CHAPTER ELEVEN
I STILL love you, Zephyrus, and I want you back...
Shit! Kahit wala na ako sa harap ng dalawa, parang sirang plakang nag-e-echo pa rin ang salitang binitiwan ng babaeng iyon sa isip ko! Frustrated na naisubsob ko ang mukha sa kumpol ng unan sa bed ko.
Ito na ba ang reality ng warning ni Kuya Kade sa 'kin kanina? Dumating agad-agad?
Gusto kong sumigaw. Bakit hindi ko na-realize na p'wedeng isang araw ay dumating na lang ang babaeng iyon at magpakita ulit kay Zeph? Bakit?
I knew she was Zeph's ex-fiancee. Hindi pa man kami nagkikita alam kong ito ang babaeng tinutukoy ng mga magulang ko. Two years ago, Zeph got engage with her. They were about to get married a month after pero hindi iyon natuloy. Nalaman ko na lang na nag-cheat pala ang babae kay Zeph. Iyon din ang rason kung bakit umuwi si Zeph sa Pilipinas.
Laking gulat din namin nang mag-decide siyang ipa-renovate ang lumang bahay nila pati na rin ang pagtatayo niya ng negosyo sa Zabali. After what happened to his family we never expected him to settle down in Baler. Kasi aware kaming hinding-hindi niya makakalimutan ang masakit na pangyayaring iyon.
Naalala ko pang naawa at nainis ako sa sinapit ni Zeph nang malaman ko iyon. I was tempted to ask him about what happened pero mas pinili kong hayaan ang sariling walang alam. After all, I decided to be just friends with him dahil buong akala ko'y kaya kong kalimutan ang feelings ko sa kaniya.
Also, two years back, he appeared alright. Kahit minsan hindi siya nagkuwento tungkol sa struggles niya. At dahil mukha siyang okay at hindi halatang broken hearted, I assumed na naka-move on na siya mula sa nangyari sa kanila ng babaeng iyon.
But again, I was wrong. Kasi ngayon ko na-realize na total expert si Zeph pagdating sa pagtatago ng nararamdaman niya. At ito ang second time na mawi-witness ko iyon. Ironic kasi naging saksi pa talaga ako sa comeback ng ex niya. Tapos narinig ko pa ang comeback line nito!
Wala sanang kaso iyon kung totally limot ko na ang feelings ko kay Zeph. I'll just probably shrug that off. Pero dahil nananahan pa rin ang lintik na damdaming ito sa puso ko, lalo ko tuloy gustong magluksa. Ni hindi ko nga alam kung paano ko iha-handle ang nararamdaman ko tapos bumalik pa ang ex niya? Paano kung ma-sway ulit si Zeph at magkabalikan sila? Paano naman ang puso ko?
Talk to him before it happens, Kia. Tell him how you feel. Malay mo ikaw na pala ang gusto niya at hindi na ang punyemas na babaeng 'yon, 'di ba?
Natigilan ako sa suggestion ng inner self ko. Wala sa loob na napatitig ako sa kisame.
Will that even be possible?
Pero friends lang kami! Ayaw kong mag-assume at lalong ayaw kong bigyan ng meaning ang closeness namin. Baka maulit lang ang nangyari sa 'min ni Jiro. And this time baka sobrang masaktan na ako. Kasi si Zeph na iyon...
Nasa ganoon akong dilemma nang mag-ring ang phone sa tabi ko. Dinampot ko iyon mula sa bedside table at muntik na akong mapasigaw nang makita ang pangalan ni Zeph sa screen. Nag-contemplate ako ng ilang segundo kung sasagutin ko iyon. Pero sadyang marupok ako, in the end I answered the call.
"Kia, are you alright?" bungad ni Zeph sa kabilang linya.
Hindi! Hindi ako okay at dahil 'to sa 'yo! gusto kong sabihin pero pinigilan ko si self to say that out loud.
"Maayos naman ako, bakit?"
Liar! narinig ko pang sigaw ng inner self ko pero I just ignored it.
"I thought you're not. Hindi ka kasi nagpakita sa 'kin ng dalawang araw. Na-miss tuloy kita. By the way, are you busy?"
Sana all, nami-miss!
Gusto ko sanang kiligin sa sinabi niya pero hindi p'wede. Kasi bawal mag-assume! Baka lalo akong ma-fall!
"Medyo," tipid na lang na sabi ko. I was actually expecting that he would tell me about what I saw earlier kahit hindi siya aware na alam ko iyon. I waited for seconds kasi tumahimik siya sa kabilang linya. Pero gano'n na lang ang disappointment ko nang iba ang sabihin niya.
"Okay, then, hindi na muna kita guguluhin. Saka gabi na rin, take a rest already. Tama na ang work." Mahina siyang natawa sa kabilang linya.
Seconds later, nagpaalam na rin siya. Matagal nang tapos ang tawag pero nakatulala pa rin ako. Hindi ko alam ngunit bigla ang pagsalakay sa 'kin ng ibayong lungkot.
At hanggang pagpasok ko kinabukasan ay dala-dala ko ang masamang pakiramdam na iyon. Dapat nagsasaya ako kasi one week na lang ay matatapos na ang klase namin at parating na ang Christmas break. Pero hindi ko magawang ma-excite man lang. At kahit pa ichinika ni Ellie na ilang buwan na lang daw ay magre-retire na si Evil Brenda, ang ironic kasi hindi man lang ako nakaramdam ng relief o tuwa.
Hindi tuloy iyon nakaligtas sa matalas na mga mata ni Ellie. After ng second subject ko kaninang umaga, hindi na ako nagulat nang nakaabang na siya sa harap ng classroom ko.
"Ano'ng drama ng sad face mo ngayon, 'te? Umamin ka nga, may pinagdadaanan ka talaga 'no?" sunod-sunod na tanong niya nang naglalakad na kami papunta sa faculty room.
Hindi ko siya nilingon, instead malalim na buntong-hininga ang initial answer ko sa tanong niya.
"Hoy, Kia! Ano na?" Marahang tinapik niya ako sa braso. Tumigil ako saglit sa paglalakad at nilingon siya. Mayamaya I heaved out a deep sigh.
"Okay, I think I really need to tell you about this, Ellie. Dito tayo," sabi ko saka siya hinila sa pinakamalapit na bench na nakita ko sa ilalim ng mayabong na punong narra—ilang metro ang layo sa building ng faculty room namin. Anyway, recess na ng mga bata kaya may sapat na oras pa kami ni Ellie para mag-usap.
"Tungkol 'to sa ex-fiancé ni Zeph. I saw her yesterday sa harap ng bahay niya," mahinang panimula ko.
"So, ano'ng kinalaman no'n sa sadness na nakikita ko sa mukha mo? Malungkot kang bumalik ang ex ng kaibigan mo?"
Tumango-tango ako.
"Okay lang 'yan, friend. Malay mo mahal talaga nila ang isa't isa. Hayaan mo na. Be happy na lang for—"
"Pero nasasaktan ako, Ellie!" bahagyang napalakas na sabi ko.
Napamulagat at napaawang ang bibig ni Ellie. Mayamaya hinampas niya ako sa balikat.
"Hoy, ano'ng ibig mong sabihin d'yan, ha? May gusto ka sa best friend mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Hesitant na tumango ako saka malungkot na tumitig sa kaniya.
"Jusko, Kia! Sinasabi ko na nga ba, eh! May something talaga sa inyo niyang Zeph na 'yan. I know it, kaya parang ibang-iba 'yang kislap ng mga mata mo. Pero hindi ka rin ba gusto no'n? I thought mutual ang feelings ninyo kasi parang may something di—"
"Sadly, one-sided lang 'to, beshy," I cut her off. Saka ayaw kong umasa ng kahit ano. Natatakot akong baka masaktan lang ulit ako. Mayamaya mahinang bumuntong-hininga si Ellie, sa mga mata niya kitang-kita ang sympathy para sa 'kin.
"So, ano'ng balak mong gawin ngayon? Aamin ka ba sa kaniya?"
Inalis ko ang tingin kay Ellie at ibinaling iyon sa malawak na school oval sa harapan namin.
"I do not know. Natatakot ako sa magiging resulta, Ellie. Baka lumayo sa 'kin si Zeph kapag nalaman niyang may gusto ako sa kaniya," malungkot na sabi ko.
"Pero paano kung bumalik siya sa fiancé niya? Hahayaan mo na lang bang mangyari 'yon without even telling him what you feel?" May challenge sa magkakasunod na tanong ni Ellie.
Natahimik ako. For a moment hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Hahayaan ko na lang ba talagang mangyari iyon? If that happened, magiging okay kaya ako pagkatapos?
Napapitlag ako nang pihitin ako ni Ellie paharap sa kaniya pagkaraan ng ilang sandali. Seryoso siyang tumitig sa mga mata ko. Pero mayamaya rin naging masuyo ang tingin ng mga iyon.
"I want you to know that I'll always support you whatever your decision is. If itatago mo 'yan sa kaniya, it's okay. It's your choice. Kung aaminin mo namang gusto mo siya, then go for it. I think this time, Zeph's worth the risk, Kia..." Ellie smiled warmly, her eyes reflecting understanding and encouragement.
─•❉᯽❉•─
READY na akong umuwi nang biglang pumasok si Jiro sa faculty room. Nakaalis na ang ibang co-teachers namin at kaming dalawa na lang ni Ellie ang naiwan doon. Sasabay sana si Raffy pero dahil may kailangan siyang asikasuhin nag-decide ang pinsan kong mauna na lang.
Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin ang sinabi ni Ellie kanina. I was still torn between the choices that she gave me. That's why I decided to assess and think about it more. Pero bago ko raw iyon pag-isipan nang mabuti, Ellie suggested to visit L'espresso after work. Gusto raw niyang personal na i-assess kung tama ba ang initial recommendation niyang worth the risk si Zeph. I was hesitant at first pero sa huli napilit din niya akong sumama sa kaniya.
Halos three days ko na rin kasing hindi nakikita si Zeph. Baka magtaka iyon lalo kung hindi ko pa ito pupuntahan.
Plus, aminin mong miss no na rin ang best friend mo, girl!
Gusto ko sanang i-ignore ang pang-aasar ng inner self ko kaso ninety percent of that ay totoo rin. Oo na! Miss ko na rin si Zeph kahit three days ko pa lang siyang hindi nakikita. At kahit medyo takot akong baka ma-witness ko ang reconciliation nila ng ex niya, still sisige pa rin ako.
"Kia, can we talk?" biglang tanong ni Jiro na siyang nagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan.
Tinapunan ko siya ng tingin. Mukha siyang stress dahil hindi man lang niya nagawang mag-ahit ng facial hair. Kapansin-pansin din ang bahagya nang mahabang buhok niya—na dati ay hindi naman umaabot ng gano'n ang itsura. Way back he always looked neat and fresh. Pero ngayon mukha siyang gusgusin dahil sa ayos niya.
"At ano'ng sasabihin mo sa kaniya, aber?" sumagot si Ellie na noon ay nakaarko na ang isang kilay.
Akala ko fake news lang ang balita ni Ellie na break na sina Jiro at Camille last time. Pero since ilang araw ko nang hindi nakikita si Camille na parang koalang nakakapit kay Jiro, I therefore conclude na wala na nga sila. At ngayong nandito siya sa harap namin ni Ellie, hindi ko maiwasang magtaka. After ng ginawa ko sa kaniya sa L'espresso weeks ago, I thought hindi na niya ako kakausapin dahil sa sobrang galit niya sa 'kin.
"I want to talk to her in private, Ellie," seryosong saad ni Jiro.
Ako naman ang tumaas ang kilay sa sinabi niya. Ano'ng trip ng isang ito ngayon?
"No, say it here. Ikaw ang may kailangan sa 'kin, remember? So, walang kaso kung maririnig man ni Ellie ang sasabihin mo."
Walang choice na marahas siyang bumuntong-hininga. Mayamaya natutok ang seryosong tingin ni Jiro sa akin.
"I like you, Kia... and I want us to start again."
Malakas na napasinghap si Ellie sa tabi ko. Ako naman ay naningkit ang mga mata. Kung umamin siguro si Jiro noong panahong gustong-gusto ko pa siya baka sobrang natuwa ako at napa-"Oo" agad. Pero dahil nagbago na ang lahat, kasama ang feelings ko sa kaniya, ibayong indifference na ang naramdaman ko dahil sa biglaang confession niya.
Pagkaraan ng ilang sandali, malakas na napahagalpak ng tawa si Ellie. Katulad ko siguradong hindi rin nito mapaniwalaan ang wala sa timing na confession ni Jiro.
"And you're expecting na babalik ako sa 'yo after what you did? 'Di ba ikaw na rin ang nagsabing wala kang gusto sa 'kin? Tapos ngayon babanatan mo ako ng linyang 'yan? Siraulo ka ba?" Nagsisimula nang kumulo ang dugo ko.
"I'm sorry kung matagal bago na-realize na ikaw pala ang gusto ko. Pero believe me, nang mawala ka, a part of me has gone missing too," madamdaming pahayag niya.
Muntik akong masuka sa sinabi niya!
"Jusko! Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo, Mr. Elizalde?" nanggagalaiting singit ni Ellie sa usapan.
"You know what, Jiro? Mabuti pang itulog mo na lang 'yan. O, mas mabuting balikan mo na lang si Camille. Utang na loob, 'wag ako ang bulabugin mo. Saka matagal nang tapos ang chapter natin. Actually, pinagsisisihan ko na ngang nagsayang ako ng oras sa 'yo. Kasi I realized, you don't deserve me!"
Pagkasabi ko no'n hinila ko na si Ellie paalis sa faculty room.
Nasa L'espresso na kami pero hindi pa rin kami maka-get over ni Ellie sa unexpected confession ni Jiro. Why? It was hilarious and absurd! Hindi ko talaga ma-imagine kung paano ako nagkagusto sa isang iyon. He's a total jerk! Mukhang hindi yata sanay na iniiwan kaya naghahanap agad ng ipapalit kay Camille. At sa malas ako ulit ang napagdiskitahan niya. But as if masu-sway pa ako ng mga salita niya. I've already learned my lesson.
Totoo nga ba, Kia? Hindi ba't pinag-iisipan mong sumugal ulit kay, Zephyrus?
Natigilan ako sa sinabi ng isang bahagi ng isip ko. Ready ba talaga ako sa consequences kapag ginawa ko iyon?
"Besh, 'yan ba 'yong ex-fiancé niyang sinasabi mo?" nilingon ko si Ellie nang magsalita siya sa tabi ko.
Nasa tapat na kami ng glass door ng L'espresso at kitang-kita ko ang babaeng tinutukoy niya. Nakaupo ito sa usual spot ko at nakangiting pinapanuod si Zeph sa counter. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib sa nakita ko. So, talagang nandito ang babaeng iyon para i-claim si Zeph!
"Umalis na lang kaya tayo, Ellie. Parang hindi ko kayang pumasok d'yan." Hinawakan ko siya sa braso para hilahin sana pero inalis niya iyon.
"No! Papasok tayo. Saka kailangan mong markahan ang teritoryo mo, 'te! Pansin mo ba? Halatang 'di masaya 'yang si Zephyrus sa presence ng ex niya. Look closely, ang seryoso ng expression ng mukha, o."
Pinagmasdan ko nang mabuti si Zeph habang busy ito sa counter. Tama nga si Ellie, mukhang wala sa expression ng mukha nitong welcome ang ex nito sa L'espresso.
"Tara!" Hinila na ako ni Ellie papasok sa loob.
"Hi, Zeph..." mahinang bati ko nang makalapit kami ni Ellie sa counter.
Mula sa pagiging busy nag-angat siya ng mukha. At gano'n na lang ang pagbilis ng tibok ng letseng puso ko nang ngumiti siya sa 'min.
Zeph, naman! Bakit kailangan mong ngumiti nang gan'yan! 'Yong puso ko!
"Kia! Jeez! Ang tagal mong 'di nagparamdam. Alam mo bang nami-miss na kita?" pabiro at masiglang saad niya.
Parang gustong mag-cartwheel ng puso ko. Sana totoo na lang na na-miss niya talaga ako, romantically. Baka naman kasi na-miss lang niya akong asarin at pagtripan!
Pero aminin mong umasa at kinilig ka rin nang slight, 'te!
"Masyado lang talaga akong naging busy," tipid na sagot ko, pilit na ginawang kalmado ang boses.
"Pero actually, na-miss ka rin nitong kaibigan ko, Zeph. 'Di ba, Kia?" singit naman ni Ellie sa usapan saka ako mahinang siniko sa tagiliran.
Mahinang natawa ko saka pasimpleng pinanlakihan ko ng mga mata ang loka-loka. Matamis na ngiti lang ang response ni Ellie sa ginawa ko.
"Yeah. Don't worry, fully aware ako d'yan. Si Kia pa ba?" He chuckled. "So, what are your orders? The usual ba?"
Pero bago pa namin masabi ang mga gusto naming kainin ay sumingit na sa usapan ang unwanted visitor ni Zeph. We heard her as she cleared her throat. Actually, kanina pa ko nate-tempt na lingunin ang gagang umagaw sa favorite seat ko pero pinigil ko ang sarili.
"Zephyrus, baby, are you not going to introduce me to them?" maarteng sabi ng babae nang lumapit ito sa 'min.
Letse! Baby? Anak mo lang, 'te? gigil sa bulalas ko sa isip.
Ngayong mas malapit ang babae, hindi ko maiwasang i-admire ang ganda niya. She's pretty in a very classy and sophisticated way. Para siyang twin sister ni Kendall Jenner. And just like Kendall, papasa rin siyang model sa hubog ng katawan at height niya. She was probably at least three to four inches taller than me. She could also confidently pose a breezy bob haircut—na bumagay sa suot niyang black puff sleeves dress at Chico heels.
"Kendra, I told you to leave. Bakit ba nandito ka pa rin?" malamig na sabi ni Zeph na pumutol sa ginagawa akong pag-assess sa ex-fiancé niya.
Seryoso na rin ang tingin sa mukha ng kaibigan ko, malayong-malayo sa nakangiting bungad niya sa 'min kanina.
"'Di ba sinabi ko na hindi rin ako aalis hangga't hindi ka bumabalik sa 'kin?" nanghahamon namang sabi ng babaeng tinawag ni Zeph na Kendra. Seconds passed, bumaling ito sa 'min.
"Hi! I'm Kendra Alejo." Inilahad niya ang kamay sa harap namin.
"Zeph's ex-fiancé. Yeah, kilala kita," nagawa kong sabihin saka pormal na tinanggap ang kamay niya. Gusto kong palakpakan ang sarili ko. Hindi ko inakalang magagawang lumabas ng mga salitang iyon sa bibig ko.
Halatang fake na ngiti ang isinukli sa 'kin ni Kendra mayamaya saka marahas na binawi ang kamay niya.
"Oh! So, you've heard already? Anyway, I came here to reclaim him. I hope you won't mind... your name?"
"I'm Kiara Guanzon."
Mahinang natawa si Kendra. "Oh, kilala rin kita! His friend, right?"
Nang-uuyam na ang sunod na tingi'ng ipinukol sa 'kin ng bruha. Hindi ko alam kung paano niya nalamang magkaibigan kami ni Zeph. Pero isa lang ang malinaw. Tempted na akong hilahin ang buhok ng punyemas na babaeng ito!
"You really quite have an interesting role in his life, huh? But anyway, as I was saying, nandito ako para bawiin siya. I realized, I still love Zephyrus and I couldn't really let him go."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. She had the guts to say that out loud in front of me. Bumaling ako kay Zeph. His face looked stoic. May hinala akong hindi nito nagugustuhan ang naririnig kay Kendra.
"Pero hindi mo na siya pag-aari ngayon. In fact, Zeph was never been yours..." may diin sa bawat salitang sagot ko.
It was like an endless staring game afterwards. Nanunukat ang tingin ni Kendra but I didn't budge. Sinalubong ko iyon ng may kaparehong intensidad. That's when that realization came into my mind. Hindi ko hahayaang mapunta sa kaniya si Zeph.
Never. Not even this time.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro