Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

Ilang araw ang lumipas bago pa makita ni Ennui ang email mula sa PR team ni Riela. Tila gumapang agad ang daga sa kanyang dibdib. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kalaki ang impact ng ginawa niyang pagmamalasakit bilang isang normal na fan nito. Hindi na lang siya basta isang fan na nag-defend sa idol niya; ngayon, may pagkakataon pa siyang makausap si Riela nang personal, isa sa pinapangarap ng tulad niyang umiidolo rito, noon pa man. But just thinking about the idea of meeting her, gusto na niyang umatras kaagad. Parang may isang mabigat na bagay na nagdudulot ng pagkabahala sa kanya—something that he couldn't name. He wasn't sure how to handle it. Gusto niyang magtago, magpatuloy lang sa pagiging 'boring' na Ennui na hindi kailanman makikialam sa mga ganitong bagay at hindi susubukin na maranasan ang priceless experience ng isang tipikal na devoted fan. Ayos na sa kanya na tanawin lang ito sa malayo.

Tumingin lang siya sa email na iyon, nakatutok ang mata niya sa bawat salita. But eventually, he decided to delete it.

"Hindi ko kaya 'to," he muttered to himself. Hindi niya kayang ipakita ang kanyang sarili. Not now, nor soon. There's something that happened eleven years ago. Before Riela became an actress, they had already crossed paths. And meeting her sent some purpose in his life.

Sa kabilang banda, naiisip niya ang naging post ni Riela tungkol sa isyung naresolba naman kaagad.

"Pinatawad pa niya talaga ang manyak na 'yon. If I were her, kinasuhan ko na 'yon. Nasayang ang effort ko dahil pinatawad naman pala niya. So why would I bother to meet her?" himutok pa niya. Para sa kanya, masyadong big deal ang naging desisyon ni Riela na patawarin ang rude netizen via online. Sobrang forgiving ni Riela. If she's a leader, she's an evident adjective of a lenient one. Para sa kanya, weakness ang gano'ng attitude dahil mas malaki ang chance na abusuhin ito. Sana talaga, hindi gano'n ang nangyayari. Riela does not deserve to be treated like a cash cow or as someone to be taken advantage of.

***

Eleven years ago...

Riela never dreamed of becoming a celebrity. Pero ang best friend niyang si Aicelle, sobrang gustong gusto na i-push niya ang pag-audition sa isang malaking reality show. Pinipilit nito ang idea na kung sakaling sumikat siya, magkakaroon na siya ng sapat na pera upang matubos ang mortgaged house ng kanyang mga magulang. Imbis na magpursige na lang sa pag-aaral, pinilit pa siya ni Aicelle na mag-shoot muna ng audition video.

"I think, magtatrabaho na lang ako kaysa mangarap na maging artista. Ang pangarap ko, malinaw na dati pa, eh. Gusto kong maging industrial engineer, gano'n," alanganing sabi ni Riela sa kaibigan niyang mapilit.

"Riela, huwag mo na kasing sayangin ang chance. Kung kasing ganda mo lang siguro ako, baka hindi na ako nagpupumilit sa'yo, eh. Gaya ng sinasabi ko dati, kapag sumikat ka, mababayaran mo na ang lahat ng utang ninyo at hindi mo na kakailanganing huminto pa sa pag-aaral. Naaawa ka kamo sa papa mo na nagtatrabaho pa rin kahit may sakit, at sa mama mo na kung anu-anong binebentang produkto. Grab mo na kasi ang chance," mahabang litanya ni Aicelle.

"Oo nga. May punto ka. Pero, shy type kasi ako," Riela pouted. Nagsalubong din ang kilay niya habang ini-imagine ang sarili na kailangan niyang mag-ayos at ngumiti na parang tanga sa harap ng talent scouts. Kahit kailan, hindi niya naiiisip ang posibilidad na magiging tanyag siya balang araw, lalo na kung kagandahan lang ang pinanghahawakan niya. Populated na ng magagandang mukha ang showbiz, kailangan may mai-offer din siya bukod sa looks.

Matapos ang pakikipagsapalaran sa audition, bumalik siya sa paaralan para um-attend ng klase. Bago pa makarating, may nakita siyang binata na nahulog mula sa motorbike. Hindi niya kayang pabayaan ito sa kalsada at sumigaw-sigaw pa para may iba pang sumaklolo sa binatang iyon na walang helmet. Alam niyang agaw-buhay na ang sitwasyon nito. That boy looked tired and she could see how helpless he was.

"Are you okay?" tanong ni Riela sa lalaki, habang hinahabol nito ang hininga habang siya naman ay sinusubukang patigilin ang dugo ng mga sugat nito sa braso. Hindi siya makapaniwala kung gaano kalaki ang pagkabigla na naramdaman niya sa mga oras na iyon. Ang mga mata ng lalaking iyon ay sinalubong ang kanyang tingin at may kakaibang sulyap din ito na hindi niya matanggal sa kanyang isipan. Hindi niya ito pinabayaan hangga't makarating sila sa ospital at malapatan ito ng lunas.

Mabilis siyang umalis pagkatapos matulungan ang binata. Late na siya sa klase. Nakakahiyang ma-late, knowing na nasa pang afternoon class na nga siya. Hindi na rin siya nakapagbigay ng pangalan, pero ang natitiyak niya, babalik pa rin siya para kumustahin ang lalaking kanyang iniligtas. May gamit pala itong nadala niya nang hindi sinasadya—isang notepad at may linyang nakasulat sa isang pahina nito.

"So close, yet so far away. So close..."

Kinabukasan, laking gulat niya nang malaman na hindi rin siya naabutan ng pagkakataon upang makita man lang ang kalagayan ng binatang iyon. Parang ang bilis naman at hindi niya matanggap na naging out patient na raw ito. Hinihingi niya ang pangalan nito sa nurse ng ospital pero hindi iyon binigay sa kanya, for security purposes. That's when she realized that the person she helped wasn't ordinary. Baka anak ito ng isa sa mga elite sa bansa. Pero sana man lang, nakumusta niya ito bago umalis. Naging hiwaga pa rin ang pagkawala ng binatang iyon.

Years passed, but the memory stayed with her, the feeling of something unfinished. She couldn't help but wonder about that boy, about the mysterious connection they had in that brief moment. She never found out what happened to him or where he went. But one thing she always remembered was his face—serious, quiet, and with an air of mystery. Hindi niya matiyak kung love at first sight na matatawag ang gano'ng phenomenon. Maybe yes, because that guy was indeed handsome despite his messy look at that time. Meeting him was a fleeting encounter that stayed with her, until now. Magpahanggang ngayon pa nga, natatandaan niya pa rin ang mga mata nitong nangungusap, ang mga labing tila maraming gustong sabihin at ang kabuuan nito na parang kinukumutan ng kahiwagaan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro