Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Nararamdaman ni Riela ang tension sa silid habang hawak niya ang mga papel na ibinigay ni Ennui. Detalyado ang mga nakalap nitong impormasyon, mula sa mga ebidensya ng money laundering hanggang sa pekeng mga dokumento na nagbunyag ng tunay na pagkakakilanlan ni Julian Landicho, ang CEO ng Alluring Care. Tumigil si Riela sa pagbabasa, tiningnan si Ennui na nakatayo sa tabi ng kanyang workstation.

"Si Mr. Julian Landicho, nasa Thailand?" tanong ni Riela, halos di makapaniwala. "Paano mo nalaman ang lahat ng ito?"

"I have my ways," sagot ni Ennui na kalmado ngunit seryoso ang tono. "I know people. May mga taong nagtitiwala sa akin para magbigay ng impormasyon, at alam ko kung paano mag-navigate sa mga ganyang bagay lalo na pag may kinalaman sa business. I ensured na sa tamang tao ko lang ibibigay ang information na 'yon."

Hindi makapagsalita si Riela. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi niya maitanggi ang respeto at paghanga sa ginawang pagsusumikap ni Ennui para sa kanya. "Paano ka umabot sa puntong ito? Bakit mo ginagawa ito? Para kanino talaga 'to?"

"Para sa'yo," sagot ni Ennui na walang pag-aalinlangan sa boses. "Hindi kita kilala nang personal, pero alam ko kung paano masisira ng mga ganitong sitwasyon ang buhay ng isang inosente. Hindi mo deserve ang pinagdadaanan mo ngayon. Bilang isang public figure, napakadali para sa kanila na gawing scapegoat ka. Pinanood ko kung paano ka sinira sa media, kahit wala ka namang kasalanan. Ayokong tumahimik lang habang nagdurusa ka."

"By any chance, isa ka ba sa fans ko?" Parang gusto na niyang magpalamon sa lupa nang itanong iyon kay Ennui. She just assumed that, despite knowing that being a fan wasn't in his aura. Sa vibe ni Ennui, parang ka-cheap-an na maituturing kung magiging invested ito sa celebrities, kagaya na lamang niya.

"I don't do nonsense things. Para sa mga walang buhay lang ang pagiging invested at obsessed sa mga artista," mariing pagtanggi ni Ennui. But what he said are blatantly lies. Kahit kailan, hindi niya na-view na walang kabuluhan ang admiration sa public figures. In fact, idolizing some of them changed people's perspectives.

Riela silenced. Hindi na siya nagkaroon ng hinanakit sa kidnapping tactics ni Ennui. Parang mas nasaktan siya sa sinabi nito na walang kakwenta-kwenta na idolohin ang tulad niyang ginagawa ang best para makapagpasaya ng mga tao. Napansin ni Ennui ang bigat ng kanyang naging reaksyon, pero hindi ito humingi ng paumanhin sa kanya.

"Ilang araw lang, maaaresto na ang taong 'yan," he said, changing the topic. Alam niyang naka-offend siya pero kailangan niyang ipakita iyon para hindi siya ma-attach nang sobra. Para kapag natapos na ang gusot na 'to, hindi na magkakaroon pa si Riela ng dahilan para kausapin siyang muli.

"I had no time to get mad. Nagugutom na pala ako." Tumayo si Riela at nilagpasan si Ennui.

"What's your name again? I mean, nabasa ko na, pero hindi ako sure sa pronunciation," biglang tanong niya.

"Google mo na lang," tipid na sagot ni Ennui. He carefully guided Riela to the dining area. Hinayaan niya itong pumili ng makakain.

"Pero hindi nagme-make sense. Hindi naman pangalan ang Ennui. As per google, adjective iyon at French word," biglang banggit ni Riela habang nginunguya ang baked macaroni. "Are you really a boring type of person? Or baka bored lang ang parents mo kaya ipinangalan nila sa'yo 'yan."

Ennui found her cute at that moment. Paano ba naman kasi, hindi pa rin siya tumitigil sa pagtatanong kahit puno na ng pagkain ang kanyang bibig. It was something that Ennui didn't see, when he used to fanboy over her. Ang alam ni Ennui, demure ang kilos ni Riela dahil na rin sa upbringing nito.

"What you see is what you get," pakli nito.

"Oh?" Ayaw nang mangulit pa ni Riela.

"That's a good song, you should listen to it."

"Hindi ako masyadong mahilig sa music, eh," pag-amin naman ni Riela at sinalubong ang tingin ni Ennui. "Alam mo, kumain ka na rin. Napagod kang kidnap-in ako, eh."

"Tapos na. Goodnight."

And just like that, umalis lang si Ennui. He wanted to shrug the thought of impending admiration towards Riela. Ngayong mas nagkalapit na sila, parang tumindi na ang paghanga niya rito. Parang hindi na tipikal na feeling ng isang tagahanga lamang.

***

Dalawang araw matapos ang rebelasyon ni Ennui, pumutok ang balita sa lahat ng pangunahing news outlets. Naaresto na raw si Julian Landicho sa Bangkok, Thailand, matapos ang isang operasyon na isinagawa ng mga Thai at Filipino authorities. Ang kanyang tunay na pagkakakilanlan ay Johnny Leighwitz, isang wanted na indibidwal na may koneksyon sa iba't ibang kaso ng money laundering and fraudulent cases sa iba't ibang panig ng Asya. Kasama sa ebidensya laban sa kanya ang mga financial records at testimonya mula sa ilang empleyado ng Alluring Care.

Matapos ang balitang iyon, nanatili pa rin si Riela sa mansyon ni Ennui nang ilang araw. Bagama't nagpasalamat siya sa lahat ng tulong ng binata, hindi pa rin nawawala ang alinlangan niya sa ginawa nitong pagdukot sa kanya.

"Alam mo, puwede kitang isumbong sa mga pulis," biro ni Riela habang nag-aalmusal silang dalawa. "Kidnapping is a crime, you know."

Ngumiti si Ennui habang nakasandal pa sa pinto ng kusina. "Go ahead. Kung iyon ang magpapagaan ng loob mo, hindi kita pipigilan. Besides, hindi rin naman kita masisisi."

Tumawa si Riela, ngunit halata ang lungkot sa kanyang mata. "Hindi ko kayang gawin iyon. Gusto ko mang magalit sa ginawa mo, alam kong tinulungan mo ako nang walang hinihinging kapalit. Kaya salamat pa rin. But I think kailangan may gawin ako, in favor. Pero hindi 'yong ano, ah."

Hindi umimik si Ennui, but he knows what Riela's talking about. Umiling na lang siya at nagkunwaring parang wala lang sa kanya 'yon.

"I'm sorry," paumanhin ni Riela. "Sa tingin ko naman, hindi ka hihiling ng mga bagay na may kinalaman sa intimacy."

"Hindi naman ako gano'ng tao. Plus, sila na ang lumalapit sa'kin para ibigay 'yan." Ennui pretended like he's a provocative man. Kahit kailan, hindi siya active sa gano'ng bagay. But he used to have flings and one night stands during his college days. It wasn't fun.

Pineke ni Riela ang kanyang halakhak. Tama nga naman, sa itsura ni Ennui, mga babae na ang maghahabol dito nang walang kapalit. Pero, hindi niya maintindihan kung bakit parang nasasaktan siya sa part na 'yon. Parang nakakapanibugho.

Tumayo si Ennui, tumingin kay Riela nang may seryosong ekspresyon. "Wala kang dapat ipagpasalamat o gagawing kapalit. Ginawa ko lang ang tama."

"Okay, Ennui." She couldn't pronounce his name in a proper way. "Paano ba? En-nu-wee or En-wi?"

"Ahn-wee."

"Napakamiserable naman ng parents mo para pangalanan ka ng ganyan," komento ni Riela. She didn't mean to offend. Gusto niya lang na gumaan ang sitwasyon, pero mukhang offensive ang pagbibiro niya sa binata. "Parang trip-trip lang ng mga magulang mo."

"Hindi ka nagkakamali." Ennui doesn't really feel insulted. Riela is right, after all. His parents never wanted him to exist in this world, which is why they gave him a nickname after that French adjective 'ennui,' which simply means boredom, dissatisfaction, or annoyance.

"Pero, sana pagkatapos nito, maging magkaibigan pa rin tayo. Gusto kong ibalik ang utang na loob ko sa ginawa mong tulong. I hope to see you again."

"I'll be busy after this, Riela," Ennui lied. Sa kabilang banda, nagbigay pag-asa sa kanya ang affirmation ni Riela na ayaw nitong maputol ang kanilang komunikasyon.

"Kailan ka hindi magiging busy, Mr. Operations Manager?" Iyon lang ang alam niyang rank ni Ennui sa kompanyang kinabibilangan nito. Iyon ang nakita niya sa calling card nito.

"You won't see me after this. Babalik na ako sa pribadong buhay ko. Sa dati kong gawi," Ennui firmly answered.

Hindi na sumagot si Riela. Parang pinipiga ang puso niya dahil obviously, Ennui has no interest in making connections with her; kahit pagkakaibigan ay pinagkakait na nito kaagad. Sa kabila ng galit, takot, at pagdududa, mas malaki ang nabuong respeto at paghanga niya kay Ennui.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro