Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER THIRTEEN

KANINA pa ako parang tangang nakatitig lang kay Zeph habang nag-aasikaso siya ng mga customers sa counter. Nang mga oras na iyon, umaariba ang Zeph filter ng mga mata ko. Tila ba naka-zoom in ako sa kaniya at wala na akong nakikitang iba kundi siya lang. Kung sa augmented reality mode, instead na Pokémon, si Zeph ang lumilitaw sa screen ko!

Is this love? naibulong ko sa isip.

I guess, it is. Kasi habang nakatunghay ako sa kaniya ngayon, hindi maiwasang bumilis ang tibok ng puso ko na parang anumang oras ay tatalon ito palabas sa rib cage ko. At kapag titingin siya at magfa-flash ng magandang ngiti, kulang na lang ay mag-egg roll ako sa sobrang kilig. Shit!

"Girl, iba na yata 'yan. Jusko! 'Wag mo naman ipahalatang TL ka d'yan kay Zephyrus!"

At parang noon lang ako naging aware na kasama ko pala si Ellie sa table. Matamis ang ngiting bumaling ako sa kaniya. She unbelievably rolled her eyes on me. Bagay na ikinatawa ni Raffy sa tabi niya.

"Hayaan mo siya, Ellie. Maging happy na lang tayo for her," magaang sabi ng pinsan ko.

"Masaya naman ako dito sa gagang kaibigan natin. Ang hindi ko lang ma-take ay ang pagngiti-ngiti niya nang gan'yan. Nakakatakot!"

Inirapan ko naman si Ellie sa sinabi niya. "Support mo na lang kaya ako!"

"Suportado naman kita, 'te, 'wag kang OA d'yan. Pero teka nga..." She leaned closer towards me. "Ano na ba'ng score sa inyong dalawa, ha? Jowa mo na ba?"

Nang marinig ko iyon umayos ako ng upo at niyuko ang order kong pasta. I took a forkful of it kahit wala naman akong balak kainin iyon. Hindi ko alam pero parang bumaba ng mga fifty percent ang happiness level ko dahil sa tanong ni Ellie. Pagkatapos kasi akong halikan ni Zeph that day hindi na siya nagsalita. Ngumiti lang siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Pero sa ginawa niya, I had an initial assumption na hindi rejected ang confession.

At tuwang-tuwa ka naman kahit wala kayong label!

"I couldn't really tell, Ellie. But I guess we already are," tipid na sagot ko saka wala sa loob na lumingon kay Zeph. Seconds passed, ibinalik ko ang tingin kay Ellie nang makitang busy pa rin ito sa counter.

"Bakit ba kasi sobra ka kung makatanong d'yan, Ellie? Hayaan na lang muna natin itong si Kia. Saka 'wag rin nating i-doubt ang damdamin ni Zeph para sa kaniya. I know he's a good guy. There's no way he'll hurt our friend here," kalmadong singit ni Raffy.

I somehow felt good sa sinabi ng pinsan ko. Malaki ang tiwala ko kay Zeph. Alam kong hindi niya ako paasahin lang. I knew he was different from those guys out there, lalong-lalo na kay Jiro—na panay pa rin ang pagpapalipad-hangin sa akin kapag nasa school kami. Kaya kahit may kaunting doubts ako sa totoong nararamdaman para sa 'kin ni Zeph mas pinili kong kalimutan iyon.

Pagkatapos ng bonding moments namin nina Ellie later that day, nag-decide akong dumeretso na lang ng uwi instead na hintayin pa si Zeph sa L'espresso. Nag-promise din kasi ako kay Mommy na sasamahan siya sa early Christmas shopping niya kahit one-week pa naman ang hihintayin bago ang pasko. At pagkatapos nga naming mamili ni Mommy, nasa tulala mode na lang ako habang nakahilata sa kama at nakatunghay sa kisame ng k'warto ko.

I was actually waiting for Zeph to call me. I got shy to call him first. Para kasi akong nagmumukhang clingy kapag ginawa ko iyon. At dahil patient naman akong tao, matiyaga akong naghintay hanggang sa makatulugan ko na ito.

Malakas na ring ng cellphone ang gumising sa 'kin after hours of deep sleep. Saglit na dumilat ako para silipin sa screen kung sino'ng tumatawag. Napabalikwas ako ng bangon nang mabasa ko ang pangalan ni Zeph doon.

I cleared my throat first before answering his call.

"H-Hello?" pigil ang excitement na saad ko nang sagutin iyon. I tried to sound calm, kahit kanina pa ako atat na kausapin siya.

"Naistorbo ba kita?" magaang tanong niya sa kabilang linya.

"Hmm. Hindi naman..."

Pero actually, kanina pa talaga ako naghihintay sa tawag mo! Lintik! Ang tagal mo naman kasi akong ma-miss, Zeph! gusto ko sanang idagdag pero pinigil ko ang bibig na isatinig ang mga iyon.

"Kia, lapit ka sa window mo," saad niya mayamaya.

Agad namang tumutok doon ang tingin ko. Matagal nga siguro akong nakatulog dahil pagtingin ko sa bukas na bintana ay madilim na madilim na sa labas. Pumapasok na rin ang malamig na hangin sa loob ng k'warto ko. Walang hesitation na sinunod ko ang sinabi ni Zeph. Tumayo ako at lumapit sa bintana.

Namilog ang mga mata ko nang makitang kumakaway mula sa baba si Zeph. Ang lawak ng ngiti niya habang hawak sa isang kamay ang take out ng nahuhulaan ko nang coffee at hot cocoa drink—na lagi niyang dinadala kapag ganitong bigla niya akong ginugulo.

Mayamaya magaan siyang natawa. "I bet kagigising mo lang."

"Oo nga! Binulabog mo na naman ang masarap na tulog ko!" nangingiting sabi ko.

"Baba ka, Kia. I've brought you something." Itinaas niya ang hawak na drinks.

"Sige! Hintayin mo 'ko d'yan!"

Pagkasabi ko no'n, nagmamadali akong tumakbo palapit sa harap ng salamin. Napasigaw ako nang biglang sumalubong sa akin ang magulong buhok ko na parang sumabog na confetti! Kaya pala tinawanan ako ni Zeph kanina! Mukha yata akong kasama sa circus sa sobrang pangit ng itsura ko!

Shit! Nakakahiya ka, Kia!

Dali-daling dinampot ko ang suklay at inayos ang itsura ko—para akong may hinahabol sa bilis ng pag-aayos ko. Naglagay ako ng kaunting pulbo at lip balm. I also sprayed my favorite perfume. At least, maging presentable man lang ako sa mga mata ni Zeph. Lastly, kinuha ko ang pink na hoodie jacket sa closet at mabilis na isinuot iyon.

I opened my door at tinakbo ang distansya pababa ng hagdan. Nagpaalam lang ako saglit kay Mommy nang makita ko siyang papasok sa kusina then agad na rin akong lumabas ng front door. Sorry naman kung excited akong makita si Zeph. Wala, eh. Ganito nga yata ang effect niya sa 'kin.

"Zeph!" malawak ang ngiting tawag ko sa kaniya nang makalabas ako ng gate. Naabutan ko siyang nakatayo ilang hakbang sa tapat no'n.

Patakbong lumapit ako sa kaniya. Malawak na ngumiti ako when he opened his arms and urged me to come closer for a hug. S'yempre sino ba ako para tumanggi? Lumapit nga ako at hinayaan ang sariling makulong sa mahigpit at comforting na yakap niya. Shit! Ramdam ko ang pag-tumbling ng puso ko dahil sa sobrang saya.

"Iniwan mo ako kanina," kunwari ay nagtatampong sabi niya habang yakap pa rin ako.

Saglit na tumingala ako sa kaniya. "Busy ka kasi. Nahiya akong guluhin ka."

"You know, I wouldn't mind kung guguluhin mo ako buong maghapon, Kia." Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

Pucha, Zeph! 'Wag kang gan'yan! 'Yong kawawang puso ko!

Isinubsob ko tuloy ang mukha sa malapad na dibdib niya para itago ang pamumula ng pisngi ko. Gosh! This was too much to handle. Narinig ko namang mahina siyang natawa.

Mayamaya kumalas siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko. Parang hinaplos ng kung anong emosyon ang puso ko nang mag-register sa pandama ko ang init na nagmumula sa palad niya. Wala sa loob na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kamay kong hawak niya at sa mukha niya.

"Let's go?" nakangiting sabi niya saka ako hinila papasok sa gate ng bahay niya.

─•❉᯽❉•─

MADALAS naman akong lumipat sa bahay ni Zeph para tumambay roon but doing it this time felt surprisingly different. Hawak pa rin ni Zeph ang kamay ko hanggang sa marating namin ang malawak na patio. Natuwa ako nang makita ang maliwanag na string lights sa paligid. Dati ko nang ina-admire ang parteng ito ng bahay niya na paborito kong tambayan kapag napapagod at stressed na ako sa work. Saksi ang mga puno at halaman sa paligid sa unending rants ko, pati na rin sa first heart break ko, and this time sa moment na ito kasama siya.

Bumitaw ako kay Zeph at nauna nang naupo sa isa sa mga wooden bench na sinadyang ilagay roon. I settled myself on it at comfortable na isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Mayamaya nakangiting inilibot ko ang paningin sa malawak na garden ng mga Dechavez. Nagtagal ang mga mata ko sa bagong bihis na two story American house sa gitna. Marami nang nagbago sa dating bahay na iyon since Zeph remodeled it a year ago. Kung dati isa ito sa mga iniiwasan kong titigan, dahil reminder ito ng painful memories na iyon nine years ago, now it didn't hurt to look at it anymore.

Seconds passed, tumabi sa 'kin si Zeph at iniabot ang dala niyang hot cocoa drink. Hinila niya rin ako palapit sa kaniya at isinandal sa balikat niya. I smiled. My heart was filled with so much joy as I rested my head on him.

"Ano'ng iniisip mo, Kia?" tanong ni Zeph mayamaya.

Kapwa kami nakatitig sa malawak na kalangitan na noon ay kitang-kita sa kinaroroonan namin. The sky was too clear. Maningning na maningning ang mga bituin doon. Mula sa bahay ni Zeph dinig din ang Christmas songs na ipinatutugtog ng mga kabitbahay sa village.

Ah, it was indeed a perfect night.

"Hmm... Wala naman. Parang sobrang clear ng mind ko ngayon. Walang worries. Chill lang gano'n," magaang sabi ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa maaliwalas na kalangitan. "Ikaw, ano'ng iniisip mo?"

"You," masuyong sagot niya.

Naramdaman kong bumaling sa 'kin ang titig niya kaya nilingon ko siya. And I was right. Nagtama ang mga paningin namin. Nasa mga mata na naman niya ang emosyong hindi ko pa rin mapangalanan hanggang nang mga oras na iyon. But how I wish that emotion could mean admiration and love, for me...

"Ako? And what about me?" pinilit kong gawing kalmado ang boses ko pero ang totoo kabado na ako sa kung anumang isasagot niya. Saglit na nagbawi ako ng tingin.

"That I am so grateful to have you here right now, Kia. Do you know that I no longer have those nightmares?" Zeph's voice trembled slightly as he spoke, his eyes reflecting a mixture of relief and vulnerability.

He got me there. Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya.

"Wait, you had nightmares? Hindi ko yata alam 'yan."

Pero dapat hindi ko na tinanong iyon kay Zeph. Kasi alam ko na rin ang sagot. He indeed had a talent of hiding his pains and masking it with his easy going personality.

"Yes, for nine years. At lumalala ang mga 'yon kapag dumadating ang death anniversary ng family ko. But lately I no longer have them. Tumigil sila no'ng gabing nahanap mo ako sa hanging bridge ng Zabali."

Matagal na tumitig lang ako sa kaniya. Wala akong napansing any sense of pain sa mga mata niya. Instead ibayong relief ang mababakas doon.

At dahil 'yon sa 'kin...

"Z-Zeph..."

Parang gusto kong maluha. Ngayon ko kasi na-realize ang dami kong hindi alam sa kaniya.

"Kaya hindi ako magsasawang magpasalamat sa 'yo, Kia. Thanks for staying even at the darkest moments of my life..."

Hindi nagtagal, ikinulong ako ni Zeph sa mahigpit na yakap niya. Hindi na kami nagsalita pagkatapos. Hinayaan lang naming damhin ang bawat tibok ng puso ng isa't isa sa loob ng yakap na 'yon. And that time, I got to erase all the doubts that I had for him. Hindi man lumalabas sa bibig ni Zeph ang mga salitang gusto kong marinig, his actions were enough to assure me that I was loved.

─•❉᯽❉•─

DAYS passed so quickly. Five days na lang at ice-celebrate ulit namin ang pasko. This time kasama na si Zeph. Last year we were not able to do that dahil madalas pa rin siyang wala sa Baler. Back then he was busy establishing his business at sa reconstruction ng bahay niya.

Nagpaalam si Zeph na mawawala siya ng dalawang araw para sa isang business trip. Kaya para hindi ko siya sobrang ma-miss inabala ko ang sarili ko sa pagtulong kay Mommy para sa preparation ng Christmas celebration namin. Sinamahan ko rin si Ellie para mag-shopping ng mga ipanreregalo nito. Lastly, naki-join na rin ako sa paghahanda sa three-day trip nila ni Raffy na gaganapin the day after tomorrow.

They planned to visit Diguisit Beach to learn surfing. Niyaya nila akong sumama but I declined. Uuwi na rin kasi si Zeph sa susunod na araw at ayaw kong ma-miss iyon. Sorry na lang muna sila kasi this time mas gusto kong sulitin ang mga araw na kasama ko si Zeph.

"Halatang in love, 'te?" madalas sabihin sa 'kin ni Ellie pero tinatawanan ko na lang. In the end wala rin namang nagagawa si Ellie kung 'di suportahan ako, though hindi mawala-wala ang mga katakot-takot na advice niya.

Dumating ang araw ng pag-uwi ni Zeph. Five PM pa lang, nag-decide na akong lumipat sa bahay niya para hintayin siya roon. Excited akong lumabas dala ang food container ng ulam na specialty ni Mommy—kare-kare.

Pakanta-kanta pa akong tumawid ng kalsada nang mapansin kong bukas na ang gate ng bahay ni Zeph. At that thought malawak na napangiti ako. Sabi niya six PM pa siya makakarating. Kita mo nga naman ang loko. May balak din yatang i-surprise ako! 'Di ko tuloy naiwasang kiligin nang slight sa naisip ko.

Tuloy-tuloy na pumasok na ako sa gate at tinalunton ang sementadong path walk sa malawak na garden ng mga Dechavez. For seconds I got busy admiring the flowers around me, the cold December breeze, and the faint Christmas songs around the village. Hanggang sa nabaling ang tingin ko sa porch—at sa dalawang taong nakatayo roon.

Sa dahan-dahang paghakbang ko lalong nagiging malinaw sa paningin ko ang kaganapan sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko mapaniwalaan ang nakikita. And it broke my heart I when I clearly saw Zeph... with Kendra.

Umiiyak si Kendra ngunit mula sa kinatatayuan ko ay malinaw kong narinig ang mga salitang binitawan niya. "Thanks for loving me, Zephyrus..."

Ikinulong siya ni Zeph sa isang mahigpit na yakap. And what I heard next shattered me to the core. "Let's be happy now, Kendra."

Nanghina ang mga tuhod ko at kasabay n'on ang pagdulas ng hawak kong container sa nanginginig kong mga kamay. Nahulog iyon sa sementadong daan at gumawa ng malakas na ingay—sapat para gulatin ang dalawa.

"Kia!" narinig kong tawag ni Zeph.

Pero hindi ko na siya hinintay na makalapit pa sa 'kin. Humakbang akong paatras hanggang sa nagawa kong tumalikod at mabilis na tumakbo palabas. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro