CHAPTER 15
Sa ilang oras matapos ang emosyonal na tagpo sa opisina, hindi na mapakali si Ennui. Hindi niya magawang balewalain ang namumuong guilt sa kanyang dibdib. Ang mga luha ni Riela ay tila mga tinik na bumara sa kanyang isipan. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero alam niyang may mali sa kanyang approach.
Dahil hirap siyang kausapin si Riela ng maayos, naisip niyang maghanap ng tips online. Sa internet, nag-type siya ng "How to show affection to your wife without being awkward?"
Maraming sagot ang lumabas, pero karamihan ay sobrang cheesy para sa kanya. Hindi niya ma-imagine ang sarili na sabihan ito ng sweet compliments na gusto naman niyang sabihin dati pa. Pang-teenagers lang 'yon o pwede rin sa kanya na naging fan naman dati ni Riela, even up to this moment.
"Pambihira," bulong niya sa sarili habang ini-scroll ang isang article. Subalit sa ilalim ng kakulangan ng ideya, naisip niyang tumawag sa kanyang pinsan, si Argon, na kilala rin sa pagiging stoic pero may masayang married life na ngayon. Sa katunayan, magce-celebrate na ito ng wedding anniversary sa asawa nitong si Sheena. Ito lang din naman ang close niya sa mga kamag-anak niya dahil similar din ang interests nila.
"Argon, are you still up? Do you have time?" bungad ni Ennui nang sagutin ng pinsan ang tawag.
"Para sa'yo? Baka wala," biro ni Argon. "Ano na naman ang problema ng bato kong pinsan? Kung tulog na ako, malamang hindi ko masasagot ang tawag mo."
Napabuntong-hininga si Ennui. "Gusto kong malaman kung paano magpapakita ng lambing sa asawa ko. How did you overcome this demeanor? Alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa'kin."
"Huh?" Tumawa si Argon sa kabilang linya. "Hindi kita inaasahang tatawag tungkol diyan. Ano na, are you really in love, o sinabihan ka lang na hindi ka nagbibigay ng effort at naapakan nito ang pride mo?"
Argon also didn't expect him to get married. Nagulat din ito sa kung sino ang pakakasalan niya. Pero alam niyang hindi naman nagkakalayo ang sitwasyon niya kay Argon dati. Nagsimula rin ang kasal nito kay Sheena na hindi sigurado ang feelings nila sa isa't isa. Pero ngayon, talagang sinubok sila ng tadhana at mas nanatili ang kanilang pagmamahalan.
"Hindi ito tungkol sa feelings ko. May pinagdadaanan siya at gusto ko lang siyang ma-comfort kahit papaano. Pero—" Huminto siya dahil hindi na niya kayang sabihin nang deretsahan na hirap siyang mag-open up.
"Pero awkward ka," dugtong ni Argon. "Classic Ennui."
"Just tell me what to do. Ang dami mong side comments," sagot ni Ennui na pinipigilan ang inis sa pang-aasar ng pinsan.
"Okay, kalma. Ganito kasi 'yan," sabi ni Argon at tila seryoso na. "Hindi mo kailangang magbago nang todo. Pero kailangan mong mag-effort na ipakita na iniintindi mo siya. Una, simple gestures. Huwag mong minamaliit 'yon. Halimbawa, magdala ka ng pagkain na alam mong paborito niya. O kaya, tulungan mo siya sa mga ginagawa niya."
"Food? That's it? Parang bare minimum. Baka nasasabi mo lang 'yan dahil cook ka sa barko. Mas skilled kang magluto. Ako kasi, hindi."
"Hindi lang 'yon basta pagkain. Kailangan mo kasing hulihin kung anong love language ang gusto niya. Tapos heto pa, kapag kausap mo siya, huwag kang parang boss. Maging attentive ka. Eye contact, man. Napakalaking bagay niyan. At higit sa lahat, huwag kang sobrang kritikal sa mga pinagsasabi mo. Alam ko, natural na sa'yo 'yon, pero minsan kailangan mong mag-tone down. You know what I mean. Sensitive pa naman ang mga babae. Sana na-observe mo 'yan sa mom at sa ate mo."
Tahimik lang si Ennui habang nakikinig. Medyo naliwanagan siya, pero mukhang mahirap gawin lahat ng iyon.
"At kung gusto mong mas maging effective," dagdag ni Argon, "bakit hindi mo tanungin siya kung anong gusto niya? Diretsuhin mo siya. Huwag kang manghula. Trust me, mas ma-a-appreciate niya 'yon. Hindi naman mahirap nakipag-communicate."
Nag-isip si Ennui. Parang hindi niya kaya ang ideya na diretsong tanungin si Riela. Pero alam niyang tama si Argon. Wala rin naman siyang mapapala kung puro pag-iwas ang gagawin niya.
"Salamat, Argon."
"Walang anuman, pinsan. Good luck. At tandaan mo, hindi masama ang magpakita ng lambing at pagpapakumbaba. Wala namang masama doon."
Kaya kinabukasan, nagdesisyon si Ennui na subukan ang unang tip ni Argon. Inalam niya kung ano ang paboritong pagkain ni Riela. Napag-alaman niyang mahilig ito sa adobo, kaya nagpadeliver siya ng mula sa isang kilalang Filipino restaurant.
Pagbalik ni Riela mula sa trabaho, laking gulat niya nang makita ang mesa na may pagkain. Hindi niya inaasahan iyon mula kay Ennui. Nakatikim din nito ang lahat ng katrabaho niya kaya nakatipid sila sa lunch.
"Para saan 'to?" tanong niya, na kita ang alinlangan sa mukha.
"Lunch. Pag may natira, pwede pang dinner," sagot ni Ennui nang malamig, ngunit pilit niyang pinapakalma ang tono. "Alam kong pagod ka na. Kumain ka muna."
Ngumiti si Riela, halatang nagulat ngunit natuwa sa effort ni Ennui. "Thank you. I appreciate it."
Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Ennui na tama ang ginawa niya. Nagsimula silang kumain nang tahimik, pero ramdam niya ang unti-unting pagkalma ng tensyon sa pagitan nila. Kahit maliit na hakbang iyon, alam niyang may pag-asa pa silang magkasundo.
Tahimik pa rin si Ennui, nagmamasid kay Riela mula sa gilid ng kanyang mata. Hindi niya alam kung paano magsisimula, ngunit ramdam niyang hindi pa sila tuluyang nagkakasundo dahil sa ginawa niyang pagkakamali. May hindi pa siya nasasabi—isang bagay na matagal na niyang gustong aminin kay Riela. Ang totoo, kahit na mahirap para sa kanya ang magbukas ng emosyon, hindi na niya kayang ipagpaliban pa ito. They already have moments like this so he won't dare to waste it.
Pagkatapos nilang kumain, nag-ayos si Riela ng mesa. Si Ennui naman, naiwan sa kanyang pwesto, nag-iisip pa nang malalim. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng pakiramdam, iyong awkward. Minsan lang mangyari sa kanya ito, at alam niyang ito na ang tamang pagkakataon para ayusin ang lahat.
"Riela." Tumayo si Ennui at lumapit sa asawa nang hindi nito inaasahan, "Kailangan kong humingi ng tawad."
Nagulat si Riela at naguguluhang sinalubong ang tingin ni Ennui. "T-tawad? Bakit?"
Sa unang pagkakataon, nakita ni Riela ang pagkakaroon ng pagsisisi sa mukha ni Ennui. She didn't expect him to act like that. Ang dating malamig at mahinahon niyang asawa ay nagpapakita ng vulnerability—isang bagay na hindi pa niya nakita noon, while he used to help her win her case against Alluring Care. Parang hindi na kalkulado ang reaksyon nitong pinapakita.
"I've been distant," patuloy ni Ennui, ang boses ay bahagyang nanginginig. "I've been treating you like an ordinary employee, kahit asawa kita. Hindi ko dapat ginawa 'yon. I made you feel like you weren't important—like I didn't care. And that's not true."
Tahimik lang si Riela at hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng paglapit mula kay Ennui. Ang mga sinabi nito ay nagbigay ng ginhawa sa kanyang puso kahit may kaunting pag-aalinlangan pa rin siya. But then, she just laughed. "Ganyan ka rin naman dati. Mas malala ka pa nga. I don't know why you have to be like this."
"I'm sorry for all the times I made you feel small," sabi ni Ennui, mas matatag na ang kanyang tinig. "I didn't mean to hurt you. I just... I don't know how to show it properly. I've never been good at this."
Mabigat ang mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig, ngunit ramdam niya na ito ang tamang hakbang para maging tapat kay Riela. Hindi niya na kayang ipagpatuloy ang buhay nilang magkasama na hindi binibigyan ng halaga ang nararamdaman nito, kahit pa hindi naman itinatag ng pagmamahalan ang kanilang kasal.
"I want to do better," dagdag ni Ennui, habang tinitingnan nang seryoso ang maybahay. "I'm not asking you to forgive me right away. I just want you to know na... I'm sorry, Riela. You don't deserve to be treated the way I treated you."
Napalunok si Riela. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Habang nakatayo si Ennui sa kanyang harapan, alam niyang may malalim na pagbabago sa puso nito at may mga bagay na kailangan nilang pag-usapan.
Sa huli, nagsalita si Riela. May kaunting kabigatan nga lang sa kanyang tinig. "Thank you for saying that. But this is all so new to me. I don't know if I can easily forgive you—Sir."
"I understand. Take your time. But what can I do in order for you to forgive me quickly?"
Hindi madali para kay Riela na magpatawad, ngunit ang ginawa ni Ennui ay isang hakbang patungo sa pag-aayos ng kanilang relasyon. Ito na naman ang way niya para bawian ang kanyang asawa.
"Huwag kang magpa-overtime for a week."
"Iyon lang ba? Sure and I give them OT pay, kahit walang OT. Mas mapapabilis ba no'n ang pagpapatawad mo?"
Ngumiti si Riela at umiling. "If you would do that, sana hindi na lang para sa'kin. Your employees are hardworking and trustworthy, Ennui. You have to build a connection with them, something emotional and of course, kailangan din nila 'yong pa-incentives."
"Okay. I'll give them. Tama ka nga, kailangan pa rin ng emotional connection. So next time, hindi na sila matatakot," sagot ni Ennui habang nakangiti sa kanyang asawa.
For now, naramdaman ni Riela na ang kasal nila ay hindi lamang isang palabas, kundi isang tunay na pagsubok ng tiwala at pagmamahal, kahit pa ang pundasyon nito ay isang kasunduan lamang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro