/26/ The Senior's Prom
We always
believe that
the truth
will set us free
no matter how
painful
the truth is.
/26/ The Senior's Prom
[GOLDA]
"MAGANDA ba? Huy, Goldy!" natauhan ako nang marinig ko 'yung boses ni Waldy. Kakalabas lang niya ng fitting room at nakasuot ng isang yellow cocktail sleeveless dress, medyo exposed 'yung dibdib niya kaya umiling ako.
"Palitan mo 'yan, pokpok ka ba?" nakasimangot kong sabi habang nakahalukipkip.
Ngumuso at umirap si Waldy. "Grabe ka naman sa pokpok. Daring lang, para maakit ko si Papa Paul, hihi."
"Aish, sabi ko na nga ba malandi ka talaga," sabi ko at ngumuso ulit si Waldy. "Gusto mo bang isumbong kita sa nanay mo?"
"My goodness, Waldy, bakit kasi kung kelan last minute ka bumibili ng dress?" komento ni Brianna na nakaupo sa tabi ko.
Pumanewang si Waldy. "Wow ha, hindi naman kasi lahat mayaman katulad mo."
"Oh, tama na 'yan," saway ko sa kanila. "Mamili ka na ulit."
Si Ruffa naman ang pumasok sa loob ng fitting room na may dalang mga dress na susukatin, kasunod niya si Sophie.
Nasa mall kami ngayon, katulad nang napag-usapan namin noong isang araw na magsashopping kami para sa prom pagkatapos ng practice sa school. Ang totoo niyan, ako, si Lulu, Waldy, at Ruffa lang ang nag-usap. Pero nagulat ako nang sumama si Sophie at Brianna kaya hinayaan ko na lang.
Bago pumasok si Ruffa sa isang bakanteng fitting cubicle ay lumapit siya sa'kin.
"Goldy, uhmm... Can you check Lulu?" bulong niyang sabi.
"Bakit?" tanong ko.
"I think she's not feeling well. Nasa labas siya," concern na sabi ni Ruffa, tumango lang ako atsaka tumayo.
Lumabas ako ng fitting room para hanapin si Lulu. Naglakad-lakad ako sa department store hanggang sa matagpuan ko siya sa shoes section, tumitingin ng mga high heels shoes.
"Wala ka pang susuoting sapatos?" tanong ko sa kanya at medyo nagulat siya nang makita ako.
Umiling lang siya. Pumunta ako sa tabi niya para tulungan siyang pumili. "'Eto, try mo."
"I think I'm going to use my old one na lang," sabi niya nang umiling ulit.
"Sige na, i-try mo na," pilit ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod sa'kin at sinukat 'yung inabot ko sa kanya.
Tumingin-tingin pa kami ng mga sapatos para sa kanya. Hindi namin tinangkang banggitin 'yung mga issues na hinaharap namin ngayon.
Sa totoo lang gusto ko siyang tanungin pero nag-aalangan ako. Kasi pakiramdam ko iyon 'yung dahilan kung bakit siya naging ganito. Pero ewan ko ba at ayokong simulan ang usapan do'n.
"Ikaw? Hindi ka ba bibili ng susuotin?" tanong niya sa'kin habang nagsusukat, hindi ko alam kung pang-ilang sapatos na ba 'yon.
"Marami pa akong mga damit na hindi pa nasusuot," sabi ko sa kanya. "Huwag kang mag-alala dahil marami akong choices." Medyo niyabangan ko 'yung boses ko.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Lulu. Parang may gusto rin siyang sabihin pero pinipigilan niya lang 'yung sarili niya.
"Alam mo—"
"We're done!" sabay kaming napatingin nang biglang dumating sila Waldy, may dala silang mga shopping bags, mukhang nakapagbayad na sila. "Si Ruffa nasa counter pa."
"Sasabay ko na 'to kay Ruffa," sabi ni Lulu sabay alis habang hawak ang napili niyang sapatos.
Pagkatapos namin sa department store ay nagyaya silang kumain ng dinner dahil nagugutom na kaming lahat. Siyempre nagvolunteer na 'kong magbayad ng bill namin.
Saktong magsasara na 'yung mall nang matapos kami. Sila Sophie at Brianna ay sinundo ng mga service nila. Si Lulu, Waldy, at Ruffa ay sumabay sa'kin. Nauna kong ihatid si Ruffa, tapos si Waldy, at naiwan si Lulu.
"Oh, dito ka na," sabi ko nang ihinto ko 'yung sasakyan sa harapan ng bahay nila.
"Golda..." tawag niya sa'kin at nagkatinginan kami.
"Hindi ko sinabi sa kahit na sino, okay," pangunguna ko sa kanya.
"Are you still giving him money?" tanong niya.
Napabuntong hininga ako. "Hindi na, tinigil ko na," sabi ko.
"Then..."
"Baka hindi na 'ko makaabot hanggang graduation, baka ipagkalat na ng gagong Fredo na 'yon 'yung sikreto ko kaya... hindi na 'ko papasok next year."
Nakita kong nagulat siya nang sabihin ko 'yon. "What..."
"Baka magpaabot na lang ako sa graduation song competition," sabi ko. "'Yung prom—"
"Is it because of what I told you?" tanong niya.
"Lulu, sorry kung hindi kita matutulungan..." sabi ko. "Pero hindi ko na maatim na sumunod sa gusto ng taong 'yon."
"I'm not asking for justice. The whole school won't believe me anyway, it's pointless," huminto siya saglit. "Don't you want to graduate with us?" tanong niya ulit.
Saglit akong napaisip nang sabihin niya 'yon, tumingin ako sa kawalan. "Hindi naman importante sa'kin kung makagraduate ako o hindi. Kasi sa umpisa pa lang... binayaran ko lang naman ang Principal. Akala ko kasi... makukuha ko lahat ng gusto ko sa pera lang," tumingin ulit ako kay Lulu, "ang gusto ko lang naman talaga ay malaman kung ano ang naranasan ng kuya ko sa eskwelahang 'yon."
"Your brother?" Kinuwento ko sa kanya ng pahapyaw si Kuya Joseph, ang kundisyon nito.
"Alam ni Fredo kung ano 'yung sagot sa tanong na hinahanap ko," sabi ko pagkatapos. "Bukas ng gabi, magkikita kami para sabihin niya sa'kin."
"Anong kapalit? Did he ask you again for money?"
Huminga muna ako ulit nang malalim. "Hindi. Gusto niyang makipagsex."
"W-What?" gulat na gulat niyang bulalas. "Don't tell me you..."
"Why don't you ask Sir Gil or the principal?" pilit niya.
"Ayon nga eh, sa dami rin ng sinuhol ko sa principal wala man lang silang sinabi sa'kin ng anak niya. Tsaka para matapos na ang lahat ng kalokohang 'to."
"So, that's what you thought about us? The time you spend with us? Kalokohang lang lahat ng 'yon? You're willing to go that low for the sake of truth?"
Hindi ako makasagot sa sinabi niyang 'yon. Maya-maya'y bumaba na siya ng sasakyan at diri-diretsong pumasok sa loob ng bahay nila.
*****
DAMANG-dama ang excitement sa buong eskwelahan lalo na ang mga seniors dahil prom night na bukas. Kahit sa loob ng classroom ay bukang bibig nila ang prom bukas, kung ano 'yung susuotin nila, kung sino 'yung date nila at marami pang iba.
"Hays, bakit kaya absent si Lulu?" dinig kong sabi ni Kahel na nasa likuran ko. Kinakausap 'ata ako kaya medyo lumingon ako sa kanya. "Alam mo ba kung nasaan siya?"
"Bakit sa'kin mo hinahanap?" bored kong sabi sa kanya.
"Magkasama kayo kahapon after practice 'di ba?" tanong niya ulit habang nakapatong ang dalawang kamay sa batok niya, tapos 'yung paa niya nakataas sa desk. "Ngayon ko sana siya yayayaing maging date sa prom."
"Ahhh. Eh di i-text mo na lang," sabi ko at humarap ulit ako sa blackboard.
Saktong nagring ang bell at pumasok sa loob si Sir Gil.
"Good morning, class."
"Good morning, Sir Gil!"
Akala ko ay maglelecture siya pero binigay niya lang ulit 'yung oras ng klase namin para magpractice sa graduation song competition next week. Nagsitayuan 'yung mga kaklase ko para igilid 'yung mga upuan.
Nagkatinginan kami ni Sir Gil pero pagkatapos niyang magpaalala ay iniwanan niya rin kami.
Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Lulu kagabi, "Why don't you ask Sir Gil or the principal?"
Narinig ko 'yung boses ni Ruffa sa unahan habang 'yung mga kaklase ko ay sumusunod sa pinagagawa niya. Nagsimula silang mag-vocalization at diretso akong naglakad palabas nang tawagin ako ni Ruffa.
"Goldy, saan ka pupunta?" tanong niya.
"CR," maikling sagot ko atsaka lumabas ako.
Pumunta ako ng faculty. Sa kabutihang palad ay wala akong gagong Fredo na nakita, mukhang wala siya sa eskwelahan.
Kumatok muna ako bago pumasok at diretso akong pumunta sa cubicle ni Sir Gil. Paglapit ko sa kanya'y mukhang stressed na stressed siya.
"Sir Gil," tawag ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin.
"Golda, ikaw pala," sabi niya at medyo umayos.
"Okay ka lang?" tanong ko. Medyo hininaan ko 'yung boses ko kasi marami-raming teacher ang nandito.
"I'm not," pag-amin niya.
"Pwede ko ba kayong makausap ng principal?" tanong ko.
Napahinga muna siya nang malalim bago sumagot. "My mom—the principal is in hospital right now."
Hindi ako nakakibo pagkatapos, magsasalita pa lang ako nang biglang may lumapit na teacher sa'min, 'yung Assistant Principal.
"Gil, can I talk to you?" sabi nito.
"Excuse me," paalam sa'kin ni Sir Gil, tumayo ito at naglakad sila palayo ng Assistant Principal.
Wala akong ibang nagawa kundi lumabas ng faculty room. Mukhang tuloy talaga ang plano ko.
*****
TONIGHT is the night. Seven pm pa naman ang simula ng prom. May kalahating oras pa bago magsimula ang prom.
Napagpasyahan kong suutin ang isang sleeveless black cocktail dress na v-neck at backless. Pinarisan ko ng gold high heels sandals. Sinuot ko rin 'yung mga mamahalin kong alahas, chain necklace na may maliliit na diamond na pa-krus, tsaka dangling earrings na parehas gold. 'Yung make up ko naman ay hindi gano'n kakapal, 'yung sakto lang. Tapos 'yung mahaba ko namang buhok ay naka-braided bun.
Pinagmamasdan ko ngayon 'yung sarili ko sa harapan ng full-length mirror sa kwarto ko. Ako lang nag-ayos nitong lahat, tatawagan ko sana si Steven kaso baka magmukha akong sasali sa beauty pageant. Sakto lang para sa'kin 'yung ayos ko kasi ayoko rin namang maging center of attention ngayong gabi.
Narinig ko 'yung busina sa labas ng bahay, mukhang nandiyan na 'yung sundo ko. Kinuha ko 'yung black leather Gucci purse ko bago lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko sa may sala ay nakita ko siyang naghihintay sa may pintuan, nakangiti. Nakasuot siya ng puting long-sleeves, bukas 'yung butones no'n kaya medyo kita 'yung dibdib niya, na pinatungan ng maroon coat, nakasuot din siya ng maroon na baston at leather shoes. Nakahawi paitaas 'yung buhok niya kaya ang linis-linis niyang tingnan.
"Hi," bati ni Blake sa'kin. Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. "You looked stunning."
"Thank you. Ikaw din, pogi," sabi ko at natawa siya.
"Shall we?" inalok niya 'yung braso niya at ikinawit ko 'yung kamay ko ro'n. Sabay kaming naglakad palabas at nakita ko ang naghihintay na itim na Limousine.
In fairness, may pa-Limo 'tong si Blake, hindi ako nagkamali na umoo sa kanya na maging date. Sana lang ay hindi ako sabunutan ng mga fan girls niya.
Nasa loob na kami ng Limousine at umaandar na ang sasakyan papuntang school, sa may gym gaganapin ang prom namin. Nakita ko sa phone ko na lumitaw ang isang message.
'See you later ;)'
"Are you alright? You looked pale." tanong ni Blake.
"Huh? Ah, oo, okay lang ako," sabi ko at pinatay ko muna 'yung phone ko para hindi masira 'yung gabi ko.
Ilang sandali pa'y narating na namin ang destinasyon, medyo ma-traffic kasi ang daming sasakyan na pumapasok sa loob. Inalalayan ako ni Blake bumaba at kumislap ang mga camera sa paligid, bakit may paparazzi?
Ah, mga student journalist lang pala na lower year na nakikiusyoso—este dinodocument ang prom night. Sabay kaming pumasok ni Blake sa loob ng gym at halos mapanganga ako sa nakita.
Hindi ko akalain na ito 'yung gymnasium namin dahil ibang-iba ang itsura, 'yung ceiling ay bumaba dahil punumpuno 'yon ng mga flowers at vines, may mga chandeliers din kaya sobrang liwanag ng paligid. Nagmistulang hotel ang gym dahil sa mga mesa, upuan, at iba pang dekorasyon. Maganda rin ang pagkakaayos sa stage. In fairness, hindi ako binigo ng school.
Nagpunta kami ni Blake sa pwesto kung nasaan ang section namin at sinalubong kami ng mga kaklase namin.
"Goldyyy!" masiglang bati sa'kin ni Waldy at halos masakal ako ng yakap niya. "Date ko si Paul!" masaya niyang bati na akala mo ay nanalo sa lotto.
Lahat ng mga kaklase ko ay pormang-porma rin. Hinanap ng mga mata ko si Lulu.
"Jao, nakita mo ba si Lulu?" tanong ko.
"Sorry, hindi ko siya nakita, eh," sabi ni Jao at napakamot sa batok.
Ilang sandali pa'y pinaupo muna kaming lahat dahil magsisimula na 'yung program. Ang daming formalities, katulad na lang na may nagsayaw na selected students para sa cotillion. Napansin ko na hindi si Principal Consuelo ang nagbigay ng opening remarks kundi ang assistant principal, hindi rin nahagilap ng mga mata ko si Sir Gil.
Kainan sa buffet ang sumunod na nangyari. Pagkatapos pwede nang magsayawan at magparty ang lahat sa dance floor. Unang tumugtog ang mabagal na kanta.
"Let's dance," yaya sa'kin ni Blake. Siyempre, gusto niya siya ang first dance ko kaya pumayag na lang ako.
Nagpunta kami sa may dance floor kung saan kanya-kanyang pares ang mga estudyante. Tumutugtog ang isang familiar na love song.
"Thank you nga pala," sabi niya habang sumasayaw kami.
"Saan?" tanong ko naman.
"Sa pagpayag na maging date ko ngayong gabi," sabi niya.
"Sus, wala 'yon," sabi ko naman. Ngumiti si Blake.
"Kahit na basted mo na 'ko," sabi niya bigla, natawa tuloy ako.
"Marami ka pang makikilala," sabi ko. "Mas matino kesa sa'kin. Tsaka mas maganda."
"It sucks but... parang ayoko pang grumaduate," sabi niya. "I'll miss this... youth."
"Kaya nga sabi ko sa'yo mag-enjoy ka lang," sabi ko. "Tsaka isayaw mo rin 'yung iba nating classmate na girls."
"I know," nakangiti niyang sagot.
Akala ko ayaw tumigil ni Blake. Nang makaramdam siya siguro ng pagkangawit ay hinatid niya 'ko sa mesa.
"Tayo naman, Goldy!" biglang dumating si Paul at niyaya akong sumayaw. "Peace tayo, Blake!" walang nagawa si Blake at pumayag naman ako.
Pagkatapos ni Paul niyaya naman ako ni Jao, tapos si Nap, tapos si saging boy, tapos namalayan ko na lang na ang daming nagsasayaw sa'kin.
"Wow, mabenta ka, ghorl?" pang-asar sa'kin ni Waldy nang bumalik ako sa pwesto.
Bigla kaming napatingin ni Waldy sa papalapit sa kinaroroonan namin, si Kahel.
"Kahel," tawag ko sa kanya. "Si Lulu?" Pagkasabi ko no'n ay lumabas mula sa likuran niya si Lulu. Sa tuwa ko ay napayakap ako sa kanya, kaagad din akong bumitaw. Sunod na yumakap sa kanya si Waldy.
"Lulu! Akala namin hindi ka na aattend ng prom!" sabi ni Waldy. Matipid lang na ngumiti si Lulu.
"Kung hindi ko pa sunduin sa bahay nila, walang balak pumunta," sabi ni Kahel.
"I'm planning to go," depensa ni Lulu.
Sa huli nagpunta na silang dalawa ni Kahel sa dance floor para sumayaw. Si Waldy naman ay niyaya ng isa naming kaklase na sumayaw at naiwan akong mag-isa. Nagpunta ako sa gilid at medyo madilim para walang makakita sa'kin, umupo ako sa monoblock chair. Ang sakit ng paa ko.
Maya-maya'y biglang sumigla ang tugtog, 'yung pangparty. Natawa ko kasi nag-iba ang mood nilang lahat, kung kanina nagsasayawan sila ng sweet ngayon ay para silang mga nakakawala sa koral na sumasayaw sa gitna.
Nanuod lang ako sa kanila habang nakangiti. Ang saya-saya nila, at ang saya rin nilang tingnan.
Biglang napawi ang saya ko nang makita ko sa relos ko na alas nueve na. Tinignan ko 'yung cellphone ko at nakita roon ang text galing sa kanya.
'It's time, honey.'
Huminga ako nang malalim. Bago ako tumayo ay tiningnan ko muna ang mga kaibigan at kaklase ko na nagsasayawan at nagsasaya sa dance floor. Pagkatapos ay pasimple akong dumaan sa fire exit para lumabas ng gym.
Dahil wala akong dalang sasakyan ay nagtawag ako ng grab, nilagay ko 'yung address na tinext niya sa'kin kung saan ko siya pupuntahan.
'I'm looking forward to it.'
Hindi ko pinansin 'yung mga text niya at paulit-ulit akong huminga ng malalim. Makalipas ang ilang sandali'y pumasok sa isang liblib na subdivision ang sasakyan ko at huminto sa harapan ng isang gusali.
Pagkabayad ko'y bumaba ako. Pinagmasdan ko 'yung paligid. Dito siya nakatira? Binuksan ko 'yung maliit na gate at dahan-dahang naglakad papunta sa isang bungalow na bahay 'di kalayuan, puro puno 'yung paligid at magkakalayo 'yung mga bahay. Hindi naman siguro ako imamasacre ng gagong 'yon?
Limang hakbang na lang para marating ko 'yung front door ng bahay ni Fredo pero huminto ako sa paglalakad. Nakatingin lang ako sa bahay. Golda, nandito ka na, aatras ka pa ba? Pagkatapos nito...Malalaman mo na... Matatahimik na ang kalooban mo.
Pumikit ako saglit at huminga nang malalim. Hahakbang pa lang ako nang may humila sa'kin at tumakip sa bibig ko. Nagpupumiglas ako pero mas malakas 'yung humila sa'kin.
Nang makalayo kami sa bahay at nasa gilid kami ng puno ay binitawan niya ako. Laking gulat ko nang makita kung sino 'yon.
"G-Gil?!"
"Sshhh!" saway niya sa'kin.
"Anong ginagawa mo rito?" galit kong tanong pero mahina 'yung boses ko.
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, Golda, anong ginagawa mo rito? Nahihibang ka na ba?" tanong niya at kita ko 'yung galit sa mukha niya.
Pinilit kong pakalmahin 'yung sarili ko. "Paano mo nalaman?" malumanay kong tanong.
"Lulu told me," sagot niya at napasampal ako sa noo.
"Dapat pala wala talaga akong pinagsabihan," nagsisisi kong bulong pero narinig niya 'yon. Tinalikuran ko siya pero higit niya na naman ako sa braso.
"You will really sleep with my brother just for the truth?" hindi niya makapaniwalang sabi na parang nandidiri sa'kin. Pinilit kong alisin 'yung kamay niya sa braso ko pero mahigpit 'yon.
"Kung sa una pa lang sana tinanong ko na kayo ng nanay mo, edi sana hindi aabot dito," galit kong sabi sa kanya. "Pero alam mo, Gil, pakiramdam ko noong una pa lang alam na nanay mo kung bakit ako bumalik sa eskwelahang 'yon. Ikaw... Tinuring kitang kaibigan pero hindi ka man lang nagmalasakit na sabihin sa'kin ang totoo." Panunumbat ko sa kanya.
Hindi niya alam kung anong sasabihin. Dahan-dahan siyang bumitaw sa'kin at napayuko.
"I'm sorry," halos pabulong niyang sabi. "Wala akong idea na iyon 'yung dahilan mo... Hindi ko alam, akala ko... Akala ko matagal mo nang alam pero nang mapagtanto ko na hindi mo alam mas pinili kong itago..."
"Bakit? Bakit hindi mo sabihin sa'kin?"
"Hindi ako dapat ang magsabi sa'yo kasi pakiramdam ko wala akong karapatan," sabi niya nang tingnan niya ako nang diretso. "My mom... she's the one who have to explain it."
Umiling ako. "Kung gano'n, 'yung kapatid mo na lang ang tatanungin ko," sabi ko at tinalikuran ko ulit siya.
"Wait!" hinabol niya ako at hinigit na naman sa braso.
Nagpupumiglas ako dahil wala naman siyang balak sabihin sa'kin. Naiinis na 'ko. "Gil, ano ba, bitawan mo nga 'ko—" natigilan ako nang bigla niya 'kong halikan.
Mga ilang segundo ring nagtagal bago ako nagkaroon ng lakas para itulak siya at sampalin.
"Para sa'n 'yon?" galit kong tanong matapos ko siyang sampalin.
"P-Para pakalmahin ka?" nag-aalangan niyang sagot.
Parehas kaming hinihingal dahil sa pagtatalo namin. Bigla akong nakaramdam ng pagod. Naghanap ako ng makakapitan, lumapit ako sa puno.
"H-Hey, okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong.
"Huwag mo nga akong hawakan," inis kong sabi nang akma niyang hahawakan 'yung balikat ko. "Hindi ako okay, alam mo 'yon, may sakit ako."
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at maririnig lang ang kuliglig sa paligid. Pakiramdam ko bibigay na 'yung katawan ko sa pagod, siguro dahil kanina pa 'ko walang tigil na sumasayaw.
"Let's go, Golda," yaya niya sa'kin. "Don't do this, please."
Tiningnan ko lang siya. Ang kaninang galit ay napalitan ngayon ng pag-aalala.
"Sasamahan kita sa ospital kung saan nakaconfine si mom bukas, I promise. She'll tell you what you want to know," pakikiusap niya sa'kin. "Let's go..." nilahad niya 'yung kamay niya.
Napatingin ako sa bungalow house ni Fredo, siguro kanina pa siya naghihintay at nagtatadtad ng text kung nasaan na ako. Sa oras na tanggapin ko 'tong kamay ni Gil at umalis kami rito, tiyak kong ikakalat ni Fredo ang lihim ko.
Bigla akong natauhan.
"Tama ka," sabi ko at tinanggap ko 'yung kamay ni Gil. "Hindi ko dapat gawin 'to."
Para siyang nakahinga nang maluwag at naramdaman kong pinisil niya 'yung kamay ko.
"Bukas," sabi ko.
"Bukas."
Naglakad kami papunta sa kinaroroonan ng sasakyan niya na nakaparada malayo sa bahay ni Fredo. Tinanong niya kung gusto ko nang umuwi pero sinabi kong ihatid niya ako pabalik ng school dahil walang kaalam-alam ang mga kaibigan ko na nawala ako saglit.
Ilang sandali pa'y namalayan ko na lang na nasa parking lot kami ng William Consuelo High School. Bumaba kami parehas ng sasakyan at rinig na rinig 'yung musika galing sa gym, isang love song naman ang tumutugtog.
'I know your eyes in the morning sun,
I feel you touch my hand in the pouring rain'
"Thank you," sabi ko sa kanya nang magkaharap kami. "Hindi ko alam kung anong nakain ko para pumayag sa gusto ng kapatid mo."
"No... I'm sorry kasi hindi tayo nakapag-usap nang maayos nang bumalik siya, bigla kasing inatake si mom..."
Natahimik ulit kami parehas. Papalapit na 'yung chorus ng kanta, isa pa naman 'yon sa paborito kong kanta.
"Sayaw tayo?" alok ko sa kanya na halatang kinagulat niya.
"Huh?" parang nag-aalangan siya pero lumapit ako sa kanya tsaka kinawit ko 'yung dalawang kamay ko sa leeg niya.
'How deep is your love, how deep is your love?
I really need to learn 'cause we're living in a world of fools'
Sa huli'y wala siyang nagawa kundi hawakan ako sa bewang at sabay kaming umugoy.
'Breaking us down when they all should let us be
We belong to you and me'
Nang matapos ang tugtog ay nakita kong may tumatawag sa phone ko.
"Si Fredo," sabi ko at nagkatinginan kami ni Gil bago ko 'yon sagutin.
"Where the hell are you?" inis na tanong ni Fredo. Mukhang napanot na siya kakahintay sa'kin.
"Ito lang ang masasabi ko," saglit akong tumigil. "Fuck you tangina kang animal ka mamatay ka na gago ulol."
"You'll regret this—"
Binabaan ko siya ng tawag at humarap ulit ako kay Gil. "Tara na."
Sabay kaming nagpunta sa gym. Wala namang nakapansin kung bakit kami magkasama, napalitan ulit ng masaya 'yung tugtog.
"Goldy! Andyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap!" salubong sa'kin ni Waldy at hinila ako palayo kay Gil.
Maya-maya pa'y namalayan ko na lang 'yung sarili ko na sumasayaw kasama sila na parang walang bukas. Kung ito na 'yung huling gabi na ganito kami.
Wala na akong pakialam kung ipagkalat ni Fredo 'yung lihim ko. Hindi ko rin naman sila habambuhay na pwedeng lokohin.
Kaya...So be it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro