Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/8/ Out of Concern

We've been fighting
for our goals tirelessly 
but sometimes it's hard 
to keep it going


/8/ Out of Concern

[GOLDA]


"LISTEN, class, I have an announcement to all of you," napatingin ako sa harapan at nakita si Sir Gil. Mabuti na lang at hindi ako na-late, nadala na ako na pinagsulat niya ako ng tatlong page na apology.

Medyo nabawasan ang ingay ng klase para makinig sa kung ano mang sasabihin ni Sir Gil. Bored akong nakapangalumbaba habang nakatingin sa harapan.

"Since month of July na at ngayong buwan na 'to sine-celebrate ang Nutrition Month, I'd like to know if this class is willing to enter some of the competitions like Nutri-Jingle, Cooking Demo, Nutrition Quiz Bee, and Poster Making Contest."

Kanya-kanyang reaksyon ang mga kaklase ko sa narinig nila. Naghikab ako, mabuti na lang at malakas kumain ng oras ang ganitong mga segue, baka mamaya magpa-seatwork na naman 'tong teacher na kumag.

"Sir, hindi po ba't mga junior students lang ang kasali sa mga ganyan?" sabi ng isa kong kaklase na nagtaas ng kamay.

"Yes, pero binago ng principal ngayon ang rules para mas maraming estudyante ang makaparticipate kung i-include pati ang senior students," nagkatinginan kami saglit ni Sir Gil, problema nito?

Ah, palibhasa kasi nalulugi na nga 'tong school na 'to at pakaunti ng pakaunti ang mga estudyante kaya kasali ang mga senior sa gimik nila. Hindi naman siguro mandatory 'yung mga ek-ek na 'yon.

Narinig ko na maraming nagreklamo na ayaw nilang mag-participate sa mga competition na binanggit ni Sir Gil, kesyo raw senior na nga sila.

"Anyway, hindi naman 'to sapilitan pero according din sa principal ay malaking points for co-curricular activities kapag nanalo kayo sa mga competition," nagkibit balikat na sabi ni Sir Gil na mukhang wala namang balak ipilit sa mga estudyante niya ang pagsali.

Pero parang nag-iba ang mood ng klase nang sabihin 'yon ni Sir Gil. Parang natahimik at napaisip ang mga nasa harapan—ang mga dakilang GC!

"Sir!" may nagtaas ng kamay sa harapan at tumayo ang isang estudyanteng lalaki, maputi, singkit, nakasalamin, bagsak ang buhok nito.

"Yes, Mr.Jao?"

"I'll join the Nutrition Quiz Bee, sir!" may nagtaas din ng iba pang kamay para sumali.

Gusto kong mapa-face palm at matawa. Grabe, narinig lang nilang may points sa korokoror activities ay bigla silang ginanahan. 'Yon lang talaga motivation nila para pumasok? Ang boring naman.

"I'll also join the Cooking Demo contest, sir," sabi pa ulit nung Jao. Napatingin ako sa mga likuran namin at nakitang pinagtatawanan nila ito, mukhang hindi lang ako ang may thoughts na nagagaraan sa pagiging GC niya.

"The Cooking Demo is a group activity, Mr.Jao. If you really want to join, I guess you have to make a team."

"Yes, sir!" umupo na ito.

Pagkatapos ay nag-proceed na sa discussion si Sir Gil. Mathematics na naman. In fairness medyo nakakasabay din naman ako sa mga lessons, na-realize ko na hindi naman pala ako gano'n ka-bobo.

Ang hirap din kasi ng palaging nangongopya, lalo pa't kung ang kinokopyahan mo ay si Psycho Lulu na lahat ng bagay may kapalit. Kulang na lang ibigay ko lahat ng pera ko sa kanya eh.

Habang nagdidiscuss si Sir Gil ay may narinig akong sumitsit.

"Psst..." alam ko kung sino 'yon pero diretso lang akong nakatingin sa blackboard. "Goldy."

"Bakit?" sagot ko nang hindi tumitingin kay Pyscho Lulu.

"Give this to him," may inabot siya sa'kin at mabilis ko 'yong kinuha.

"Ano 'to?" tiningnan ko 'yon at nakita ang isang velum paper na nakatupi, akala ko nga invitation eh.

Pagkabukas ko'y nakita ko ang pamilyar na mga bilog at isang malaking tanong sa pinakaitaas ng papel: WHAT IS YOUR IKIGAI? (What is your reason to live?)

'Eto na naman tayo sa punyetang Ikigai na 'to.

"Obviously, it's a paper that you needed to write on," pilosopong sagot ni Psycho Lulu sa'kin at halos umikot ang mga mata ko. Huwag lang akong makita ni Sir Gil ngayon dahil baka mapagtrip-an na naman ako.

"Alam ko na papel 'to," sagot ko na halos pabulong. "Ano'ng gagawin ko rito? Kakainin ko?"

"No, dummy," sabi ni Psycho Lulu sa'kin, aba ano'ng tinawag niya sa'kin? Mukha ba 'kong mummy? "Pasagutan mo kay Kahel 'yan, then return it to me."

"Ha? Bakit ako?" hindi ko tuloy mapigilang sumulyap sa likuran ko kung saan nakaupo si orange boy—Kahel, na pumapasok na ng school ngayon.

"Ms.Marquez, perhaps you'd like to answer the problem on the board?" boses ni Sir Gil, at ayon na nga, nakatingin sa'kin ang buong klase.

Putangina naman.


*****


NATAPOS din ang first period, dalawang subject pa bago sumapit ang lunch break, kumakalam na 'yung t'yan ko sa gutom, hindi kasi ako nakapag-almusal dahil sa pagmamadaling pumasok.

Nag-uunat ako nang makita ko 'yung kaklase namin na si Jao na tumayo sa harapan. Wala pa 'yung susunod naming teacher.

"Uhm... Listen, guys—" pero walang nakikinig sa kanya. Itsura pa lang kasi nito ay mukhang lampa na, nerd na nerd ang datingan.

Tumingin ako kay Psycho Lulu.

"Hoy," tawag ko sa kanya. "Class president ka, 'di ba? Tulungan mo kaya 'yon." Nginuso ko si Jao na nahihirapan pa rin kuhanin ang atensyon ng buong klase.

"Kailan ka pa naging class president, Lulu?" biglang sumabat 'yung nasa likuran namin na si Kahel, halatang gulat nang malaman 'yon.

"That's not my duty," sagot sa'kin ni Psycho Lulu habang nakatingin lang sa binabasa niya, hindi pinansin ang sinabi ni Kahel.

"Guys!" natahimik ang lahat nang may humampas sa blackboard. Nakita ko ang isang matangkad na estudyanteng babae, morena 'yon at may mahabang wavy na buhok. "Makinig naman kayo kay Buggy!"

"Sino naman 'yan?" bulong ko. "Tsaka sinong Buggy?"

"That's Ruffa Morado, the Vice-President, and Buggy is Jao's name, apelido lang 'yung Jao," sagot sa'kin ni Psycho Lulu habang nagbabasa pa rin. "That's Ruffa's job, since she's a popular student, mas maraming makikinig sa kanya."

"Ahh..." 'yon na lang ang nasagot ko habang tumingin ulit ako sa harapan.

"Okay, guys! Makinig daw kayo kay Jao!" sabi ni saging boy, hindi ko alam kung nang-aasar ba 'yon.

Tama nga si Lulu, nakinig ang buong klase sa sinabi no'ng Ruffa. Nagsalita ulit si Buggy Jao—ang weird ng name niya, pero bagay ah, Buggy kasi malaki 'yung eyebags niya. Ha-ha.

"I'd like to make a team to join the cooking demo competition," sabi ni Jao sa'ming lahat at may hawak siyang maliit na kahon. "May gusto bang mag-volunteer na sumali?"

Parang kumuliglig ang buong klase, senyales na walang gustong sumama kay Jao.

"Alright then, magbunutan na lang tayo," pagkasabi no'n ni Jao ay kanya-kanyang violent reaction ang mga kolokoy kong kaklase.

Sus. Parang bunutan lang eh.

"My first group mate will be... Mary Gold Marquez."

"Congrats, Goldy," sabay pang bati ni Kahel at Psycho Lulu sa'kin.

Teka—puta. Ako?!

"Kahel Reyes."

Lumingon ako kay Kahel at bumelat sa kanya. Kala niya ha.

"Tiana Santos."

"No way that I'll join that stupid contest!" sigaw ni Tiana AKA Pepero Stealer.

"And last...Blake Antonio."

"OMG! Yes! Kagroup ko si Blake?!" biglang bawi ni Tiana. Napalingon ako sa kanila at nakita 'yung Blake, siya 'yung emo boy ng Famfam four? Nagkatinginan kami at kaagad naman akong nagbalik ng tingin sa harapan.

"Since next week na ang contest, kailangan nating mag-meeting mamayang uwian."


*****


ANG ineexpect kong meeting ngayong uwian ay sa classroom lang, pero heto naglalakad kami ngayon papunta sa bahay ni Jao na walking distance lang galing sa school.

Habang naglalakad ay napalingon ako at nakita si Tiana the Pepero stealer na nakaangkla na parang lintay kay Blake the emo boy ng Famfam 4.

"OMG, I'm so lucky na maging ka-grupo kita, Blakey." Nag-cringe lang ako sa kalandian ni Tiana, parang wala lang kay Blake.

Napatingin naman ako sa kanan ko at nakita si Kahel, oo nga pala may inuutos sa'kin si Psycho Lulu. Kinuha ko sa bag ko 'yung velum paper.

"Oh," abot ko kay Kahel habang naglalakad.

"Ano 'to?" tanong niya.

"Assignment, sagutan mo," sabi ko.

"Assignment? Ano ka, teacher?" sabi niya habang tinitingnan ang papel. "Ikigai? Reason to live?"

"Dami mong satsat, orange boy," inis kong sabi sa kanya. "Basta sagutan mo na lang 'yan tas ibalik mo sa'kin."

"Okay," sagot niya at medyo nagulat ako na hindi na siya umangal pa. "Iko-consider ko na lang na bayad ko 'to sa'yo."

"Bayad saan?"

Pero bago pa siya makasagot ay huminto na si Jao sa paglalakad. Nasa harapan na kami ng isang malaking bahay, mukhang ito na 'ata 'yung bahay nila.

"Pasok kayo,"

Pinapasok kami ni Jao. First impression, rich kid ang batang 'to. May katulong na sumalubong at nagpatuloy sa'min sa loob. Tahimik ang buong bahay, parang walang ibang tao. Pinaakyat kami ni Jao sa kwarto niya at nakakagulat na ang laki ng silid niya.

"Mas malaki pa 'to kesa sa apartment na tinitirhan namin, ah," dinig kong bulong ni Kahel.

May sariling mini living room ang kwarto ni Jao kaya roon kami nagsimulang magmeeting kung ano'ng gagawin namin sa cooking demo contest next week. Naglabas din ng laptop si Jao para mag-research, mukhang seryoso talaga siyang manalo para sa extra points.

Kaming dalawa lang ni Kahel ang seryosong nakikinig, si Tiana kasi ay masyadong nahuhumaling kay Blake na parang wala lang pake na naka-earphones, ewan ko ba kung bakit sila sumama eh.

Makalipas ang kalahating oras nagpaalam si Jao na umalis saglit, feeling ko kukuhanan niya kami ng merienda, tamang tama gutom na ko eh.

Tumayo kaming dalawa ni Kahel at parehas naming inusisa ang buong silid. Kapansin-pansin 'yung mga makakapal niyang libro na nakapatong sa study table niya, hindi na ako nagulat na sobrang GC ni Jao.

"May CR ba rito?" naghanap ako ng CR pero wala akong nakita kaya lumabas ako ng kwarto.

Naglakad-lakad ako atsaka ko na-realize na may kalakihan nga ang bahay na 'to, saan ba 'yung punyetang CR? Nakarating ako ng first floor at pumunta ako ng kusina.

"Hi there," natigilan ako nang may bumati sa'kin. Isang lalaki ang nakaupo sa may kitchen counter, umiinom ng tubig.

"H-hi?" awkward kong bati.

"Classmate ka ni Buggy?" nakangiting tanong nito sa'kin.

Matikas, maputi, singkit, tantiya ko mas bata siya sa'kin ng limang taon. Kuya 'to ni Jao for sure.

"Ahm..." tumango ako, hindi ko alam kung magpo-po ba 'ko sa kanya dahil ang awkward.

"That's great, I never knew na magdadala si Buggy ng magandang classmate dito sa bahay," sabi ng Kuya ni Jao. Hmp. Manyak 'to.

"Actually, groupings kami, inimbitahan kami ni Jao para magmeeting," paliwanag ko, umaaktong inosente at pa-demure.

"Oh, I see. I'm Attorney Dan Jao. You are?"

"Golda."

"Pleased to meet you, Golda," lumapit siya para makipagkamay. Medyo na-creepyhan lang ako sa aura niya. "So, saan mo balak mag-entrance exam? Kasi si Buggy, he's been preparing himself since summer for UPCAT, lahat kasi kaming kuya niya ay UP Law graduates." May bakas ng kayabangan nitong sabi.

"Ahm... Hindi ko pa alam," sabi ko. Kailangan ko ng umeskapo. "Saan po pala 'yung CR n'yo?"

"Oh, it's over there," tinuro nito ang CR, nagpasalamat ako at dali-dali akong umalis.

Mabuti na lang wala na 'yung kuya ni Jao nang bumalik ako sa kwarto niya. Pagpasok ko ro'n ay nakita ko si Kahel na may tinitignan. Hindi pa rin bumabalik si Jao.

"Ano'ng ginagawa mo?" lumapit ako kay Kahel at nakitang may kinakalkal siya sa trash bin. "Kailan ka pa naging basurero?" biro ko pero nang tumingin siya sa'kin ay nakita kong nag-aalala siya.

"Ano 'yan?" may inabot siya sa'kin, isang energy drink.

"Tingnan mo 'to," pinakita sa'kin ni Kahel ang loob ng trash bin at nakita roon ang sangkatutak na basyo ng energy drink, iba't ibang brand 'yon, may pang-sport, caffeine, etc.

Naguguluhan akong tumingin kay Kahel.

"Sorry, paki-explain?" tanong ko.

Tinuro naman ni Kahel 'yung study table ni Jao, 'yung mga makakapal na libro pala ay mga reviewer for entrance exam. Na-gets ko na kung ano'ng gustong iparating ni Kahel.

Biglang pumasok sa loob si Jao na may dalang tray ng pagkain. Nahuli niya kami sa akto ni Kahel, hawak ko 'yung basyo, hawak ni Kahel 'yung trashbin.

"What are you doing?" mas naniningkit na tanong ni Jao sa'min, hindi na ako nagtataka kung bakit gano'n kalala 'yung eyebags niya.

"OMG, I love tarts!" si Tiana ay walang kemeng kinuha kay Jao 'yung tray ng pagkain. "Look, Blakey!"

Lumapit sa'min si Jao.

"Bakit n'yo pinakikielaman 'yung mga gamit ko?" inis nitong sabi sa'min.

"Jao," seryosong tawag ni Kahel nang ilapag niya sa sahig 'yung trash bin. "Gabi-gabi ka ba umiinom nito?"

"Ano bang pakialam n'yo?" inis na sagot ni Jao, napapagitnaan nila ako. "Don't you know that this is rude?"

"Hindi mo ba alam na delikado 'yang ginagawa mo?" sagot pabalik ni Kahel.

Hindi ko alam kung bakit G na G si Kahel at over defensive naman si Jao. Nagtatalo sila habang tahimik lang ako na nasa gitna nila.

"Putangina, tumahimik kayo!" tumahimik sila nang bigla akong sumigaw. Pokerfaced si Kahel, napatingin sa'min si Tiana at Blake, at si Jao naman ay nagulat.

Huminga ako ng malalim, habang hawak ko ang energy drink sa kamay ko ay naalala ko noon na minsan ko ring inabuso ang katawan ko ng ganito para magising tuwing gabi at mas makapagtrabaho ng maraming oras. Muntik na kong mamatay noon.

Hinawakan ng kaliwang kamay ko ang balikat ni Jao at tinitignan siya ng diretso sa mga mata.

"Nag-aalala si Kahel," medyo hindi naniwala si Jao nang sabihin ko 'yon. "Ang gusto lang naman niyang iparating... Huwag kang magpakamatay ng dahil sa grades."


-xxx-





A/N: Share ko lang... Noong college, I used to drink a lot of energy drink para magpuyat, ang malala kong experience noon ay natakot akong matulog kasi ang bilis ng tibok ng puso ko dahil nagpapalpitate. May nabalitaan din kami na may arki student na na-ospital dahil sa pag-inom niya ng energy drink para lang makahabol sa deadline. Advice ko lang sa mga bagets na nag-aaral diyan, please please, don't drink too much energy drink for studying. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro