Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/27/ Separation Anxiety

All things are 
bound to end.
Nothing's
permanent.
All of us are going
to change. 

/27/ Separation Anxiety

[GOLDA]


"'NAY? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak, 'nay?" galing ako noon mula sa pagtitinda sa maliit naming pwesto sa palengke, naabutan ko noon si nanay na umiiyak sa kusina.

"M-May pumunta kanina, galing eskwelahan," nanginginig ang boses ni nanay at parang malalagutan din ako ng hininga noong mga sandaling 'yon. "A-Ang Kuya Joseph mo..."

"Anong nangyari kay Kuya Josep, 'nay?"

"T-Tumalon daw si Joseph sa building..."

Iyon ang araw na nalaman ko na nagpakamatay daw si Kuya Joseph. Walang malinaw na dahilan kung bakit, maliban sa inaakala ng lahat—dahil hindi siya normal, dahil may sakit siya sa pag-iisip. Umaksyon kaagad ang eskwelahan na sagutin ang lahat ng gastos sa libing.

Nang ilibing si Kuya Joseph ay hindi ko man lang nakitang humagulgol si nanay, tahimik lamang siyang humihikbi at nanatiling walang kibo. Ni hindi man lang niya kinuwestiyon ang nangyari.

Naging matamlay si nanay simula noon, lumala ang sakit niya hanggang sa tuluyan na siyang binawian ng buhay. Naiwan akong mag-isa.

Gusto ko lang naman malaman kung bakit ginawa 'yon ng kuya ko, bakit niya kami iniwan. Hindi porque may sakit siya sa pag-iisip ay hindi na maikakaila ang pagmamahal niya sa'min ni nanay.

"We're here," narinig ko ang boses ni Gil atsaka ako dumilat. Huminto 'yung sasakyan at umibis kami. Tumambad ang pribadong ospital ng bayan.

Sumunod lang ako kay Gil kung saan mang kwarto naka-confine si Principal Consuelo. Nangako si Gil sa'kin na ngayong araw niya ako dadalhin dito para alamin mismo sa nanay niya ang totoo.

Ilang sandali pa'y narating na namin ang silid, pumasok kami parehas at napatingin sa'min si Principal Consuelo, kasalukuyan siyang namamahinga. Lumapit si Gil sa kanya para alalayang makaupo ng maayos.

"Sinabi ni Gil na gusto mo raw akong makausap?" sabi ni Principal Consuelo sa'kin. Wala ngayon 'yung façade niya na palaging nakangiti, seryoso lang siya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Anak, leave us for a awhile," sabi niya at tumango si Gil. Sumulyap muna ito sa'kin bago lumabas ng silid. Naiwan kaming dalawa ni Principal Consuelo. "Take your seat, hija," alok niya pero humakbang lang ako ng dalawang beses palapit sa kanya.

"Sinabi naman siguro sa'yo ng anak mo kung bakit kita gustong makausap," sabi ko.

Napabuntong hininga ang principal. "He told me everything," sabi niya at tumingin sa malayo. "Hindi ko inaasahan ang biglaang pag-uwi ni Fredo sa Pilipinas. I never thought he'll quickly spend all those money."

Hinuha ko na kaya siguro siya inatake dahil sa kabiglaan. Hindi ako nagsalita.

"I miscalculated my son's behavior, umuwi siya 'agad kaya hindi ko inaasahan na mangyayari ang pagkikita n'yong dalawa."

Kumunot 'yung noo ko sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'yon sinabi.

"Anong ibig mong sabihin? Anong meron kung nagkita kami ni Fredo?"

Tumitig si Principal Consuelo sa'kin sa pagkakataong 'to. Ilang segundo kaming nagtitigan, hindi siya kumukurap.

"Your mother never told you?" dahan-dahan niyang tanong.

"Ang alin?" napu-frustrate na 'ko sa pasuspense nitong principal na 'to.

"Noong nakita kitang bumalik matapos ang ilang taon... Akala namin ni Gil ay bumalik ka para... maghiganti."

"Hah?!" hindi ko mapigilan 'yung sarili ko. "Utang na loob naman, Principal Consuelo. Sabihin mo na 'yung dapat mong sabihin dahil wala akong alam sa mga sinasabi mo!"

Huminga muna siya nang malalim. "Hindi ba naikawento sa'yo ng nanay mo na nagtrabaho siya sa amin noon? Na naging kasambay siya ng Consuelo family."

Mas kumunot 'yung nook o. "Hindi ko alam. Hindi niya sinabi—"

"I caught my husband, William, and your mother. They had an affair."

Nanghina ako bigla. "A-Ano—"

"At nagbunga ang pagtataksil na 'yon. William had a son with your mother, and he is no other than your older brother, Joseph."

Gusto kong sabihin niya na isang malaking joke lang 'yung sinasabi niya pero parang wala siyang balak bawiin lahat ng 'yon.

"The affair ended, I banished your mother from our home even though she's pregnant. Dahil sa ginawa ni William ay hindi ko siya mapatawad. It caused a big damage to our marriage—to our family."

Hindi ko alam kung bakit pero biglang nangilid 'yung luha ko habang nagkukwento siya.

"But for the sake of public image, we're educators, our family owned a school. William and I stayed together, para na rin sa mga anak namin, si Fredo at Gil," tumingin siya ulit sa malayo habang nagsasalaysay. "As our sons grow up, our marriage is slowly falling apart. Isang araw, gusto na lang makipaghiwalay sa'kin ni William pero hindi ako pumayag. It affected our children, lalo na si Fredo. Lalo na nang ipaalam sa'min ni William na gusto niyang pag-aralin si Joseph sa sarili naming eskwelahan."

"Kaya pala..." bulong ko. "Kaya pala isang araw bigla na lang sinabi ni nanay na nakatanggap ng scholarship ang kapatid ko."

"Oo. It was because of my husband. He wanted to give his bastard son an education, siguro dahil naawa siya sa kundisyon ni Joseph. He convinced the board; he told them that Joseph is a savant, a genius child that could represent our school. Pumayag ako sa kagustuhan ni William sa kundisyong hindi siya makikipaghiwalay sa'kin."

Tuluyan nang pumatak 'yung mga luha ko dahil naalala ko ang masayang mukha ni Kuya Joseph nang malaman niyang makakapag-aral siya at makakapagtapos.

"Nang mag-aral si Joseph sa eskwelahan namin ay nakita ko ang special treatment sa kanya ni William, pati ng mga teachers dahil sa utos niya. Joseph is loved and adored by everyone. Pero ang nakikita ko noon... William loved Joseph because he's special... more than our sons," naramdaman ko ang malungkot at mapait sa himig ng kanyang boses. Muli siyang tumingin sa'kin. "Gusto ka rin sanang pag-aralin ni William pero mariin ko 'yong hinarangan. You're not his daughter anyway."

"Pinatay n'yo ba ang kapatid ko?" direkta kong tanong dahil naiinip na 'ko sa mga kwento niya.

Tumitig saglit sa'kin si Principal Consuelo bago muling nagpatuloy. "Before William died binilin niya sa'kin si Joseph, binilin niya na gabayan ko raw at protektahan ang anak niya sa labas," sabi niya at parang hindi pa rin matanggap 'yon. "But when he died... When William, my husband, died... I never intended to fulfil his wishes. Hinayaan ko lang na mag-aral si Joseph sa eskwelahan bilang scholar pero sinabi ko sa mga teacher na itigil ang pagbibigay ng special attention sa batang 'yon. Meanwhile, Fredo... Fredo he—"

"Si Fredo ba ang pumatay sa kapatid ko?!" sigaw ko pero hindi man lang siya nasindak.

"Joseph, without anyone to protect him, he caught all Fredo's wrath. Naririnig ko sa mga teachers kung anong ginagawa ni Fredo kay Joseph sa loob ng campus pero nagbingi-bingihan ako."

Kumuyom ang dalawa kong palad nang marinig ko 'yon, walang patid na tumutulo 'yung luha ko habang nakikinig sa kanya.

"Fredo was bullying your brother, blaming him for being the reason of our family's problem. And then one day... Nagulat na lang kaming lahat nang malaman naming tumalon si Joseph sa rooftop."

Umiling ako. "Sabihin mo 'yung totoo, please lang..."

Tumulo na rin ang luha ni Principal Consuelo bago muling nagpatuloy. "I talked to Fredo... Someone saw Joseph with him before the incident. He told me... He was taunting Joseph like he always does, telling him mean things and so on. He was dumbfounded when Joseph became aggressive—"

"Pinatay ni Fredo ang kapatid ko," pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"No, Golda—hindi 'yon sinasadya ni Fredo, Joseph was strangling him—hanggang sa... hindi sinasadyang mahulog ni Joseph."

"Sinungaling!" sigaw ko. "Sinungaling kayo!"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok do'n si Gil. "What's happening, Golda—" akma niya 'kong hahawakan pero pinalis ko 'yung kamay niya.

"Sinungaling kayo! Pinatay ni Fredo ang kuya ko!"

"I'm sorry, Golda," sabi ni Principal Consuelo na lumuluha. "Fredo didn't intend to... I'm sorry kung pinabayaan ko si Joseph."

"Sinungaling! Pinatay—"

"Golda!" hinigit ako nang mahigpit ni Gil. "She's right! Hindi 'yon sinasadya ng kuya ko."

"Bakit mo pinagtatakpan—"

"I was there," natigilan ako nang sabihin 'yon ni Gil. "I was there when the accident happened."

"A-Ano?"

"I'm sorry..." namuo ang mga luha sa mata ni Gil. "That afternoon... Tinawag ako ni Kuya Fredo para... para pagtripan ang kuya mo sa rooftop. Pero nanuod lang ako... I was always watching my brother how he bullies your brother. Pero wala akong ginawa... Nakita ko... Nakita ko na nagmental breakdown ang kuya mo, tapos... tapos inatake niya si Kuya Fredo kaya... Hindi sinasadya—"

Sa galit ko'y sinampal ko siya. Namayani ang katahimikan sa silid.

Biglang luminaw 'yung isip ko pagkatapos, gano'n pala ang nangyari. Hindi raw sinasadya pero pakiramdam ko... Pakiramdam ko mali pa rin. Mali pa rin na nagbulag-bulagan sila sa ginawa nila sa ginawa noon ni Fredo. Mali pa rin na wala silang nagawa.

Oo, kasalanan ng nanay ko na lumandi siya at pumatol sa may-asawa pero... Pero bakit sa isang taong wala sa normal na pag-iisip nila binunton lahat ng galit? Bakit? Walang kasalanan ang kuya ko.

Inayos ko 'yung sarili ko. Pinahid ko 'yung luha ko at muling tumingin sa kanilang mag-ina.

"Okay, iyon lang naman ang gusto kong malaman. Ang totoo," tinaas ko 'yung noo ko. "Kaya wala na 'kong dahilan para magtagal sa bulok n'yong eskwelahan."

Sabi ko at umalis ko roon. Habang naglalakad sa hallway ng ospital ay muli na namang tumulo ang luha ko ng walang tigil.


*****


PAGBABA ko ng kotse ay nagmistula akong magnet dahil lahat ng mga estudyante sa paligid ay nakatingin sa'kin. Bitbit ko ang isang kahon at diretso akong naglakad papasok sa loob ng campus. Saktong nakita ako ng Assistant Principal sa lobby.

"What are you doing here?!" bulalas nito nang makita ako. "You are—" pero dinaanan ko lang siya at wala itong nagawa. "Security!"

Taas noo lang akong naglalakad diretso. Tumutunog pa 'yung takong ko habang naglalakad, kusang humahawi ang mga nakaharang sa dinadaanan ko at lahat sila'y nakatingin sa'kin at nagbubulungan.

Hindi ako nakasuot ng uniform, para saan pa ba't wala naman na akong gagawin dito. Tsaka alam naman na sa buong William Consuelo High School na si Mary Gold Marquez ay si Joanne Mari Goldanes, isang big time CEO sa Maynila.

Noong linggo kumalat ang isang article sa social media. Gusto kong palakpakan si Fredo dahil napakadetailed ng pagkakagawa niya sa article na 'yon, feeling ko naghire talaga siya ng journalists, imbestigador, at stalkers para i-document ang lifestyle ko noon.

In fairness dahil tama naman lahat ng nakasulat sa article. Lavish lifestyle, multi-million business empire, maliban sa tinawag akong certified slut, may mga larawan din kasing nilagay kung sinong mga negosyante, politiko, at iba pa na naging jowa ko noon.

Pero hindi nilagay sa article kung bakit ko 'yon nagawa, pati 'yung tungkol sa sakit ko. Basta, sinabi na nagpanggap ako bilang high school student. Hindi ko lang alam kung paano makakabawi ang reputasyon ng William Consuelo High School.

Of course, lahat ay nawindang. Base pa lang sa mga ekspresyon nila ngayon. Sinong mag-aakala na walang nakabisto sa'kin?

Alam ko tapos na ang drama ko sa eskwelahang 'to pero nagpasya ako na ayokong umalis nang hindi sila hinaharap sa huling pagkakataon, ayokong umalis ng basta at isipin nila na duwag ako.

Araw ngayon ng graduation song competition, alam kong naghahanda silang lahat ngayon sa classroom. Kaya naman pagdating ko roon, para silang nakakita ng multo.

Nakatingin sa'kin ang mga kaklase ko, ang iba sa kanila'y may mga mapanghusgang tingin. Tinanggal ko 'yung shades ko at tumingin sa kanilang lahat.

"W-We saw it," si Ruffa ang naglakas ng loob na basagin ang katahimikan. "We know—"

"Bakit mo kami niloko?!" biglang sumigaw si Waldy, halata ang hinanakit sa boses niya. "All this time pala pinagtitripan mo lang kami?!"

Hindi ako nakasagot. Biglang umugong ang mga haka-haka sa paligid, kanya-kanya sila ng mga salitang binabato sa'kin. Tiningnan ko sila... ang mga naging kaibigan ko.

Si Kahel, masama lang siya na nakatingin sa'kin pero walang kibo. Si Jao, nakayuko. Si Paul, dismayadong nakatingin sa'kin. Gano'n din si Ruffa. Si Lulu... Si Lulu na parang gustong magsalita.

"It doesn't matter who she is!" natahimik silang lahat nang sumigaw Blake. "Golda is Golda." Tumayo siya at pumunta sa gitna, hinarap ang mga kaklase niya. "Because of her... school became fun. So, what if she's an adult? She's different because she saw through us."

Pinigilan kong mangilid 'yung luha ko sa mga sinasabi ni Blake.

"Blake!" sumigaw si Sophie. "Stop defending her! You're saying it because you like her!"

Natahimik silang lahat. Pero sumagot si Blake. "Yes, I like her! But don't you like her too?" humarap si Blake kay Waldy. "You like her, Waldy."

"Huh—"

"When Brianna and her friends dumped you, sinong tumanggap sa'yo ng walang judgment? Si Golda."

"Jao," humarap si Blake sa kanya. "Remember when we won that silly cooking contest? When your brother insulted our win? Golda slapped your brother for you."

"Paul, you like her too," sabi naman niya kay Paul. "She taught you to fight for what you love. We danced together that night because of Golda."

"Blake!" tawag ko sa kanya at tumingin siya sa'kin. "It's okay. Hindi mo 'ko kailangang ipagtanggol," pagkasabi ko no'n ay nilagay ko sa mesa 'yung kahon. Nando'n 'yung mga regalo ko para sa kanila. Mukhang hindi ko na mabibigay sa graduation nila eh.

Aalis na sana ako nang biglang tumunog nang malakas ang upuan. Napalingon ako at nakitang nakatayo si Lulu. "Golda! H-Hindi mo man lang ba ipapaliwanag kung bakit—"

"Hindi, Lulu," aalis na sana ulit ako nang sumigaw si Lulu.

"Golda! She did that... she did that because..."

Lumingon ako kay Lulu at tiningnan siya, sinasabi ko sa isip ko na huwag niyang sabihin. Umiling ako sa kanya para ipaalam sa kanya na hindi niya kailangang sabihin sa kanila 'yung tungkol sa sakit ko.

"Blake's right..." sabi ulit ni Lulu na ngayon ay umiiyak na. "She's the only adult who sees through us... She understands us... She stayed with us even though our problems seem silly and small. We laughed with her... We shared those memories with her... Golda... She did that because..."

"Miss Goldanes!" pare-parehas kaming nagulat nang dumating ang assistant principal. "Please, leave the campus, now!" May dalawang security guard ang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Pero bago pa nila 'ko mahila ay nagpumiglas ako at muling humarap sa mga kaklase ko.

"Totoo lahat nang nabasa n'yo sa'kin," sabi ko sa kanila. "Sorry kung niloko ko kayo." Hinawakan na naman ako ng guard pero nagpumiglas ulit ako. "Huwag kayong tumulad sa'kin. Mag-aral kayo ng mabuti—"

Nang maramdaman kong hindi ko na mapipigilan 'yung luha ko ay kaagad akong tumalikod at dali-daling nilisan ang lugar na 'yon.


*****


ANG sabi ko sa sarili ko pag nagpakita na 'ko sa kanila at ibinigay 'yung regalo ko ay aalis na 'ko sa bayang 'to. Pero ewan ko ba at bigla akong inatake ng katamaran.

'Yung katamaran ko umabot na hanggang Pasko. At oo, dito ako nagcelebrate ng Pasko—nang mag-isa. Nakatanggap naman ako ng maraming pagbati sa social media—sa personal account ko na binuksan ko ulit. Muntik ko nang makalimutan 'yung dati kong buhay.

Tumawag no'ng Pasko si Yaya Liliah, 'yung kasambahay ko sa Maynila, kinakamusta ako—ang alam niya kasi nasa abroad ako at hindi niya alam 'yung pinaggagawa ko, si Steven, Cindy, at Markum lang naman kasi ang nakakaalam.

Tapos ngayon magbabagong taon na nandito pa rin ako sa luma naming bahay, binubulok 'yung sarili ko. Nanunuod lang ako ng Kdrama maghapon, tapos andyan naman 'yung tatlong bugok kong alipores, mabuti nga't nandiyan sila at pinipilit akong kumain, kasi ayoko talaga lumabas ng kwarto. Gusto ko lang magstay dito.

Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko.

Naalala ko 'yung Ikigai na tinuro sa'kin ni Lulu, 'yung rason kung bakit ka bumabangon para magpatuloy mabuhay. Parang nawalan ako no'n. Hindi ko nga alam kung nagkaroon ba ko ng Ikigai eh.

At sa totoo lang... Iniisip ko pa rin sila. Iniisip ko kung kamusta na si Lulu, Kahel, Jao, Waldy, Paul, Ruffa, Blake... Si Gil.

Siguro ito 'yung tinatawag nilang separation anxiety. Kung ano man 'yon basta ito 'yun. 'Yung pakiramdam na ayokong umalis.

Ano nang gagawin mo, Golda?

Isang hapon, napasulyap ako sa kalendaryo. Ilang araw na lang magwawakas na naman ang isang taon, bagong taon na. Himala nga't buhay pa 'ko.

Nagpe-play sa TV 'yung Kdrama na bukambibig noon ni Waldy. Malapit ko nang matapos, kagabi ko lang sinimulan—at oo, hindi pa 'ko natutulog. Tapos maggagabi na naman.

Ganito lang buhay ko, unti-unti ko na 'atang pinapatay 'yung sarili ko.

Biglang tumunog 'yung phone ko at nakita ang isang hindi pamilyar na numero. Hininto ko muna 'yung pinapanood ko.

"Hello?" matamlay kong sagot.

"H-Hello?" pamilyar 'yung boses kaya napabangon ako bigla. "I-It's Lulu," narinig ko 'yung mahina niyang paghikbi.

"A-Anong nangyari, Lulu?"

"Please... help me."





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro