CHAPTER 1
Tumahimik ang silid nang pumasok si Ennui Guillermo, at lahat ng mga mata ng naroon ay nakatuon lamang sa kanya. Nakasuot siya ng maayos na tailored na dark navy suit, which highlights his colder demeanor. Walang emosyon ang kanyang mukha, pero sapat na ang kanyang presensya para magsitahimik ang board members na kanina lang ay tila masaya at kabado bago pa siya dumating.
"Let's get this over with, and thank you for waiting. I know that I'm a minute late," malamig niyang bungad, saka umupo sa sentrong bahagi ng mesa. He didn't even dare to smile or look them through their eyes. Sa halip, sinulyapan niya ang isang thick binder na nasa harapan niya na tila inaral na niya bago pa ang meeting.
Ang chairman ng board na si Mr. De Vera, ang sumalubong sa katahimikan. "Mr. Guillermo, as you know, this is a crucial time for the company. We are expecting your leadership to stabilize operations."
Tumango lamang si Ennui at nagbigay ng mahaba ngunit makabuluhang tugon, "I will do what's necessary. I have the credentials. I worked as an operations manager for the past five years and also attended useful seminars. I even interviewed several workers within our company."
Sa sulok naman ng meeting office, hindi mapakali si William Guillermo, ang tiyuhin ni Ennui. Alam niyang maraming nakakakita sa pamangkin niya bilang wild card—unpredictable, reserved, at mukhang hindi interesado sa corporate politics. Aminado siyang may kakaibang galing si Ennui pagdating sa trabaho. He was also rooting for him to be the official CEO, kahit hindi nagkaroon ng trouble ang sarili niyang anak na si Chezka, na dating appointed COO na running for the CEO position. Ang problema lang na nakikita niya kay Ennui ay ang walang kasiguraduhan na kapasidad nitong dalhin ang bigat ng buong Guillermo Group. In other words, masyadong distant sa pakikitungo si Ennui, kahit pa sa kanya na sariling kadugo.
Habang umaandar ang meeting, pinakita ni Ennui kung bakit siya ang napiling pansamantalang CEO. Sa loob ng tatlumpung minuto, inisa-isa niya ang mga problema sa operations at marketing ng Guillermo Group, gamit ang mga datos na tila kabisado niya sa bawat pahina ng binder. Sa bawat tanong ng board, maikli ngunit may laman ang kanyang sagot. Lahat ng posibleng itanong, naisasagot na niya agad. No one dared to ask him anything after he spoke except for one person in the room.
"Mr. Guillermo," said a senior board member who is critical, "You're young and inexperienced as a CEO. Why should we trust you with this role?"
Iniangat ni Ennui ang kanyang mukha para salubungin ang tingin ng senior board member. "You don't have to trust me. Instead, trust the results I've delivered. The liquor brand was floundering until I stepped in. It's now our most profitable division. If you want me gone, I'll gladly walk out, but I assure you, no one else will fix this faster than I will."
Natahimik muli ang silid. Walang sumagot, pero naramdaman ni Ennui ang bigat ng mga titig sa kanya. Sa kabila ng kabataan at distansya niya, malinaw sa lahat na hindi siya madaling matitinag.
***
Pagkatapos ng meeting, Nanatiling nakaupo si William habang ang iba ay nagsialisan na. Pinagmasdan niya si Ennui na kasalukuyang nag-aayos ng kanyang mga papeles, tila wala nang pakialam sa mga nangyari. Hindi na napigilan ni William ang magtanong nang malapit na siyang makalabas ng silid.
"Do you even want this position, Ennui?" tanong niya.
Tumigil si Ennui at tiningnan si William nang malamig. "What I want doesn't matter. What matters is that this company survives after your daughter made a mess for defaming her innocent half brother, which also damaged the business. If that means stepping in, then so be it."
Ngumiti si William; bahagyang napahanga siya pero may halong pagdududa, at na-dismiss niya agad sa isip niya ang naramdaman niyang inis dahil sa sarcastic remarks ng pamangkin. "You sounded like you've already given up before you've even started. Tinatago mo lang dahil lamang ka ngayon. Palibhasa, hindi ka kasing impulsive ng anak kong si Chezka. At alam ko, nasasabi mo lang 'yan dahil close kayo ng pinsan mo na inaway niya."
"Not giving up," sagot ni Ennui habang isinara ang binder. "I just don't believe in wasting time pretending to care about things I don't. That's your job, Uncle. Handle my Ate Chezka so she won't stay bratty until she reaches a golden age."
Lumabas si Ennui sa silid, iniwan si William na natutop ang noo, hindi alam kung matutuwa ba o mangangamba para sa kinabukasan ng Guillermo Group sa ilalim ng malamig na liderato ng pamangkin.
"Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya." Tumikhim si William at nanatiling nakatingin sa skyscraper view, ang mata'y nakasentro sa malalayong ilaw ng mga gusali sa ibaba.
"Ennui... Boring," ani William sa sarili. Isang salita na sumasalamin sa kanyang kabiguan—isang bata na parang walang kahit kaunting interes sa mundong ginagalawan niya. Parang robot. Wala ni isang sinseridad, pero maigi na rin dahil wala itong pakialam sa corporate politics, at masyadong controlled ang emosyon. But he understood him for having a stoic demeanor.
"Effective head of operations" ang label kay Ennui ng board members, dahil sa maayos na pag-handle nito sa operations ng kanilang liquor brand. Bago magtampo ang mga tao dahil sa issues ng kompanya, nagawa nitong palakasin ang negosyo— tumaas ang benta, at napalaki ang market shares bago matapos ang taon. Pero sa likod ng lahat ng tagumpay, hindi mararamdaman ni William ang pagiging 'inspired' ni Ennui na karaniwang makikita sa mga lider.
"Hindi ko siya maintindihan." Hinawakan ni William ang kanyang salamin. "Ngunit isang bagay ang sigurado ko, hindi siya katulad ng ibang mga Guillermo."
Si William ay isang tao na naniniwala sa personal na koneksyon, sa pagbuo ng relasyon, at sa pagpapakita ng malasakit lalo na sa business. Pero si Ennui? Boring na nga, wala pang pakialam. Sa kabila ng lahat ng ito, isang tanong ang patuloy na umuukit sa isip ni William: "Kaya ba niyang baguhin ang kompanya sa methods niya?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro