Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

Samantala, natigil si Ennui sa pagtatrabaho sa kanyang unit. Habang nakaupo sa harap ng computer, may naalala siyang bagay na dapat niyang pagtuunan ng pansin sa ngayon, and this wasn't concern any business. His membership on Riela Borromeo's fanclub needs to be renewed. Si Riela, ang aktres na kahit nasa late 20s na ang edad at hindi pa rin natitinag ang popularity, ay ang pinakapaborito niyang artista. Maganda ang upbringing nito—conservative, bihirang tumanggap ng daring roles, at galing pa sa isang relihiyosong pamilya. Ang mga ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nahulog bilang isang solidong fan. But there's more than that, they have met before and she probably forgotten it.

"Finally," he whispered to himself, his fingers hovering over the mouse. He smiled as he successfully renewed his membership. Sa wakas, makaka-access na siya ng exclusive photos ni Riela mula sa mga seryeng pinagbidahan nito at may makukuha rin siyang ticket para sa upcoming fanmeet nito. Excited na siya, kaya mabilis niyang binuksan ang mga bagong updates at content na available lang sa premium members. After logging out sa fanclub site, he moved to other social media apps, para makakuha ng latest updates tungkol kay Riela, sa IG o kaya sa X dahil marami itong masugid na fans para mag-update ng mahahalagang ganap sa career nito. He scrolled through photos and clips, almost as if he was in another world.

Nahihirapan lang siyang ipaliwanag sa sarili kung bakit siya ganito. For the past ten years, he's kept this fanboy side of him hidden. Walang nakakaalam sa pamilya niya na may ganoon siyang side. Ang mga tao sa paligid niya ay nakikita siyang tahimik, focused, at isang taong walang masyadong pakialam sa personal na buhay ng iba. If he's a country, he's probably an authoritarian and isolated type. Pero sa mga moment na ito, kapag tinitingnan niya ang mga photos at videos ni Riela, nararamdaman niyang para siyang bumabalik sa isang lugar na siya lang ang may access. It was a small, private space where he could breathe freely, away from the pressures of his role as a leader.

Napabuntong hininga siya habang tinitingnan ang isang post tungkol kay Riela. It was a fan photo of her during a promo event, and there were some comments—normal, mostly compliments about her looks and style. Ngunit may hindi maiwasang sexualizing remarks siyang nabasa na hindi niya matanggap. These comments were a line that shouldn't be crossed. Hindi niya alam kung bakit, pero ito lang talaga ang klase ng negativity na hindi niya kayang palampasin. It wasn't just about defending someone he admired; it was about respect. Riela's image was often criticized for being too "wholesome" for some, but those who sexualized her were another story. She never asked for that kind of attention. Para kay Ennui, ang sexualized comments kay Riela ay napaka-disrespectful sa sinumang artista, at higit sa lahat, sa isang tao. Hindi siya nakikisali sa 'bardahan' tuwing nagkaka-issue si Riela, pero kapag lumabis na ang panghahamak sa pagkatao nito, he couldn't help but step in. Alam niya kung paano mag-trace ng IP addresses. Hindi siya naiilang sa mga ganitong bagay. Laking gulat na lang niya nang mabilis niyang natunton ang location ng nag-comment. Wala siyang pakialam kung sino ito; hindi niya kinailangan ng pangalan. Ang gusto lang niya ay magbigay ng babala.

He sent a message using an anonymous account, one that had no traces back to him. The message was short, yet loaded with a sense of impending consequence: "If you ever post something like that again, I'll make sure it's the last thing you ever do on this platform. I traced your address, even sent you an email, and receipts will be forwarded to Riela's management."

Tinutok ni Ennui ang mata sa screen habang sinusulat ang mensahe. It felt good to do something for someone he admired so much, kahit na hindi siya magiging kilala o makita ni Riela. Walang nakakaalam kung gaano siya ka-protective sa aktres na ito, na kahit hindi niya ito personal na kilala, nabigyan nito ng kulay ang kanyang mundo.

Nagtakip siya ng mga labi, when he realized that he's smiling again. After that, muli niyang binalikan ang pagsusuri ng operational reports ng Guillermo Group. Tulad ng usual niyang routine, pinilit niyang balewalain ang nararamdaman. He didn't need anyone knowing that beneath the calm, stoic exterior, he's just a fan—a normal person. Tao rin siya na may mga lihim na nagbigay sa kanya ng kaunting aliw at saya, kahit nakaatang na lahat ng responsibilidad.

***

Nabalitaan ni Riela na may isang fan na tumulong upang pilitin ang rude commenter na mag-apologize sa social media. This was trending on X; the identity of the rude commenter who made sexualizing remarks that were exposed. Riela's fans applauded that fan who exposed the rude netizen, pero after lang nitong gawin ang pag-expose, hindi na ito sumasagot sa replies. Naging inactive ito, like he doesn't care about if Riela will thank him. Tuwang-tuwa pa naman siya sa ginawa ng fan, at nagpasalamat siya sa public post.

"Thank you to the fan who helped clear up the misunderstanding," she wrote. "I would love to meet you and thank you in person. Matagal na akong nakakabasa ng sexualizing posts, pero iba ang ginawa mo; talagang in-expose mo ang taong 'yon. At doon naman sa taong 'yon, I've already forgiven you. I won't file a case since you apologized. Just be careful on what you are posting. Spread kindness, not hatred!"

"Ewan ko ba, pero grabe, ang saya ko," sabi ni Riela sa kanyang PR team habang tinitingnan ang mga posts na natanggap niya tungkol sa apology. "Hindi ko akalain na may mga ganitong fans pa na may malasakit at hindi nagsasawang magtiwala sa'kin."

Nang nagsisimula pa lang siya sa kanyang career, ten years ago, nakasiksik na sa isip at puso niya na malaki ang utang na loob niya sa kanyang mga tagahanga. Magpahanggang ngayon, palagi niyang ginagawa ang best niya para ibalik ang lahat ang effort ng mga ito. Every day, she always ensures that she won't put on shame. She always does her best to look presentable with her image, either physical or in reputational aspects. Bukod sa nararamdaman niyang kaligayahan dahil sa ginawa ng exposer niyang fan, parang bumalik din sa kanya ang pamilyar na pakiramdam nang makitra ang username nito sa X.

"So close, yet so far away..."

"Huh?"

Nakuha ni Riela ang atensyon ng PR manager na si Matilda dahil sa bigla niyang pagbigkas sa display name ng kanyang 'heroic fan.'

"Ah— wala naman. Naalala ko lang ang display name niya, no'ng fan ko. Para kasing linya siya ng kanta, eh," nauutal na sagot ni Riela. Sa katunayan, may naalala talaga siya sa lines na iyon. It was something she read in the notebook of the guy she saved during her high school days.

"So Close by Daryl Hall & John Oates. Iyan ang lumabas sa YouTube."

"Oh? Thank you." Riela beamed. Honestly, she didn't know that song. She's not into classics. Hindi rin matindi ang enthusiasm niya sa music. Pero may something talaga sa line na 'yon. It connected to some familiar feeling that she missed.

'Buhay pa kaya ang taong 'yon?'

"Gusto mong makita ang fan na 'yon, right?" tanong ni Matilda.

"Yes, please. Pero sana may vacant schedule pa ako for that. Sana magawan ng paraan."

"Okay, I'll take care of that. We'll send him an email," masiglang sabi ni Matilda, while already typing on her laptop.

"Yeah, let's make sure it's polite and professional," Riela replied with a soft smile. "Sabi ko nga, gusto ko talagang makilala siya."

"Tapos pwede natin siyang i-hire para mag-trace ng mga susunod na babastos sa'yo," pakli naman ni Matilda. "Impressive ang skills no'n. We need someone like him or her; baka babae pala siya kaya gano'n ka niya kung ipagtanggol; since women like us know how hard it is to be sexually harassed, even online."

After discussing the details with her team, Matilda finally sent the email on behalf of Riela: "We would like to express our gratitude to you for helping to resolve the situation with the inappropriate comments. Riela would love to thank you personally. Please let us know if you'd be available for a brief meeting, and we'll give you some token of appreciation."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro