Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

Habang abala si Riela sa kanyang bagong endorsement para sa beauty product na "Alluring Care," gano'n din kaabala ang kanyang glam team at buong management para paghandaan ang upcoming events na may kinalaman sa produktong ineendorso niya. As far as she's aware, ang dami pa pala niyang naka-line up na interviews at appearances, pero wala naman talaga doon ang main focus ng kanyang isipan. Itinanong niya sa PR manager kung sumagot na sa email ang heroic fan niya para sa kagustuhan niyang mapasalamatan ito nang personal. But unfortunately, hindi raw nagre-response ang taong iyon. It was a big deal for her, dahil siya na nga ang nagri-reach out, pero mukhang walang interes na magpakita ang fan na 'yon. For the first time, nakaramdam siya ng disappointment na hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit gano'n ang pakiramdam niya.

'Or maybe, I was hoping na siya 'yong lalaking hinahanap ko. Nakakainis naman, hindi ko naman siya naging boyfriend, pero hindi siya nawala sa isip ko after all these years...'

"Grabe, Riela, ang ganda mo sa shoot," sabi ng isa sa kanyang mga kasamahan sa PR team habang binabalikan ang glamorous shots sa laptop nito, kaya bigla rin siyang bumalik sa reyalidad na busy siya sa trabaho. "I'm sure marami pang endorsement ang dadating after nito. Dahil maraming connections ang CEO nitong kompanya. Sobrang thankful daw sila sa pagpayag mo na i-endorse sila."

Riela smiled humbly. "Sana nga. Gusto ko lang makatulong sa brand, at nagpapasalamat ako sa pagkakataong binigay nila. Pero sana kung magkakaroon man ako ng endorsements, eh dahil sa nagtitiwala sila sa akin, hindi lang dahil sa pabor na ibibigay ng CEO nitong Alluring Care."

"Normal sa showbiz ang connections, Riela. Kaya nga tayo nagkakaroon ng slots sa shows, eh. Iba naman ito sa procedure ng ginagawa mong auditions para sa isang role na hindi ino-offer sa'yo," katwiran naman ng PR staff. Ang Alluring Care ay kilalang beauty brand sa bansa, at marami na itong loyal na customers. Hindi lang ito isang beauty product; ito ay isang simbolo ng elegance at sophistication, at para kay Riela, isang malaking opportunity ito upang lalo pang mapalawak ang kanyang career.

Habang nagtatagal ang usapan ni Riela at ng kanyang PR team, unti-unting nagiging mas magaan ang kanyang pakiramdam. Pero sa kabila ng kanilang kasiyahan, isang hindi inaasahang tawag ang tumigil sa kanilang masayang pag-uusap. Napakunot ang noo ng PR manager ni Riela nang sagutin ang tawag mula sa head ng management team na humahawak sa endorsement deals ni Riela. Ang sigawan sa kabilang linya ay halos marinig na ng lahat.

"May problema," seryosong bulalas ng PR manager matapos ibaba ang tawag. "Apparently, may kumakalat na balita tungkol sa CEO ng Alluring Care na sangkot sa isang malaking investment scam. At ang masaklap pa rito, Riela... pangalan mo ang iniintriga ngayon sa social media. Ang sinasabi, isa ka raw sa investors ng scheme na 'yon!"

Nanlaki ang mata ni Riela at napatayo sa kinauupuan. "What? Wala akong alam diyan! Hindi ko kilala ang mga investors nila—wala akong involvement sa operations ng kompanya nila! Nag-e-endorse lang naman tayo, right?"

"Alam namin 'yan," sagot ng PR manager, na halatang nagpipigil ng kaba. "Pero kailangan nating ayusin agad ito. Ang bilis ng mga tao sa social media. Nagte-trend ka na ngayon, and it's not looking good. Masisira ang pinaghirapan natin."

***

Ilang oras lamang ang lumipas, naging laman ng bawat balita at online platform ang pangalan ni Riela. Nakakabit ang mga salitang "scammer," "co-conspirator," at "estapadora" sa iilang sensationalized news sa mga entertainment outlet. Marami ang naniniwalang may kinalaman siya sa iskandalo, lalo pa't ginagamit ng ilang netizen ang koneksyon niya bilang endorser ng Alluring Care para pagbintangan siyang may "inside knowledge" sa panloloko ng kompanya. Nag-trend din sa X ang hashtags na #CancelRiela #FakeAngel, at #EstapadorangRiela.

Behind closed doors, halos hindi na makausap ng PR team si Riela. Naka-lock siya sa kanyang kwarto, umiiyak habang binabasa ang mga masasakit na komento tungkol sa kanya. Wala siyang ideya kung paano ito haharapin.

"Huwag mo munang basahin 'yan, Riela." Kinuha ng manager niyang si Ms. Louise ang phone sa kanyang kamay. "It's not your fault, kung sinuman ang nagpakalat na sangkot ka, sisiguraduhin nating matitikman niya ang hinahanap niya."

"Alam ng Diyos na wala akong niloloko," hinanakit ni Riela habang pinupunasan ang luhang umaagos sa kanyang pisngi. "Sa loob ng sampung taon, naging maingat ako sa kinikilos ko. Nakipag-break nga ako agad sa mga naging ex ko kapag may nagagawa na silang hindi maganda, eh. Plus, why would I scam people? Na-scam na ang family ko noon, that's why I'm here, trying my best to hold this career while I'm still young and healthy."

"Yeah, we know. Pero, kapag binasa mo pa ang mga 'yan, mai-stress ka lang." Ms. Louise patted her back, hoping that it would calm her for a while.

***

Samantala, habang naghahapunan si Ennui, nakita niya ang balita sa isang forum na may kinalaman sa business updates, particularly those large corporations. Hindi na sana siya magde-deep dive sa mga nababasa niya pero napansin niya ang picture ni Riela na naka-attach sa isang trending topic sa forum. Hindi niya mapigilang magbasa ng comments—na palaging nauuwi sa mas malalim na pagkabagabag.

"Riela Borromeo Under Fire: Connected to Money Laundering Scheme through 'Alluring Care' Brand," nabasa niya sa headline at sinimulan niya rin na basahin ang iba pang detalye. Hindi siya makapaniwala. He was aware of her endorsement, of course, but he had never expected her to be linked to something as serious as this.

"Kita mo na, ganito talaga ang mga artista. Akala mo malinis, pero—"

"Riela is over. Sayang siya, scammer pala."

"She fooled us all with her 'kind-hearted' image. Wholesome wholesome pero manloloko lang. Nag-OF na lang sana siya. Makinis naman siya, eh."

"Understandable naman. May sakit yata ang dad niya. Baka need ng funds."

Ennui scrolled down, pinilit niya na huwag munang mag-react o pumatol sa bashers na sobra ang paratang sa kanyang iniidolo. Pero sa kaloob-looban niya, naramdaman niya ang pagpupuyos ng magkahalong galit at lungkot. Hindi niya kayang paniwalaan na may kasalanan si Riela. Alam niya ang pakiramdam ng taong nahusgahan dahil sa maling assumptions at judgments—iyon ang araw-araw na buhay niya noong siya ay hinusgahan din ng mga taong walang alam tungkol sa buhay niya at kung anong katangian na mayro'n siya.

He knew Riela well enough to understand that she wasn't the type to get involved in anything illegal. Malaki na rin naman ang net worth nito, and she had built an entire career based on her integrity. Ngunit sa biglang pagpasok ng balitang ito, nagkaroon siya ng katanungan sa sarili. Paano nga ba siya makakatulong kung kinakailangan? He had the capacity like connections with lawyers and even with law enforcement, and his family was well-known enough to potentially clean up her image, if only she would accept help. Pero alam niyang hindi ethical na gawin ang gano'ng bagay. Guillermos are controversial since then. Kamakailan lang, nagpakita ng entitlement ang pinsan niyang si Chezka, nagwala sa isang charity gala at pinakulong pa ang half brother na kaalitan nito. Kung gagawin niya ang ganoong method, ano pang pinagkaiba niya rito?

"Hindi siya gano'ng klaseng tao. I'm sure of it."

Ennui couldn't help but feel a twinge of sympathy for her. Despite the cold persona he usually showed to the world, there was something about Riela that felt different. Her kindness, her sincerity—it was all genuine. And now, it was all being questioned by people who didn't know the truth. Ang alam lang nila ay ang mga sensationalized headlines, ang mga baseless na accusations na masusundan kaagad ng fake news para sa clout, na karaniwang pinapasimulan ng cheap FB pages para makakuha ng big-time engagement at monetization.

"Kung may pagkakataon lang," Ennui thought. He knew he could reach out to her, but would she even want to hear from him? Given their distance and the fact that they had never really interacted on a personal level before, he didn't know if she would be open to receiving help. Magmumukha siyang creepy admirer. As much as he hated the idea of getting involved in her personal life, he couldn't shake the feeling that he needed to help. Maybe it was his guilt over his previous silence regarding her situation, or maybe it was the nagging thought that someone like Riela didn't deserve to be left alone to face that kind of humiliation.

With that thought, he reached for his phone, prepared to draft a message. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro