CHAPTER 27
Pagkatapos nilang magkapatawaran at mag-usap nang maigi, naging magaan ang kanilang pakiramdam nilang dalawa. Pakiramdam ni Ennui ay muling nagkaroon ng bagong simula ang kanilang relasyon. Nagdesisyon silang magpahinga at manood ng palabas para i-distract ang kanilang mga isip sa bigat ng mga nangyari. Sa kalagitnaan ng panonood, hindi inaasahan, tumambad ang isang romantic na eksena sa pelikula, at sensual pa talaga. Kapwa silang napatigil at napatingin sa isa't isa. Again, there was an unspoken tension but out of love.
"I'm afraid that I will take this too far." May halong kaba sa kanyang boses, ngunit halata rin ang katapatan niya. Napalunok din siya nang ilang ulit.
Ngumiti si Riela, hindi para pagtawanan si Ennui kundi para ipakita na nauunawaan naman niya ang urge nito. "So that's the inappropriate thing you want to discuss outside work?"
"Y-yes," nahihiyang pag-amin ni Ennui.
"Ramdam kita. Mahirap din para sa akin minsan, pero kaya natin 'to. If we will do that again, we have to make sure, na nasa timing ang lahat at wala na tayong iniisip na kahit ano."
"I will always agree on whatever you want, Riela." Matamis ang ngiti ni Ennui at isinandal ang ulo niya sa balikat ni Riela habang nanonood pa rin sila ng TV. Nang makakita na naman sila ng romantic scenes, pinatay na ni Ennui nang tuluyan ang TV at pumasok sa silid. Riela giggled upon seeing her husband. Sinundan niya ito at tinabihan.
"Ennui, asking for that isn't that hard to do."
Napabalikwas si Ennui at nahihiyang nilingon si Riela. "Is it okay to ask?"
"Alangan namang hindi! Just like you told me, pagmamahal 'yon at kasal naman tayo," sabi naman ni Riela at iniabot ang palad ni Ennui. "May thirty minutes ka pa para mag-decide."
Umiling si Ennui at tumawa lang. Ilang saglit pa ay marahan niyang hinatak si Riela para ihiga ito. Masyadong matagal ang thirty minutes, when from the start, he's already decided. He moved closer and only an inch was the gap between their faces. "You mean, you love me too?"
Riela's eyes spoke with obvious admiration. "Ever since the day I first met you, kaso hindi mo lang natatandaan."
"I remember that, Riela." Ennui paused, then took his time to gaze at her and read her eyes. "You're the reason why I continued living."
"I searched for you after that." Tila naging pabulong ang boses ni Riela.
Bumuntong-hininga si Ennui at lumayo nang bahagya. Nawala ang maganda niyang mood. He will tell Riela what happened that time, but he's not prepared as of now. "I'm sorry, I just don't want to talk about that accident."
"I understand. Kung ready ka na lang. Goodnight, Ennui," masuyong sambit ni Riela at hinagkan ito sa pisngi nang marahan. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil kahit papaano, may bahagi pa rin ng puso niya na nag-aasam na masolo nila ang gabi nang walang tampuhan.
"Thank you." Kinumutan ni Ennui si Riela at nilapitan ito. "About your plans na uuwi ka sa province, pagplanuhan natin 'yon. We'll arrange that. I'm excited to meet your father again. I mean, my father, too."
"Okay lang ba sa'yo? Baka hindi mo magustuhan ang lifestyle namin. Hindi naman kami mayaman doon. Sakto lang," pag-amin naman ni Riela.
"I don't care. Basta kahit nasaan ka man, gusto ko naroon ako. I'll adapt to everything. Besides, I did a lot to survive in our business so I could relate to other people below me. Parang method acting na ginagawa ninyong artista. Kaya hindi ka mapapahiya," siguradong paglalahad ni Ennui. "And I'm a brilliant one, right?"
"Brilliant but unpredictable." Ngumisi si Riela at isiniksik ang sarili sa bisig ni Ennui. "Goodnight, boss."
"Ikaw ang boss ko, Riela. Whatever you request, I will follow them without hesitation."
"Okay. Ibalik mo na ako sa dati kong office," hirit ni Riela bago ipikit ang mata.
"Except for that," halakhak ni Ennui at hinagkan sa noo si Riela.
"Hmmm... Ennui, you know French, right?" biglang naitanong ni Riela. Napadilat tuloy ang mga mata ni Ennui.
"Not that much. Hindi naman ako lumaki doon, may French roots lang si Mom, pati si Tita Gemma." Nabanggit niya ang nanay at tiyahin niyang nakabase rin sa France. "Do you want me to teach you some French?"
Umiling si Riela. She slowly distanced herself and gazed at her husband in a provocative manner. Hindi siya nagsalita agad.
"Bakit nga?" untag ni Ennui. As of this moment, he's sensing that Riela was teasing him.
"Can you teach me how to French kiss?" Pagkatanong ay biglang sinubukang tumayo ni Riela at lumabas ng silid habang hindi nawawala ang nakakaloko niyang halakhak. Pero nabigo siyang makatakas dahil nahatak siya ni Ennui pabalik sa malambot na kama.
"Don't start something that you're not going to finish, Riela." Mas naging mapanukso ang tinig ni Ennui. Tiningnan niya rin nang may pagsuyo si Riela, as if he's really going to do what she wants. Gagawin naman niya, basta makuha lang ang pagpayag nito.
Bumuntong-hininga si Riela, ngunit napansin niyang may kasamang malambing na ngiti si Ennui habang hinahaplos ang kanyang mukha.
"Tatagalugin ko, huh? Huwag mong simulan ang bagay na hindi mo kayang tapusin," biro nito, pero may halong panunukso.
"Malay mo, kaya ko," sagot naman ni Riela, ngunit ramdam niya ang kaunting kaba sa kanyang boses.
Hindi na sumagot si Ennui. Sa halip, marahan niyang inilapit ang kanyang mukha kay Riela. They were in no rush; they could feel each heartbeat aligning with the rhythm of the quiet night.
Dahan-dahang dinama ni Ennui ang pisngi ni Riela gamit ang kanyang mga daliri, parang sinisigurado kung handa na ba ito sa susunod nilang hakbang. Hindi nagtagal, inilapit niya ang kanyang labi sa noo ni Riela at hinagkan ito nang marahan. "I will never force you into anything, Riela. Gusto ko lagi kang masaya at kampante sa akin."
Nag-init ang pisngi ni Riela sa sinabi ng asawa. Parang may kung anong dumaloy sa kanyang puso na nagbigay ng kakaibang saya. Hinawakan niya ang mga kamay ni Ennui at tumitig dito. "I'm happy being with you."
Isang malalim ngunit mabilis na halik ang ibinigay ni Riela sa mga labi ni Ennui. Hindi ito agresibo; sapat lamang para ipadama ang kanyang pagmamahal. Natigilan si Ennui at napatingin nang malalim sa mga mata ni Riela.
"French kiss?" usisa nito nang pabiro, sabay ngiti na halatang may intensyon na tunawin siya.
Ngumiti si Riela, ngunit hindi niya sinagot ang tanong. Sa halip, siya ang naunang gumalaw. She gently reached for Ennui's lips. She wasn't sure what to do, but the tenderness and warmth enveloping them became her guide.
Saglit na nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Tila nawala ang anumang bagay da kanilang mundo at sila na lamang dalawa ang nag-e-exist. Hinayaan nilang dalhin sila ng damdamin—walang pagmamadali at puno ng paggalang at pagmamahal.
When their lips parted, both of them seemed to be holding back a smile.
"You're learning fast," bulong ni Ennui, puno ng pagyayabang sa kanyang boses.
"Kailangan ko pa sigurong mag-practice," sagot ni Riela, na biglang tinabunan ng unan ang sariling mukha para maitago ang pamumula ng kanyang pisngi. Tumawa si Ennui at mas lalong hinapit si Riela palapit sa kanya.
"I'm willing to practice with you forever," sambit niya habang niyayakap ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro