/2/ Back to School
'Grades are
just numbers'
is the loser's and
the rich's belief.
which one
are you?
/2/ Back to School
[GOLDA]
"MAY I ask one thing, Miss Goldanes," seryosong tanong ni Principal Consuelo sa'kin nang umupo siya kaharap ko. "Considering that large amount of money and the effort you made to do a background check regarding our school's current situation... What is your reason?"
Napahinga ako ng malalim noong mga sandaling 'yon. Dapat ko bang sabihin ko sa kanya ang totoo?
"Dahil gusto kong tuparin ang pangarap ng kapatid ko para sa'kin bago ako mamatay," sagot ko habang diretsong nakatingin sa kanya. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon—blangko at parang wala lang na sabi ko.
"You want to fulfil Joseph's dream—"
"Literal na malapit na 'kong mamatay, Madam Principal," sumandal ako sa sofa at humalukipkip. "Wala akong ibang eskwelahang mapapasukan kundi ito lang, siguro dahil pwede kong madaan sa ibang usapan."
Sumilay ang ngiti sa mukha ni Principal Consuelo at inayos ang kanyang salamin.
"I saw you on the news before, I'm really happy to see that you grow up to be a successful woman. Now I know why..."
"Kahit na elementary lang ang tinapos kong edukasyon, naka-survive ako at yumaman. Alam ko na hindi susi ang edukasyon para yumaman at magtagumpay pero heto ako."
"Well, you succeeded in your own way, and now you gave me a tempting offer. You're right, nalulugi na ang eskwelahang 'to. Papayag ako sa isang kundisyon."
Nabuhayan ako noong mga oras na 'yon. Sabi ko na nga ba at magiging mabilis lang ang usapang ito. Mukhang tama ang kalkulasyon ko na hindi niya tatanggihan ang pera, masyadong importante sa kanya ang eskwelahang 'to sa kanya kaya hindi niya hahayaang magsara ito.
"Ano 'yon?"
"You have to fake your age and identity."
MULING bumalik sa kanya-kanyang ingay ang mga estudyante nang mapagtanto nila na hindi ako ang teacher nila. Maya-maya'y tumahimik ang lahat nang pumasok sa loob ng silid ang isang matangkad at maputing lalaki na nakasuot ng puting long-sleeve na nakatupi at slacks.
"May I excuse you, Miss Golda?" tawag nito sa'kin at wala naman akong ibang choice kundi sumunod sa kanya sa labas.
Nang makalabas kaming dalawa ay sumeryoso ang lalaki.
"I'm Pedro Gilmore Consuelo, anak ako ni Principal Consuelo," hindi ngumingiting pakilala nito sa'kin at humalukipkip lang ako. "I heard the news from my mom. She allowed you to be in this class in exchange for money. In other words, you bribed her."
Tumaas ang kilay ko sa pinagsasabi ng kumag na 'to, hindi naman masyadong obvious na ayaw niya sa'kin sa tono ng pananalita niya. Sa tantiya ko ay mas matanda lang ako sa kanya ng dalawa o tatlong taon, halos mapantayan ko na 'yung height niya dahil sa taas ng stiletto heels ko. Impression ko sa kanya, 'yung tipong hindi gagawa ng kalokohan.
"O—kay, so ano'ng gagawin ko?" mataray kong tanong. Siyempre, papayag ba si Boss Golda na mata-matahin ng kung sino?
Nakita ko na nagkuyom ang isa niyang palad.
"Totoong nalulugi na ang eskwelahang 'to at kailangan namin ng pera. Hindi ko man gustong tanggapin ang naging desisyon ni mom, wala na akong magagawa kundi sumunod sa kanya at kasama ako na pagtakpan ka."
Akma siyang papasok sa loob ng classroom nang magtanong ako, "Sinabi rin ba sa'yo ng nanay mo kung ano'ng dahilan ko?"
"Yes. She told me that you wanted to fulfill your old brother's wish before you die. Ah, I almost forgot, pinapapunta ka ni mom ulit sa office niya. Looks like she already prepared what you need." At pagkatapos ay pumasok siya sa loob.
Hindi ako naniniwala sa 'love at first sight' pero sa 'hate at first sight' naniniwala ako. Mukhang siya ang magiging class adviser ng klase na napili ko. Well, wala akong pake. Pagkatapos ay kaagad ulit akong pumunta sa Principal's Office.
"Welcome back," nakangiting bati ni Principal Consuelo. "So, you met my son?"
"Oo, at hindi siya sang-ayon, pero wala naman siyang magagawa," prenteng umupo ako sa sofa at dumekwatro ako. "Pinatawag mo raw ako?"
"I arranged your new identity," nilapag niya sa lamesita ang isang ID at nakita ko roon ang mukha ko at bagong pangalan.
MARY GOLD J. MARQUEZ
Hindi ko bet 'yung pangalan, tangina parang brand ng tinapay o gatas. Pero hindi na ako magpapaka choosy, atleast ako pa rin si Golda.
"Ang bilis naman, iba talaga ang nagagawa ng easy money," sabi ko habang hawak ko ang ID. "Ginawa 'to ng anak mo? Kaya pala badtrip sa'kin ang mokong."
"Ako at si Gil lang ang nakakaalam ng totoo tungkol sa'yo, naihanda ko na rin pala ang mga uniform mo," sunod niyang nilapag sa lamesita ang limang balot ng uniforms. "Bukas mag-uumpisa ang official class mo. Gil's still preparing for your 'transfer'. Ikaw si Golda Marquez, 18 years old, galing Maynila, pinag-transfer ka ng parents mo rito na nagta-trabaho sa ibang bansa."
Napa-slow clap ako. Ibang klase talaga ang nagagawa ng magic ng pera!
"Magaling, magaling, Principal," napangisi ako. Wala naman pala 'tong pinagkaiba sa mga naging 'negosasyon' ko noon. "Hindi ko ineexpect na ganito magiging kadali 'to."
"Well, there's no such thing as free lunch, Miss Golda," parang biglang kuminang 'yung salamin niya at nilahad niya ang kanyang palad. "Every service has a charge here." Matigas din pala ang mukha ng matandang 'to.
"Okay, magkano ba ang kailangan mo?" nilabas ko mula sa mamahalin kong bag ang tseke at nagsulat doon.
*****
KATULAD ng inaasahan ay pagdating ko sa dati naming bahay ay malinis at maayos na 'to. Bagong pintura rin ang labas! Maliit lang naman ang bahay namin kahit dalawang palapag, may mallit na bakuran sa harapan at puno ang mga katabi, probinsyang probinsya ang dating.
Malapit lang ang luma naming bahay mula William Consuelo High School, iyon nga lang ay medyo liblib. Ang likuran ay bukid, at ang mga kapitbahay ay nasa kabilang kanto pa. Isa lang ang kapitbahay ko rito, ang matandang dalaga na si Aling Nelia na mambubukid.
Bukas 'yung ilaw sa loob kaya nakutuban ako na may tao, may nakaparada rin kasing itim na Pajero sa may kanto.
"Welcome back."
"Markum?" nagulat ako nang makita ko siyang prenteng nagkakape sa mahabang upuang kahoy sa sala. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Kakatapos lang linisin ang bahay mo," malamig niyang sagot. "What would you like? Coffee, tea, or me?"
"Gago," sagot ko sa kanya at hinilot ko ang sentido ko, parang bigla akong napagod. "Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo, Markum."
"Okay ka lang, Boss?" sa pagkakataong 'to ay nag-alala siya. "Are you sure ikaw lang mag-isa rito?"
"Oo nga sabi, eh. Baka nakakalimutan mong marami pa akong trabaho na iniwan sa'yo."
Narinig ko siyang napabuntong hininga. Alam ko na nag-aalala siya para sa kalusugan ko. Sa tagal ng pinagsamahan namin ng lalaking 'to, siguro nga kahit papaano naging mahalaga kami sa isa't isa. Magkasama naming tinayo kung ano ang meron ako ngayon.
Nilapag niya sa mesa sa gilid ang tasa at tumayo.
"I'll go ahead."
Nasa pintuan na siya nang tumigil si Markum at nagsalita.
"You... you have another reason."
"Huh?" bahagya siyang lumingon sa akin.
"Kung bakit ka bumalik sa eskwelahang 'yon," at pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis.
Nang maiwan akong mag-isa ay umupo ako sa kahoy na upuan. Bigla akong nanghina. Puta. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang nandito na ako at hindi na pwede umatras? Akala ko magiging madali lang ang lahat pero hindi pala.
Puta, kalma, Golda. Nagsisimula pa lang ako, hindi ako pwedeng panghinaan ng loob.
So, dito nga pala ako lumaki. Kasama ang nanay, tatay, at dalawa kong kapatid. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, hindi ko pa rin makalimutan kung ano ang mga paghihirap na dinanas ko noon. Wirdo, ngayon na lang ulit ako nagdrama ng ganito.
Umakyat ako sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto namin, binuksan ko 'yung maleta ko at tumambad sa'kin ang larawan na tanging dinala ko noong umalis ako rito.
Napahinga ako ng malalim.
Kung hindi naman dahil sa'yo Kuya Joseph, hindi ako babalik dito.
*****
"GOOD morning, class! Today, I'll introduce to you your newest block mate. Please come in, Miss Marquez," nang marinig ko 'yon ay kaagad akong pumasok sa loob ng classroom.
Umugong ang bulungan nang makita nila ako. Ang mga boys ng klase ay nanlaki ang mga mata, paano ba naman? 'Yung suot kong palda ay maiksi at kitang kita ang makinis at nakakasilaw kong legs. Pinarisan ko ang palda ng mahabang puting medyas. 'Yung blouse ko naman ay hapit na hapit sa'kin kaya halos mamutok 'yung dede ko sa laki nito.
"Classmate talaga natin siya? Akala ko teacher siya na naligaw sa classroom natin kahapon?" bulong ng isang babaeng mukhang nerd sa harapan sa katabi niya.
"Miss Marquez," tawag sa'kin ni Pedro Gil, ngayon ko lang napagtanto na parang istasyon ng tren 'yung pangalan niya, muntik na tuloy akong matawa. "Please introduce yourself. Tell them your name, your age, and anything about you." Parang diniin niya pa 'yung salitang 'age', tamang asar din 'tong kumag na 'to.
Humarap ako sa lahat. Hindi naman ako kinakabahan dahil sanay na sanay naman na akong humarap sa mga tao. Tch. Walang wala 'tong mga kabataang 'to.
"Ako nga pala si Jo—Mary Gold Marquez, eighteen years old, Golda na lang ang itawag niyo sa'kin. Paborito kong posisyon sa basketball ang shooting guard, sabi nila magaling akong mag-shoot. Paborito ko rin palang prutas ang saging," medyo ngumisi ako at tumingin kay Pedro, parang hindi siya natutuwa sa sinabi ko. Gusto kong matawa pero pinigilan ko 'yung sarili ko at muli akong humarap sa klase.
"Gaanong kalaking saging?" may isang lalaking estudyante ang malakas na nagtanong, base sa itsura nito ay mukang isa ito sa mga loko-loko sa klase. Nagtawanan 'yung mga katabi niya.
"You may now take your seat, Miss Marquez," tinuro ni Pedro 'yung bakanteng upuan, 'yung pwesto ko kahapon at kaagad akong pumunta roon at umupo.
Napalingon ako sa likuran at nakita na may mga bakante pang upuan. Hmm... Mukhang may duda pa rin ang mga kaklase ko sa'kin, mabuti na lang at hindi ako mukhang trenta at napaniwala sila na eighteen ako. Nagsalita ulit 'yung adviser namin.
"Again, I'm your adviser, Pedro Gilmore Consuelo, you can call me Sir Gil. Since STEM students kayo, ang subject natin ngayong first period ay General Mathematics. At ngayon, bago tayo magsimula sa lesson proper ay bibigyan ko muna kayo ng mock exam para sa magiging coverage ng lesson sa buong sem na 'to."
Kanya-kanyang reaksyon ang mga kaklase ko nang marinig nila ang exam. Napalunok ako, mukhang hindi pala 'to magiging madali. Pero 'di bale, marami naman akong pera, at kayang-kaya kong manipulahin ang resulta sa bandang huli.
Nang matanggap ko ang test paper... Puta, ano 'to? Wala akong maintindihan kahit na isa! Puta, kalmahan mo lang, Golda. Merong multiple choice, may pag-asa pa.
"I'll give you an hour. Your time start's now."
Pakiramdam ko forever 'yung oras dahil sa tagal. At sa loob ng isang oras bobong bobo ako sa sarili ko. Sinubukan kong sumilip sa papel ng katabi ko.
"Mind your own papers." Biglang sita ng kumag na teacher at wala akong nagawa kundi tumingin sa papel kong napakalinis.
Sino bang nag-imbento ng Math at papatayin ko? Bakit ba natin kailangan ng Math? Putangina, mayaman naman na ako bakit ko pa pinapahirapan ang sarili ko.
"Time is up! Exchange papers with your seatmate."
Labag sa kalooban kong nakipagpalit ako sa katabi ko. Nang matapos ang pag-tetsek ay isa-isang tinatawag ng kumag na teacher ang score para ipasa sa kanya. One hundred ang total score, at halos lahat ng kaklase ko ay nakapagpasa na ng papel nang tawagin ang fifty-five.
Pero hindi ko pa napapasa ang papel ko. Wala na bang lalala sa araw na 'to?
"Forty? Thirty? Twenty?" napatingin sa'kin si Sir kumag. "Ten and below?"
Tumayo ako at pinasa sa kanya ang papel. Nang matanggap niya 'yon ay napatingin siya sa'kin.
"Very well, Miss Marquez, you got a perfect zero."
Umugong na naman ang bulungan.
"What? Zero siya?
"Maganda sana pero mukhang bobo naman."
"Hindi siguro siya nag-aaral kaya na-kick out sa dati niyang school."
Wala akong pakialam kung iyon ang iniisip nila sa'kin. Mga deputa, kung alam niyo lang na hindi diploma ang susi sa tunay na buhay. Kung ito ang hamon sa'kin, well, hindi ako magpapabagsak ng isang exam lang!!!
Dalawa lang ang masasabi ko. Putanginang Math.
*****
NA-STRESS ako sa first period. Umakyat ako sa rooftop ng eskwelahan para manigarilyo. Alam kong bawal na 'to sa'kin pero wala na akong pakialam. Parang gusto ko nang ang mamatay ngayon na dahil sa stress sa punyetang Math.
Zero?! Tch! Kung alam lang nila na milyon ang asset ko sa bangko, isasampal ko sa kumag na teacher na 'yon 'yung mga passbook ko.
Malakas ang hangin sa rooftop at parang nakahinga ako ng maluwag, lumapit ako sa may railings at sumandal doon. Maulap kaya hindi gano'n kasakit ang sikat ng araw. Nagsindi ako ng sigarilyo, nilabas ko, nilabas ko 'yung phone ko at nakita ko ang chat sa'kin ni Steven.
Steven: Oh, kamusta school?
Nag-selfie ako para i-send sa kanya.
Golda: *Sends a photo
Steven: Wow, virgin na virgin ang peg! Virgin na bad girl.
Golda: Gago ka talaga bakla.
Steven: Naku ah, pag may gwapo kang classmate dyan baka shembotin mo.
Golda: Baliw, baka makulong pa ko. Palibhasa mga gawain mo.
May naramdaman akong paparating, nakita ko ang bagong dating. Hindi ako nito napansin at naglakad lang ito diretso palapit sa railings. Teka... Siya 'yung katabi ko kanina, 'yung nag-check ng papel ko.
Hindi ko na sana siya papansinin pero naalarma ako nang akma siyang tatalon sa kabilang side ng railings.
"Hoy!" nanlaki 'yung mga mata ko at nabitawan ko 'yung yosi. Hindi ako narinig kaya tumakbo ako palapit sa kanya. "Hoy, babae!"
Makakatalon na siya nang hilahin ko 'yung buhok niya.
"Aray!" sigaw niya at kaagad ko siyang nahila palayo sa railings. Binitawan ko siya at hinarap.
"Ano'ng sa tingin mong ginagawa mo—" natigilan ako nang makita ko ang namumugto niyang mga mata.
"B-bakit ka ba nangingialam. Gusto ko nang mamatay!" sigaw ng estudyanteng babae at tumakbo ito paalis ng rooftop.
Naiwan akong tulala. Hindi ko alam kung bakit nanlalamig ako. Maya-maya'y nakita ko sa sahig ang isang ID, nalaglag siguro ng batang 'yon. Napailing na lang ako. Gusto raw mamatay ng putangina.
LUVINA L. LUNTIAN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro