Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#8 SCC

Jed's POV:

nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan neto si Keenan. eto na nga at papunta na kami sa Rizal, magaganda daw kasi ang tanawin dun sakto sa them ng story namin since yung girl is Probinsyana kaya yun na din yung place na napagkasunduan naming lahat, anong ginagawa ko dito since di nila ko member? naalala niyo kahapon? balikan niyo yung #7 SOC nakakatamad mag flashback :V chozxc eh diba nga kasi kulang sila sa tao eh kahapon sumama ko kay Madi ayun nadamay ako, Minsan kahit ayaw mong madamay, dahil nandun ka, madadamay at madadamay ka na. at dahil kaibigan ko naman si Madi and seems mabait tong mga kagrupo niya I decided to help with all my loving and kind heart <3

"gusto niyo daan na muna tayo sa may antipolo guys?" tanong ni Keenan, siya yung nagmamaneho ng sinasakya naming van ngayon, opo uso pa po ng van and obviously sa kanya din tong sasakyan kaya siya talaga ang magmamaneho :V Habang ang katabi niya naman sa unahan ay si Eris Domingo, base sa data na aking nakolekta, chozxc kakakilala palang data agad eh no? chenes lang mga friends name and face palang ang alam ko sa kanila. tapos tatlo kaming nasa likod ng driver seat, si Madi, ako at si Geoff. meged alam niyo ba ang bango nia shetness overload tama na ang kalandian move on na tayo. tapos sa likod naman namin si Daisy, Si Paolo, and si Tyro at base sa aking knowing since kahapon eh napagalaman kong may gusto pala itong so Tyro kay Daisy.

"Paolo palit na kasi tayo." pagpupumilit ni Tyro kay Paolo and yes di kayo nagkakamali nag eeavesdrop ako XD eh sa wala kasi kong dalang earphones eh di ako ready na may trip :( 

"magpatugtog ka nga Keen." utos ni Geoff

"wag na alam naman kasing may nageearphones eh." angal naman ni Madi

"kung nageeaarphones ka pano mo ko naririnig?" pang aasar ni Geoff

"alam mo kahit bumulong ka pa maririnig ko yan boses mo kasi pang demonyo yung tipong kahit bulong lang maiirita ka na," inis na sagot ni Madi

"baka naman kasi mala anghel ang boses ko." sabi nito sabay kindat kay Madi

"guys tama na nga yan, ang sakit sa ears di na kayo naawa saken -_-" reklamo ko sa kanila aba ikaw kaya pumagitna sa dalawang to.

NP. OVERDRIVE~  --->> KINDLY PLAY THE SONG.

"so guys daan muna tayo sa antipolo church ah :)" pag iinform samen ni Eris.

"teka alam mo to dito?" tanong ko sa kanya.

"ah oo kahit papano, classmate ko kasi tong si Keenan Grade 1-6 and sadly magkapitbahay din kami niyan XD " sabi nito.

"eh anong kinalaman nun sa tanong ko?" kasi ng layo naman talaga.

"ay turtle net lang? sa Rizal kami nakatira dati." natatawang sabi neto.

"ah sorry mahina ng connection dito eh ahahaha!" natatawa kong sabi XD

"Sige ba! gusto ko yan!" sigaw naman ni Tyro mula sa likod makalipas ang 10 minuto ay nakarating na din kami sa antipolo church.

"guys dalian niyo naman!" pag-aapura samen ni Tyro in fairness sa kanya ang energetic niya

"teka nga ba't ka ba kasi masyadong nagmamadali?" nairitang tanong ni Eris sa kanya

"hindi mo ba alam yun? na pag una mong beses na mapupuntahan ang isang simbahan pwede kang humiling and in no time matutupad yung wish mo." pagsasabi ni Tyro

"naniwala ka naman?" tanong ni Paolo

"oo naman!" sagot neto.

"ah oo tama nga sabi nga nila na pag unang beses mong pumunta sa isang simbahan ay hilingin mo na ang gusto mong hilingin dahil matutupad talaga yun." pagsang-ayon ko kay Tyro

"guys tara na!" sigaw ni Keenan.

"may nasusunog may nasusunog!" nagpanic naman kaming lahat sa nagtutumiling si Madi

"asan?! asan?!" alalang sabi ko baka mamaya masama pa kami oh lord madami pa po kong plano please lang.

"siya oh!" sabay turo niya kay Geoff.

"-_- sis naman tama na ang prank." sabi ko sa kanya konti nalang babatukan ko nato.

"haha, tawanan niyo guys." pang aasar ni Geoff.

"ay sorry ah kala ko kasi nasusunog ka devils you know, umuusok lang pala sa likod mo." sabay turo niya sa likod ni Goeff may nagsisiga tapos eh pumasok na kami sa loob, ang ganda as in mafefeel mo talaga lahat ng mga nangyari dito, halatang luma na siya dahil na rin sa exterior niya pero napreserve pa rin talaga nila. habang naglilibot sila ako din nagtotour mag-isa pano kasi si Madz ang init ng ulo saken ngayon kasi kinampihan ko kanina si Geoff. ng pumunta ko sa may Votive Candles, nakita ko si Madz, tahimik lang nagsindi siya ng kandila tapos eh pumikit may hinihiling ata haha naniniwala din pala si Madz ang bitter pa, lalapitan ko sana kaya lang bigla na siyang umalis, tapos may tumatakbo, si Geoff may hawak din siyang kandila, nilagay niya lang yun katabi nung kay Madz ng mapansin niyang nahipan ng malakas na hangin ang apoy nung kandila ni Madz kaya sinindihan na ulit yun tapos eh umalis na. 

"Jed! lika dito wish tayo :D" pagyaya saken ni Tyro tapos eh inabot niya saken ang isang kandila, good thing nakaalis na si Geoff tapos eh sunod sunod na silang nagpunta sa Van, matapos ay umalis na din kami

"wooott mukhang mahaba habang araw to guys :D" masayang sabi ni Tyro.

"nako Ty sinabi mo pa." pagsang ayon naman ni Keenan

"alam niyo pa nga kayo lang ang maingay na dalawa." saway ni Paolo.

"ahahaha tama na yan mamaya niyang mag-away away pa kayo" sita sa kanila ni Daisy

"nakuu babe wag kang mag-alala para sayo di ko papatulan tong si Paolo." pang aalaska ni Tyro sabay yakap neto kay Paolo

"yuck! bitawan mo nga ko!" matapos ay nagpumiglas si Paolo na makaalis sa mga bisig ni Tyro

"oh tama na yan baka magalit ang kasama nating lola." pagsasabi pa ni Geoff sabay tingin kay Madz.

"haha, nakakatawa Mr. Leodiego." sarkastikong sabi ni Madz

"ah talaga? salamat sa tawa ;)" dagdag pa nito,lalong nainis si Madz kaya naman ay tinalukbong na nito ang kumot na dala dala niya.

"May mga tao talagang ipinaglihi sa Ampalaya." asar ni Geoff.

"sabihin mo yan pag alam mo na ang pakiramdam ng maiwan." seryosong sabi ni Madi .

__________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro