CHAPTER FOURTEEN
ZEPHYRUS
"SERYOSO ka ba talaga sa kapatid ko?"
Nilingon ko si Kade mula sa ginagawa kong pagtitig kay Kia—na noon ay masayang nakikipagkuwentuhan kina Ellie at Raffy ilang hakbang ang layo mula sa counter. Nakangiti pa akong nagbawi ng tingin dahil hindi ko mapigilang huwag mahawa sa magandang ngiti ng babaeng siyang focus ng mga mata ko.
However, my smile faded when I got to see Kadence's stoic face. Bigla siyang sumulpot sa shop kanina at halos ilang minuto na ring nakaupo sa paboritong puwesto ng kapatid niya sa tabi ng counter.
"And what exactly do you mean by that?" kunot-noo at may pagtatakang tanong ko. Hindi ko na naituloy ang ginagawa kong pag-aayos sa inventory ng supplies ng L'espresso para sa susunod na linggo dahil sa biglang tanong na iyon ng kaibigan ko.
"If you can't love her back just leave my sister alone. Ayaw ko siyang makitang umiyak ulit dahil sa 'yo."
Tuluyan kong itinigil ang ginagawa at seryosong tumitig sa kaniya.
"Mahal ko si Kia, Kade."
If it was possible to love the same person for thirteen long years, then I guess I was able to set the standard. Matagal ko nang mahal si Kia, at hindi iyon nagbago kahit matagal na panahon ang lumipas bago kami muling nagkita.
"How about Kendra, Zeph? I heard she's back." Mukhang walang balak si Kade na paniwalaan ang sinabi ko dahil nagawa pa rin niyang itanong iyon.
"Alam mong matagal nang tapos ang lahat sa 'min. I made it clear with her before I left."
"Aren't you going to get swayed? Hindi ba't minahal mo rin siya? You even got engaged two years ago."
Kade really had a knack for triggering someone's bad side with his brutal frankness. Heto at ayaw niya akong tantanan sa parang walang katapusang mga tanong niya. Saka alam namin pareho na hindi mangyayari ang alin man sa mga sinasabi niya. What Kendra and I had was already a part of history. That chapter of our story ended when she admitted to cheating on me.
A month before our wedding, I called off the engagement. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan sa ginawa niya. I did love Kendra. Nang makilala ko siya, I thought I finally found a place I could call "home".
We had a lot in common. Kendra was an architect. Katulad ko matagal din siyang nanirahan sa UK. We were both fresh graduates from college when we first met. Nagkakilala kami nang magkasabay sa parehas naming unang job interview. Right there and then our personalities clicked. Lalo na nang mapag-alaman naming kapwa kami Pinoy at halos sa iisang probinsiya lang nakatira—she was from Maria Aurora.
Kendra was sweet and bubbly. Kahit sino ay gugustuhing makilala siya nang husto. At hindi ko inakalang ang unang pagkikita naming iyon ay ang maglalapit sa 'ming dalawa. As clichéd as it may be, we started as friends and eventually became lovers.
I thought she was ready to spend her life with me forever when I asked her to marry me. Ngunit nagkamali ako. Instead, she cheated on me and, funny enough... blamed me for it. Sinabi ni Kendra na hindi niya naramdamang minahal ko siya kaya siya naghanap ng iba. Na ginamit ko lamang siya para pagtakpan ang napakaraming pagkukulang sa buhay ko. She told me I was a broken man living an equally shattered life.
"Minahal kita, Kendra. Alam nating pareho 'yan..." ang naging sagot ko nang paulit-ulit niyang ipamukha sa 'king kasalanan ko ang lahat kaya niya nagawang magloko.
"That wasn't love at all, Zephyrus! Kasi kung totoong mahal mo ako, hindi mo dapat itinatago sa akin ang totoong nararamdaman mo. Kung mahal mo ako, hahayaan mong makihati ako kahit pa sa pinakamasakit na parte ng buhay mo. But you kept on pushing me away whenever you're suffering. You kept hiding your pain!"
Nang mga oras na iyon buong akala ko'y nagsinungaling lang si Kendra para tuluyan ko siyang pakawalan. Ngunit nang umuwi ako sa Pilipinas at muling hinarap ang masakit na nakaraang siyam na taon kong tinakasan, noon ko napagtantong tama nga siya.
I was indeed shattered inside. Kailanman hindi ko nagawang tumakas. Kahit na minahal ko si Kendra at sinikap na buuin ang bagong buhay kasama siya, I did fail big time in doing that. Tama siya, hindi ako kailanman naging buo. Patuloy pa rin akong hinahabol ng mga bangungot ng masakit na nakaraan ko.
"And admit it, Zeph. Kahit kailan hindi ko nagawang palitan sa puso mo ang unang babaeng minahal mo. Akala mo ba hindi ko alam? I'm all aware that you're still in love with your best friend!"
Those words from Kendra made me realize that I had been in love with Kia for God knows how long. At kahit pinilit kong kalimutan siya, hindi ko ito nagawa. Dahil kasama si Kia—at ang tunay kong damdamin para sa kaniya—sa mga kinailangan kong harapin nang bumalik ako dalawang taon na ang nakararaan.
"No. Hindi 'yan mangyayari," nakangiting saad ko nang sagutin ko si Kade mayamaya.
Nanatiling tahimik si Kade habang sinusukat ako ng tingin. Alright, I do understand that he was just concern about Kia. Pero wala bang tiwala ang kaibigan ko sa akin? Kung magtanong siya ay para bang isa akong walking red flag na kailangang iwasan ng kapatid niya!
"Sandali nga, bakit ba masyado kang seryoso ngayon, ha? Hindi ka ba satisfied d'yan sa lasa ng dark choco frappe mo?" magaang tanong ko at pilit na iniba ang usapan.
Wala sa loob na binalingan ni Kade ang inumin sa mesa niya. He took a sip from it with that nauseated look on his face. "Ang pangit ng lasa. Mabuti pa ipasara mo na 'tong shop mo."
"Gago!" Ibinato ko sa kaniya ang hawak kong ball pen na sabay naming ikinatawa.
─•❉᯽❉•─
PAGKATAPOS ng naging pag-uusap namin ni Kade, I decided to be clear with my intentions with Kia. I don't want her to be confused about my feelings towards her, especially with Kendra's presence in Zabali.
"Zeph, can we talk?"
Nagulat ako nang makita si Kendra sa harap ng gate ng bahay ko. It was five PM at napaaga ng isang oras ang uwi ko. I was actually looking forward to getting home. Noong isang araw ko pa gustong hilahin ang oras para agad na matapos ang business engagement ko. Kung hindi lang importante iyon ay ipagpapaliban ko muna at mas pipiliin na lang manatili sa Zabali kasama si Kia. Ngunit concern doon ang franchise expansion ng L'espresso kaya kahit ayaw ko man kinailangan kong asikasuhin iyon.
It has been a week since I last saw Kendra, and I've been actively avoiding her. I couldn't find any reason to talk to her. Matagal nang tapos ang relasyon namin. I thought we had closure before I left her two years ago. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit biglang ganoon na lang ang kagustuhan niyang magkabalikan kami. Bago pa man sabihin sa akin ni Kia na layuan ko si Kendra at huwag nang bumalik sa kaniya, matagal nang buo ang desisyon ko. After all, she was the one who pushed me away. She asked me to let her go dahil ayon sa kaniya, hindi niya kayang manatili sa tabi ko.
"I'll be leaving tonight, Zeph. Gusto ko lang magpaalam sa 'yo nang maayos," maagap na dagdag niya nang hindi ako agad sumagot.
Mahina akong bumuntong-hininga. "Alright, let's talk inside then."
Mayamaya kapwa na kami nasa sala habang nakaupo nang magkaharap sa isa't isa.
"Ano'ng gusto mong pag-usapan natin, Kendra?" mahinahong simula ko habang titig na titig sa kaniya.
"I wanted to properly apologize for pestering you. I thought I could take you back pero mukhang talagang wala akong laban sa kaniya d'yan sa puso mo." Ngumiti si Kendra ngunit kapansin-pansin ang pagdaan ng sakit at panghihinayang sa mga mata niya.
"I'd like to say sorry for hurting you as well, Kendra. I know it may sound like it's too late now."
"No. You don't have to say that. Alam natin pareho na ako ang dapat na humingi ng tawad sa 'yo. I hurt you and even accused you of not loving me back. Lately ko na lang na-realize na ako pala itong nagsayang ng chance para makasama ka. You asked me to marry you but I cheated on you instead. Iyon ay dahil nawalan ako ng tiwala sa 'yo at nagpakain sa insecurities ko."
Nagsimulang mamasa ang mga mata ni Kendra. As I stared at her, I caught a glimpse of regret she had harbored for too long. Kahit paano, hindi ko rin magawang magalit sa kaniya sa kabila ng ginawa niyang panloloko sa 'kin. Lalo na't alam kong may kasalanan din ako roon.
Kendra was a good person. I wouldn't have fallen for her if she weren't. It was just sad because I never had the chance to be honest with her. Ngunit alam ko rin na kung babalikan namin ang panahong iyon, masasaktan at masasaktan ko pa rin siya. Dahil na-realize ko na kahit ano pa ang mangyari, kahit ilang taon pa ang dumaan si Kia pa rin ang pipiliin ng puso kong mahalin. I might learn to love someone—just like I did with Kendra—but I knew that I wouldn't love anyone as much as I loved Kia...
Buong sinseridad na ngumiti ako sa kaniya. "Let's forget about it and finally move on, Kendra. Palayain mo na rin ang sarili mo. I also hope you find someone who will love you even more than I did."
Marahang pinahid ni Kendra ang luhang umagos sa pisngi niya saka natatawang tumayo. "Thanks for trying to make me feel better. Okay, I think I need to leave now bago pa bumaha ang luha ko rito."
Nasa porch na kami nang muli niya akong balingan. Humarap siya akin. "You must really be in love with that lucky bitch, Zephyrus."
Mahina akong natawa sa sinabi niya. "You bet. But I'd appreciate if you'd call my girl by her name. It's Kia."
Bahagya siyang umirap sa akin ngunit ilang sandali ay humalakhak din naman. "Oo, alam ko! Nasa UK palang tayo kilala ko na siya. Now, can you just hug me para kahit paano'y maibsan naman ang sakit ng puso ko?"
Malawak pa ring nakangiti si Kendra ngunit mayamaya pa'y nag-unahan na ang mga luha niya sa pagpatak. "Thanks for loving me, Zephyrus..."
It was then my cue to pull her closer for a gentle hug. Nakangiting marahan kong hinaplos ang buhok niya. "Let's be happy now, Kendra."
Nasa ganoong kalagayan kami nang biglang pumailanlang ang ingay sa paligid. Pareho kaming kumalas sa yakap ni Kendra at tumingin sa direksyon nito. Namilog ang mga mata ko nang makitang nakatayo si Kia ilang hakbang mula sa kinaroroonan namin.
She stood there, staring at me with a mix of emotions—shock, hurt, and confusion—in her eyes. After a moment, she quickly turned away and ran out of the gate.
"Fudge! I guess, ito na 'yong moment na magmumukha na talaga akong kontrabida sa mga mata ng girlfriend mo. Hurry and go after her, Zephyrus!"
Hindi na nag-isip na mabilis kong iniwan si Kendra.
"Kia!" malakas na tawag ko pero hindi ito lumingon at nagpatuloy sa paglayo.
─•❉᯽❉•─
"KIA, please, pakinggan mo 'ko..." puno ng pagmamakaawang saad ko habang titig na titig sa nakabukas na bintana ng k'warto niya. Nasa tapat ako no'n habang kausap ko siya sa kabilang linya.
I felt relieved when she answered the call a while ago. Pero agad ko rin iyong pinagsisihan lalo nang marinig ko ang garalgal na tinig niya. Fuck! It was breaking me apart to think that she was hurting because of me!
"Ano pa ba ang dapat kong marinig sa 'yo, Zeph?" mapait at puno ng hinanakit na sagot niya mayamaya. "Hindi naman ako bingi at bulag. Malinaw sa akin ang lahat. Saka 'wag kang mag-alala. Hindi ako eng-eng para 'di ma-gets kung ano talaga ang gusto mong mangyari. I understand, hindi mo ako kayang mahalin. Ako lang itong tatanga-tangang pinaniwala ang sariling may response ang feelings ko para sa 'yo."
Napipi ako nang ilang segundo sa mga narinig ko sa kaniya. At nang sa wakas magawa kong mahanap ang boses para magsalita noon naman niya biglang pinatay ang tawag. Kasabay ng beep sa kabilang linya ay siya ring pabalibag na pagsara ng bintana sa tapat ko.
Damn it, Zeph! Ano ba 'tong kagaguhang ginawa mo?
Napapamurang naihilamos ko ang mga palad sa mukha. I felt too devastated. Hindi ko alam kung paano pa ako magpapaliwanag kay Kia kung ganitong ipinagtatabuyan niya ako. Hindi ko rin gustong palipasin ito dahil ayaw kong tuluyang paniwalaan niya ang maling assumptions tungkol sa damdamin ko sa kaniya.
Fuck it! Fuck that damn timing! Gusto kong sapakin nang paulit-ulit ang sarili ko. Bakit hindi ko na lang inamin sa kaniyang mahal ko siya nang mag-confess siya sa 'kin?
Ilang sandali pa akong parang tangang nakatayo sa gitna ng kalsada nang magpasya akong lumapit sa gate nila. Pinindot ko ang doorbell at hinintay na pagbuksan ako. Ganoon na lang ang relief na naramdaman ko nang makita si Tita Lou palapit sa 'kin.
"O, Zeph. Ikaw pala, hijo. Hindi pa ba kayo nagkikita ni Kia? Akala ko'y lumipat 'yon sa bahay mo kanina?" puno ng pagtatakang tanong ng mommy ni Kia.
"Hindi nga po, Tita, eh. Nand'yan po ba siya? P'wede ko po ba siyang makausap?" Ipinagpasalamat ko lang na hindi napansin ni Tita ang pagsisinungaling ko.
"Sige, pumasok ka at puntahan mo na lang sa k'warto niya. Siya nga pala, maiwan na muna kita rito at titingnan ko iyong niluluto ko."
Nakapasok na si Tita Lou sa pintuan at naglakad ako papunta roon nang biglang makasalubong ko si Kade na papalabas. Napansin ko ang seryosong mukha niya. Nag-igtingan ang kaniyang mga panga at dumilim ang tingin niya nang tumutok ito sa akin.
Ganoon na lang ang gulat ko nang biglang kuwelyuhan niya ako at marahas na itinulak palabas ng gate. Ilang sandali pa at hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Agad niyang sinalubong ang mukha ko ng malakas na suntok—sapat para yanigin ang buong sistema ko.
Napaluhod ang mga paa ko sabay ng pagbagsak ng katawan ko sa maalikabok at magaspang na kalsada. Umiikot nang husto ang paningin ko. Mariin akong napapikit ngunit agad ding dumilat pagkatapos ng ilang sandali. Mayamaya hindi ko na maramdaman ang parte ng mukha kong sinuntok niya dahil sa pamamanhid nito.
"Fuck, Kade! Ano'ng problema mo?" hindi makapaniwalang sigaw ko nang makabawi. Pinilit kong tumayo kahit nahihilo pa rin. Natikman ko ang dugo sa labi kong pumutok dahil sa suntok niya. Napapamurang napadura ako sa kalsada.
"Ikaw ang problema ko, putangina ka! Hindi ba't sinabihan na kitang 'wag mong sasaktan si Kia kung hindi mo siya kayang mahalin? Ano'ng ginawa mo, ha?" Lumapit ulit siya sa 'kin at marahas na hinila ang kuwelyo ng suot kong damit.
"Kade, damn it! Pakinggan mo muna ako!"
"Putangina, Zeph! Ano pang palusot ang sasabihin mo, ha? Kitang-kita ko kung paano umiyak si Kia kanina dahil sa 'yo!" Dumadagundong ang boses ni Kade sa buong paligid. Sa tagal naming magkaibigan ngayon ko lang siya nakitang ganitong galit na galit.
Akma na niya akong aambaan ulit ng suntok pero maagap at mariin kong pinigilan ang kamay niya.
"Fuck, man! Listen, will you? Bago mo gawing punching bag ang mukha ko hayaan mo munang magpaliwanang ako!" frustrated nang sigaw ko. Halo-halo na ang sakit na nararamdaman ko—puso at lintik na mukhang sinuntok na gagong Kade na ito!
Ilang segundong tumitig siya akin. Nang mapansin niya sigurong halos maglupasay na ako dahil sa dami ng emosyong nararamdaman ko, ibinaba niya ang kamao at hinayaan akong huminga. Bahagya ring kumalma ang kanina lang ay mataas na emosyon niya.
Umayos ng tayo si Kade at humalukipkip. "Siguruhin mong matutuwa ako sa palusot mo. Tandaan mo, nakasalalay d'yan ang kapalaran ng mukha mo ngayong gabi."
Ngali-ngaling tad'yakan ko ang gago sa sinabi niya. Pero hindi ko rin naman siya masisisi. May kasalanan din talaga ako kasi dahil sa 'kin umiiyak pa rin hanggang ngayon si Kia. Parang mahigpit na piniga ang puso ko nang dumaan sa isip ko ang puno ng hinanakit at luhaang mukha ni Kia.
"Kia misunderstood everything. Mali siya ng pagkakaintindi sa nakita niyang eksena sa pagitan namin ni Kendra kanina."
"At ano'ng nakita niya? Nahuli niya kayong nagsi-sex?"
"Gago! P'wede bang patapusin mo muna ako?" nanggagalaiting minura ko si Kadence. "Nakita niyang magkayakap kami ni Kendra sa porch ng bahay ko. But believe me, Kade, walang ibig sabihin iyon! We had our closure at nagpaalam lang talaga si Kendra dahil babalik na siya sa UK ngayong gabi."
"Dinala mo si Kendra sa bahay mo. Hindi kaya gumawa talaga kayo ng milagro at façade lang 'yong yakapang nakita ng kapatid ko?" nanunuri ang tinging saad ni Kade.
"Kade, kaibigan ba talaga kita, ha? Kailan pa ako nagsinungaling?" Kulang ay sabunutan ko na ang buhok ko dahil sa labis na inis.
"No'ng twelve years old ka at sinabi mong wala kang gusto kay Kia pero nahuli naman kitang pangiti-ngiti habang nakatitig sa kaniya."
Fuck, Kadence! Sa mga pinagsasabi niya mas gusto ko na lang ulit makipagsuntukan sa kaniya dahil anumang sandali ay magdidilim na rin ang paningin ko.
Pero mayamaya ay sumeryoso si Kade at pinakatitigan ako. "Fix this mess, Zeph. Kung totoo ang sinasabi mo, magpaliwanag ka nang maayos kay Kia. Don't hurt her anymore, she'd been through a lot. Saka marami na siyang naiiyak dahil sa 'yong putangina ka!"
"But she wouldn't talk to me..." nawawalan ng pag-asang saad ko.
"Problema mo na 'yan. Pinaiyak-iyak mo kaya suyuin mo."
Iyon lang at nilayasan na ako ni Kade. I was left standing there—hurting, devastated, and miserable.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro