CHAPTER 34
Ilang buwan na ang nakalipas mula nang masayang nagpakasal sina Riela at Ennui, malapit na rin nilang ipagdiwang ang wedding anniversary nila. Ngunit ang saya ay unti-unting napalitan ng bagyo ng kontrobersya. An unknown source told the press about someone named Raphael Guillermo. Lumabas ang balitang may koneksyon umano ito sa iligal na droga dahil sa pagkakadawit ng kanyang tiyuhin na si Lance Guillermo na parehong isyu, maraming taon na ang nakalipas. Naka-highlight sa balita na allegedly, ang kasong iyon ay pinakamatinding dahilan ng pagpapalit ng legal name ni Raphael Guillermo bilang Ennui Guillermo.
Hindi pa man nakakabangon si Riela sa muling pag-usbong ng isyu sa kanyang career bilang dating artista, siya naman ang naging sentro at binabato ng malisyosong media. Napalitan ang dating tingin ng respeto ng ilan niyang tagahanga ng tanong at pagdududa.
"Bakit niya pinakasalan ang isang "dating drug user" at diumano'y konektado sa ilegal na gawain ng tiyuhin nitong former politician?"
Nagsilabasan din ang malisyosong headlines, sa entertainment sites at mga tabloid:
— Riela Borommeo, nagpakasal sa 'kontrobersyal' na Guillermo heir?
— Riela at Ennui, ang kasalang punong-puno ng lihim?
— What if it was a shotgun marriage between Ennui Guillermo and Riela Borromeo?
Kahit walang katotohanan ang akusasyon laban kay Ennui, hindi na maawat ang media. Ginawang mitsa ang mga lumang larawan at video na tila konektado sa pamilya ni Ennui upang palalain ang isyu. Lalong lumala ang sitwasyon nang kumalat ang dating kaso ni Riela sa money laundering na idinawit lamang siya. Ngayon, ginagamit ng media ang kanyang nakaraan upang idiin ang kanilang kasal ay konektado sa kanila na parehong may pagkakamali at lihim na nakaraan.
Kasalukuyang nagpe-present ng report sa corporate office si Ennui nang ipatigil ito ng ama niya na si Johan. Parang dinelubyo ang conference room at pinaalis nito lahat ang board members. Siya at ang anak na si Ennui lang ang natitirang naroon.
"Where's your opportunist wife?" tahasang tanong ni Johan.
Bumilis ang tahip sa dibdib ni Ennui at madaling kumuyom ang kanyang mga palad. "Stop calling her names! Hindi mo alam kung sino siya at kung gaano siya kahalaga sa'kin!"
"I don't care, Ennui, or Raphael! Simula nang magkakilala kayo ng babaeng 'yan, nagkagulo-gulo na naman ang buhay natin!" sigaw naman ni Johan.
Doon na nagpantig ang tainga ni Ennui. Kung dati, kaya niyang magpigil ng galit, ngayon hindi na. Lalo na't asawa na niya ang binabato at iniinsulto nang walang basehan. Bumagsak nang wala sa oras ang lahat ng folders na nakapatong sa mesa, dala ng kanyang galit.
"Sinisi mo pa ang ibang tao! Ikaw ang dahilan ng pagkasira ng pamilya natin. You hurt mom, she moved abroad with my sister. Then you covered up Uncle Lance's drug problems! Pinatapon mo ako sa US nang walang kakampi tapos si Riela, na mahal na mahal ko, ang sinisisi mo kung bakit naging ganito tayong lahat?"
Hindi nagpatalo si Johan. "Ginagawa ko ang lahat ng tama para hindi mawala ang legacy natin, ng buong Guillermo group!"
"Yeah right? Ginawa mo ang lahat, pero nawala lahat sa'yo. Pati ako, mawawala na rin!" mapanghamon na sigaw ni Ennui.
"I-annul mo ang marriage ninyo ni Riela, kung hindi, ako ang pupunta mismo sa kanya para papirmahan ang annulment papers ninyo!"
"No way! Hindi mo na ako magagawang sacrificial lamb mo, Johan Guillermo!"
Buo ang determinasyon ni Ennui para ipaglaban ang pagmamahal niya. Sinundo niya si Riela sa hardware business at umuwi muna sila ng bahay para pag-usapan ang kumakalat na issue.
***
Pagkauwi nina Ennui at Riela sa bahay mula sa corporate office, puno ng tensyon ang kanilang paligid. Nagmamadaling umakyat si Ennui sa kanilang silid, habang si Riela naman ay tahimik na sumunod sa kanya. Here they are once more, na susubukin na naman ng mga intrigang binabato sa kanila.
"Kaya ba hindi mo sinasabi ang tungkol sa aksidente? Dahil natatakot kang i-judge kita?" Si Riela na ang unang bumasag sa katahimikan. Mahigit sampung minuto na kasi silang naroon at wala pang naglalakas-loob na umimik.
"I don't know. It's hard for me to talk regarding that. Hindi ko na kayang ipaliwanag ang sarili ko. Kung ano na lang ang makita mo, 'yon na 'yon," walang kagana-ganang sagot ni Ennui.
"So, totoo 'yong issue? Pero, matagal naman na 'yon. Alam ko, kung totoo man 'yon, ang mahalaga ay nagbago ka na." Nanginginig na inilapat ni Riela ang kamay niya sa balikat ni Ennui pero umiwas naman ito sa kanya.
"Hindi ka man lang nagalit? Na may gano'n akong nakaraan? Na hindi mo ako maipagmamalaki?" Ennui didn't want to defend himself. Tuwing nakikita niyang nahihirapan si Riela dahil sa kanya at sa mga kontrobersiya ng mga Guillermo, parang worthless siya. He felt like he didn't deserve to be with him, kung ganito lang naman ang nangyayari.
"Lahat naman tayo may past," sambit ni Riela. Gusto niyang i-encourage si Ennui sa paraang alam niya. Hindi siya nakaramdam ng galit sa nalaman niyang past nito. Pero alam niyang hindi sana magkakaganito kung hindi ito nangialam sa issue niya sa Alluring Care. Alam niyang ang iilang executives nito ang gumaganti sa kanilang dalawa.
"But my past had been embarrassing," pakli naman ni Ennui. Mabigat ang pinakawalan niyang hangin at humiga sa kama. He couldn't shrug off all those emotions that were about to bottle up. Tinalikuran niya si Riela at dumistansya naman ito sa kanya. Riela sat at Ennui's nape while he's distantly lying down beside her. Hindi niya napigilan ang sarili niya na lapitan ito nang maigi at bahagyang hawakan ang birthmark sa batok nito.
"Itataboy mo na naman ba ako palayo, Ennui?" pabulong na tanong ni Riela. Hindi ito bumalikwas upang lingunin siya. Iyon pala, tahimik itong umiiyak. Narinig niya ang impit na paghikbi nito kaya siya na ang humarap dito.
"Hindi kita hinuhusgahan. Kung totoo man 'yon o hindi, wala na akong pakialam." Riela's voice makes an obvious plea.
"But I care, Riela." Humugot ulit ng malalim na buntonghininga si Ennui. Pinadaan niya ang mga palad niya sa pisngi nito para punasan ang mga luha sa magagandang mata nito, na umiiyak para sa kanya. Habang tahimik na magkatabi sina Riela at Ennui sa kanilang kwarto, tila nagkaroon ng saglit na kapayapaan sa kabila ng unos. Ngunit natigil iyon nang biglang tumunog ang phone ni Riela. Napansin ni Ennui ang biglaang pagkakakunot ng noo ng kanyang asawa habang sumasagot ito sa tawag.
"Hello, Ma?" Malinaw ang pag-aalala sa boses ni Riela. Agad niyang itinaas ang kamay upang senyasan si Ennui upang tahimik muna. Tumayo siya at naglakad papunta sa gilid ng kwarto, ngunit kahit hindi niya sabihin, narinig ni Ennui ang mga susunod na salitang binitiwan nito.
"Huh? Nandyan ang tatay niya? Bakit?" Palinga-linga si Riela na parang hindi alam ang gagawin. Biglang umagos ang luha niya sa mga susunod na bagay na kanyang nalaman mula sa nanay niyang si Belinda. "Okay po, pupunta kami diyan."
Pagkababa ng telepono, hinarap ni Riela si Ennui na halatang nagaalala. "Ennui, nasa bahay ng mga magulang ko si Mr. Johan. Gusto niyang ipilit ang annulment natin. Pero, mas malala pa doon..." Naputol ang sinasabi ni Riela, halatang pinipigilan ang emosyon.
"Ano pa ang nangyari, Riela?" tanong ni Ennui habang dahan-dahang tumayo. Ramdam niya ang tensyon sa asawa.
"Naospital si Papa. Sabi ni mama, in-offer-an daw sila ng pera at sinisigawan pa siya ni Mr. Johan. Hindi kinaya ni Papa ang stress. Ennui..." Hindi na natapos ni Riela ang sinasabi dahil naramdaman niyang naputol na rin ang kanyang lakas sa pagkakatayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro