CHAPTER 35
Hindi nila alintana ang ilang oras na byahe. Pagkarating nila sa ospital, tahimik ngunit mabigat ang presensya sa emergency room kung saan naroroon ang tatay ni Riela. Si Belinda, ay nanatiling tahimik ngunit halatang nagpipigil ng galit nang makita si Ennui. Kumuha lang pala siya ng lakas ng loob bago pagsalitaan ang kanyang biyenan.
"Ano pang ginagawa mo rito? Kung hindi dahil sa pamilya mo, hindi ito mangyayari!" sigaw ni Belinda kay Ennui, dahilan upang mapayuko ito. Alam niyang wala siyang maibabalik na salita at kahit siguro humingi siya ng tawad, wala rin namang mangyayari.
"Ma, hindi niya kasalanan," singit ni Riela habang iniabot ang kamay ng ina, pero naputol ang yakap nito.
"Hindi mo naiintindihan, anak. Kung nagawang apihin nang gano'n ng tatay niya ang pamilya natin, anong pinagkaiba ni Ennui? Nagkulang ako bilang nanay mo, sana pala pinigilan na lang kita na magpakasal."
Tahimik lang si Ennui He can't bear looking at his father-in-law in that state. The only person he can blame was himself. Hindi niya alintana ang paligid at mas nangibabaw sa kanya ang hakbang na dapat na niyang itigil ang ugnayan kay Riela.
"Ennui, saan ka pupunta?" habol ni Riela kay Ennui matapos nitong bayaran ang pera sa ospital. Wala na roon ang tatay niyang si Johan at naiwan lang sa kanya ang annulment papers.
"Riela, tama sila. Ako ang nagdala ng gulo sa buhay mo. Hindi mo na dapat pagdaanan ang lahat ng ito," malungkot na sagot ni Ennui. Huminga siya nang malalim bago iabot ang envelope kay Riela.
"Ano 'to?" tanong ni Riela, as if she had no clue. Nanginginig ang kamay habang binubuksan iyon.
"Drafted annulment papers. Hindi ako magiging dahilan ng pagkawasak ng pamilya mo, o ng pamilya natin." Pigil ang emosyon ni Ennui habang sinasabi ito, pero kitang-kita ni Riela ang sakit sa mga mata niya.
"No! Hindi ko tatanggapin 'to. Hindi ito ang solusyon, Ennui," giit ni Riela habang tinutulak pabalik ang papel sa asawa. She started to cry out loud too.
"Riela..." Lumapit si Ennui, pinigilan ang mga kamay ni Riela na itulak ang dokumento. "Sa bawat araw na kasama mo ako, nadadamay ka. Nadadamay ang pamilya mo. Hindi na kita kayang protektahan. Ito na lang ang solusyon."
Nagkatitigan sila habang tumutulo pa rin ang luha ni Riela. "Mahal kita, Ennui. Bakit mo ako susukuan? Saka, galit lang naman si mama sa nangyari, pero 'di naman ibig sabihin no'n ay hindi niya tayo maiintindihan."
"Mahal din kita, kaya ko ito ginagawa," sagot ni Ennui bago humakbang papalayo. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto, tumigil siya at nag-iwan ng huling salita.
"I'm sorry Riela, for bringing you into my life. I've been so selfish. Sinamantala ko lang ang pagkakataon na kinailangan mo ng tulong. I lied that I really love you." Those lies from his mouth seemed like daggers through his heart. Kinaya niyang maglihim kay Riela at kinaya na niyang magsinungaling ngayon, which made him feel more undeserving. Pero kung ito ang paraan upang ipagtabuyan na siya nito, kailangan niya 'yong pangatawanan.
Habang nakatalikod si Ennui, hindi niya napigilan ang luha sa kanyang pisngi. Ngunit buo ang desisyon niya. Iniwan niya ang ospital, dala ang sakit at desisyong maprotektahan si Riela, kahit pa sa pagsuko niya sa kanilang pagmamahalan.
***
Ilang linggo ang nakalipas mula nang makalabas ng ospital si Manuel. Bumuti na ang kanyang kalagayan nito, pero nanatili pa ring nakadapa si Riela. Sa kabila ng lahat, malinaw ang kanyang paninindigan—hindi niya talaga kayang bitawan ang pagmamahal niya kay Ennui. Ipinadala niya pabalik ang annulment papers na walang pirma at masama ang loob niya habang nasa courier.
"Last resort ko na 'to, kung hindi pa niya ma-gets at hindi niya ako pupuntahan dito, then it would be the time for me to let him go."
Sa ngayon, inaabala niya ang sarili sa pagtulong sa kanilang farming business. She had to move forward, but the hope for Ennui's return was always with her.
Ennui on the other hand didn't stop digging for the truth. Pagkatapos niyang magbitiw bilang CEO ng kanilang kumpanya, inilaan niya ang kanyang panahon sa pag-alam kung sino ang nagbunyag sa nakaraan niya. With the same method he used to help Riela, napatunayan niyang ang nasa likod ng kontrobersya ay isa sa mga dating executives ng Alluring Care na talagang hindi magsasawang gantihan sila. Ang mahalaga na lang kay Ennui ay makaganti sa taong iyon sa pamamagitan ng pagkuha ng hustisya sa tamang pamamaraan. Wala na siyang sikretong tinatago kay Riela kaya hindi na rin siya nag-aalala kung magkakaroon na naman ng pagkakataon na gantihan siya.
Huminga nang malalim si Ennui. Nanginginig ang kanyang dibdib habang ipinikit niya ang kanyang mga mata. His fingers lingered on the edges of the envelope that the courier just recently delivered through his door, as he felt the hesitation to open it. Ramdam niya ang alon ng kaba na gumugulo sa kanyang kalooban, pero pinilit niyang buksan ito. Habang binubuksan niya ito, parang tumigil ang tibok ng kanyang puso. Nakita niya ang hindi napirmahang annulment papers. Relief flooded through him, mingled with a fragile hope that Riela hadn't completely given up on their marriage. Kumakapit na naman sa ideya na baka may pagdadalawang-isip pa si Riela at may hinahawakan pa itong kapiraso ng kanilang pinagsamahan. For the first time in days, a faint glimmer of optimism flickered in his weary eyes.
Hawak ang annulment papers na walang pirma ni Riela, napagtanto ni Ennui na may pag-asa pang naghihintay para ayusin ang lahat. Despite the fear and apprehension, he was filled with courage and decided to return to Riela. Iniwan niya ang marangyang buhay, ibinenta ang ilan sa kanyang mga ari-arian, at sumakay sa provincial bus patungong Quezon Province. He only brought a few important belongings and the strong promise to fix all his mistakes.
Dumiretso siya sa bahay ng kanyang in-laws. Nang makita siya ni Belinda na papalapit pa lang, agad nitong iniwas ang tingin, at ang galit sa kanyang mukha ay hindi maitago. Si Manuel naman ay malamig pa rin ang pagtanggap, nakaupo sa sala at mukhang hindi interesado sa kanyang pagdating.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Belinda nang hindi man lang siya iniimbitang pumasok.
"Gusto ko pong humingi ng tawad," tugon ni Ennui, pilit na pinipigilan ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig. "Alam ko pong nagdala ako ng gulo sa buhay ninyo, pero narito ako para patunayan sa inyo na handa akong gawin ang lahat para kay Riela."
"Ano pang magagawa mo? Napakarami nang naganap, Ennui. Hindi na maibabalik ang ginawa ng tatay mo," ani Manuel, na sa wakas ay nagsalita. Bagamat banayad ang kanyang tinig, ramdam ang bigat ng kanyang hinanakit.
"Sorry po, papa." Mapagpakumbabang lumuhod si Ennui. Hindi siya umiyak dahil ayaw niyang maisip ng mga ito na nagpapaawa lang siya. "Kahit po paalisin n'yo ako, maghihintay ako sa labas para kay Riela."
Sa likod nila, lumabas si Riela mula sa kusina. Nang makita si Ennui, hindi niya napigilan ang luha sa kanyang mga mata. Agad siyang lumapit sa asawa. Ennui met her with a warm embrace full of acceptance.
"Nagmakaawa na ako sa inyo. Please, bigyan n'yo po kami ng pagkakataon. Hindi n'yo man siya kayang patawarin ngayon, pero sana... huwag n'yo po siyang itaboy," madamdaming pakiusap ni Riela. Hindi sumagi sa isip niya na mangyayari na rin sa buhay niya ang ilan sa mga kaganapan sa iilang teleserye na kanyang pinagbidahan.
Doon na napaluha si Ennui. He didn't expect Riela to accept her. He simply hugged her back. Parang doon pa lang sa bahaging iyon, nakatanggap na siya ng buong pagpapatawad.
"Hindi mo na siya kakausapin pa, Riela!" matigas na sabi ni Belinda at hinatak ang anak paakyat sa silid nito. Pero kahit gano'n buo pa rin ang determinasyon ni Ennui. Habang matiyaga siyang naghihintay sa labas tinawag siya ni Riela sa pamamagitan ng pagbato sa kanya nito ng maliit na papel mula sa balkonahe.
Iniangat ni Ennui ang tingin, para siyang nakakita ng anghel sa sandaling iyon. Nasalo niya ang mas malaking papel na ibinato ni Riela at binasa ang sulat.
"Itanan mo ako mamayang gabi kapag tulog na sina mama at papa. Hintayin mo ako sa kubo, malapit sa dalampasigan."
"Bakit ko naman itatanan ang sarili kong asawa na almost thirties na?" sa isip ni Ennui. Pero hindi na siya tumutol pa at muli niyang tiningala si Riela. He gave her a flying kiss gesture, nag-heart sign naman ito pabalik. Cheesy man, pero napagaan nito ang kanilang damdamin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro