FINAL CHAPTER
CHRISTMAS day nang umuwi kami nina Ellie. Gusto ko pa sanang mag-stay sa Diguisit at doon na lang i-celebrate ang Christmas pero na-realize kong baka mag-alala sa 'kin sina Mommy. Saka ito ang unang beses na hindi ko sila makakasama sa pasko kung sakali. Kaya kahit hindi pa ako handang bumalik ng Zabali nag-decide pa rin akong sumama sa mga kaibigan ko.
Napansin ko ang bahid ng pag-alala sa mga mata ng parents ko nang salubungin nila ako kanina. Kahit si Kuya Kade na bihirang magpakita ng concern sa 'kin ay paulit-ulit din akong tinanong kung maayos ba ang lagay ko. Good thing, nakaya kong itago ang bigat na nararamdaman ko and I assured them that everything was alright. Mabuti na lang at hindi na sila nag-usisa pa. At least, naiwasang mabanggit sa usapan si Zeph.
Mula nang dumating ako kaninang umaga, maghapong nanatili lang ako sa loob ng room ko. Balak kong lumabas na lang sa mismong Noche Buena pero nagulat ako nang bandang seven PM ay kinatok ako ni Mommy para sabihing may bisita ako. Handa na akong magdahilan ngunit pinutol ng sunod niyang mga sinabi ang alibi na nasa dulo ng dila ko.
"Wala si Zeph ngayon, Kia. Si Jiro ang nasa labas."
Napakunot-noo ako sa sinabi ni Mommy pero mayamaya ay napilitan din akong lumabas. Sa sala ko nadatnan si Jiro nang makababa ako.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" naka-cross arms at taas-kilay na tanong ko.
"Merry Christmas, Kia!" magaang bati niya at hindi pinansin ang nanunuring tingin ko.
"Babatiin mo lang talaga ako kaya ka nandito?" Naningkit ang mga mata ko.
"No. Pumunta ako rito para makausap ka."
"Bumiyahe ka ng almost two hours para kausapin lang ako?" hindi pa rin kumbinsidong tanong ko.
Mahina siyang natawa. "Meant to be nga siguro tayo. My family happened to celebrate Christmas sa kabubukas na resort dito sa inyo. Naalala kong malapit ka kaya pinuntahan na kita."
Harap-harapan akong napaismid sa sinabi ni Jiro. Hindi ko alam pero mula nang sabihin niyang gusto niya ako, eh, panay na ang ganitong mga banat niya. Siguro nga ay iyon ang paraan niya para makuha ulit ako. Pero as if magpapadala ako. Never!
At para makaalis na siya, nag-decide akong paunlakan ang request niyang "pag-uusap". I thought, this would be better para at least ma-divert ang uneasiness na nararamdaman ko. Dahil Christmas eve, buhay na buhay ang buong kapaligiran. Nag-aanyaya rin ang maginaw at festive na ambiance ng paligid para sa late night walk.
With that, Jiro and I decided na mag-usap na lang habang naglalakad sa premises ng village-na noon ay punong-puno ng magkakahalong ingay dahil sa kabi-kabilang celebrations. Hanggang sa narating namin ang maliit na playground ilang ang blocks ang layo sa bahay. Naalala kong paborito naming tambayan iyon ni Zeph noong teenagers pa kami.
Kumirot ang dibdib ko at the sudden thought of him. Pero mabilis ko rin iyong pinalis sa isip lalo na nang magsalita si Jiro. Kapwa na kami nakaupo noon sa magkatabing swing habang nakatunghay sa makulay at maningning na liwanang na nagmumula sa hile-hilerang kabayan sa harap namin.
"Wala na ba talaga akong pag-asa sa 'yo, Kia?"
Tumaas ang kilay ko sa tanong na iyon ni Jiro.
"Ano sa tingin mo?" balik-tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa magandang tanawin sa harap ko.
"Gusto kong umasa na mafa-fall ka ulit sa 'kin tulad nang dati pero kapag nakikita kitang masuyong nakatitig sa best friend mo, naglalaho 'yong kaunting chance na kinakapitan ko."
Mapait akong ngumiti sa sinabi niya. Sana nga kay Jiro ko na lang naramdaman itong damdaming sumasakal sa 'kin ngayon. Pero kung nagkataon bang siya ang minahal ko at hindi si Zeph, ganito pa rin kaya kasakit?
Alam natin pareho na hindi, Kia...
"Does he love you too?"
Noon ako lumingon kay Jiro.
"Hindi," malungkot na sagot ko saka mapait na ngumiti.
"That dumbass!" inis na bulalas niya bagaman mayamaya ay natawa. "Do you want to take a chance on me, instead? Hindi ka masasaktan kapag sa 'kin ka nagkagusto, Kia."
Mahinang natawa ako sa sinabi niya. Nagkaroon din ako ng urge na sakalin siya for a moment. "Coming from you, ha? Baka nakakalimutan mong isinubsob kita sa cake dahil sa sobrang buwisit ko sa 'yo?"
Napakamot ng ulo si Jiro sa sinabi ko pero pagkaraan ng ilang sandali ay seryosong tumingin sa 'kin.
"I know, this may be late, pero gusto kong mag-sorry nang maayos sa ginawa ko, Kia. I apologize for being a jerk and for hurting you a lot. Ironic kasi no'ng nawala ka at naging kami ni Camille, doon ko lang na-realize ang kagaguhang nagawa ko sa 'yo. Also... I do admit that I became greedy. Kaya rin nagawa kitang siraan kay Ma'am Brenda. Pero naisip ko useless din ang achievements na iyon. Hindi ako naging masaya, Kia, and in the process I got to envy you..."
Saglit siyang tumitigil saka matamang tumititig sa 'kin. "Kasi hindi ka nga na-promote pero nagagawa mo pa ring tumawa. Samantalang ako... tumaas nga ang position, lagi namang empty ang pakiramdam."
"Appreciating the simple things in life is still a form of happiness, Jiro. Hindi ka kasi nakinig sa 'kin no'ng sabihin kong dapat low key ka lang, eh. 'Yan tuloy," natatawang biro ko.
"Still, I'm sorry, Kia. Sorry, kong naging masama ako at nag-take advantage ako sa kabaitan mo."
Magaang nagbuga ako ng hangin saka ngumiti sa kaniya. "Apology accepted. Saka matagal ko nang nakalimutan 'yon, 'no. Kung hindi mo kinuwento ulit, hindi ko na maalala. Better, let's really forget about that. That way, tuluyan na rin tayong makausad."
My words might be about what happened between us pero mas nag-resonate ang mga iyon sa current state ng puso ko. Maybe, moving forward for real would be the best decision I should take.
"Salamat..." Malawak na ngumiti si Jiro. Mayamaya tumayo siya at lumapit sa harap ko. "Can I hug you, Kia?"
Umiling ako. "Be wholesome, Mr. Elizalde. Handshake na lang," natatawang sabi ko saka inilahad ang kamay ko sa harap niya.
Napapakamot naman ng ulo at tila hesitant pa na tinanggap niya iyon. I rolled my eyes at him. Aba, choosy pa ang lintik na ito!
"Can this be the start of our friendship as well?
"Friends lang, ha? Wala nang hidden agenda."
Malakas na humalakhak si Jiro. "Yes. Friends na lang tala-"
Napasigaw ako nang mayamaya ay bigla na lang napatimbuwang si Jiro dahil sa malakas na pagsuntok sa kaniya ng kung sino. Nasubsob siya sa maalikabok na lupa. Hindi pa man siya nakakabawi ay mabilis na naman siyang nilapitan nito. Akma na ulit siyang susuntukin nito nang matigil iyon dahil sa malakas kong pagsigaw.
"Zeph, tama na!"
Pumagitna ako sa kanila at marahas na itinulak si Zeph palayo kay Jiro.
"Jiro, okay ka lang?" agad na tanong ko nang daluhan ko siya. Putok ang labi niya at may bahid na ng dugo roon. Awang-awa na tinulungan ko siyang makatayo.
"Lumayo ka sa gagong 'yan, Kia!"
"Ikaw ang lumayo sa 'min!" maigting na asik ko saka matalim itong tinitigan. "Past time mo na ba'ng manakit ngayon, ha? Pati ba naman walang kasalanan sa 'yo sinasaktan mo?"
Nanginig ang kalamnan ko dahil sa magkahalong galit at sakit para dito. Nananaksak ang tinging ipinukol ko kay Zeph. Kitang-kita ang magkakahalong emosyon sa mga mata nito pero pilit kong inignora iyon. Ilang sandali pa, binalingan ko si Jiro sa tabi ko.
"Jiro, I'm sorry, but please go. Ayaw kong magkasakitan pa kayo lalo ni Zeph dahil sa akin."
"Pero hindi kita p'wedeng iwan dito, Kia. Nakita mo naman ang ginawa niya sa 'kin, 'di ba? He might hurt you too," puno ng hesitation at pag-aalalang saad niya.
"No. It's alright. Kaya ko ang sarili ko kaya 'wag mo na akong intindihin. I just need to deal with him alone."
Marahas na napabuntong-hininga si Jiro. Hindi pa rin siya kumbinsidong iwanan ako pero mukhang napansin niyang kailangan nga talaga naming mag-usap ni Zeph. Sa huli ay napilitan siyang umalis. Masama pa rin ang tingin sa kaniya ni Zeph nang lampasan niya ito ngunit ipinagpasalamat ko na lang na hindi na siya hinabol nito.
May ilang segundo nang nakaalis si Jiro nang sa wakas ay balingan ko si Zephyrus. At tila kinurot nang pinong-pino ang puso ko, nang mula sa liwanag na nagmumula sa Christmas lights sa paligid, ay mabistahan kong mabuti ang itsura niya.
May sugat ang gilid ng labi niya at kitang-kita ang pasa roon. Malalim at nangingitim din ang paligid ng mga mata niya na parang kulang na kulang sa tulog. Halatang-halata na rin ang tubo ng stubbles niyang ni minsan ay hindi hinayaang humaba nang ganoon.
Pero sa kabila ng gusgusing itsura ni Zeph, hindi pa rin mapigil ng lintik na puso kong bumilis ang pagtibok dahil sa kaniya at makaramdam ng awa...
Napaka-martyr! Nasasaktan na ako't lahat nagagawa ko pa ring mag-alala para sa kaniya!
"Ano ba'ng problema mo, ha?" nanggagalaiting tanong ko mayamaya, pilit na pinagtakpan ang concern para sa kaniya.
"That asshole is my problem, Kia!" ganting bulyaw niya.
"Siraulo ka ba? Or sadyang eng-eng ka lang? Ano'ng kasalanan sa 'yo ni Jiro? May ginagawa ba siyang masama sa 'yo?" sunod-sunod na bulyaw ko. "Alam mo, wala kang karapatang ipakitang nasasaktan ka, o kahit pa magmukhang kawawa. Kasi hindi mo deserve 'yan, Zeph. At kung may dapat mang manakit sa 'ting dalawa, ako dapat iyon at hindi ikaw!"
Napipi si Zeph at tila siya itinulos sa kinatatayuan. Mahabang sandaling mataman lang siyang nakamasid sa 'kin habang nakarehistro sa mga mata niya ang ibayong pait at sakit. Sinamantala ko iyon para lumayas sa harapan niya. Mabilis akong naglakad palayo.
─•❉᯽❉•─
"KIA, sandali!" malakas na tawag ni Zeph pero hindi ko siya pinansin.
Nagpatuloy ako sa mabilis na paglalakad. Pero nakalimutan kong higante pala si Zeph kasi ilang sandali pa ay agad na rin siyang umugapay sa 'kin. Mayamaya pa mahigpit na niya akong hawak sa braso saka mabilis na hinila palapit sa kaniya.
Napasigaw ako sa ginawa niya. I thought I was going to fall dahil nawalan ako ng balanse. Na-fall nga ako-literal-at nasubsob sa malapad na dibdib niya. Sinamantala naman iyon ni Zeph para mahigpit akong ikulong sa mga bisig niya.
Nagpumiglas ako para makaalis mula sa yakap niya pero sadyang malakas ang gago. Hindi niya ako hinayaang magawa iyon. Sa sobrang inis malakas kong pinagsusuntok ang dibdib niya, pero hindi pa rin siya nagpatinag. Hanggang sa mapagod ako at mayamaya'y mag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak.
"Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to? Can't you just let me go?" frustrated nang sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.
"Mahal kita, Kia... at wala akong balak pakawalan ka hangga't hindi mo nare-realize ulit na mahal mo rin ako."
And that hit me. Pero pinigil ko ang sariling magpaapekto sa sinabi niya. No, they're nothing but lies!
"Zeph, pakawalan mo na lang ako," malamig na saad ko.
Ngunit lalo niyang hinigpitan ang yakap sa 'kin na para bang sinasabing wala siyang balak na sundin ang sinabi ko. Ilang segundong nanatili kami sa gano'n hanggang sa mag-decide siyang kumalas doon at pinakatitigan ako.
"Kia, please hear me out kahit isang beses lang." Kitang-kita ko ang labis na pagsusumamo sa mga mata niya. "Hayaan mo akong mag-explain kahit ngayon lang. Kung hindi mo pa rin ako paniniwalaan after that then, I'll have to accept it."
I remained silent. He gently cupped my face. Pinakatitigan niya akong mabuti sa mga mata. Gusto kong ilihis ang tingin ko kasi natatakot akong makita ang ibang emosyon doon pero sa huli wala rin akong nagawa. Sinalubong ko ang tingin niya.
"What you saw was just a misunderstanding. Walang namamagitan sa 'min ni Kendra. Matagal ko nang tinapos kung ano mang meron kami. When she cheated on me two years ago, I decided to completely let her go. And when she came here, I refused to take her back. 'Yong nakita mo sa porch, she asked me to hug her for the last time dahil babalik na siya sa UK. We had our closure at nagkapatawaran na kami. At hindi ko siya binalikan taliwas sa iniisip mo."
"Liar! Sinabi mong gusto mo nang maging masaya kasama siya!" nanlilisik ang mata at puno ng pait na bulalas ko.
"No. It wasn't what I meant. I want her to be happy without me at hindi ang makasama pa siya. It was the truth, Kia. Please, maniwala ka sa akin..."
Nagmamakaawa na ang titig ni Zeph. It was as if totoo talaga iyon at walang bahid ng kahit ano'ng kasinungalingan. Nagbukas-sara ang bibig ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko mahanap ang boses ko. I was lost for words.
"Thirteen years na kitang minamahal, Kia... kung alam ko lang na aabot tayo sa ganito I should have told you that no'ng nag-confess ka. I regret the chance of not telling you that earlier. Dapat hindi na ako naghintay ng perfect timing para sabihing mahal kita. I thought my actions have spoken enough. Sorry... kung naging gago ako dahil sa huli hinayaan kitang i-doubt ang totoong damdamin ko para sa 'yo. No'ng umalis kang walang paalam sobra akong natakot, Kia. I-I was so afraid... I might've lost you forever." Naging misty ang mga mata ni Zeph.
Sa sinabi niya nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Noon ako kinabig ni Zeph at ikinulong sa mahigpit na yakap niya. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya. Mayamaya pa, hinayaan ko ang sariling humagulgol lang sa harap niya. Hinayaan kong lumaya ang sakit na una palang ay hindi ko dapat naramdaman.
Zeph has been in love with me and I was a total fool to doubt it. Kasi nagpasakop ako sa negativities ng puso ko. Pinaniwalaan ko lang ang gusto ko at isinara ang isip ko sa anumang explanation niya.
Kumalas ako sa yakap ni Zeph nang kumalma ang pakiramdam ko. Ilang sandaling hinayaan kong malunod ako sa mga mata niyang punong-puno ng emosyong noon ko lang nabigyan ng pangalan.
It was love... at para iyon sa 'kin.
It was my turn to gently cup his face.
"Mahal mo pala ako, bakit 'di mo na lang sinabi agad kanina? Nag-amok ka pa tapos sinuntok mo si Jiro. Gago ka rin talaga!" Inis na diniinan ko ang gilid ng labi niyang may sugat. Napangiwi siya nang maramdaman ang hapdi doon. "Bakit ka pala may pasa, eh, ikaw naman ang nanuntok kay Jiro?"
Alanganing ngumiti si Zeph. "Souvenir 'yan galing kay Kade."
Napakunot-noo ako. "Sinuntok ka ni Kuya Kade? Bakit?"
"For making you cry and for being such a fucking jerk, Kia," matapat na sabi niya na sabay naming ikinatawa.
"Ang pangit mo na, Zeph! Paano pa 'ko ma-i-in love sa 'yo n'yan?" mayamaya ay nakalabing sabi ko.
"Magpapa-surgery ako para maging g'wapo ulit. Okay ba 'yon?"
Malakas ko siyang nahampas sa sinabi niya. Ilang sandali pa masuyong ngumiti ako sa kaniya.
"Mahal pa rin kita, Zeph... and I'm sorry for doubting you. Saka sorry din kung nasuntok ka ni Kuya Kade. Deserve mo rin! Alam mo naman na overthinker ako hindi ka pa umamin. Pero mali rin ako kasi nagpadala ako sa assumptions ko. Tamang hinala ba? Hindi mo rin kasi ako masisisi, natakot lang din kasi akong baka mangyari sa 'tin 'yong nangyari sa 'min ni Jiro. Kasi tulad mo, hindi rin kita kayang i-let go. Masyado rin kitang mahal para panuorin kang lumayo na lang sa 'kin..."
Pumatak ang luha ni Zeph. Inabot ko ang pisngi niya at marahang tinuyo iyon. Zeph took my hand gently and kissed it.
Ngumiti siya sa 'kin. "I love you, Kia..."
I leaned forward and planted a soft kiss on his lips. "I love you more."
He softly chuckled and claimed my lips-this time for a deeper kiss that will seal our promise of forever.
Ang tagal-tagal ko nang naghahanap. Hindi ko kailanman inakalang nasa tabi ko lang pala ang lalaking para sa 'kin. This was obviously the right love for me and so, it was Zeph all along...
•┈••✦ ❤ ✦••┈•
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro