CHAPTER SEVEN
AUTOMATIC na tumikwas ang kilay ko nang madatnan ang "nakaririmarim" na eksenang iyon sa L'espresso. Gusto ko lang naman uminom ng frappe, pero bakit kailangang ma-witness ko pa ang lampungan ng dalawang taong kinabubuwisitan ko?
Kainers 'yarn!
"Dapat hindi mo sila pinapasok. Sinasabi ko na, bad luck lang ang dala ng mga 'yan dito sa shop mo!" nagkikiskisan ang mga ngiping pabulong na sabi ko kay Zeph nang lapitan ko siya sa counter.
"OA mo, Kia. Businessman ako, remember? Sayang naman ang kita ko kung palalayasin ko sila," kalmado pero natatawang sabi niya.
"Kaibigan ba talaga kita, ha?" Inirapan ko siya.
"Hey, chill! Gutom lang 'yan. Better umupo ka na do'n at hintayin mo 'yong order mo. Saka pumikit ka na lang kung ayaw mo silang makita para hindi ma-infect 'yang mga mata mo," mapang-asar pang turan ng siraulong kaibigan ko.
Ngali-ngaling tampalin ko ang lintik.
Ayaw ko man, I went to my usual seat. Nakakabanas dahil kitang-kita sa puwesto ko ang landian nina Camille at Jiro! Dapat yatang pumikit na lang ako katulad ng suggestion ni Zeph. Parang magdidilim ang paningin ko nang wala sa oras!
"Baby, say 'ah'..."
Gusto kong masuka nang ilapit ni Camille ang kutsarang may lamang slice ng cake sa bibig ni Jiro—na game na game namang ngumanga!
Shuta! Kulang na lang ay ibato ko sa kanila ang lagayan ng table napkin sa harap ko.
'Wag mas'yadong bitter, 'te! 'Di ba nagmo-move on ka na?
Oo nga! Pero hindi ko naman sinabing i-test agad kung naka-move on na ba ako.
Sa sobrang pagngingitngit, dinampot ko na lang ang phone na inilapag sa table at nag-scroll ako sa FB. Pero punyemas kasi pagbukas ko ng app tumambad sa feed ko ang selfie ng mga buwisit sa harap ko!
Jiro posted that damn picture of them together. "At the moment" pa ang nakalagay sa caption. Napiga ko tuloy ang hawak na gadget. Hindi na rin ako nagdalawang isip, I clicked his profile and unfriended him immediately. Bakit ba kasi hindi ko naalalang gawin 'yon last time?
Kalma, Kia! paulit-ulit na reminder ko kay inner self saka nag-inhale exhale.
Seconds later, lumapit si Zeph at inilapag ang order kong matcha frappe at blueberry cheesecake. Saglit na naglaho ang pagka-beast mode ko nang makita ang mga pagkaing 'yon. Umaliwalas ang pakiramdam ko at agad na naramdaman ang gutom nang maamoy ko ang creamy scent ng cake. Dagli kong nilantakan iyon.
"Look, may surprise ako sa 'yo," magaang sabi ni Zeph habang may amusement sa matang pinapanuod ako sa pagkain.
"Ha? Ano?" curious na tanong ko pagkatapos kong lunukin ang slice ng cake sa bibig.
"'Lingon ka sa hatest love birds mo." Inginuso niya ang puwesto ng dalawa.
Kunot-noo namang sinundan ko 'yon ng tingin kahit parang magkaka-sore eyes ako. Dalawang table lang ang pagitan namin. May occupants ang mesa na katabi nina Camille at Jiro kaya hindi mahahalatang sinusuri namin sila ng tingin ni Zeph.
Parang may sariling mundo ang dalawa kasi sweet na sweet pa rin silang naglalampungan. Mayamaya inilapag ni Ren—isa mga service crew ni Zeph—ang order nilang frappe.
"Miss, hindi kami nag-order nito," narinig kong takang saad ni Jiro.
"That's on the house, Sir. Treat po 'yan ng L'espresso para sa first time customers."
Muntik na akong mapahalgapak ng tawa sa sinabi ni Ren—na pasimpleng bumaling sa direksiyon namin. Napabungisngis na nilingon ko si Zeph na kalmado lang ang expression ng mukha habang nakaharap sa 'kin.
Ano na namang kalokohang naisip ng siraulong 'to? Pero malakas ang pakiramdam kong matutuwa ako sa susunod na mangyayari. Ibinalik ko ang tingin kina Camille at Jiro.
"Bullshit! What the hell is this?" malutong na mura ni Jiro. Parang nilamukos ang mukha niya habang iniihit ng ubo matapos uminom sa frappe na isi-nerve ni Ren.
Nagkatinginan kami ni Zeph na noon ay kita ko na ang pagpipigil ng tawa. Maagap naman na tinakpan ko ang bibig to suppress mine. Napayuko ako.
"Hoy! Ano'ng nilagay mo sa drinks ni Jiro?" pabulong at pigil na pigil ang mapahagikhik na tanong ko.
"Chili powder. Lots of it!"
"Siraulo ka!" Mahinang nahambalos ko siya sa braso.
"'Di ba sabi ko isu-surprise kita? Nagustuhan mo ba?"
Nag-angat ako ng tingin. Malawak ang ngisi ni Zeph at kulang na lang ay magningning ang mga mata niya. Malayong-malayo sa nakita kong expression ng mga iyon three days ako.
Unti-unting nabura ang ngiti ko. After witnessing that incident last time hindi na siya nagsalita. Tahimik na lang siya hanggang sa hinatid niya ako sa bahay.
Tapos, hindi siya nagparamdam sa 'kin ng ilang araw. Hindi niya ako binulabog sa chat or tawag. Ngayon ko lang ulit siya nakita at balik na sa normal ang mood niya. Wala nang trace ng sadness tulad ng nakita ko sa Dicasalarin.
"Kia?"
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang mainit na palad niya sa pisngi ko. I blinked for a couple of times.
"Masyado ka yatang na-shock sa surprise ko." He flashed a wide grin.
"Yeah." Mahina akong natawa.
"Sige, balik na ako sa counter. Hope that made you feel better." Marahang ginulo niya ang buhok ko saka tumayo na.
Narinig ko pa ang pagrereklamo ni Jiro. Nilapitan ito ni Zeph at mahinahong kinausap. Pero naging inaudible na ang sunod na palitan nila ng salita. Na-divert na kasi ang attention ko kay Zeph at sa lungkot sa mga mata niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan.
─•❉᯽❉•─
LUMIPAS ang mga araw at naging busy ulit ako sa school. Parehas pa rin ang naging flow ng daily life ko. Marami pa ring trabaho dahil kay Evil Brenda na sobrang pumupuno sa schedule ko. Bitter pa rin ako sa landian nina Jiro at Camille sa school, though, hindi na iyon katulad nang dati.
Somehow, nasasanay na akong tanggapin ang ending ng almost something na story namin ni Jiro Elizalde. Their PDA eventually became bearable, and over time, I learned to completely ignore them.
After work mas nagiging maingay ang buhay ko dahil sa constant na pambubulabog ni Zeph. Since panay ang overtime ko, madalas na dumaraan ako sa L'espresso para sabay na kaming umuwi. Pero weird kasi imbes na mabuwisit ako sa mga pang-aasar niya, mas na-e-enjoy ko pa ang mga iyon.
Ewan ko ba? Para kaming bumabalik sa mga asaran namin noong high school na naging daan para mas maging close kami. At kahit ayaw ko man, nasasanay na ako sa presence ni Zeph sa tabi ko.
Kaya ngayong halos isang linggo ko na siyang hindi nakikita sa L'espresso, I couldn't help but feel an overwhelming emptiness inside. Ilang ulit na rin akong nagpapabalik-balik sa shop niya para lang tanungin kung kailan ang uwi niya.
I actually did that for three days straight. Pakiramdam ko nga nakukulitan na sa 'kin ang assistant niyang si Marco. Parehas lang kasi ang sagot nito sa tanong ko. Zeph was in an out of town business trip at baka sa susunod na linggo pa ang balik. Pero lumipas na ang mga araw hindi ko pa rin nakikita ang anino ng boss nito.
Nag-send na rin ako ng text kay Zeph pero weird kasi wala akong nare-receive na reply. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaba. Hindi naman kasi niya gawaing mang-ignore ng message.
Madalas, mas mabilis pa siyang mag-reply kaysa sa 'kin kahit ang dami niyang ganap sa shop. Nakailang silip na rin ako sa bahay niya—na katapat lang ng room ko—pero mukhang wala namang sign na may tao sa premises nito.
Isang option na lang ang hindi ko nagagawa, iyon ay ang tawagan siya. Hindi ko kasi maiwasang makaramdam ng hiya kapag in-a-attempt kong gawin iyon. Baka magmukha akong clingy friend kung bubulabugin ko siya kahit lagi niyang sinisira ang pananahimik ko dahil sa unexpected calls niya.
Kaya kahit hindi ako matahimik mas pinili kong maghintay na lang ng update niya. Baka nga nag-o-overthink lang ako. Zeph might really be busy.
Kaso hindi rin ako nakatiis kinabukasan—na pang pitong araw na mula nang umalis siya. Saturday noon at buti na lang nasa bahay si Kuya Kade. I decided to ask my brother about Zeph. Dahil bukod sa akin ay madalas niyang ka-bonding ang kuya ko.
Nasa sala si Kuya noon at salubong ang dalawang may katamtamang kapal na mga kilay na nakatunghay sa TV. He was wearing his usual OOTD kapag ganitong nasa bahay—loose T-shirt at board shorts.
Hindi siya mukhang engineer at mas nagmumukhang tambay sa kanto dahil gulong-gulo pa ang kulot na buhok niya habang nakasandal sa sofa at nakadekuwatro ang paa.
Madalas kaming asarin ni Zeph kasi parang male and female counterpart daw namin nag isa't isa. Magkamukhang-magkamukha raw kami at napagkakamalan pang kambal dahil hindi naman halatang mas matanda sa 'kin ng two years ang kuya ko. Saka manang-mana raw ako sa kaniya kasi kapag nasa bahay parehas daw kaming hindi pleasing ang itsura.
Nahahambalos ko si Zeph sa tuwing sinasabi niya 'yon bagay na lagi lang tinatawanan ng buwisit.
Pinaglaruan ni Kuya Kade ang hawak na remote habang nasa screen pa rin ang mga mata. Well, iyon ang favorite niyang past time kapag day off sa trabaho—ang manuod ng six PM news pagkatapos magising sa all day "nap".
Mabibilang lang din sa mga daliri ang mga pagkakataong gumagala siya kapag weekend. Either tulog buong maghapon o kaharap ang pinakamamahal na computer. Si Kadence Guanzon ang buhay na example ng taong walang social life.
Pasimpleng tumabi ako sa kaniya sa mahabang sofa.
"Kuya, may nabanggit bang lakad sa 'yo si Zeph?" Kinuha ko ang throw pillow sa sofa at niyakap 'yon paharap sa kaniya.
Naningkit ang bilugang mga mata niya, na laging matiim kung tumingin, nang bumaling siya sa akin. "Wala naman. Bakit?"
Sumandal ako sa backrest ng sofa saka mahinang napabuntong-hininga.
"Seven days na kasi siyang 'di nagpaparamdam. Baka nagsabi siya sa 'yo kung saang lupalop siya nagpunta.
Hindi na umimik si Kuya Kade. Inasahan ko na iyon kasi hindi naman talaga siya madaldal katulad ni Zeph. Dakilang "snobber at nonchalant" lagi ngang komento ni Ellie kapag nababanggit namin sa usapan.
Nakatutok na ulit ang focus niya sa TV. Nakinuod na lang din ako kahit hindi naman iyon nagsi-sink in sa utak ko.
"Teka, ano ba'ng date ngayon?" tanong niya mayamaya nang parang may naalala.
"November twenty-nine. Bakit, kuya?"
Hindi muna sumagot si Kuya Kade pero umayos nang upo saka humarap sa 'kin. Nagtatakang pinagmasdan ko siya.
"Ngayon 'yon, Kia..." pabiting saad niya.
"Ha? 'Yong ano?"
"Death anniversary ng family niya..."
Nanlalaki ang mga matang natutop ko ang bibig nang ma-realize ko ang ibig sabihin ni Kuya Kade. Napatayo ako at parang wala sa sariling tinungo ang front door.
"Kia, sa'n ka pupunta?" narinig ko pang pahabol na tanong niya pero hindi ko na siya pinansin.
Hindi nag-isip na patakbong tinungo ko ang nag-iisang lugar na sigurado akong pupuntahan ni Zeph. Bigla akong sinalakay ng kaba lalo nang parang movie clips na dumaan sa isip ko ang eksenang iyon siyam na taon na ang nakararaan...
Almost twenty-four hours nang pinaghahahanap si Zeph. Nalibot na yata namin ang buong Zabali ngunit hindi pa rin siya nakikita. Pagkatapos ng libing kahapon bigla na lang siyang nawala. Hinanap namin siya sa paligid ng sementeryo. Bumalik din kami ni Kuya Kade sa bahay nila pero wala siya roon.
We even tried calling him pero napag-alaman naming iniwan pala niya sa bahay ang cellphone niya. At lalo akong kinabahan nang mapansing hindi na naka-park sa garahe nila ang isang kotse ng daddy niya.
"Mommy, ano pong sabi ng mga pulis?" salubong ko pagkapasok pa lang nila ni Daddy ng bahay.
Kagagaling ng mga magulang ko sa pulis station para i-report ang sitwasyon ni Zeph.
"Hindi pa raw siya p'wedeng i-declare na missing, anak, dahil wala pang twenty-four hours mula nang mawala siya." Mahinang bumuntong-hininga si Mommy.
"Ano po? Pero, Mom, dala po niya ang sasakyan ng dad niya. Baka kung ano na po'ng nangyari sa kaniya..." Nanubig ang mga mata ko. Sobra na akong kinakabahan para sa kaibigan ko.
"Hayaan mo, Kia, susubukan ulit naming magtanong-tanong. Umuwi lang kami ng Mommy n'yo to check on you," mahinahong sabi ni Daddy pero bakas sa malalim niyang mga mata ang labis na ring pag-aalala.
"Daddy, gusto ko rin pong sumama," determinadong sabi ko mayamaya.
"Hindi p'wede, anak. Just stay here with Kadence. Kami na lang ng Mommy mo ang lalabas."
"Pero—"
"Sundin mo na lang kami ng daddy mo, Kia. 'Wag kang mag-aalala, hindi kami titigil hangga't hindi namin nahahanap si Zephyrus," buong pagsuyong saad ni Mommy saka niya marahang hinaplos ang pisngi ko.
Wala na akong nagawa kundi sumunod sa utos ng mga magulang namin. For hours naiwan kaming naghihintay ni Kuya Kade sa bahay.
Hanggang five PM na ay wala pa ring balita mula kina Mommy at Daddy. That's when I decided to go against them. Hinintay ko munang makapasok si Kuya sa room niya bago ako dahan-dahang pumuslit palabas ng bahay.
Hindi ko sigurado kung saan hahanapin si Zeph pero nakita ko na lang ang sariling dinadala ng mga paa ko sa partikular na lugar na iyon—ang hanging bridge ng Zabali.
Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa 'kin nang marating ko iyon. Balot na ang paligid ng kulay kahel na liwanang mula sa papalubog na noong haring araw
Nagbakasakali lang akong makikita si Zeph doon kaya gano'n na lang ang kabang naramdaman ko nang matanaw ang bulto ng isang lalaki sa gitnang bahagi ng mahabang tulay! Malakas ang tibok ng puso kong tinakbo ang distansiya palapit dito. Lalong kumabog ang dibdib ko nang maaninag mula sa kinatatayuan ko ang pamilyar na itim na polo na suot ni Zeph kahapon.
I had always been afraid of heights, which is why I never dared to cross that scary bridge. At kahit pa madalas akong yayain doon noon ni Zeph—memorable sa kaniya ang lugar dahil ayon sa dad niya doon nito unang nakilala ang mom niya—never akong sumama sa kaniya.
Pero ngayong nakikita ko siya sa gitna, walang hesitation kong nilunok ang takot at patakbong nilapitan ang entrance ng hanging bridge.
Nanginginig ang mga paang dahan-dahan akong tumapak sa kahoy na sahig ng tulay. Lalong nangatog ang mga tuhod ko nang umihip ang malakas na hangin at bahagyang isinayaw nito ang lubid na hawakan.
Napapikit ako nang matanaw ang malawak at siguradong malalim na ilog sa baba. Ngunit agad din akong dumilat nang dumaan sa isip ko ang puno ng lungkot at hilam sa luhang mukha ni Zeph. I was really afraid to think; he came here to take his own life!
Sa isiping iyon buong tapang na tinalunton ko ang mahabang tulay.
"Z-Zeph!" malakas na tawag ko nang ilang hakbang na lang ang layo sa kaniya.
Lumingon siya mula sa pagtitig sa papalubog na araw.
"D'yan ka lang, Kia! Don't come near me!" ganting sigaw niya.
"'Wag mong ituloy kung ano man 'yang naiisip mo, please! You're not left alone, nandito pa ako..." Nanlalambot na ang mga tuhod ko pero matapang pa rin akong humakbang palapit sa kaniya.
"S-Stop making me feel better, Kia... Don't tell me lies. Alam nating pareho na hindi 'yan totoo!" His voice was hoarse. Ilang sandali pa at malakas na hagulgol na ni Zeph ang maririnig sa paligid.
"So, a-ano'ng gusto mong gawin ngayon? T-Tatalon ka?" I was crying too. Pero kahit nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha tuloy-tuloy pa rin akong lumapit sa kaniya.
"Hayaan n'yo na lang ako... I-I don't know how to handle this pain anymore. Gusto ko na lang matapos 'to," mapait na saad ni Zeph sa pagitan ng pag-iyak.
"T-Then... isama mo 'ko, Zeph!"
Marahas siyang lumingon sa 'kin. Ilang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa kaya kitang-kitang ko ang magkakahalong hinagpis at lungkot sa mga mata niya.
"K-Kung tatalon ka... sasama ako! Let's end this together then. That way hindi ka na mag-isa..." determinadong turan ko.
Nabibingi ako sa kabog ng dibdib ko ngunit lumapit pa rin ako sa kaniya. Mayamaya humarap ako sa direksiyon ng papalubog na araw.
Umihip ang malamig na hangin. Nanginig ang buong katawan ko nang dumapo iyon sa balat ko. Ngunit hindi ko ito ininda. The thought of ending it with Zeph scared me. Pero kung iyon lang ang solusyon para mawala na ang sakit na nararamdaman niya, then I was more than willing to go with him. Gano'n siya kahalaga sa 'kin.
Naghanda ako sa gagawing pagpapatihulog sa ilog. Sumagap muna ko ng hangin bago ko dahan-dahang itinapak ang isang paa sa kahoy na railing ng tulay.
"K-Kia! W-What the hell are you doing?"
Marahas akong hinila ni Zeph palapit sa kaniya at mahigpit na ikinulong sa yakap niya. Nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Malakas akong napahikbi nang masubsob ang mukha ko sa malapad na dibdib niya.
"'D-Di ko alam kung bakit iniisip mong mag-isa ka na lang... Hindi mo ba ako nakikita? Invisible na ba ako sa harap mo, ha? Akala ko ba walang iwanan? Pero bakit nandito ka ngayon?" Kumalas ako sa yakap ni Zeph at marahan kong ikinulong sa mga palad ang kaniyang mukha.
"Z-Zeph... please stop doing this. Just stay with me, okay? Pangako, hinding-hindi kita iiwan..."
Dumapo ang paisa-isang patak ng ulan sa balat ko. Pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa mabilis na pagtakbo. Hindi mawaglit sa isip ko ang pamilyar na eksenang iyon lalong-lalo na ang pait sa luhaang mukha ni Zeph...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro