie. Mabilis na tumakbo pababa ang dalawa at agad agad na niyakap ng mahigpit ang dalawa. Niyakap din ng mahigpit ni Janus at Zoe ang Princesses.

"We're glad you're both here," sabi ng anak ko.

"So are we. Namiss namin kaagad kayo eh," malaking ngiti na sagot ni Zoe.

"We missed you too," sabi naman ni Thalia.

"Oy. Selos kami. Payakap din kami," sabi ni Kath.

Napangiti na lang kami. Lumapit kaming apat sa kanila at nag-group hug. Iba talaga kapag nandyan si Zoe at Janus. Mabuti na lang talaga ay dumating sila sa buhay namin dahil kung hindi, baka talagang nasakop na ng galit ang puso ng mga anak namin.


Please go back to 'Important Announcement' Part to see why I had to remove the next chapters.

NEXT CHAPTERS ARE AVAILABLE ON DREAME.

YOU CAN DOWNLOAD IT USING THEIR APP (DREAME) OR ON THEIR WEBSITE, dreame.com. Just search for my name: Nicole Guballa or the name of the story. Links are available at my profile, just check my 'About' page. Thank you and hope to see you there!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro