Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

Habang nagmamaneho, hindi na mapigilan ni Ennui ang pag-iisip. Pilit niyang inuunawa ang sinabi ni Riela, pero mas nangingibabaw ang posibilidad na baka may hindi siya alam. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng counselor na kailangan niyang harapin ang kanyang mga takot.

Nagbago ang kanyang plano. Nag-U-turn siya sa highway at nagmadaling umuwi sa bahay nila kaysa manatili siya sa isa pa niyang condo unit. Kailangan niyang malaman ang totoo, at higit pa roon, kailangan niyang harapin ang nararamdaman niya—ang takot, ang guilt, at ang pag-ibig na pilit niyang nilalabanan, na inaakala niyang mali kahit normal naman pala.

Pagkarating ni Ennui sa bahay, mabilis niyang binuksan ang pinto. Ang bawat yapak niya ay bumalot ng tensyon sa buong sala. Narinig iyon ni Riela, na nasa kusina at abala sa pagliligpit ng ibang kitchen wares. Agad siyang nagpunta sa harap ni Ennui at halatang kinakabahan.

"Ennui," simula ni Riela, tinangka niyang abutin ang braso nito. "I'm sorry. Mali talaga 'yung send. It wasn't for you. Para kay Aicelle 'yon—"

"Wala kang kailangang ipaliwanag," malamig na pagputol ni Ennui sa gustong ipahayag ni Riela saka nilayo niya ang sarili. Diretso siyang umakyat sa sarili niyang kwarto. Iniwanan niya si Riela na nakatayo at naguguluhan.

Sa kwarto, umupo si Ennui sa gilid ng kama, hawak ang telepono pero hindi na tumingin sa mga chat ni Riela. At ayaw na talaga niyang tingnan iyon. The photo was tempting. Intentional? Hindi niya alam pero ramdam naman niyang honest mistake lang iyon. Sa kabila ng lahat, hindi niya maalis ang tanong sa isip—para saan talaga ang suot nito? Bakit kinuhanan pa iyon ng litrato? At bakit naramdaman niya ang kakaibang lungkot sa idea na baka hindi ito para sa kanya? What if, hindi pala iyon para sa bestfriend niyang babae na gusto lang nitong pakitaan ng unexpected gift?

Si Riela naman, naiwang mag-isa sa ibaba, tinapos ang hapunan kahit wala nang gana. Sinubukan niyang umakyat upang kausapin si Ennui, pero nang buksan niya ang pinto, nakita niya itong nakahiga na, nakatalikod at halatang walang balak makipag-usap.

***

Pagkalabas ni Riela sa silid, kinaumagahan, nakita niyang handa na ang kotse ni Ennui sa garahe. Nagsusuklay ito malapit sa salamin sa sala, preparado na rin ito sa pagpasok.

"Magkakausap ba tayo? Or hahayaan mo lang ba ako na paghandaan ka man lang ng almusal?" mahina niyang tanong habang nanatili sa hagdan.

Tumingin si Ennui sa kanya, ngunit mabilis ding umiwas ng tingin. "Male-late na ako. Huwag mo na rin akong hintayin mamayang gabi. I might render overtime. And don't forget to always lock your room."

Parang tinusok ang puso ni Riela sa narinig. "Ennui, we can't keep doing this."

"It's for your own good, Riela. I mean, our own good," malamig na turan ni Ennui. He wanted to come close to her, welcome her with lots of warm hugs and affectionate kisses, but he knows, that would be dangerous. Kinuha niya na lang ang kanyang briefcase at lumabas na ng bahay.

Napatanga si Riela at napaisip sa ibinilin ni Ennui sa kanya. "Bakit niya ako pinagla-lock?"

Pagdating ni Ennui sa hardware business na pinamamahalaan nila, agad niyang pinagtuunan ng pansin ang trabaho. Pero kahit anong subok niyang magpakaabala, ramdam niyang bumibigat ang bawat sandali. Hindi rin nakaligtas sa mga empleyado ang malamig niyang disposisyon. Because slowly, he learned how to communicate with his employees as Riela encouraged him to do so. Mukhang matatakot na naman ang mga ito sa demeanor na dala niya.

"Sir, mukhang wala kayo sa mood ngayon," puna ng isa sa mga staff habang nagsusumite ng report. Napansin nito na tila absent-minded si Ennui, pilit na inaayos ang papel pero parang hindi naiintindihan ang mga nakasulat doon.

"Okay lang ako," mabilis niyang sagot. Pero alam ng lahat na nagsisinungaling lang talaga siya.

Samantala, dumating din si Riela upang mag-check sa ibang department. Kadalasan, nagiging maingay ang paligid kapag nasa floor siya dahil sa natural niyang pagiging approachable at masayahin at lagi niyang binabati ang lahat ng nakakasalamuha niya. Pero ngayon, tahimik lang siyang pumasok at parang ayaw niyang may kumausap na kahit sino sa kanya. Pilit na nilalaro niya ang ballpen sa kanyang kamay habang sinusuri ang inventory sheets.

Nagtama ang kanilang tingin ni Ennui mula sa kabilang dulo ng opisina, pero kapwa sila umiwas ng tingin. Parang usok na sumisingaw ang tensyon sa kanilang dalawa na unti-unting napapansin ng mga empleyado sa kanilang paligid.

"Ang tahimik ng mga boss natin ngayon, ah," bulong ng isang kahera sa katrabaho nito.

"Oo nga. Parang may away yata," sagot ng isa.

Sa gitna ng magulong araw, wala ni isa sa kanila ang gumawa ng unang hakbang upang mag-initiate ng pag-uusap kahit bilang colleagues na lang. Patuloy na niloloko ni Ennui ang sarili sa pamamagitan ng pagkukubli sa trabaho, habang si Riela naman ay tahimik na umaasa na magkakaroon ng pagkakataon para ayusin ang lahat.

Hanggang sa matapos ang araw, parehong pagod at tahimik silang umuwi sa bahay. Walang salitang namutawi mula sa kanilang mga labi. Ang katahimikan ay naging pader sa pagitan nilang dalawa. No answers, no resolutions.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro