Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 9

wyrdaest>>

KABANATA 9

NAGMULAT NG MATA si Aika at nakita ang pamilyar na silid sakaniya. Agad siyang tumayo pero bumalik lang rin sa pagkakahiga. Masakit ang katawan niya.

Du'n niya naalalang nakipaglaban pala siya kagabi. Mariin niyang ipinikit ang mata at gumulong gulong sa kama. Ugh!

"What the heck, Aika?" anang ng isang lalaki sakaniya.

Natigil siya sa paggulong at tumingin sa pinto.

Sinamaan ni Aika ito ng tingin. "Will you please knock first?" inis niyang saad.

Tinaas naman nito ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko. "Woah, easy. Eto na." lumabas ito at sinarado ang pinto.

Nakahinga naman ng maluwag si Aika saka umayos ng upo.

Maya maya pa ay may kumatok sa kaniyang pinto. Kumunot ang noo niya.

"Come in." aniya.

Ngumiti ng pagkalawak ang lalaki at lumapit sa pwesto niya.

"Tsk."

"Oh ayan, kumatok na. Kamusta na ang pakiramdam mo, Babe?" anito.

"I'm good." aniya.

"Talaga?" tanong nanaman ni Marcus na parang hindi maniwala.

"Get out, idiot! Bwisit ka sa umaga ko." naiinis siya. Ewan kung bakit.

Meron ba siya ngayon?

Sumeryoso ang mukha nito at nakapamulsa. "Pinapatawag ka ni Boss." anito.

Tinignan niya ito at muling kumunot ang noo. Hindi niya pa nakakalimutan ang ginawa ng magaling niyang Boss kagabi. Fuck him for causing much damage to her. Muntik na siyang matalo kagabi ng dahil sa kalokohan nito.

"Now?" tanong ni Aika.

Tumango si Marcus. "Sa Leon War." anito at umalis na.

Naiwan naman si Aika na lito. Anong kailangan nanaman ng gago niyang boss?

Kaya kahit dama ni Aika ang sakit sa buong katawan ay tumayo na siya at dahan-dahang naglakad patungong cr.

Nang matapos maligo ay maingat pa rin ang kilos na nagbihis. Nagtsinelas lang siya ngayong araw. Marami rin siyang gauze na nilagay sa nananakit na parte ng katawan bago lumabas.

Argh,fuck! Makisama ka naman katawan.

Hindi maipinta ang mukha ni Aika habang maingat na lumabas at bumaba.

Nasa sala sila Draven at Marcus. At wala nanaman si Bado. Kumunot ang noo ni Aika. Is she just dreaming last night? Na binuhat siya ni Bado kagabi?

"Ready?" Draven at tumayo na saka siya inalalayan.

Sinuway naman siya ni Marcus. "Hey! Ako na ang bahala sa babe ko." anito at inalalayan si Aika.

Nailing na lamang si Aika dahil nag-umpisa nanaman silang magbangayan. Immatured.

Naglakad na lamang siya at nilampasan ang dalawa na hindi napansin ang pag-alis niya.

Tsk.

Paika ika pa rin ang lakad niya. Akmang pipihitin na ni Aika ang door knob ng may kamay na humawak sa pulsuhan niya.

Tumingin si Aika sa kaniyang kanan at nanlaki ang mata ng makitang nakatingin rin ito sakaniya ng seryoso.

Dinig na dinig ni Aika ang pintig ng puso niya. Anong nangyayari sakaniya?

"Ang tigas ng ulo mo." anito at pinihit ang door knob. Naiwan pa rin nakatulala si Aika kay Bado.

Maya maya pa ay naramdam ni Aika na nasa ere ang kaniyang katawan.

Wait---Fuck! Buhat siya ngayon ni Bado. A bridal style.

"T-Teka...Let me g-go!" shit bakit nauutal naman siya ngayon.

Mind, please makisama ka naman sa'kin ngayon.

Tumigil si Bado sa paglalakad at tumitig sa mga mata ni Aika. Damn she think she's melting. Bakit sa simpleng pagtitig lamang ni Bado sakaniya ay sobrang bilis ng kabog ng puso niya.

Dapat ay maiinis siya. Dahil sa hindi nito pagpansin sakaniya kahapon. Ano bang nangyayari sakaniya?

"Kaya mo ba?" he said in with full of authority tone.

Nag-iwas ng tingin si Aika. Kaya niya nga ba? Sa kondisyon niya? Obviously no.

"Tsk." naglakad ng muli si Bado palabas ng Brgy. na iyon. Pinagtitinginan rin sila ng mga tao. Mas lalo tuloy nahiya si Aika. At ramdam ang pamumula ng buong mukha. Ang awkward.

Natigil sila sa isang puting van. Kumunot ang noo ni Aika saka tumingin kay Bado na hindi parin siya binibitawan. Naramdam ng panlalamig sa buong katawan si Aika. No.

"B-Ba't may puting van?" tanong niya.

"Diyan daw tayo sasakay." Bado said without looking at Aika.

"H-Ha? Bakit?" Hindi pwedeng sumakay siya diyan. Ayaw niyang maalala ang nakaraan.

Ngayon ay tumingin na si Bado sakaniya na nakakunot ang noo.

Natulala naman si Aika sa nakikita. Fuck! He's more handsome upclose. Plus he's brows were furrowed na nakadagdag sa kagwapuhan ni Bado. Hindi maipagkakailang may itsura ito kahit nagsusungit ang anyo ng mukha.

"Staring is rude." ani ni Bado.

Ramdam naman ni Aika ang pamumula ng mukha kaya agad siyang nag-iwas ng tingin dito. "I-I'm not staring a-at you." depensa niya.

Ano nanamang kagagahan ito Aika?

Bado just tsked then walk towards the white van. Poprotesta pa sana siya ngunit malakas ito. Binuksan nito ang backseat na iyon ng walang kahirap hirap saka siya nilapag ng maingat. Shit! Not now please. Patuloy ang pagdarasal niya na sana mabilis lamang ang byahe ng hindi siya tuluyang sakupin ng takot at mahimatay.

"Stay still." anito saka muling sinarado ang pinto.

Pinag-uuntog naman ni Aika ang sariling noo sa sandalan ng upuan at mariing pumikit.

Ano bang ginagawa mo ha? Nakakahiya ka. panenermon niya sa sarili.

"What the hell are you doing, Aika?" ani ni Bado at hinawakan siya sa ulo saka hinarap sakaniya.

Umikot lang pala ito sa kabilang pinto ng hindi niya namamalayan.

And here comes her heart again. Beating so darn fast.

Winaksi naman ni Aika ang kamay nitong nasa magkabila niyang pisngi at umiwas ng tingin. Grabe ang kabog ng dibdib niya, waring nakipagkarera siya sa sobrang bilis.

"N-Nothing." iyon lamang ang nasabi niya.

Tinignan naman siya nito ng mabuti. Biglang naconscious si Aika sa itsura niya. Kailan ba ito titigil sa kakatitig ng ganun?

Sa huli ay tumango na lamang ito at umayos na ng upo. Umayos na rin ng upo si Aika at tumingin na lamang sa labas ng bintana. Ayaw niyang makita siya ni Bado na namumula.

Sumakay na rin pareho si Marcus at Draven pero hindi pa rin tapos ang bangayan. Tsk.

Umandar na ang van na ang driver ay si Draven at nasa passenger seat naman si Marcus. Silang dalawa lamang ni Bado ang nasa backseat.

***

NAKARATING SILA SA Leon War at bumaba na. Pababa na sana si Aika ng alalayan siya ni Marcus.

"Thank you." aniya.

Ngumiti lang si Marcus saka hinawakan ang kanang braso niya. Paika ika pa rin siyang naglakad papasok.

Nauna na si Draven at Bado. Well speaking of Bado, hindi nanaman maipinta ang mukha. Tsk. Bipolar talaga.

Gago, may regla ba ang lalaking iyon?

Nakapasok na sila at kailangang umakyat ng ikalawang palapag. Tsk, ewan naman dun sa Boss niya. Alam na nga nitong napuruhan masyado si Aika pero gusto pa sa opisina nito makausap.

Minsan napapaisip na lamang si Aika sa Boss niya na baka may sapak ito sa utak. No, talagang may sapak ito sa utak, legit. Hays, nakakaistress ha!

Nauna ng maglakad ang dalawa at naiwan nanaman sila ni Marcus.

"Careful." ani ni Marcus habang inaalalayan si Aika sa bawat hakbang niya.

Hindi maiwasang mangiwi ni Aika sa tuwing igagalaw ang katawan. Masakit pa rin ang katawan niya. Putangina mo Boss. Mamatay ka na.

Natigil naman sa pag-alalay sakaniya si Marcus at tinignan siya.

"Kaya mo ba talaga?" nag-aalala nitong tanong.

"Kaya ko." at humakbang muli pero nangiwi nanaman siya ng maradaman ang kirot na dumaloy sa buong kalamnan niya.

Umiling si Marcus at lumapit sakaniya. Nanlaki ang mata ni Aika.

"W-Wait--" nabitin sa ere ang sasabihin ni Aika ng buhatin siya ni Marcus. A bridal style again.

Papalag pa sana si Aika pero naglakad na si Marcus.

Wala na siyang nagawa kundi ang kumapit na lamang sa leeg nito.

'Wag nang choosy, masakit din katawan mo e. ani ng kaniyang isipan.

Nakarating na sila sa opisina ng kaniyang Boss.

"I-Ibaba mo na ako." utos ni Aika kay Marcus.

Tumingin lamang ito sakaniya at seryosong binuksan ang pinto.

Napanganga naman si Aika. Fuck! Bakit hindi ito ngayon nagbibiro? Ba't parang nagseryoso ito ngayon? At hindi siya sanay na ganoon ito. Nasaan na yung Marcus na nakilala niya?

Pagkapasok nila ay tumingin sa gawi nila Aika sila Boss Dale, Draven at Bado. And they're having a different emotions written in their faces.

Si Draven na nanlaki ang mga mata habang nakatayo malapit kay Boss Dale. Si Bado na nakakunot ang noo habang nakaupo sa pang-isahang sofa. At ang Boss niya na as usual walang reaksiyon habang nakaupo sa swivel chair.

Nag-iwas naman ng tingin si Aika. "Put me down." aniya.

Du'n naman natauhan si Marcus at maingat siyang ibinaba. Inayos ni Aika ang sarili at nakatungong naglakad ng paika ika sa harapan ng Boss niya.

Shit! Nakakahiya!

"P-Pinatawag mo daw ako, B-Boss." ani ni Aika habang nakayuko pa rin. Maraming mata ang nakatingin sakaniya.

"Yes." ani ng kaniyang Boss sa malamig na tono.

Nag-angat na ng tingin si Aika at sinalubong ang malamig na tingin ng Boss niya.

"Why?"

Ngumisi ito at may papel na iniabot sa harapan niya. Kunot noong tinignan ni Aika ang papel sa harapan.

"What's that for?" naguguluhan niyang tanong.

"Open it." anito at sumandal sa swivel chair.

Tinapunan niya ito ng nagtatakang tingin bago inabot ang papel saka binuksan.

Halos manlaki ang mata ni Aika sa nakikita.

No. Freaking. Way.

Tumingin si Aika sa Boss niya. "Is this real?" tanong niya.

Ngumisi ang Boss niya saka dahan dahang tumango. "Welcome to the real hell world, Aika." saad nito.

---
051819

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro