CHAPTER 10
Samantala, hindi natuwa si Johan Guillermo, ang patriarch ng pamilya at ama ni Ennui, sa nalaman niyang pagkaka-link ng anak kay Riela. Doon pa talaga sila sa corporate office nagkaroon ng sagutan.
"I told you to stay away from controversies, Ennui. This isn't just about you. It's about the Guillermo name!" galit na sigaw ni Johan habang magkatapat sila sa isang pribadong kwarto.
"Riela Borromeo? Of all people?" dagdag niya, na tila dinidiin ang masalimuot na nakaraan ni Riela na nalaman lang din naman niya sa mapaglarong media.
Nanatiling kalmado si Ennui at sa kabila ng tensyon, hindi siya natinag.
"She's not what you think, Dad," mahinahon niyang tugon. "Her issues are overblown by people who barely know her."
"Don't be naive, Ennui. Ginamit mo pa ang connections ng kompanya para pakialaman ang sitwasyon niya!" singhal ni Johan. "What if she's after your money?"
Hindi nakapagpigil si Ennui. Tumayo siya mula sa kinauupuan at diretsong tiningnan ang ama. "Ginawa ko 'yon dahil alam kong tama, at dahil gusto ko siyang tulungan. And if you're worried about what people think, let me make this clear, I don't care. Besides, hindi niya ako minahal dahil sa pera dahil may pera din siya!"
Magpapatuloy pa sana ang tensyon sa pagitan ng mag-ama. Pero nang tila nauubusan na ng argumento si Johan, biglaang nagsalita si Ennui ng bagay na ikinagulat ng lahat.
"I'm going to marry her," mariin niyang pagsiwalat at walang bakas ng pagdadalawang-isip.
Nagulat si Johan. "What did you just say?"
"I said, I'm going to marry Riela," ulit ni Ennui, mas matatag ang boses. "And I don't need your approval for it."
Tumahimik ang silid pagkatapos ng bangayan. Kahit si Johan, na sanay sa matinding debate, ay hindi makapagsalita. Alam niyang seryoso si Ennui, at alam din niyang walang makakapigil sa binata kapag ganito na ang paninindigan nito.
***
Mabilis na kumalat ang balitang ito, hindi lang sa Guillermo group kundi pati na rin sa media. Nang makarating kay Riela ang ulat, hindi siya makapaniwala. Nalaman niyang ipinagtanggol siya ni Ennui laban sa ama nito at mas lalo pa siyang nagulat nang marinig ang pahayag ng binata.
"Marry me?" tanong niya sa sarili, halos hindi makapagsalita sa sobrang gulat. Ngunit sa halip na matakot, naramdaman niya ang kakaibang saya at pagtibok ng kanyang puso. Ano ang ibig sabihin nito? Mahal nga ba siya ni Ennui, o bahagi lang ito ng depensa nito laban sa ama?
Hindi niya kayang maghintay ng kasagutan. More like, she has to search for it. Kailangan niyang makausap si Ennui nang personal, hindi lang para sa mga sagot kundi para malaman ang totoo tungkol sa nararamdaman nito.
Kaya sumugod ulit siya sa opisina ng Guillermo, hindi na niya alintana ang mga usisero. Sa bawat hakbang niya papunta sa opisina ni Ennui, dama niya ang titig ng mga empleyado at ang mga pabulong na tsismisan sa paligid. Ang mahalaga ay makausap niya si Ennui at matukoy ang totoo sa mga kumakalat na balita. Ngunit sa pagdating niya, sinabi ng receptionist na wala si Ennui roon.
"Nasaan siya?" mariin niyang tanong.
"Wala po siya ngayon, ma'am. Pero maaari po kayong mag-iwan ng message," sagot ng receptionist, halatang naiilang sa tensyon.
Hindi sumagot si Riela. Kinuha niya ang telepono at tumawag kay Ennui. Sa ikalawang ring, sinagot ito ng binata.
"Hello," mahinahong boses ni Ennui, tila hindi inaasahan ang tawag niya.
"Kailangan nating mag-usap," walang pasubaling sabi ni Riela.
Sandaling natahimik si Ennui bago sumagot. "Fine. Magkita tayo, pero hindi sa opisina. Pumunta ka sa Alabang, sa hardware business namin. Mas tahimik doon."
***
Dumating si Riela sa nasabing lugar, isang malaking gusali na may opisina sa ikalawang palapag at showroom sa ibaba. Tahimik ang paligid, malayo sa mata ng media. Hinintay siya ni Ennui sa isang conference room. Nakaupo ito at halatang abala sa pag-iisip.
Pagpasok ni Riela, agad na tumayo si Ennui. Ngunit bago pa ito makapagsalita, binasag na ni Riela ang katahimikan.
"Totoo ba ang sinabi mo? Iyong tungkol sa kasal?" tanong niya na walang pasakalye.
Napabuntong-hininga si Ennui. "Hindi ko alam kung saan nanggaling ang balitang iyon."
Nanlaki ang mata ni Riela. "So hindi mo sinabi 'yon?"
"I wasn't sure," sagot ni Ennui, tila nag-iingat sa kanyang mga salita. "Sa galit ko sa tatay ko, may mga nasabi ako impulsive, dahil gusto kitang ipagtanggol. Pero kung may nasabi ako tungkol sa kasal, hindi ko na maalala."
Pakiramdam ni Riela ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Parang dumoble tuloy ang sakit sa dibdib niya. "So lahat ng ito... wala? Pinaglalaruan mo lang ako?"
"Hindi kita pinaglalaruan, Riela," mabilis na sagot ni Ennui. "Hindi ko sinasadya ang lumabas sa media and I don't have any idea kung paano lumabas 'yong naging alitan namin ni dad kagabi, at hindi ko ginusto na masangkot ka pa."
Tumawa si Riela, but the sarcasm was evident. "Napakaganda ng timing mo. Una, tutulungan mo ako. Tapos iiwas ka. Ngayon naman, parang wala lang lahat ng ito. Ano ba talaga ang totoo, Ennui? Dahil umasa ako kahit papaano."
Hindi agad sumagot si Ennui. Tumitig siya kay Riela, tila may gusto siyang sabihin na hindi niya magawang ipahayag.
"Gusto kitang tulungan, pero hindi ko alam kung tama ang paraan ko," aniya. "I care about you, pero hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sa'yo kung iniisip mong lahat ng ito ay laro lang."
"Hindi ito tungkol sa kung gusto mo ako o hindi, Ennui," sagot ni Riela at nanginginig pa ang boses. "Ang iniisip ko lang ay kung paano ko ibabalik ang buhay ko sa normal. Dahil ang lahat ng ito, 'yong mga tsismis, yung judgment—mas mahirap para sa akin."
Natahimik si Ennui. Ramdam naman ni Riela na may gusto pa itong sabihin, ngunit wala na siyang lakas para maghintay.
"Alam mo, tama ka. Hindi mo kailangan ipilit ang sarili mo," sabi ni Riela bago ito tumalikod. "Ako na ang gagawa ng paraan para mag-move on. Kahit hindi naman naging tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro