CHAPTER ONE
HALOS mag-cartwheel ang puso ko nang madatnan ang pamilyar na coffee cup ng L'espresso kasama ang isang tangkay ng red rose sa ibabaw ng table ko. Omgeee! Kulang na lang ay gumulong ako sa sahig dahil sa sobrang kilig.
It was seven in the morning, at saktong-sakto ang timing ng mga iyon para i-boost ulit ang energy ko ngayong araw. Unti-unti nag-switch sa calm mode ang kanina lang ay beast mode na sistema ko.
Dapat naman talaga ay maganda at masigla ang mood ko. Pero dahil nakasabay ko sa pag-clock in si Evil Brenda—bumungad lang naman sa akin ang busangot na mukha niya at sinabayan pa ng pagbabagsak niya ng trabaho—instantly, nasira ang supposedly masaya sanang Friday morning ko.
Acid reflux is waving! nang-aasar na warning ng inner self ko nang akmang hahawakan ko ang cup ng kape.
Pero tinaasan ko lang ng kilay ang kontrabidang bahaging iyon ng isip ko. Lakompake! Marami pa akong stock ng Gaviscon sa drawer ko kaya kiber sa lintik na acid reflux na iyan. Saka masyadong precious ang kapeng ito para ipamigay or itapon ko lang, 'no!
Kasi special ang nagbigay? Tse!
Abot hanggang tainga ang ngiting kinuha ko ang mainit pang cup at nilanghap ang mabangong aroma ng kape from my "special someone". It smelled like cappuccino this time and although it was not my favorite, still, a big A plus for the effort! Hindi na mabura-bura ang malawak na ngiti ko habang inaayos ang mga gamit sa table. Ilang sandali pa at naglaho na ring parang bula ang nalalabing trace ng pagkayamot na kanina lang ay ramdam na ramdam ko.
"Bakit masaya ang beshy ko?"
Mula sa pagbubukas ng laptop, napahalakhak na nag-angat ako ng mukha sa pambungad ng boses na iyon na noon ay kapapasok lang sa faculty room.
"Good morning, Ellie!" masiglang bati ko sa closest friend slash co-teacher ko na parang may lahing Korean pero pure Filipino naman ang blood line. "'Ganda ng OOTD mo ngayon!"
She looked like a K-Drama college girl in her white chunky sweater, which matched her short bob haircut and fair skin tone. She wore a long checkered skirt and paired it with cream-colored ankle boots. Bagama't medyo chubby si Ellie bumagay pa rin sa kaniya ang suot dahil nag-complement iyon sa height niya— kaparehas ko siyang may taas na five feet and two inches.
Napansin kong hindi rin siya naka-glasses ngayong araw. I bet she replaced it with her contacts again. Well, prefer ko ang ganitong look ng friend ko na nafi-flex niya every Friday. Mas maganda ang bukas ng mukha niya kapag wala siyang mga salamin dahil na-e-emphasize nang husto ang expressive na almond-shaped eyes niya at matangos na ilong.
"S'yempre! Hindi p'wedeng ikaw lang ang maganda dahil may pakape at pa-flowers 'yang special someone mo!" natatawang sagot niya then settled herself on the seat beside mine.
Elliena Guerrero was my friend for six years already. College friends kami at blessing in disguise na nagkasabay kaming nakapasok sa Brentwood three years ago. Siya kasi ang nagsilbing karamay ko sa taxing at toxic life ko bilang high school teacher.
My name's Kiara Guanzon, but people often call me "Kia". Turning twenty-five na ako next month and in December I would be four years in the service. Teaching was not my dream job. High school pa lang ako, never ko nang nakita ang sarili sa profession na ito.
I originally wanted to become a doctor, but I didn't make it. Nalugi ang business ni Daddy noong twelve years old ako. That was also why my family, originally from Manila, moved back to Baler when I was about to enter high school.
Dalawa lang kaming magkapatid. Si Kuya Kadence—na nakakuha ng item bilang Engineer I sa municipal office ng Baler—at ako. In the present, my family was doing well. Daddy had retired as a public servant—after his failed business, he had applied for an administrative job in the provincial office of Aurora. Si Mommy naman ay abalang-abala pa rin sa pagbabantay ng maliit na sari-sari store namin.
Though, hindi na katulad ng dati ang status namin financially, still, I was able to enjoy my life. At kahit pa hindi ako napunta sa med school noong college, nagawa ko namang ma-appreciate ang tinapos ko kahit malayo iyon sa dream course ko.
I enjoyed my first year in the teaching profession. I was fortunate enough to be hired immediately by Brentwood Learning Academy, one of the premier schools in the entire province of Aurora. Masaya ang working environment ko dahil hindi toxic ang co-teachers. Well, nagbago lang naman iyon noong pangalawang taon ko na sa serbisyo.
Simula kasi nang mapalitan ang mabait at understanding na si Mr. Elizaga bilang principal ng high school department, naging living hell na rin ang buhay ko sa Brentwood. That was because Brenda Sabado entered the picture.
Si Ma'am Sabado o Evil Brenda para sa aming subordinates niya ay talo pa ang Uranium dahil sa pagiging toxic. Hindi ko alam kung paanong naging "favorite" niya ako sa department namin. One day, nagising na lang akong halos bahay ko na ang office niya dahil sa sandamakmak na trabahong ipinapasa niya sa akin.
Ngayon ko na-realize, wrong move na masyado kong ginalingan noong nagsisimula pa lang ako. Ang ending tuloy ay ako ang naging tagasalo sa mga "pasakit" na dapat ay hindi naman para sa akin.
Letse talaga!
Sinunod ko na rin ang suggestion ni Miss Cherry—ang secretary ni Evil Brenda—na magreklamo at umalma sa mga utos niya pero sadyang bingi at bulag ang punyetang witch na iyon.
Walang effect! Wish ko na lang talaga na sana'y mag-sixty-five years old na siya para makapag-retire na. That way wala na ring nagpapahirap sa akin!
Pero 'di ka naman halatang hirap sa lagay na 'yan, 'te. Mukha ka ngang in love 'di ba?
At that thought, parang drum na tinambol ang puso ko. Lumuwag ang pagkakangiti ko. Tama si inner self. Mabuti na lang talaga at inspired pa rin ako constantly, despite the fact that I was the witch's favorite. Heto nga at kinompleto ang araw ko dahil sa kape at bulaklak na iniwan niya sa table ko.
"O, ano na namang sinulat ni Lover Boy sa 'pamapakilig' note niya sa 'yo, girl?"
Nag-init ang magkabilang pisngi ko at kulang na lang magtatatalon sa tanong na iyon ni Ellie. Magaan ang pakiramdam na sumandal ako sa backrest ng swivel chair at binasa ulit ang message sa sticky note.
"P'wede bang maging reason ang mga 'to para ngumiti ka ngayong araw? Keep having that sweet smile of yours, Kia..."
"Sheesh! Ang haba ng hair!" Gigil na pinaghahampas ako ni Ellie sa braso.
Ako naman ay impit na napatili dahil sa kilig. Shit! 'Yong puso ko!
"At talagang in love na nga po si Ma'am Kia Guanzon!"
Nagkatawanan kami ni Ellie nang pumailanlang sa faculty room ang boses na iyon. It was Raffy at ang lawak ng ngiti nitong palapit sa amin. Kung si Ellie ang closest female friend ko, si Rafael Antonio—na parang older version ni Iñigo Pascual pero mas wavy lang ang buhok at mas matangkad nang kaunti—naman ang pinakamalapit na male friend ko sa Brentwood.
Pinasadahan ko ng tingin si Raffy. He looked stylish in his navy blue polo, which was neatly tucked into his cream-colored trousers. Sa itsura niya, hindi siya mukhang dalawang taon na mas matanda sa amin. Malayong mas bata siyang tingnan.
Magpinsang-buo kami, at mula pagkabata, mas gusto niyang "Raffy" lang ang itawag ko sa kaniya kahit pa nga magkaedad sila ni Kuya Kade. Only brother ni Mommy si Tito Henry na papa niya.
Narinig ng ibang nagsisidatingang co-teachers ko ang sinabi ni Raffy kaya nakisali na rin sila sa pang-aasar sa akin. Ako naman ay tamang ngiti lang ang response.
"Teka, nasa'n ba kasi 'yang si Jiro at nang makant'yawan natin?" tudyo pa ng loko-lokong pinsan ko.
"I do not know." Nagkibit-balikat ako. "Pagdating ko kanina nasa table ko na ang mga 'yan. He's probably somewhere around the campus."
Actually, hindi naman ito ang first time na nagbigay ng special present si Jiro. I had been receiving a lot from him for a year already. I admit that I had a major crush on Jiro Elizalde ever since I met him two years ago. Well, hindi ako nag-iisa sa dilemma na ito kasi halos buong female population yata ng Brentwood—both teachers and students—ay nakikita siya bilang ideal boyfriend.
Why? Because he was indeed perfect for the role!
He had the brains and the looks. He was a walking Filipino counterpart of Chris Evans. Moreno version nga lang at chocolate brown ang kulay ng mga mata. Pero iyong height at build ay kuhang-kuha niya. Saka kapag ngumiti siya... literal na makalaglag panty! He was also a complete gentleman—kind and undeniably caring.
Girls—including me—really swoon over him dahil bukod sa qualities niya, galing din siya sa magandang pamilya. Kilala sa business world ang parents niya.
Kaya ngayong nasa akin na ang atensiyon niya, I really couldn't help but to assume that we really had that so-called "something". Ilang beses ko nang ni-remind si self na huwag umasa nang bongga pero nakapakahirap gawin.
Well, we've been on countless dates and often exchanged chats and calls on Messenger. Kapag naman nasa school, madalas ay kasama ko siya kasi bukod sa akin, isa rin si Jiro sa pinipeste ni Evil Brenda dahil sa constant demands ng bruha.
Sabi nga ni Ellie, "podcast" na raw ang meron kami dahil lampas na lampas na ito sa "talking" stage. Proper label na lang talaga ang kulang para masabing may "kami". And I'd been waiting for him to say it out loud.
Para magkaroon na talaga ako ng "K" na kiligin fully sa actions niya towards me. Pero dahil patient naman ako, I would wait for that day to come. I knew—I was a hundred percent sure—that it would happen soon.
Sa isiping iyon lalo akong napangiti.
─•❉᯽❉•─
THERE was really this one thing that I hate about my job—iyon ay ang walang katapusang overtime! Six-thirty PM na pero nasa faculty room pa rin ako at pinaghihirapang buuin ang action research na collaboration namin ni Jiro. Of course, hindi ko gagawin ito kung walang instruction mula sa pinakamamahal naming principal.
"I should've brought us an additional cup of coffee, Kia. Mukhang kailangan nating lamayin ang manuscript natin."
Lihim na napangiwi ako sa sinabi ni Jiro sa tabi ko. He was occupying Ellie's seat. I was experiencing the after-effect of drinking that damn coffee. Letse! Hindi effective iyong Gaviscon na ininom ko!
Heto at halos maglupasay na ako dahil parang punong-puno ng gas ang tiyan ko at sobrang bigat nito sa pakiramdam. Idagdag pang pagod at stress na ako sa kanina pang pagbabasa ng sandamukal na research articles.
Inalis ko ang suot na reading glasses at tila ba lantang gulay na sumandal sa upuan. Wala na sa ayos ang kanina lang ay nakalugay na curly hair ko. Nakatali na iyon ngayon in a really messy bun. Gusot na rin ang itim na long sleeve top ko at naalis na ang pagkaka-tuck in nito sa suot kong trousers.
Ramdam kong oily na rin ang mukha ko dahil hindi man lang ako nakapag-retouch ng make up kanina. I felt extremely self-conscious and quite worried as well, kasi baka ma-turn off si Jiro sa akin—na sobrang fresh at maningning pa ring tingnan kahit gabi na.
Kanina pa nakauwi sina Ellie pati na ang ibang co-teachers namin. Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang tumayo at iwanan si Jiro dahil sa sobrang discomfort na nararamdaman. Kaso hesitant naman ako dahil hindi rin iyon maatim ng konsensiya ko.
Gaga ka kasi! Alam mo na ngang may acid reflux ka, sumige ka pa rin. Aba'y deserve na deserve mo talagang mag-suffer, 'te!
Gusto kong umirap sa komentong iyon ng atribidang inner self ko. Aware nga akong gaga talaga ako, bakit kailangan pang ipangalandakan? Kaasar!
Sunod-sunod pa akong nag-inhale exhale. Ginawa ko iyon ng mga ten times. Akala ko ay magiging maayos na ako pagkatapos. Pero letse lang kasi lalong nanigas ang sikmura ko! Naramdaman ko ring namumuo na ang butil-butil ng malamig na pawis sa noo ko kahit air conditioned naman ang kinaroroonan namin.
Shit! Nasa threshold limit na talaga ang pag-aalboroto ng sistema ko!
Mayamaya wala na sa sariling mabilis kong isinara ang laptop. Gulat namang bumaling si Jiro sa akin, may bahid ng pagtataka ang mukha.
Pinilit kong kumalma at ngumiti nang matamis sa kaniya. "Siguro p'wedeng ituloy na lang natin 'to at home? Friday naman ngayon. Deserve din nating mag-rest."
"Alright. I guess, we can call it a night. Mukhang kailangan mo na rin talagang magpahinga, Kia. You really looked too tired. Okay ka lang ba?" Bakas ang pag-aalala sa guwapong mukha niya habang nakatitig sa akin.
Kaya ako hulog na hulog kay Jiro, eh! He's always like this. Napaka-caring!
"Y-Yeah, I'm good. No worries." A smile was fixed on my face kahit kaunti na lang ay ngingiwi na talaga ako.
Seconds later, mariin kong nakagat ang labi nang mamilipit pa lalo ang pesteng tiyan ko. Pero hindi ko pa rin iyon ipinahalata kay Jiro. Ayaw kong malaman niyang may pangit na epekto sa akin ang kapeng binigay niya. I don't want him to get upset. Nag-effort pa naman siya para doon. Saka ginusto ko rin naman ito.
Sige, magpakagaga ka pa nga, 'te! Martyr lang 'yarn?
Ilang ulit pa akong pinagmumura ng inner self ko pero wala sa mga iyon ang pinansin ko.
Hanggang sa ibaba ako ni Jiro sa entrance ng village. Seven PM na noon. He was insisting na ihatid ako hanggang bahay pero nahiya na akong lalo pa siyang abalahin. Saka late na rin at malayo pa ang uuwian niya. Bibiyahe pa kasi siya sa Maria Aurora, which was a nearby municipality of Baler.
Ilang sandali pa ay binabagtas ko na ang tahimik na alley ng village namin—na kahit gabi na ay maliwanag pa rin dahil sa nagkalat na poste ng mga ilaw sa paligid.
Though it was not an exclusive subdivision—at kakaunti lang din ang residenteng nakatira—considered safe ang buong lugar. Kilalang peaceful at crime-free ang barangay Zabali kaya hindi rin nakakatakot magpakalat-kalat sa premises nito kahit malalim na ang gabi.
Habang naglalakad napansin kong unti-unting nawawala ang bloated feeling ng tiyan ko. So, effective nga talaga iyong nabasa kong nakatutulong ang walking exercise para i-relieve ang discomfort mula sa acid reflux.
Talaga, 'te? O, kino-convince mo lang ang sarili mong tama ang decision mong pagpapakabayani para sa crush mo?
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng antagonistang bahagi ng isip ko. Hindi ko alam kung masaya ba talaga sa love life ko o ano. Of course, concern lang ako kay Jiro. Saka nadadala pa naman sa lakad ang bigat ng pakiramdam ko. At least, pag-uwi ko wala na ang acid reflux ko.
Palusot 'yarn? narinig ko pang sigaw ng inner self ko pero hindi ko na lang pinansin.
Seconds passed, umihip ang malamig at sariwang panggabing hangin. Saglit na tumigil ako at dinama ang pagdampi nito sa balat ko. Napangiti ako nang maghatid iyon ng ibayong relief sa pakiramdam.
Wala sa loob na napatingala ako. And just like what I expected, binati ako ng bilog na bilog na buwan pati na rin ng hindi mabilang na nagkikislapang mga bituin sa malawak at maaliwalas na kalangitan. For a moment, naibsan ng tanawing iyon ang pagod at stress na kanina lang ay dala-dala ko.
Then a realization hit me, matagal na panahon na rin pala mula nang gawin ko ang masinsinang pagtitig dito—and gave much appreciation to its beauty. I could still remember, favorite past time ko iyon noong teenager ako.
Palibhasa ngayong adult na ako lagi kong nirarason na busy ako at wala nang oras para mag-relax. Kaya upang sulitin ang rare moment na tulad nito, ilang segundong hinayaan ko ang sariling tumayo lang sa gitna ng kalsada at pinagsawa ang mga mata sa magandang tanawing iyon.
"Kia?"
Automatic na nagbawi ako ng tingin at hinanap sa paligid ang pamilyar na baritonong boses na tumawag sa akin. I blinked for a couple of times, hanggang sa malakas na mapasinghap nang ma-recognize ang taong nakatayo ilang hakbang ang layo sa kinaroroonan ko.
Gosh! Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling nakita ang anino niya sa Zabali!
Patakbong lumapit ako sa kinatatayuan niya sa harap ng noon ay sarado nang L'espresso—his newly established coffee shop. Malapad ang ngiting ibinuka niya ang dalawang braso and urged me to come closer for a hug.
Mahina akong natawa saka tinawid ang natitirang distansiya sa pagitan namin. Ilang sandali pa nakakulong na ako sa mahigpit at comforting na yakap niya.
"Hoy, Zeph! Saang lupalop ng earth ka ba galing at bakit ngayon lang ulit kita nakita, ha?" hindi pa rin makapaniwalang bulalas ko nang pakawalan niya ako pagkaraan ng ilang segundo.
"D'yan lang sa tabi-tabi," he jokingly answered. Mayamaya playful na ginulo ni Zeph ang buhok ko. "Na-miss kita, Kia!"
"Me too!" This time ako naman ang tumingkayad para abutin at guluhin ang layered at noon ay bahagya nang mahabang buhok niya. Zeph's response was a soft chuckle—bagay na sobrang na-miss ko ang tunog.
"Pauwi ka pa lang?"
Tumango ako bilang sagot.
"Ang boring ng buhay mo. Work-bahay pa rin? At this rate, hindi ka na talaga magkaka-jowa, Kia!" Mapang-asar na ngumisi si Zeph.
Malakas na nahampas ko ang braso ng lintik, bagay na tinawanan lang niya.
"Siraulo ka talaga! Akala ko nagpakabait ka na sa pinanggalingan mo. D'yan ka na nga!" Inirapan ko siya saka nauna nang naglakad.
"Joke lang! Sandali, Kia!" patakbong tawag ni Zeph na agad ding sumunod sa akin. Palibhasa matangkad siyang tao kaya mabilis din niya akong naabutan. Mayamaya marahan akong inakbayan.
"Ang pikon pa rin nito. Sayang ang dami ko pa namang pasalubong sa 'yo."
"Bawiin mo kasi 'yong sinabi mo'ng hindi na ako magkaka-jowa! 'Wag mong i-jinx ang love life ko utang na loob, Zephyrus!" asar na bulalas ko saka siya mahinang siniko sa tagiliran.
Exaggerated na daing ang sagot ni Zeph sa ginawa ko. Seconds later, panay na ang asaran namin habang nonstop ang tawanan. Hindi na nawala ang malawak na ngiti ko habang naglalakad kami pauwi.
Ah, I really missed this! As always may kakaibang sayang hatid ang isiping nandito na ulit ang loko-lokong si Zeph para maging dakilang taga-aliw ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro