/20/ Bad News
We all thought
that a home
is a place.
But home can
be a person,
a set of friends,
a family.
When I'm with you,
I feel at home.
/20/ Bad News
[GOLDA]
"ANG cute cute cute!!!" sabi ni Waldy habang kinukurut-kurot sa pisngi ang kapatid ni Blake, kandung-kandong niya ang bata habang si Sophie at Ruffa ay nakapaligid dito.
Halos umikot ang mga mata ko dahil kanina pa nila pinanggigilan 'yung kapatid ni Blake. Lumapit ako sa kanila at pumanewang.
"Hoy, hindi ba kayo tutulong o ano?" sabi ko sa kanila at tumingin ako sa relos ko. "Tsaka pasado alas nueve na, patulugin n'yo na 'yang bata—teka, hoy Blake," sabi ko at tinawag ko si Blake na nagdidikit sa stage ng mga letra. Lumingon siya sa'kin. "Wala ba kayong balak umuwi ng kapatid mo, ano makikijoin kayo rito?"
"What is alas nueve?" inosenteng tanong ng kapatid ni Blake.
"It means nine o'clock," nakangiting sagot ni Ruffa sa bata.
"Why is she angry?" tanong ulit ng bata habang nakaturo sa'kin.
"Baby Kyle, don't mind that ugly lady," bulong ni Waldy pero hindi 'yon nakatakas sa pandinig ko.
Dinuro ko si Waldy. "Hoy, punyeta ka, tigilan mo 'ko—"
"Hey, watch your language!" saway sa'kin ni Sophie at tinakpan ang tenga ni Kyle. Wala akong nagawa kundi tumikom, inis ko silang tinalikuran nang makasalubong ko si Sir Gil.
"Ikaw na nga bahala riyan sa mga estudyante mo," sabi ko sa kanya at naglakad ako papunta kila Lulu na busy sa ginagawa nila.
Lumipas ang isang oras, natapos na namin ang pagdedecorate sa Consuelo Hall para sa darating na event. Ten-thirty pa lang ng gabi.
"Matutulog na ba tayo?" tanong ni Kahel na nag-uunat.
Sa totoo lang hindi namin inaasahan na mabilis lang naming matatapos 'yung pinagagawa sa'min ni Principal Consuelo. Kaya hindi na naming kailangan pang mag-overnight—nahati at nagtalo kaming lahat dahil do'n pero sa huli nanaig ang desisyon ni Sir Gil na huwag nang mag-overnight at umuwi na lang kaming lahat.
"Ano ba 'yan, nagdala pa 'ko ng unan!" reklamo ni Waldy habang nag-eempake kami.
"Sus, hindi ka lang nakatsansing kay Paul sa pagtulog," panunukso ni Kahel at hinampas siya ni Waldy ng unan sa mukha.
"Oh, siya tama na 'yan, uuwi na tayo," sabi ko. "So, sinong sasabay sa kotse ko? Apat lang ang kasya sa'kin."
"Us," sabi ni Blake at nagtaas pa ng kamay habang karga ang kapatid niya.
"Kuya, are we going home?" tanong ni Kyle. "I don't want to go home. I'll stay with you!"
Sa huli napagpasyahan na sasabay sa kotse ko si Blake, ang kapatid niya, si Lulu, at Jao. At dahil Montero naman ang sasakyan ni Sir Gil, siya ang maghahatid kila Sophie, Paul, Waldy, Kahel, at Ruffa. Nang maibilin ni Sir Gil sa guard ang school at nang masiguro na sarado na ang mga kwarto na ginamit namin ay umalis na kami.
At dahil si Jao ang pinakamalapit, siya ang una kong hinatid. Sunod naman si Lulu. At ang huli kong hinatid ay si Blake at ang kapatid niya.
"Ito 'yung bahay n'yo?" hindi ko maiwasang magtanong nang huminto kami sa harapan ng isang gusali, three storey building 'yon. Alam ko rich kid 'tong si Blake kaya 'di ko maiwasang magtaka.
"I lived there alone, it's an apartment," matipid niyang sabi habang maingat na binuksan ang pinto ng passenger's seat dahil natutulog sa bisig niya ang anim na taong gulang niyang kapatid.
Hindi kaagad sinara ni Blake 'yung pinto ng kotse at sinilip niya 'ko sa loob.
"Thanks for the ride," sabi niya at tumango na lang ako. Sinara niya ang pinto at naglakad papasok sa loob. Tiningnan ko siya hanggang sa makapasok siya sa gusali.
Winasiwas ko na lang 'yung mga naiisip ko at pinaandar ko 'yung kotse ko pauwi. Pagdating ko ng bahay ay nakita ko na may text galing kay Sir Gil.
'I brought the kids home.'
Hindi na sana ako magrereply pero namalayan ko na lang 'yung sarili ko na nagreply sa kanya pabalik.
'Same. Good night, Gil.'
Akala ko hindi na siya magrereply pero nagulat ako nang tumunog ulit 'yung phone ko.
'Good night, Golda :)'
*****
KINABUKASAN...
Nadatnan ko sa loob ng classroom ang isang kumpulan sa may likuran. Nang makaupo ako sa pwesto ko ay napansin kong nakatingin sila Lulu at Kahel sa likuran kaya wala akong nagawa kundi tingnan kung ano 'yung tinitingnan nila.
Laking gulat ko nang makita ko na may isang bata na nakaupo sa likuran—'yung kapatid ni Blake! Pinagkakaguluhan siya ng mga kaklase ko.
"Ang cutie cutie naman ng kapatid mo, Blakey!" nangingibabaw ang boses ni Tiana aka Pepero stealer.
"Bakit nandito sa school 'yung kapatid ni Blake?" tanong ko kay Lulu.
"I don't know, he just came here with his little brother," sagot naman ni Lulu sa'kin.
Naalala ko tuloy kagabi nang ihatid ko si Blake sa apartment niya, sabi niya mag-isa lang daw siyang nakatira... Napaisip na naman ako.
Biglang tumunog nang malakas ang bell at nagsiayusan ang mga kaklase ko—parang mga kiti-kiti na naasinan silang bumalik sa mga sarili nilang pwesto. Pumasok si Sir Gil at pumunta sa harapan. Nagkatinginan ang mga kaklase ko, winawari kung ano ang magiging reaksyon ng teacher namin kapag nakita niya ang bata.
"Good morning class—" natigilan si Sir Gil nang madako ang tingin niya sa likuran, sa tabi ni Blake nakaupo ang isang paslit.
"Good morning, teacher!" masiglang bumati ang kapatid ni Blake na si Kyle.
"Awww!" sabay-sabay na react ng mga kaklase kong kumag na animo'y isang sound effect.
"W-What the..." dahan-dahang lumapit si Sir Gil sa kinaroroonan ni Kyle, tumingin siya kay Blake at naghihintay ng paliwanag.
"My parents our out of town, no one's going to look after him so I took my little brother here," maiksing paliwanag ni Blake at sinundan 'yon ng kanya-kanyang opinyon ng mga kaklase namin na hayaan na lang muna ang kapatid ni Blake rito.
Sa huli walang nagawa si Sir Gil dahil oras na ng klase, pero pinatawag niya si Blake na kausapin ito mamaya. Habang nagkaklase, halatang hindi makapaconcetrate ang lahat dahil sa presensiya ng cute na bata na nasa likuran.
Parang kagabi lang ay pinagkamalan kong multo ang kapatid ni Blake, tapos ngayon nakikisit-in ito sa'min ngayon.
Buong araw na kasama ng klase namin ang kapatid ni Blake na si Kyle. Ang tsismis na kumalat ay pinayagan daw ni Principal Consuelo na dalhin ni Blake si Kyle sa school hangga't hindi umuuwi ang mga magulang nila galing abroad.
Siyempre, may mga kontribada't atribidang mga teachers na hindi naging pabor dahil sagabal lang daw ang bata at hindi ito dapat nandito sa school. Pero dahil malakas ang kapit ni Blake kay Principal Consuelo, walang nagawa ang mga kontribadang teachers.
Tuwing lunch ay sa amin sumasama si Kyle dahil nakilala niya na kami noong 'overnight', at siyempre naiinggit ang mga kaklase kong panget dahil sa amin sumasama ang cute na bata—pati na rin ang kuya nitong si Blake.
"Kyle, am I pretty?" maarteng tanong ni Waldy habang nagpapacute. Nakakandong sa'kin si Kyle at hinawi ko 'yung pagmumukha ni Waldy.
"Sabihin mo panget mo Waldy," bulong ko kay Kyle.
"Panget mo Waldy," sumunod naman sa'kin ang bagets at sabay kaming humagikgik.
Sunod kong tinuro si Lulu. "Sabihin mo, Psycho Lulu."
"Psycho Lulu!" sigaw ni Kyle at muli kaming tumawa.
"Hoy, kung anu-anong kalokohang tinuturo mo sa bata," sita sa'kin ni Kahel.
Binelatan ko siya at ginaya ako ni Kyle. "Kahel baho!" pang-aasar ko. Sa inis ni Kahel ay inagaw niya sa'kin si Kyle.
"Hoy! Akin na 'yan!" sigaw ko.
"Kyle, sabihin mo, Golda mukhang matanda," sabi ni Lulu na lumapit kila kay Kyle. "Or... Golda tanda!"
"Hoy!" sigaw ko kay Lulu.
Inubos naming 'yung oras sa club room sa paghaharutan at pakikipaglaro kay Kyle. Soi Blake naman ay parang okay na okay lang sa kanya na ginagawa naming laruan 'yung kapatid niya, bibo rin naman si Kyle kaya okay lang.
Tila nagbago ang aura ng buong William Consuelo High School dahil sa batang si Kyle, tuwang-tuwa sila rito kapag nakikita nila itong tumatakbo at gumagala sa hallway tuwing vacant. Bidang-bida tuloy 'yung section namin sa buong school dahil kay Kyle, may iba pa nga na dumadayo para lang silipin si Kyle sa loob ng classroom.
May oras pa nga na nakikipaglaro ang buong klase kay Kyle, karamihan ay mga boys, naglaro sila ng bangsak, langit lupa, taguan at iba pa. Nagmistulang mga bata rin 'yung mga kaklase ko at gulu-gulo 'yung mga upuan sa room.
Pangatlong araw na ngayon ni Kyle, vacant period ngayong hapon at nandito kami ngayon ng ka-'club' members ko sa infirmary, niyaya kasi kami ni Nurse Ellen dahil may niluto siyang merienda.
"Nabalitaan ko na kayo raw ang nagpack ng relief goods para outreach program at kayo rin ang nagdecorate ng Consuelo Hall, kaya naman naisipan ko kayong bigyan ng reward!" kikay na sabi ni Nurse Ellen habang nilalapag sa mesa ang isang tray ng brownies na niluto niya, mainit-init pa 'yon.
"Wow!" reaksyon ng mga kasama ko at nagkanya-kanya silang kuha ng brownies. Pagkatapos ay bumalik sila sa kanya-kanya nilang pwesto. Si Lulu, nakaupo sa swivel chair ni Nurse Ellen. Si Kahel, Paul, at Jao ay nakaupo sa may clinic bed. Si Waldy naman at Ruffa ay nakaupo sa sofa sa lounge. Nandito rin ngayon si Sophie at Blake pati si Kyle.
"Saan ka nagluto rito?" tanong ko habang hawak ang isang brownie. "Hindi ko alam na pwede kang magbake rito sa clinic."
"Ano ka ba! Siyempre nakiluto ako sa may lab room! Doon may oven!" hinampas pa ako ni Nurse Ellen—feeling close din.
"'Yung totoo, nurse ka 'di ba? Hindi cook," biro ko at natawa naman 'yung ilang kasama ko.
"I want more, pleaseee," sabi ni Kyle at hinila niya ang coat ni Nurse Ellen.
"Sure, baby boy!" sabi ni Nurse Ellen, binuhat si Kyle at binigyan ito ng brownie. In fairness masarap naman 'yung pagkakaluto, hindi ko na nga alam kung nakailan na 'ko.
Habang nagkakatuwaan sila'y biglang dumating sa infirmary si Mr.Santos, ang epal na guidance counsellor, nakabusangot at mukhang may dalang bad news. Katabi niya rin si Sir Gil.
"What are you doing?!" dumadagundong ang boses ni Mr. Santos nang makita niya na parang pachillax-chillax lang kami sa infirmary. "This is the school's infirmary! Hindi tambayan!"
Nagsiayusan sila. 'Yung mga boys ay tumayo at inayos ang mga inupuan nilang mga kama. Walang nagsalita sa aming lahat.
Nagsalita si Sir Gil. "Blake, we're here to inform you that your parents called us. Papunta sila ngayon para kuhanin ang kapatid mo."
"What?" si Blake, hinawakan niya ang kapatid.
"Kuya? I don't want to go..." sabi ni Kyle. "I want to stay here."
"Malapit nang magresume ang klase, go to your homeroom now," utos sa amin ni Mr. Santos. "And Mr. Blake, sa guidance muna ang kapatid mo."
Lumabas na 'yung mga kasama ko gaya ng inutos ni Mr. Santos. Walang nagawa si Blake kundi ibigay ang kapatid niya kay Mr.Santos.
Nang makalapit si Kyle kay Mr. Santos ay bigla nitong hinagisan ng hawak na bola sa maselang bahagi. Napasigaw si Mr.Santos sa sakit at bumagsak sa sahig, kaagad siyang dinaluhan ni Nurse Ellen.
"Sir Santos!" sigaw ni Nurse Ellen.
Sa gulat naming lahat ay natulala lang kami, maging si Sir Gil ay napanganga. Biglang kumaripas ng takbo papalayo si Kyle.
"Kyle!" sigaw nila sa bata.
*****
NAGKAROON ng panic sa buong William Consuelo High School dahil nawawala si Kyle. Kaming SOS Club pati na rin si Sophie at Blake ay hindi na pumasok sa klase dahil kami ang naghahanap kay Kyle. Simula nang takbuhan niya kami kanina ay hindi na kasi namin ito makita.
Dumating ang parents ni Blake na galit na galit, nasa office sila ngayon ni Principal Consuelo. Naghiwa-hiwalay na kami ng mga kasama ko para hanapin si Kyle.
Kahit sa SOS Club room ay wala roon si Kyle. Biglang may pumasok sa isip ko at kaagad akong pumunta sa roof top ng school—baka sakaling nandoon si Kyle.
Pagpasok ko sa rooftop ay sumalubong sa'kin ang nakakasilaw na liwanag ng papalubog na araw, malapit na kasi mag-uwian. Mahangin sa rooftop kaya dumiretso ako sa may shed at hindi nga ako nagkamali.
"Blake," tawag ko sa kanya. Nakakalong sa kanya si Kyle, mahimbing na natutulog. "Nandiyan pala kayo, kanina pa naming kayo hinahanap."
Hindi sumagot si Blake at tumingin sa malayo. Kahit na ayaw niyang sabihin alam kong ayaw niyang ibigay 'yung kapatid niya.
"Blake—"
"He's my half-brother," sabi ni Blake habang nakatingin sa malayo. "My parents are barely keeping it with each other; my dad caught my mom having an affair years ago. That's why my father believed that Kyle is not his own. Simula noon hindi na natapos ang pag-aaway nila kaya... I asked them I wanted to live alone."
Umupo ako katapat ni Blake habang nagkukwento siya. Pakiramdam ko kailangan niya ng taong makikinig sa kanya kaya tumahimik lang ako.
"For the sake of public appearance, hindi sila naghiwalay, not until later my mom wanted to annul his marriage with dad. Obviously kapag naghiwalay sila, Kyle will go with my mom. And me I can manage on my own..."
"Mahal mo 'yung kapatid mo?" sabi ko. Tumingin si Blake sa'kin at tumango siya.
"I lied to the Principal," sabi niya. "Ang totoo, naglayas si Kyle. He's good at remembering directions, nagulat na lang ako na pinuntahan niya ako sa apartment ko."
"Naglayas?" ulit ko at napatingin ako sa bata.
"Minsan kasi binibisita ako ni Kyle kasama si mom, hindi ko naman sukat akalain na matatandaan niya 'yung daan—dalawang kanto lang naman ang layo ko mula sa bahay nila."
"Blake... Naghihintay na ang parents mo—" tumingin siya bigla sa'kin. "Alam ko na ayaw mong ibigay ang kapatid mo sa kanila dahil ayaw ng kapatid mo. Pero bata pa si Kyle, Blake, kailangan niya ng magulang."
"I know," mahinang sabi niya. Tumayo si Blake habang karga ang tulog pa ring si Kyle.
Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. Kahit hindi niya direktang sabihin, naiintindihan ko na hindi niya lang din gano'n matanggap na maghihiwalay ang mga magulang niya... Kaya kumakapit lang din siya sa kapatid niya.
Napahinga na lang ako ng malalim. Parang gusto ko na lang tumambay dito hanggang uwian. Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako bigla para kay Blake. Sa totoo lang... Bata pa rin siya at kailangan niya pa rin ng mga taong gagabay sa kanya.
Pero katulad ko natuto siyang mabuhay mag-isa para maging malakas.
Wala akong malay kung ilang oras na ang lumipas, ang alam ko lang unti-unti nang lumulubog ang araw. Biglang tumunog ang phone ko at nagtaka ako nang makita kong tumatawag si Cindy, ang dating manager ng Gold's Club ko—sa kanya ko na kasi ipapangalan ang ownership ng club na 'yon.
"Cindy?" sabi ko pagkasagot ko ng tawag.
"B-Boss Golda?" may bakas ng pag-aalinlangan ang boses niya.
"Oh, bakit? Napatawag ka?"
"May gusto lang sana akong sabihin..."
"Ano 'yon?" parang natunugan ko na may hindi siyang magandang balita na sasabihin.
"N-Ngayon ko lang 'to sasabihin, boss... Tungkol kay Markum."
*****
BIGLANG nawalan ng sigla ang buong William Consuelo High School nang sumunod na araw. Paniguradong kumalat ang balita tungkol sa nangyari kahapon. Maging ako ay nalungkot kahit papaano dahil wala ng cute na batang magpapagaan at magpapasaya ng araw namin sa school. Dumagdag pa 'yung hindi magandang balita na natanggap ko kahapon.
Pagpasok ko sa classroom ay parang lantang gulay din ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kakareview nila sa mga entrance exam o dahil nalulungkot sila na walang Kyle ang makikijoin sa klase namin.
Umupo ako sa pwesto ko at pumangalumbaba. Tumunog ang bell at dumating si Sir Gil. Nag-umpisa ang klase.
Ilang sandali pa'y biglang nagvibrate 'yung phone ko at nakita ang isang text message.
'Golda dudeee!!! I need your help! I don't know who to call!'
Nireplyan ko siya at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pinilit kong kumalma at pasimple kong tinago ang phone ko sa libro para hindi makita ni Sir Gil na nagsecellphone ako.
"What's wrong?" tanong ni Lulu pero hindi ko siya pinansin.
Sinabi ni Paul na nakidnap daw 'yung kapatid ni Blake! Ang hinuha ko ay ganito, siguro tumakas sa bahay nila si Kyle at nagpunta rito sa eskwelahan, tapos may mga nakatiyempong masasamang loo bang nag-abang at kinuha ang bata. At 'etong si Paul saktong papasok sa loob ng school at natiyempuhan niyang makita ang pangyayari.
Tinanong ko si Paul kung alam ba ni Blake at sinabi niyang tinext niya rin ito. Lumingon ako kay Blake at katulad ko'y kitang kita ko ang pamumutla nito at niyerbos.
Maya-maya'y nagulat ang buong klase nang tumayo si Blake habang naglelecture si Sir Gil at walang salitang tumakbo palabas—paniguradong pupuntahan niya ang kapatid niya. Mabuti na lang at nakamotor si Paul at sinusundan niya ngayon 'yung mga kidnappers.
"Goldy?" si Lulu.
"Nakidnap si Kyle," bulong ko sa kanya.
"W-What?" gulat niyang sabi at natakot.
Hindi ako mapakali at sinubukan kong tawagan si Paul pero hindi siya sumasagot—namalayan ko na lang na nasa harapan ko na si Sir Gil at inagaw niya 'yung phone ko.
"Kung babastusin n'yo lang din ako—" tumayo ako at inagaw ko sa kanya 'yung phone ko.
"Gil, may emergency!" bulalas ko dahil hindi ko mapigilan.
"What?"
Imbis na sagutin ko siya'y lumabas ako ng classroom at hinabol naman niya ako. Ayokong ipaalam sa buong klase ang nangyari dahil magpapanic ang buong eskwelahan.
"Anong nangyayari, Golda?" nag-aalalang tanong niya sa'kin.
Huminga muna ako nang malalim bago ko sabihin sa kanya. Gulat na gulat din si Sir Gil.
"Where are you going?" sigaw niya nang tumakbo ako.
Hindi ko siya pinansin at diridiretso lang ako. Maya-maya'y nakita ko sa hallway si Mr.Santos.
"Ms. Marquez, bawal tumakbo oras ng klase!" nang harangan niya ko'y hinawi ko siya sa gilid kaya tumalsik ito.
Tiningnan ko ulit 'yung phone ko at nakitang may sinend ng location si Paul kung saan dinala ng kidnappers si Kyle.
"Boss?" sumalubong sa'kin ang tatlo kong alipores paglabas ko ng campus. "Saan ka pupunta?"
"May ililigtas na bata. Sumama kayo sa'kin dahil may bubugbugin tayo," sabi ko.
"Yes, boss!" sigang sagot nila at handing makipagbakbakan.
"At—" muntik na nila akong mabunggo nang huminto ako sa paglalakad. "Huwag n'yong sasabihin kay Markum."
-xxx-
A/N: Share ko lang 'yung poll ni Riza sa twitter. Haha. Battle of the ships, sino kaya mananalo sa poll?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro